PAGLILINAW:
Hindi ako naniniwala sa multo (weh?). Ang multo ay na sa isip ng tao. Pero minsan kapag nakakapanood ako ng mga magagandang horror movies --- i.e. The Others, The Sixth Sense, The Eye --- o nakakabasa ng mga nakakatakot na nobela, hindi ko maiwasan ang mapalingon sa aking likuran lalo na kapag nagsisipilyo ako mag-isa sa gabi bago matulog (Hehehehe..,).
December 2009 - tahimik ang buong bahay.
Nangyari ito noong year 2009. Gabi na noon at malakas ang ulan sa labas. Tahimik ang eskinita namin dahil wala yung mga maiingay na tambay. Sarap magbasa ng libro. At sa lahat ba naman ng pwedeng basahin, yun pang "Dracula" ni Bram Stoker ang napili kong pag-tripan. Pinatay ko ang T.V. dahil wala namang kwenta ang palabas. Inumpisahan ko sa chapter 1 at bago ko pa nalaman dalawang oras na pala ang lumipas simula ng buklatin ko ang aklat. Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya bumaba muna ako sa kusina para gumawa ng sandwich at kape. Wala na palang kape. Nalimutan kong paalalahanan si Mama na bumili kaya yung green tea na lang ang aking pinagtiyagaan. Exciting yung novel at ayokong ma-miss ang bawat segundo kaya bitbit ang sandwich at ang tasa ng green tea, nagmadali akong umakyat ulit sa taas. Doon ko siya unang nakita. Isang lalaki ang nakasalubong kong nakatambay sa may pintuan ng aming teris (terrace - para sa mga pasosyal). Nakataikod siya at nakayuko, mukhang may tinetext. Naisip ko na siya siguro yung kamag-anak ng kasambahay namin na dumating noong umaga. Mag-o-overnight lang daw sa amin at aalis din naman kaagad kinabukasan kaya pumayag na rin si Mama na sa amin siya mag-stay. Meron akong bagay na bigla kong napansin sa kanya na di ko mawari noong una. Di ko rin siya masyadong maanigan dahil pundido ang ilaw sa aming hagdan. Sa pagmamadali, binalewala ko na lang ang anumang tanong meron ang kokote ko at agad akong dumiretso sa aking kuwarto para ipagpatuloy ang pagbabasa kay Dracula.
Marami akong natutunan sa mga bampira (yung original na bampira at hindi yung nasa "Twilight"). Ayon sa author ang mga vampires ay:
- Walang reflection.
- Kaya nilang magpalit-anyo tulad ng paniki o malaking aso.
- Puwede rin nilang gawing "mist" ang sarili nila at lumusot sa mga siwang ng pintuan at bintana (kawawang biktima, walang kawala).
- Gumaganda at pumopogi ang isang tao kapag nasa kalagitnaan sila ng proseso ng pagiging bampira. Kaya kapag may bumati sa'yo ng "Uy, gumaganda tayo ngayon ha!" o "Mukhang blooming ka ngayon!", matakot ka na.
- Sa gabi lang sila lumalabas. Allergic sila sa araw di tulad ng mga bampira sa "Twilight" na kumikinang ang balat kapag nasisinagan ng liwanag.
- Kung gusto mong gawing hobby ang pangha-hunting sa mga bampira, kakailanganin mo ang GPS liocator o kaya Google maps para sila ay mahanap. Matatalino ang mga bampira. Kapag nararamdaman na nila na papalapit na ng papalapit ang mga gustong pumatay sa kanila, agad silang lumilipat ng lungga.
- Ang tanging paraan para tuluyang mamatay ang isang bampira ay kung tutuhugin mo ng wooden stake ang puso niya at sasalpakan mo ng sangkatutak na bawang ang bibig nila. Puwede mo rin silang mapuksa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanilang puso gamit ang "silver bullet" (ewan ko kung bakit kailangan pang gawa sa specific type of metal yung bala). Takot din sila sa crucifix. Ito kasi ang version nila ng "Off Lotion"
Nasa kasarapan na ako ng pagbabasa ng may kumatok sa pintuan. Tinatamad na binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harapan ko ang lalakeng kanina lang ay nakasalubong ko sa may pintuan ng teris. Nakatalikod pa rin siya at nakayuko. Tinanong ko, "Ano po yun?". Walang sagot. "Ano po yun?", ulit ko sa kanya. Wala pa rin imik. Tatanungin ko pa sana ulit kaso naglakad na siya palayo at narinig ko na lang na pumasok siya sa kuwarto ng kasambahay namin. Ewan ko pero talagang may pamilyar sa kanya na pilit umuukilkil sa utak ko pero kahit anong hagilap ko ay hindi ko makita ang sagot.
Inabala ko muli ang sarili sa pagbabasa. Nandoon na ako sa exciting na part ng biglang lumakas ang ulan. Napabangon ako pansamantala para ipinid ang bintanang kanina pa ay pilit binabayo ng hangin. Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang may kumatok muli sa aking pintuan. Akala ko si Mama, mangungulit lang kung na-lock ko na ba ang pintuan sa baba. Pero mali ako. Naroon ulit sa harapan ko ang lalake na kani-kanina lang ay kinatok ako. Pareho pa rin --- nakatalikod at nakayuko. Hinintay ko siya pero wala akong boses na narinig. Sa pagkakataong iyon, mas nakita ko na siya ng klaro. Kasing tangkad ko pala siya at nakasuot siya ng puting t-shirt at kupas na grey short. Ang likod at batok niya ay nagpapaalala sa akin ng kung sino na mula sa kung saan pero hindi ko talaga matandaan. Tatanungin ko sana kung ano ang kailangan niya at bakit katok siya ng katok sa pinto ko ang kaso, gaya ng nauna, tahimik siyang lumakad palayo at bumalik sa kuwartong tinutuluyan ng kasambahay namin.
Ang weird.
Sinara ko ang pintuan at muling bumalik sa pagbabasa. Exciting! pupunta na ang tropa ni Jonathan at Mina Harker kasama si Van Helsing sa kastilyo ni Dracula sa Transylvania para puksain ito. Konti na lang sana at matatapos ko na ang nobela ng bandang 1:15 am ( tinignan ko muna yung alarm clock bago bumangon), muling kumatok yung lalakeng makulit.
"Ah, ano po yun?" , tanong ko. Medyo may konting inis (konti lang naman) ang boses ko. Nakatalikod pa rin siya at nakayuko.
Walang sagot.
Lumakad lang siya ulit doon sa kuwarto ng kasambahay namin at doon pumasok. Nagsimula na akong maghinala. Di kaya kawatan yung kamag-anak ng kasambahay namin at sinu-surveillance lang kami?
Tumigil na ang ulan. Para presko, binuksan ko muna ang bintana ng kuwarto at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Malamok. Sobrang malamok. Para bang pagkatapos ng ulan, nagpiyesta ang lahat ng lamok sa buong mundo at dumagsa sa kuwarto ko para gawin akong pulutan. Bakit ba kung kelan malapit ko nang matapos ang nobela ay saka naman lalong tumitindi ang istorbo. Kinamot ko ng kinamot ang mga kagat kaya tumindi rin ng tumindi ang kati. Hindi ko na matiis ang pangangati kaya sa huling pagkakataon, bumangon ako at nagtungo sa kuwarto ng kasambahay namin para manghiram ng "Katinko" ointment.
Tok... tok.... tok....
walang sumagot.
Tok.... tok..... tok....
wala pa rin.
Huling beses,
Tok... tok..., tok...,
wala talaga.
Pinihit ko ang trangkahan at nalaman ko na hindi pala ito naka-lock. "Ate Tess, peram ako ng katinko", sabi ko. Pumasok ako. Walang ilaw at sobrang dilim sa loob kaya pinindot ko ang switch ng ilaw at natagpuan ang sarili na nagsasalita sa kawalan.
WALANG TAO SA KUWARTO.
Ang salitang "kilabot" ay undestatement para sa akin noong mga oras na iyon. Bigla ko na lang naalala na hindi nga pala sa bahay namin matutulog yung kasambahay namin at ang bisitang kamag-anak niya. Umuwi sila ng Pasay.
Takbo ako ngayon sa kuwarto ni Mama. Pilt kong pinakalma ang sarili at pagkatapos lumabas ako at tsinek ang bawat sulok ng bahay. Ang nasa isip ko ay baka napasok na kami ng magnanakaw. Hawak ang dustpan, sinaliksik ko ang paligid --- wala. Sinubukan kong i-recall ang itsura ng "magnanakaw" para alam ko ang sasabihin ko sa mga pulis kinabukasan.
Puting t-shirt - check
Kupas na grey short - check
Kasing-tangkad ko - check
Pamilyar na batok at likod - check
Pamilyar na lakad - check
BINGO!
Si Papa.
Ang bad news, 12 years na siyang patay.
Kaya pala pamilyar sa akin ang paglalakad pati yung batok at likod. Ang puting t-shirt at grey short pants ang huling suot niya ng isugod siya sa ospital. Yun ang huling suot niya noong buhay pa siya or rather yun ang huling suot niya noong siya ay mamatay.
Para akong siraulong hinahabol ng baliw na aso na nagtatakbo sa kuwarto ni Mama. Ipininid ko ang pintuan, pinindot ang switch ng ilaw at tumakbo sa banig na katabi ng katreng hinihigaan niya. "Ano yun ha?", napabalikwas ng bangon si Mama. Hindi ako nakasagot.
Pagkaraan ng ilang oras ng panginginig at paulit-ulit na pagsasadula ng nangyari sa aking isipan habang ako'y nasa higaan, nakatulog din ako. Kinaumagahan, nagising ako hindi sa kuwarto ni Mama kundi sa kuwarto ko. Pero...
Paano nangyari yun?
Baka panaginip lang ang lahat?
Guni-guni?
Ilusyon?
Baka nasobrahan lang ako ng kababasa kay Dracula?
O baka sumobra lang ang lagay ko ng hair wax noong araw na yun kaya pati pag-iisip ko ay naapektuhan?
Hindi ko pa nasasagot ang tanong ko ng muling may kumatok sa aking pintuan. Pero, salamat sa diyos, this time, si Mama na ang tumambad sa aking harapan.
"Agahan mo ang uwi mo mamaya ha", sabi ni Mama.
"Bakit Ma?", tanong ko.
"Ano ka ba, dadaan pa tayong Manila Memorial mamaya. Death Anniversary ng Papa mo".
Nanindig ang aking balahibo.