Vajk ang unang pangalan na ibinigay ni Prince Geza at Sarlot sa kanilang bagong silang na anak sa pag-aakalang ito ay cute sa pandinig. Pero taliwas dito ang pananaw ni Saint Adelbert of Prague kaya naman bininyagan niya ang malusog na sanggol ng bagong pangalan.
Stephen.
Hango ito sa pangalan ni St. Stephen na isa sa mga apostol ni Jesus. Nangangahulugan itong "crown" at "norm or standard" naman sa salitang Hebrew.
Nang magbinata si Stephen, nagpatawag ng meeting de abanse ang erpat niya sa kanyang mga nasasakupan para sabihing si Stephen ang kanyang magiging susunod na tagapagmana kahit alam niyang labag iyon sa kanilang tradisyon. Ayon kasi sa matandang napagkasunduan, ang pinakamatanda at ang pinakamalapit na kamag-anak lamang ang siyang dapat umupo sa trono.
Okay lang naman yun sa ating bida tutal wala pa naman sa isip niya ang maging hari at pasanin ang mga mabibigat na responsibilidad na kaakibat nito kaya naman hindi niya ito pinansin noong una. Nagpatuloy siya sa pagiging buhay binata. Gabi-gabi siyang umiinom at nagka-club hopping. Naging abala siya sa ibat-ibang activities tulad ng hunting, wind surfing at sky diving. Lagi rin siyang nakikipag-chat sa internet kung saan nakilala niya ang kanyang mapapangasawa na si Giselle of Bavaria. Nagpakasal din sila kinalaunan at dahil dito, automatically, naging bayaw ni Stephen si Henry II , ang future emperor ng Holy Roman Empire.
Namatay ang erpat ni Stephen at napilitan siyang harapin na ang kanyang destiny. Tumutol bigla ang tiyo niya na si Koppany. "Anak ng putcha naman 'tong kapatid ko! Ang labo kausap. Ako dapat ang susunod na hari", sabi ni Koppany habang tumitira ng gin bulag. Tama naman si Koppany dahil yun ang nakasaad sa batas pero nagmatigas si Stephen. Hindi siya makakapayag na isang pagano lamang ang mamuno sa buong Hungary. Para kasi sa kanya, siya ang naatasan ng diyos na itaguyod at protektahan ang Kristiyanismo sa kanilang bansa.
So, anong nangyari?
Nagtuos sila sa Veszprem kung saan siya ang lumabas na panalo. Malaki rin ang tulong na naiambag ng mga Germans na kababayan ng asawa niya sa kanyang tagumpay at dahil dito lumawak pa lalo ang kanyang impluwensya all over Transdanubia. Pero kahit na siya na ang iprinoklamang hari, may ilang bahagi pa rin ng Hungary ang ayaw sa kanya. Kaya bilang ganti sa mga suwail, pinutulan ni Stephen ng libreng Wi-Fi connection ang mga naturang lugar.
Bilang "thank you" sa pagtatanggol ni Stephen sa Kristiyanismo, binigyan ni Pope Silvester II, sa abiso na rin ni Otto II, Emperor ng Holy Roman Empire , ng koronang ginto na tadtad ng diyamante at sangkaterbang "bling-bling" ang bagong hirang na hari. Sinisimbolo rin ng koronang ito ang kalayaan ng Hungary mula sa emperyo ng Roma.
Sobrang saya ni Stephen kaya kinagabihan, nag-hire siya ng DJ fresh from the US of A para magpa-party. Pagkatapos ng piging, nang makaalis na ang lahat ng mga bisita,nagdasal siya kay Virgin mary at inialay ang kanyang korona kapalit ng patnubay nito sa kanyang mga nasasakupan.
ANG UNANG HARI NG HUNGARY: SINO ANG ORIGINAL AT SINO ANG PIRATED?
Malabo pa sa tubig ng ilog Pasig ang history book ng Hungary. Wala talagang eksaktong nakakaalam kung sino ba talaga ang naging unang hari, kung si Atilla The Hun ba o si Stephen. Gayunpaman, ayon sa librong 'REMONSTRANCES TO EMERICK' ni Stephen, sinabi niya sa kanyang anak ang mga katagang: "Regale Ormamentum Scito. Esse maximim: Sequi Antecessores reges et honestes imitari parentos"
TRANSLATION: The greatest deed for the kingdom is to follow the old kings and to imitate parents. (*nosebleed*)
Maaring ang "old kings" na tinutukoy dito ni Stephen ay si Attila The Hun at Nimrod. Dahil dito, lumalabas na hindi talaga si Stephen ang orihinal na arkitekto ng kanilang konstitusyon kundi ang kanyang mga sinundan.
TARA NA AT TAYO'Y MANAKOP!
Hindi nakontento si Stephen. Isa sa mga favorite motto niya sa buhay ay ang "The More The Merrier" kaya pinagmartsa niya ang kanyang mga sundalo sa Transylvania. Nagdeklara siya doon ng giyera laban sa lider nilang si Gyula ( tito niya on the mother side) at nagtuloy-tuloy sila sa Matra region. Ang leader ng region na yun ay si Samuel Aba at ayaw niya ng trobol kaya mabilis pa sa alas-kuwatro, pumirma agad siya ng peace pact at syinota, and later on, inasawa ang utol ni Stephen.
Mahigpit ang naging pamumuno ni Stephen lalo na pagdating sa relihiyon. Siya ang Lee Kuan Yew, Mahathir Mohammad at Deng Xiaoping rolled into one. Ipinabuwag niya ang lahat ng paganong paniniwala at gumawa ng sari-saring batas laban dito. Ipinagutos niya na magtayo ng simbahan ang bawat sampung villages sa kanilang lugar. Tineks niya ang mga dayuhang pari at inimbitahan sila na tulungan siya na palaganapin ang Christianity sa buong Hungary. Ilan sa mga nag-reply ay sina St. Astricus na naging adviser niya at si St. Gerard Sagredo na naging tutor ng kanyang junior na si Emeric.
Pagkatapos ng kanyang koronasyon, nagtatag si Stephen ng iba't ibang parokya sa Veszprem, Gyor, Kalocsa, Vac at Bihar. Nagtayo din siya ng main bra nch sa Esztergom at nag-set up ng ecclesiastical organization (kung ano man yun) malaya sa kontrol ng mga arsobispong Aleman.
In the end, nabuo ni Stephen ang kanyang puzzle nang sakupin niya ang Banat. Tinalo niya doon ang pagan chieftain nila na si Ajtony sa isang mala-flip top rap showdown. Umuwing basag si Ajtony at nagtago sa ilalim ng kama sa sobrang kahihiyan at di na muling nagpakita kailanman. Para lalong ipamukha kay Ajtony kung sino ba talaga ang master rapper sa Banat, itinayo doon ni Stephen ang Diocese of Csanad.
USAPING PANLABAS
Nagpatuloy ang kampihan nila Stephen at ng bayaw niyang si Henry II. Ginangbang nila ang buong Poland. Napasakamay nila ang Morava at Van Rivers. Dahil wasak na wasak ang moral ng leader nilang si Prince Boleslaw I, sapilitan siyang napapirma sa Peace of Bautzen noong 1018. Isinasaad din doon na kailangan niyang isuko ang iba pa nilang teritoryo at pinagbwalan na rin siyang manuod ng mga japanese anime at makinig sa K-pop music.
Natapos ang alliance ni Stepehen sa mga Aleman noong namatay si Henry II. Kasabay noon, nagwakas na rin ang pakikipagkaibigan niya sa Holy Roman Empire. Ang bago nilang hari na si Conrad II ay idineklarang sakop na ng kanyang pamamahala ang buong kaharian ng Hungary. Sa inis, pinabalik niya ang anak niyang si Emeric na noon ay masayang nanonood ng Harry Potter and the Deathly Hollows sa IMAX theater sa Roma. Noong 1030, inambush ni Stephen si Bishop Werner, ang envoy ni emperor Conrad II. Rumesbak ang emperor pero mas wais ang mga kawal ni pareng Stephen at lahat sila ay nalupig.
Wa epek ang lahat ng pagtatangka ni Conrad II para pabagsakin si Stephen kaya noong 1031, pumirma siya sa isang kasunduang pangkapayapaan at isinuko ang ilang teritoryo tulad ng Leitha at Fischa Rivers.
ANG TAKIP SILIM
Paglipas ng ilang taon, napagod din si Stephen sa walang katapusang digmaan. Ayaw na niyang mag-shower sa dugo ng mga sundalong napapaslang. Sukang-suka na siya sa mga nakakalat na lamng-loob na pinag-aagawan ng mga daga. Mas ginusto pa niya ang magsimba palagi, kumain ng ostiya at manood ng mga DVD ni Steven Seagal at Lito Lapid (favorite movie of all time niya ang Leon Cordero). Ipinasa niya ang korona kay Emeric na sa kamalas-malasan naman ay ay namatay sa isang aksidente habang nangangaso. Imbes kasi na usa, sarili niya ang kanyang napana.
Na-depress si pareng Stephen. "Lord, bakit ako pa?" tanong niya sa Diyos, "Ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo". Simula noon, nagkulong siya sa kuwarto at nagmukmok. Tinigilan na niya ang panunuod kay Steven Segal at Lito Lapid. Hindi na rin siya nakikipila ng pagkatagal-tagal para lang makapasok sa studio ng Wiltime Bigtime. Palagi na siyang natatalo sa Dota at Plants and Zombies. Hindi na niya ina-update ang status niya sa facebook at wala nang bagong twitts na lumalabas sa kanyang twitter account. Wala na siyang gana sa buhay gaya ng wala na siyang ganang magbasa ng mga jejemon text jokes. Sa katagalan, nagkaroon siya ng almoranas at dinapuan ng malubhang sakit. Lalong tumindi ang pangangailangan ng mga alagad ni Stephen na makahanap ng kanyang replacement. Bukod kasi kay Emeric, wala na siyang natitirang tagapagmana.
"Ako! hindi ako busy. Puwede akong maging hari!" sigaw ni Duke Vazul, pinsan ni Stepehen, nang marinig niya ang balita habang nakapila sa tayaan ng lotto. Pero walang bilib si Stephen sa kanya dahil sa suspetsang isa siyang die-hard pagano at fan ni Dante Varona na karibal ng idol niyang si Lito Lapid. Nasaktan ang ego ni Duke Vazul kaya nagplano siya ng assasination plot para tuluyan ng itumba si Stephen. Ang kaso, alerto masyado ang mga guardian angels ni Stephen kaya agad siyang nabuko. Bilang parusa sa kanyang kataksilan, ipinadukot ni Stephen ang mga mata niya at binuhusan ng tinunaw na bakal ang magkabila niyang tenga. OUCH!
Isang araw, dinalaw siya ng kanyang facebook friend na si St. Istvan habang siya ay nasa banig ng karamdaman. Doon itinaas ni St. Istvan ang korona ni Stephen kay Virgin Mary at hiniling na ingatan niya ang buong kingdom ng Hungary hanggang sa makapili ito ng susunod na lider.
Inabutan ng expiration date si Stephen sa mismong kapistahan ng pagpanaog ni Maria sa langit (feast of the assumption) noong August 15, 1035.nagluksa ang kanyang mga kababayan at naging madilim ang outlook nila sa buhay for the next 3 years.
ANG PAMANA
Nakakita rin sila ng susunod na hari sa katauhan ng pamangkin niyang si Peter Ursuelo pero gusto ring umepal ng bayaw niyang si Samuel Aba kaya siyam na taon na naman ng digmaan ang naganap. Nang mawala na ang usok at amoy ng pulbura, si Andrew I, ang isa pang pinsan ng hari ang natirang nakatayo at kinoronahan bilang number 1 man sa buong kaharian. Muling binuhay ng bagong hari ang Arpad Dynasty.
maraming milagro ang nangyari sa pagkamatay ni Stephen. Libo-libong mga pilgrims ang pumupunta sa puntod niya para lang ma-experience ang mga himalang iyon. May mga bulag na nakakakita; may mga pilay na nakakalakad; may mga lalakeng naging babae; may mga gumaling sa sakit; at may mga congressman na tumigil na sa pagnanakaw sa kabang yaman ng bayan.
Noong 1083, idineklara siyang santo, officially, ni Pope Gregory VII kasama ng anak niyang si Emeric (Naks, bigtime na!). Siya ngayon ang official saint ng mga hari, mga batang naghihingalo, masons, stonecutters at bricklayers.
Ang kanyang kanang kamay aka The Holy Right ay hndi nabulok at itinago bilang holy relic. Noong una, pinagpasa-pasahan ito sa pagitan ng mga maharlika at mga konyo sa buong europa. May mga balitang umabot pa ito sa Alabang at Valle Verde. Pero sa paghahangad na maprotektahan ito ng mas maayos, nagpatayo sila ng isang bayan (OO, ISANG BUONG BAYAN!) na walang ibang gagawin kundi bantayan 24/7 ang mahiwagang kamay. Tinawag nila ang bayang iyon na "Szent Jobb" o Holy Right sa salitang Transylvanian.
Ang korona naman ni Stephen ay inilipad sa US noong 1945 for safekeeping. Itinago ito sa Fort Knox (kung saan naka-lock lahat ang nakareserbang ginto ng Amerika at isa sa mga pinakaguwardiyadong lugar sa mundo). Isang maulang hapon, habang humihigop ng ampalaya tea, naisip na lang bigla ni President Carter na ibalik na sa mga Hungarians ang pagbabantay sa korona. Ngayon naging tourist attraction na ito at naka-display sa Hungarian Parliament Building since 2000.
At yan mga bata ang madugo at makulay na buhay ni St. Stephen I, ang unag hari at patron ng Hungary.
Ipinasa ni Wah Tu Sy