"Palagi kong tinatanong sa aking sarili ang mga bagay na ito? Anu nga bang nahihita ng isang tao sa pagpatol niya sa komplikadong sitwasyon na nangyayari sa kanyang buhay? Bakit nga ba simula pa nuon naghahanap na ako ng tanong sa mga bagay na hindi ko naman tinatanong?, naghihintay ng meron sa wala. Basta eh anung magagawa ko, bahala na si batman.Ang mahalaga masaya ako sa ganitong sitwasyon namin ni Allan. Ang tanong, masaya ba talaga ako?"
Ako si Daniela, tawagin nyo na lang akong Ella. Nabubuhay at sapat namang napapakain ko ang aking sarili sa pagtrabtrabaho bilang event organizer ng mga underground gigs ng mga banda. Hindi na rin masama. Tahimik lang akong tao, simple lang. Yung tipong magkakaroon ng onting kulit sa katawan kapag medyo tinamaan ng ispirito ng mahabaging alak.Masyado kong ginugugol ang oras ko sa ganitong gawain. Dito na ako nasanay eh.
Isang grupo kami ng mga organizers o Production kung tawagin. Inumpisahan naming itayo ito ni Niel, yung tropa kong super close na parang utol ko na. Dito ko nakilala si Allan. Kapwa ko siya member ng Production.Di kalaunan naging kaibigan ko na din. Saktong normal lang ang lahat ng bagay. Hindi ako mahilig makihalubilo sa kanila kapag walang trabaho. In short k.j ako. Pag may mga happenings kahit anu pang birthday hindi ako sumasama. Manang na nga tawag nila sakin eh. Masyado daw akong conservative.
Ilang taon na rin kaming magkakasama, ayus naman ang lahat. Pero sa tinagal tagal na panahon si Niel lang talaga ang nakakaalam ng contact # ko. Sa kanilang lahat siya lang din ang nakakaalam kung saan ako nakatira. Madamot ako, ayaw kong nagpapapunta ng kung sino sino sa apartment ko. Isang malupit na bilin ko kay Niel na wag sasabihin kahit kanino ang mga impormasyon sa akin. Mas mabuti naring nagiingat.
Dito nagumpisa ang lahat.December 18,2009 Christmas party ng grupo. Wala akong choice kung hindi pumunta. Pano ba naman kasi tong si Niel halos kaladkarin ako sa bar para lang sumama. Iritado talaga ko sa pakikipagdaldalan tungkol sa kung anu anu mang issue ng kung sino at marami pang bagay. At dahil wala na rin naman akong choice, nagpaka anti-social na naman ako sa sulok. Umorder ng isang bucket ng beer. At umupo sa dulong mesa malayo sa stage. Gusto ko kasing umiwas sa maraming tao. Katwiran ko kasi na hindi naman trabaho ang pinunta ko ngayong araw ditto. May kalakasan akong uminom, kung kaya naman hindi na ako dapat pang magalok ng beer upang samahan akong uminom.
“Would you mind if I join you here?” , nakangiting bungad ni Allan.Siya ang best friend ni Niel since highschool pero ni kahit minsan hindi ko pinagkaabalahang pagsayangan ng oras.Iritable din kasi ako sa mga lalake. Ayaw ko ng manliligaw.Bukod kay Niel wala ng ibang lalakeng nakakalapit sa akin. Hithit sabay buga ng usok, anu namang isasagot ko dito sa mokong na to. Istorbo, kaasar! “Sure, have a seat”, anu pa nga bang choice ko alangan namang ipahiya ko pa ang isang to. Sa totoo lang siya lang naglakas loob na lumapit sa akin. “Beer, gusto mo? Inalok ko na din nakakahiya namang nakaupo lang siya habang ako tungga ng tungga ng alak. “Kamusta? masyado kang tahimik ah”. “Ah, wala ayaw ko lang talagang makipagdaldalan sa kanila”, sabay tawa. “Enjoy ka lang dito, anu kaba! hindi ka naman kakainin ng mga iyan eh”, ngingiti ngiting tugon niya. “Hindi sige na ok lang ako dito,ayaw ko lang talaga”. Ah ganun ba, pahingi naman ako ng # mo dude? Ikaw na lang kasi kulang kong contact sa lahat! Sabi kasi ni Niel sayo ko daw kunin eh”, habang inaabot ang cellphone niya sa akin. Nakakarami na talaga tong mokong na to. Bakit ba inilalagay niya ako sa sitwasyong alanganin na wala na akong pagpipilian. Nakakaasar talaga. Ending binigay ko na lang no choice eh.”Sige ah duon muna ko sa kabila, balikan kita ulit mamaya!”
Istorbo ng gabi ang isang yon, inubos ko pa ang isang beer at nagpasya ng umalis. Mahirap na at nagkakalasingan, baka balikan niya pa ako dito. Nagpasya na akong umuwi, isa pa lasing na rin talaga ako. Hindi na ako nagpaalam kay Niel kasi paniguradong hindi na naman niya ako papayagan. Tinext ko na lang siya pagdating ko sa aking unit. Tahimik, sa wakas maari na din akong magpahinga. Saktong patulog na ako ng biglang nagring pa ang cellphone ko. Sino naman kaya itong unfamiliar na number na to?, sinagot ko at pinakinggang ang boses ng tao sa kabilang linya.” Hello si Allan to!” Ibababa ko na sana ng biglang, “Naiwan ko yung Organizer of Activities mo!, mukang mahalaga to sayo kaya dinampot ko na lang.”. Shit sa dinami dami pa naman ng maiiwan ko bakit yun pa.
Pesteng buhay nga naman to, pag minamalas ka nga naman oh! Dali dali akong nagbihis at muling lumabas. Nakakaasar talaga nagkaroon pa ako ng utang na loob sa lalakeng yun. No choice akong puntahan kung nasan man siya kahit susuray suray nako sa kalasingan. Dali dali akong sumugod sa Jolibee fastfood chain na sinabi niyang nandon siya.Naloko na, para talaga kaming nagdadate neto. Kasi naman wala akong karapatang tumaggi. Utang na loob ko pa tuloy. Kumain lang kami sandali pagkatapos nagpasya ng umuwi. "Hatid na kita, mukang di na maganda tama ng alak sayo eh?", nagsasabi siya ng totoo lasing na talaga ko. "Ah, wag na kaya ko naman eh", pagtayo ko muntik na akong tumumba thank God nasalo niya ako. Pagsalo niya sa akin, unti unti ng nagdilim ang paligid.Tuluyan na akong nawalan ng malay.
Kung meron mang nagtyatyaga sa isang komplikadong sitwasyon?, malamang ako na yun. Masarap ang bawal ika ng nakararami. Bakit pinipilit ko paring lumugar sa hindi ko naman kinalalagyan. Ganito talaga siguro kapag friends with benefit lang. Masaya na ako sa pakiramdam, na sana tuwing magkasama kami hindi na matapos ang mga oras na yun. Sana hindi na matapos ang komplikadong bagay na ito.Ang hirap pala pag walang commitment, walang kasiguraduhan sa nararamdaman at kung hanggang kelan.Hanggang kelan ko matatagalang labanan si tadhana? ♪♫♪♫What the hell am I doing here?, I don't belong here!!! ♪♫♪♫ Creep,nagising ako sa lakas ng tunog ng speakers ng kapit bahay ng alas singko ng madaling araw. Ang sakit ng ulo ko,badtrip.Akma akong babangon,upang buksan ang ilaw.Pagtayo ko, nagulat ako dahil wala pala akong saplot. Naloko na, nasan ba ako? Naguumpisa na akong mabalisa ng maaninagan ko si Allan.Natutulog sa tabi ko.Dali dali ko syang sinuntok upang magising. "You bitch head,bakit ako nandito sa kwarto mo? At bakit ako nakahubad, walangya ka!",patuloy ako sa pagsuntok sa kanyang dibdib, kahit wala naman akong laban."Lasing na lasing ka kagabi hindi mo ba naalala?Hindi bat ikaw naman nagumpisa bat tayo nakahubad ngayon?",sandali ako natahimik.Tama ang tinuran ng mokong lasing na lasing nga ako at malamang gumawa na naman ako ng mga wirdong bagay."Buksan mo yung ilaw!".Pagkabukas ng ilaw dali dali na akong nagbihis."Uuwi na ako!",pakiramdam ko lulubog nako sa kinatatayuan ko ng mga oras na yon."Maghunos dili ka Ella, ihahatid na kita pauwi delikado pa sa labas madaling araw palang oh!Don't worry i won't tell this to anyone".Nakangiti lang ang mokong, alam ko totoo kasalanan ko naman talaga yung nangyari aminado na ako.Ang totoo talaga nyan bangag talaga ko,nakasindi pa ako ng weed bago ko pumunta sa inumang yon.Yan tuloy napala ko.
Dala ng pagkabangag o init ng katawan? Hindi ko rin alam, pero simula noon napadalas na ang pagkikita namin ni Allan.Naging close kami,at ngayon mas madalas ko na siyang kasama kesa kay Niel.Itinago namin ang aming relasyon, o kung relasyon nga bang matatawag tong pinasok ko.Wala kaming lisensya ni Allan.Wala petsa,walang tawagan,walang sabihan ng I love you o kung anu pa man. Basta sweet kami pag nasa kama.Kapag naman nasa labas tahimik lang kami.Naglalakad, at nagsasalita ng normal.Minsan nakakahalata narin si Niel,pero tinatanggi ko na lang.Masaya naman yung ganito eh, parang kami na hindi. Minsan, gusto ko na rin siyang tanungin eh.Minsan nagiging masama na rin yung naiisip ko,na baka ginagawa niya lang akong parausan.Pero hindi eh, i love you lang ang mga salitang hindi namumutawi sa aming mga labi."Kita naman tayo somewhere,I miss you",nagtext na naman siya.Ayaw kong kiligin, kahit alam ko sa sarili kong kinikilig ako.Ayaw kong umasa,baka masaktan lang ako sa huli.Bahala na talaga si batman kung hanggang kailan kami ganito.Ang importante gusto ko yung pakiramdam na to ngayon, kung pagibig nga ba itong maituturing.
"Ma, si Ella nga pala Girlfriend ko!".Natulala ako sa tinuran ng mokong.Hindi naman niya ko girlfriend.Wala naman akong magawa kungdi magpanggap na lang. Sino nga naman bang baliw na nanay ang papayag na magpapasok ng babae ang anak niyang lalake sa kwarto nito kung hindi naman sila magkasintahan."Magandang hapon po tita!",sabay abot ng kamay nito upang magmano.Ugali ko na ito sa kahit na sinong magulang ng aking mga kaibigan."Iha pagpasensyahan mo na itong bahay namin ah.Alam mo ba ikaw pa lang ang pinapakilalang babae sa aking netong si Allan.Natutuwa ako at sa wakas naman ay umibig na tong batang to.Dito kana matulog paghahanda ko kayo ng makakain".Anu daw? totoo ba yung narinig ko.Mejo tulala pa ako ng bigla akong hatakin ni Allan sa kwarto niya.Gera na naman to malamang!"Bakit mo sinabi sa mama mo na gf mo ko?",tanong ko sa kanya habang naghahanap ng tshirt na ipapasuot sa akin."Hayaan mo na,para hindi na rin magisip si mama ng kung ano ano!",sabay yakap sakin pahiga sa kama.At nangyari na ang inaasahan.Halikan dito halikan duon.Harutan duon haruan dito.Hanggang sa mapagod at makatulog na kaming dalawa ng magkayakap."Tol,tulog na tayo
Matagal tagal na ring ganito ang sitwasyon namin ni Allan.Hindi ko masabi kung anu ba talagang meron kami.Close ko na ang buong pamilya niya,nagluluto pa ako nga ako everysunday sa kanila.Si Niel nalang talaga kulang.Una palang siya talaga ang taong dapat na concern sa mga nangyayari,hindi ko narin kasi maipaliwanag kung anu ba talaga tong nararamdaman ko.Ni kahit na minsan hindi ako nagkaroon ng chance para magtanong kung mahal niya ba ako.Naguguluhan narin ako,at nababalisa.Hanggang sa hindi ko na nakayanan.Kinailangan kong hingin ang opinyon ng isang matalik na kaibigan.Nagkita kami ni Niel sa isang lugar inuman."Anu ba naman yan tol,bat ka pumayag,hindi ka nga pumapasok sa relasyong gf,bf pero tinalo mo ang friendship with benefits status.Tigilan mo na yan,kalokohan yan.Hindi naiiinlove si Allan.Walang konsepto ng pagmamahal yang taong yan.Ella,nakikinig kaba?".Tulala na ako ng mga oras na iyon.Hindi ko rin alam kung anung isasagot ko kay Niel,tila ba may parte ang puso ko na bahagyang kumikirot.Hindi ko maipaliwanag."O baka naman mahal mo na?".Tumigil ka nga,hindi ako pwedeng mainlove kay Allan,init lang ng katawan yun dude.Sabay lagok sa boteng kanina ko pa karamay sa hapdi na nararamdaman ko.
Tunog ng kaskas ng gitara, ♪♫♪♫But I'm a creep,I'm a wierdo,what the hell am I doing here?,I don't belong here! ♪♫♪♫Sabay ang magkakasabay ng buntong hininga ang paghithit ng nakakalasong sigarilyo.Hindi alam ni Allan na nabanggit ko kay Niel ang bagay na iyon.Naniniwala parin siya na sikreto parin ang lahat sa amin.Nasaktan ako sa mga salitang binitiwan ni Niel.Bakit kailangan niyang iparamdam sakin na mahal niya ako kung hindi naman pala talaga.Nababaliw na ata ako,walang araw na hindi ko inisip.Nakikita ko at pinapangarap si Allan sa aking hinaharap.Kahit na pilit kong itago,eh nagpupumilit parin itong lumabas sa dibdib ko.Ginambala ako ng isang nakakaulul na text mula kay Niel."Bruha,magkainuman kami ngayon ng kalaro mo!",sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan.Anung pinaguusapan nyo ni Allan? Patuloy ang kabog na dibdib ko sa pangambang baka malaman ni Allan na sinabi ko kay Niel ang tungkol sa amin."May sinabi sya sa akin tol,at baka hindi ka maniwala".Rule # 1 : Kahit gaano kasweet bawal mainlove. Anung klaseng laro naba tong pinasok ko? Hindi naman ako kagandahan para maging another bitch kid in town. Tinamaan ng lintik. Bakit ba ako pumayag? Hindi naman ako nagsisisi. Mukang talo na ata ako. Bakit mo papangaraping makasama ang isang taong makasama araw araw tuwing paggising mo sa umaga. Pahamak talaga tong si Kupido. Tingin ko nagkamali lang siya ng pagasinta,baka pwede ko pang bawiin. Baka naman nagjojoke lang, utang na loob iligtas nyo ako sa bangin ng karimlan.Hindi ko naman talaga sinasadya. Pinigilan ko naman at ginawa ko naman lahat ng kaya kong gawin para hindi ako mainlove kay Allan. It did'nt turn out the way i expected it. Allan's farewell,shit talaga.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumatak ang luha sa aking mga mata habang pinapanuod ang movie na "NO STINGS ATTACHED".Kasalanan ko to eh kung hindi naman ako nagpahiwatig ng nararamdaman ko hindi naman niya ko iiwan.I should learned earlier to fight the feeling and enjoy with it.Kasalanan niya rin naman eh.Kung bakit kasi kung anu anong pinagsasabi niya kay Niel.Bagay na pinaghugutan ko ng lakas ng loob.
Nakaupo kami ni Niel sa isang inuman place malapit sa apartment ko. Wasted nako, halos isang kaha na ng sigarilyo ang nahihit ko.Anak ng tinola talagang pakiramdam to."Tol, bakit ganun siya.Napakagulo niya, akala ko ba liligawan niya na ako. Bakit naman nagdecide na lang siyang bigla akong iwan".Malumanay na buka ng aking mga labing kinakausap si Niel."Tol, yun ang sabi niya sakin eh tapos biglang ewan ko. Sabi ko pa nga sa kanya siguraduhin niyang hindi ka niya papaiyakin".Nakakainis talaga tong si Allan bigla talaga niya akong iniwan sa ere.Nung last time ang saya saya pa namin sa apartment ko.Tas paguwi niya biglang nagchat ba naman sakin na, "Kalimutan mo na lang na nakilala mo ko, wag na muna tayong magusap". Ang labo talaga niya.
Hindi naman ako lasing Stress out lang talaga ko,sa sobrang kakaisip lumagpas pa yung jeep na sinasakyan ko.Badtrip talaga, hindi ko kasi lubos maisip na iiwan ako ng ganito ni Allan.Sa hindi ko malamang dahilan.Daig ko pa ang nawalan ng boyfriend.Kung makangalngal habang kumakain ng tsoklate,wagas.Kahit anu namang gawin ko hindi ko na mapipilit si Allan eh, sinubukan kong tawagan at itext siya pero hindi parin siya sumasagot.Si Niel naman ay nagsusugest na kalimutan ko na lang daW si Allan wala naman daw akong mapapala don.Isa pa ayon kay Niel mahina si Allan,takot siyang pumasok sa isang relasyon.Takot daw nitong panindigan ang pagkakaroon ng isang girlfriend.Anu bang inaakala niya sa akin, normal na babaeng nakukuha sa mga teady bear at roses? Ni hindi niya man lang nakuhang magpaalam sa akin ng personal,ayaw ko namang pumunta sa bahay nila kasi wala din naman akong karapatang kulitin siya.Minsan iniisip ko nga baka naman may iba na? Pero hindi eh,ayon kay Niel palagi lang daw itong nakakulong sa bahay.Wala namang balita na may iba itong nililigawan.At dahil wala na talaga akong magawa, pinasadyos ko na lang ang lahat.
Makalipas ang isang taon....
Busy na ako sa carrier ko, unti unti ko na ding nawala sa sistema ko si Allan. In short nakamove on na ako. Umibig at nasaktan na din akong muli. Maraming salamat kay Allan at hindi na rin ako natakot pang sumubok muli sa pagibig.Naging matatag ako.Natuto akong bumangon pagkatapos malugmok.Minsan pag nagkakaharap harap kami nila Niel hindi parin maiwasan ang kantyawan.Ang problema kasi kay Allan masyado niya kong iniwasan.Umaatend siya ng mga gatherings pag wala ako.Hayaan mo na tutal wala na rin naman sa loob ko.Tuwing inaasar nga ako ni Niel tumatawa na lang ako, pero minsan hindi ko parin mapigilan ang sarili kong magisip.
Hanggang sa isang araw,may biglang sumulpot na nilalang sa pintuan ng aking apartment.Hindi ko man lang kaagad napuna na si Allan pala.Anak ng tilapiang buhay to oh.Papaano ko naman kasi siyang makikilala eh nagpagupit ang loko, dati kasi longhair at may hikaw sa kilay.Ngayon tumaba pa."Anung ginagawa mo dito?",tanong ko."Wala masama bang bisitahin ka?",habang pumapasok ng bahay."May dala akong pasalubong",bitbit ang isang kahon ng Donut na alam niyang paborito ko."Anu yan suhol?,sabay tawa habang kinukuha ang dala dala niya.Kamusta ka naman?"."Eto ayus lang,ikaw ba ang tagal mong nawala ah.Para kang kabuti bigla ka nalang sumusulpot"."Wala nasa bahay lang ako,wala nga akong ginagawa eh".Hindi nako naglakas loob pang magtanong kung bakit niya ako iniwan,unti unting sumisibol ang pride sa aking sarili na wag ipaalam sa kanyang minahal ko siya noon."Tara,pasyal tayo?".Eh anu pa nga bang magagawa ko hindi naman ako nakakatanggi sa lalakeng ito.Isa pa baka maisipan ni Jp (boyfriend ko nung mga panahong iyon) na pumunta dito sa bahay abutan pa kami.
Palakad lakad lang kami sa mall.Napapagod na din ako.Nang bigla siyang lumabas,dali dali niyang pinara ang isang taxi sa labas."San tayo pupunta?,bigkas ko."Pupunta tayo sa dati nating pinupuntahan, marami akong gustong itanong sayo".Itinuro niya sa driver ang papunta sa hotel na madalas naming pacheck-inan noon."Anung ginagawa natin dito?"."Halika na".Habang hawak hawak ang kamay ko papasok.Nakakaasar talaga pag siya nagsabi wala akong magawa.Nirentahan niya ba naman ang hotel sa pagkamahal mahal na presyo,nababaliw na ata siya.Hindi ako pwedeng pumatol sa kanya ngayon dahil nakakakonsya naman dahil may boyfriend na ako.Humiga lang kami sa kama,nagkwentuhan.Maging ako ay nagtaka dahil hindi naman ito nagyakag na magtalik.Niyakap niya lang ako,habang nagkukuwento tungkol sa mga inuman nila ni Niel,sa pamilya niya at sa mga ginagagawa niya ngayon.Hanggang biglang nagring ang cellphone ko.Hindi ko sinagot,asar si Jp tumatawag.Nagtext,"Baby nasan ka? sagutin mo ang tawag ko.Nandito ko sa harap ng apartment mo".Naloko na ang lakas ng kabog ng dibdib ko, totoong wala naman kaming ginagawang masama ni Allan pero nakokonsensya na ako.Malinaw na pagtataksil parin kasi ang ginagawa ko.
"Allan, pwede bang mauna na ako?"."Bakit halos hindi pa nga tayo nagtatagal ng 3 oras dito.Nagmamadali kang masyado namiss kita eh",sabay yakap ng mahigpit."Ah,eh tumawag kasi yung boyfriend ko, nasa apartment ko daw siya."Ah,may boyfriend kana pala.Sige uwi na tayo.Paglabas ng hotel dali dali na naman siyang pumara ng taxi,ihahatid niya na lang daw ako pauwi.Simula nung sumakay kami ng taxi hindi niya ako kinibo,sa tabi pa ng driver sya umupo.Ramdam ko ang lungkot sa kanya.At ramdam ko rin ang pagiging guilty dahil hanggang ngayon may nararamdaman parin ako para sa kanya.Nakarating ang taxi sa bahay,ni wala man lamang sulyap ng pamamaalam,ni hindi niya ako tiningnan hanggang makababa ng sasakyan.
At yun, dahil sa pangyayaring iyon nawala na naman ang mokong hindi na naman nagparamdam.Naloloka na talaga ko kasi hindi naman siya nagsasabi ng nararamdaman niya.Samantala sa konsensya ko nakipagbreak ako kay Jp,kamusta naman yun balik single life na naman ako.Busy busyhan sa trabaho anu pa bang magagawa ko.Para maliwanagan nako talagang ako narin mismo ang gumawa ng paraan para hindi ko makontak si Allan.Nagpalit na ako ng phone #.Nagappear offline sa ym.Kahit pa talagang ni kahit isang mensahe eh wala akong nakukuha mula sa kanya.Bahala na ulit si batman.Masyadong maliit ang mundong ginagalawan namin.Alam kong isang araw muling magkrukrus ang landas namin.Saying goodbye doesn't always mean forever.Minsan pala may panibagong pintuang bumubukas.Ngayon ko naintindihan kung bakit nauso ang kantang "Somewhere down the road".Ngunit tulad ng series ng mga librong binabasa ko palagi na lang bitin,palaging may palaisipan sa huli.Parang kabute biglang sumusulpot biglang nawawala.Parang pabugso bugsong bagyo.Dinaig pa ang pinakamataas na intensity ng lindol ang kabog ng puso ko.Punyetang pag-ibig kung pagkain ka lang kinain na lang kita eh,matamis ka man o mapait mabubusog mo na lang ako.5,4,3,2,1 Happy New Year! Sabi nila start your year with a bang! Yun nga bang nga, problemadong problemado nako sa boyfriend kong si Johny,(but that was another story)kakabreak lang kasi namin. New year na new nagngangawa ako sa harap ni Niel at ng bagong nyang gf.Nakinew year na nga ako, nagdrama pako. Kamusta naman? malamang karamay ko na naman ang mga box ng chocolate habang nanunuod ng mga chick flicks movie. Lintik na pagibig hindi nako sinuwerte.
Tapos na ang mga putukan balik reyalidad na naman ako, kailangan ko ng umuwi. Magaalas tres na rin ng madaling araw. Hindi nako nagawang ihatid ni Niel dahil hahabol pa daw sa putukan ang mokong. Tumayo ako sa gilid ng eskinita kung saan may liwanag habang naghihintay ng traysikel. Sadyang bad vibes at naloko na namatay ang ilaw. Naloko na, kabado nako ng mga panahon na iyon. Wala ng mga tao sa kalsada wala pang dumadaang traysikel, ng biglang may mamataan akong lalake sa di kalayuan. Patungo siya sa direksyon ng kinatatayuan ko. Abot abot ang aking kaba ng makitang ko ilang dipa na lang ang kayo niya. Walang pagdadalawang isip na pinaghahampas ko ng aking bag ang lalake. "Aray, anu ba Ella masakit yan ah". Isang familiar na boses. "Walangya ka Allan anung ginagawa mo dito".Biglang bumakas na naman ang ilaw ng street light.Mamatay matay nako sa nerbyos,ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi lang sa takot, kundi sa kaba ng presensya ng lalakeng nakatayo ngayon sa harapan ko."Haha, nakalimutan mo naba dito lang ako nakatira.Kung sabagay its been a year",nakangiting tugon nya. "Papapaanooong nalaman mong nandito ako?",naututal kong tanong."May nakapagsabi lang sakin, kanina pa nga kita inaabangan,tara dumaan ka muna sa bahay matutuwa si mama pag nakita ka non".Sabay hila sa akin, patungo sa kinaroroonan ng bahay nila."Teka kailangan ko ng umuwi",at eto na naman anu na naman nga bang magagawa ko pag siya naman nagyaya sa akin wala akong tanggi.
Binuksan nya ang gate ng bahay."Tuloy ka,para ka namang bago dito",sabay tulak sa akin papasok.Patay na ang mga ilaw at tila tulog na ang mga tao.Naupo ako sofa habang sya naman sa kabila at binuksan ang t.v.Sa tuwing pupunta ata ako dito sa bahay nato ganito palagi unang nangyayari.Paulit ulit na pangyayari pero kahit pa ata paulit ulit isa ito sa mga bagay na hindi ko pinagsasawaan."Nasan si tita akala ko ba siya yung dahilan kung bakit nandito ako?",kunwari pako habang lihim na kinikilig.Gusto ko siyang murahin,anak ng tilapia ang dami kong gustong sabihin pero hindi masambit ng aking mga labi.Ang tagal tagal nawala ni Allan,nakakaasar parang kabuti na lang siyang biglang sumusulpot pag wala nakong boyfriend bat ganun?Ang daming tanong sa utak ko na alam kong tanging siya lang ang makakasagot.Pero nanatili lang itong mga tanong."Tulog na si mama, dito ka na lang matulog para makita mo sya bukas",yakag niya sa akin patungo sa kanyang kuwarto.
Namiss ko yung ganito.Muka lang kaming tanga magpupuyat magkukuwentuhan,habang nakayakap siya sa akin at nilalaro ko naman ang buhok niya sa kili kili.Weird na bagay na nakasanayan narin niya sa akin.Kikilos ng walang pakialam kahit anu pang sabihin ng iba,ayos lang.Oo nga naman sa lahat nga naman ng lalakeng sa buhay ko si Allan lang ang hindi nawawala ng tuluyan, maaring hindi siya magpakita sakin ng ilang buwas o minsan halos taon na, pero kahit anu pa mang mangyari nagkikita at magkikita parin kami. Wala kaming breakup, totoong nasasaktan niya ako at alam kong ring minsan nasasaktan ko siya pero wala kaming samaan ng loob.Naisip ko naring mas mabuting itikom na lang ang aking mga bibig ayaw kong mawala si Allan.Yung tipong hindi ko na talaga siya makita kahit kailan. Hindi ko nga rin inaalis sa isip ko na baka malay mo kami din pala talaga sa finals.Kasama narin talaga si Allan sa mga pangarap ko balang araw. Yun nga lang hindi niya alam, siya yung tipo ng lalakeng gusto kong alagaan hanggang sa pagtanda ko.Sana siya na rin yung kaunaunahang lalakeng maipakilala ko sa parents ko.Tanggap ko naman yung buong pagkatao niya kahit pa may pagkatarantado siya minsan ok lang sakin.Pag naman nagmamahal ang tao hindi naman talaga ito tumitingin sa ugali o pisikal na kaanyuan eh.
Kung pwede ko nga lang pahintuin yung oras pinahinto ko na eh, alam ko kasing panandalian na naman to.Na isang araw bigla na naman siyang hindi magpapakita.Hindi ko nga maintindihan kung talagang minsan naghahanap lang ba talaga ng pagbubuhusan ng init ng katawan tong lalakeng to? Pero hindi eh minsan napupuyat lang naman kami sa pagkukuwentuhan, minsan kailangan niya lang talaga ng taong makakausap. Wala daw kasing ibang nakakaintindi sa kanya kung hindi ako. Nakakainis nga eh, ang sarap sakalin sa dinadami ng babae ako pa yung napiling gawing takbuhan. In fairness naman sa kanya kinocontact nya ko pag alam nyang single ang drama ng lola mo.Hindi ko narin siya minsan maintindihan, kung makayakap siya parang alam mo yung pakiramdam ng secured ka.Walang pwedeng manakit sayo.Anak ng tinolong pakiramdam yan.
Inabot na kami ng madaling araw sa kuwentuhan. Tawanan, kulitan , harutan at kung anu ano pa. Kung pwede lang na hindi na lang ako umalis.Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ang mokong. Ganito ako palagi pag katabi kong matulog si Allan. Hindi ako natutulog, tinitigan ko pa siya ng isang oras habang sinusuklay ang ang kanyang buhok ng aking mga kamay. Minsan may patak ng luha. Luha ng panghihinayang na bakit hindi na lang talaga maging kami.Bakit hindi pwedeng maging kami! Ito na siguro talaga ang itinakda ni tadhana. Pero minsan natanong ko na rin sa sarili ko, kung sabihin ko kaya kay Allan lahat ng narararamdaman ko sa kanya lalayuan niya kaya ako? Plinano ko narin ng ilang beses pero hindi ko magawa. Naguumpisa kasi akong maniwala sa mga hinala ko, kaya naduduwag ako. Siguro tiis na lang sa ganito. Kung saan man abutin, kung saan man dalhin bahala na. Ang mahalaga nandito siya. Patuloy na aasa,kakapit sa salitang "Sana".Bahagyan bumukas ang kayang mga mata. Isang dampi ng halik sa aking mga labi at isang mainit na yakap."Matulog kana, Ella!"Its not always like the movies and thats the worst part. Talagang kahit anong ipilit natin minsan hindi talaga siya uubra. Hindi lahat ng love story ay may happy ending.Minsan may mga bagay tayong kailangang isuko para sa mas matalinong desisyon. Kahit pa minsang ito ang pwede mangwasak sa ating mga puso.Ito ang kahulugan ng salitang sakripisyo para sa isang umiibig.Hindi ko alam kung paano ko eexplain yung feeling na ganito.Kung pwede lang na pahintuin ang oras, ginawa ko na. Kahit araw na araw pang pang pagluhod sa Quiapo Church ang maging kapalit.Pakiramdam ko its getting more serious than before. Madalas kaming magkasama ni Allan ngayon. We find quality time together. Parang iba na yung ihip ng hangin. Nawala lahat ng agam agam. Sa totoo lang kulang nalang yung pormalidad ng petsa para masabing yun na talaga. Still we don't have any agreements about moving on to what you call relationship.Kung namudmod man ng swerte ang kalangitan parang nasalo ko na lahat. Ang laki ng pagbabago, parang matured na matured na kami. Palaging may text, messages sa facebook at tawagan.Pero may kulang parin. Parang may natitira paring espasyong kailangang mapunan.Maraming mga salitang hindi marinig ng aming mga tenga.
Nagumpisa na din kaming magusap ng mga seryosong bagay tungkol sa amin.Everything about future plans in life.Yung kanya kanya naming kapalaran.Minsan ko pa nga syang binuyo na humanap na ng iba, para hindi naman ako ang kinukulit niya.Sabi nya lang ayaw nya.Sabi ko pa nga tutulungan ko pa sya, kahit labag sa kalooban ko.Sinabi ko na rin sa kanya na itigil nalang namin ang ganong sitwasyon tutal hindi na rin naman kami mga bata.Sinabi ko na sa kanya na hinding hindi nako babalik sa kwarto niya.Tinawanan niya lang ako,"Kahit naman ilang beses mo sabihin yan bumabalik ka parin".He once texted me,"Mahal naman kita eh, ayaw mo lang maniwala".Pinangungunahan ako ng takot, takot na baka hindi pala talaga yon totoo.Minsan nya ring sinabi sa aking hindi pa sya handa para sa panibagong relasyon.
Parang turumpong paikot ikot, napakagulo. Hindi ko naman din masisi kasi talaga namang traumatic yung naranasan niya.Ayon pa kay Niel nagkaroon daw siya ng nobya dati na pinaghiwalay sila ng erpat nito.Tulad ng dating isinermon sa akin ni Niel noon. Wala daw mapapala yung babae kay Allan. Patapon na daw ito at walang kinabukasan ang babae sa kanya.Iyon din kaya ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapakilala sa ama niya? Sa lahat kasi ng tao sa bahay nila tatay nya na lang ang hindi ko nakikita kahit isang beses. Hindi ko rin maintindihan.Ewan, maski ako tulirong tuliro na. Halos mabaliw na ako sa kakaisip.Isa lang ang malinaw sa akin ngayon, ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko na si Allan at hindi ko na kayang mawala siya sa akin.Kaya't mas minabuti ko na lang na hindi magtapat ng aking nararamdaman. Ayos na siguro muna yung ganito kahit papaano naman nagkakasama kami.
Naranasan mo nabang may nagpalit sayo ng damit pantulog dahil sa sobrang bagsak kana sa kama dahil sa sobrang pagod.Sino nga naman ba ang hindi nangangarap ng lalakeng handa kang pagsilbihan sa isang nakakapagod na trabaho.Ipaghahanda ka ng pagkain, tatanggalan ka ng sapatos parang merelax ang iyong mga paa.Sasabayan kang matulog sa tanghaling tapat kasi puyat na puyat ka.Masyadong lalake si Allan para sa mga ganitong gawain.Mga bagay na hindi nya naman ginagawa dati.Surprisingly nakuha na naming magkaharap sa inuman kasama ni Niel. Yung bagay na dati eh parang iwas na iwas mangyari.Isa pa masigasig narin siyang nagaaral ngayon bilang kolehiyo na dating kinatatamaran niya.Siya ang aking ipinagbabawal na gamot at kahit pa ulit ulitin hinding hindi ko pagsasawaan.My sweetest drug.
As they say "Always expect the unexpected". Kinailangan kong magresign sa trabaho.It was my parents decision for me to migrate in US.Matagal na tong plano, at hindi ko inaasahang matutuloy pa. Buong akala ok na yung parents ko sa independent life ko dito sa Pinas.It freaks me out. Nagumpisa nakong magisip ng magisip ng kung anu ano. Hindi ko na pwedeng tanggihan ang parents ko dahil lahat settled na.At alam kong ito ang makakabuti para sa akin.Isang sitwasyon at tao lang naman ang hindi ko kayang iwan ng basta basta eh.The last time na magkasama kami binaggit ko narin sa kanya yun,pero buong akala ko talaga hindi na tuloy.
Palapit ng palapit ang araw ng sintensya. Sinubukan ko syang imessage sa facebook,itext at tawagan pero wala akong napala.Hindi siya sumasagot ni isa sa mga mensahe ko.Umiwas na naman siya.Sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan , dahil nung huling magkasama kami ayos pa naman.Hindi ko narin talaga alam kung anong nangyayari."Ui,magkita naman tayo miss na kita. Malapit na akong umalis eh, tuloy na yung kinukwento ko sayo".Sa lahat isang mensahe lang ang natanggap ko."Pasensya kana busy kasi ako".Nakuha ko naring magpaalam kila Niel pero ni kahit anino niya hindi ko nasilayan.Hindi ko narin naman nakuhang magtanong dahil wala naman ding ibang nakakaalam sa sitwasyon namin ngayon.Halos gabi gabi ko siyang iniisip at iniiyakan.Anak ng tinola dinaig ko pa ang namatayan ng syota.Kung makapagemote ako ang lala.I can't just loose him.Hindi ako maaring umalis, ng hindi niya man lang alam kung anong nararamdaman ko.
Ilang araw nalang ng paglipad.Desperado nakong malaman ang mga sagot sa mga tanong ko.Handang handa akong isakripisyo para sa kanya lahat kung pipigilan niya ako.Pero kahit saan ko siya hanapin hindi ko siya makita.Kahit anong mensahe wala akong natatanggap.Pati tawag walang sagot.Sa lahat ng naranasan ko ito yung kakaiba.Hindi siya breakup kasi wala kaming commitment.Ngayon paba sya lalayo kung kelan aalis nako. Hindi ko alam kung naduduwag lang ba talaga siyang harapin ako o sadyang ayaw nya na lang talaga sa akin.Pero hindi eh marami akong pinanghahawakang salita ng pag-asa.IpinasaDyos ko na lang ang lahat.Kung akin talaga siya,kahit ano namang mangyari magiging akin parin siya.Masakit sa akin ang paglayo ng kahit ni isang baon ng halik wala man lang.Kahit sulyap man lamang sa mata.Minabuti kong gumawa na lang ng isang liham pamamaalam at pagpapaalam kung gaano siya kaimportante sa akin.Na halos wasakin niya ang buong sistema ng pagkatao ko.Kung gaano ko kayang isakripisyo lahat para sa kanya.Kung gaano ko siya kamahal.
Paano mo nga naman ipaglalaban ang isang taong mismong siya ang sumusuko.Panahon na siguro para talikuran kong lahat.Pero kahit ni minsan wala akong pinagsisihan.Hindi ako nagsising mahalin si Allan hanggang sa aking kaya.Siguro meron lang talagang mga bagay na kahit akala mo na ayos na eh hindi pala.Sabi nila wala namang mali sa tamang pag-ibig pero bakit ganito.Panahon na lang talaga siguro ang makapagsasabi.Hindi parin naman ako sumusuko sa pagkapit sa tadhana eh.Alam kong hahanapin niya parin ako.Masama man sigurong umasa pero wala na akong magagawa yun lamang naman ang tanging nakakapawi ng kabaliwan ko eh.Sa ngayon panahon ko naman para hanapin ko ang aking sarili.Sa bawat pintuaang sumasara,merong panibagong nagbubukas.Sa takdang oras babalikan ko si Allan,maaring oo maari ring hindi na.Mahirap naman atang magsalita ng tapos diba?
Every new beginning comes from some other beginning's end...