1. Bumukas ang langit. Bumulaga ang mahinhing ngiti ng paparating na araw.
2. Kuminang ang sinag ng araw sa mga bintana ng mga istruktura at mga bahay. Gumising ang mga tao para mag-kape sa ilalim ng tulay. Ang iba ay ngingiti na lamang at ipakikita ang mga dumi nila sa ngipin na kanilang nakulimbat noong nagdaang gabi. Hindi uso ang almusal. Daldalan at tsismisan ang iikot sa sirkulasyon ng paligid, at ang munting tawanan ng mga batang pumapapak ng asukal maibsan lamang ang kumakalam na sikmura.
3. Nagsimula ang lahat sa eskwela. Ang kilala nilang mga bayani ay ‘yung patay na at madidilaw ang hangarin sa buhay. Mas inuuna ng mga tao ang lapis kaysa sa mga lugar kung saan ito magagamit. Ang batang pag-asa ng bayan ay nagiging mangmang na napapabilang sa alikabok na taumbayan. Ang mismong hinahanap na kinabukasan ay naging abo ng nakaraan; at ang mga mismong naghahanap nito ay duguan ng nagbabasa ng kapalaran.
4. Ihi. Dura. Plema. Tae. Usok ng tambutso. Usok ng sigarilyo. Hininga. Nakalimutan na nilang huminga tuwing umaga. Hindi. Siguro nalimutan lang nila ang tunay na amoy nito. Minsan, napapatanong ka talaga kung anong lasa ng kalayaan. Pero sa ngayon, amuyin muna ang pag-asa, bago lasahan ang kalayaan.
5. Mabagal ang pag-akyat. Mangilan-ngilan lang ang buong lakas na kumakapit sa mga pwedeng kapitan, habang ang ilan ay tuluyan nang bumitaw. Bumagsak sa lupa ang ilan. Pinagbabato nila ang mga naka-kapit pa. May isang nakakita sa isang bato na may nakasulat: “PILIPINO”. Tuloy pa rin sila sa pagkapit. At tuloy pa din ang pag-ulan ng bato.
6. Dumilim ang langit. Nabahala ang lahat. Napatitig ang ilan sa kalangitang tinakpan ng mga galit na ulap. Isang maliit na patak ang humalik sa isang batang paslit. Nag-martsa ang ulan.
7. Sirang payong. Naka-pilang mga sasakyan. Basang damit. Putik sa sapatos, damit at pantalon. Nawala ang mayabang na sikat ng araw. Lahat ng hari ay nasisipa. Ang pira-pirasong piraso ng Maynila ay nagmistulang asukal na tinutunaw ng tubig. Naging ilog ang mga kalsada. At narining mo nanaman ang munting tawanan ng mga bata.
8. Naka-silong ang mga tao sa lilim ng halik ng ulan, baon-baon ang paghati’ng dulot ng mga basang pera.
9. Sa ganitong oras, hindi na alam ng mga tao ang pagkakaiba ng liwanag sa dilim. Natatakot ang ilan sa misteryosong paparating na gabi.
10. Natapos ang umaga at ang iyak ng kasalanan.
11. Ang kasalanan ay ang tinatawag nilang mga kamaliang nagawa. May kanya-kanya silang pagbibigay kahulugan sa kani-kanilang dalumat ng tama at mali. Maaring narinig nila ito mula sa kanilang mga magulang, ngunit sa isang bagay lang tayo nagkakasundo: mas mainam pa rin maging masama, kaysa mamatay dahil walang ginagawa.
12. Hindi ka maiiwang nag-iisa sa ilalim ng bumubuhos na ulan kung nagdala ka ng kapote o payong.
13. Kumindat ang mga bituin. Ang madilim na siyudad ay nagliwanag sa mga pangyayaring mapapait.
14. Binaklas ang mga malalaswang billboard sa Maynila. Isang tanong ang pumaligid sa kukote ng kawalan: “Kung malaswa ‘yon, bakit nai-kabit pa?”
15. Ingay ng mga makinarya. Kiskisan ng bakal. Amoy ng usok. Makintab na papel. Pulang mga mata. Matipid na paghinga. Nanginginig na mga daliri. Mahinang bulong ng tunay na pag-ibig. Hindi lahat ng importante ay mahalaga. Sa parehong kadahilanan kung bakit nakasusugat ang katotohanan.
16. Isang lalake ang nagsasalita. Tinatanong niya sa kanyang Diyos kung ano ba ang halaga niya sa mundo. Wala siyang pera. Mamamatay na ang anak niyang may sakit. Tindera sa labas ng simbahan ang kanyang asawa. Nakaluhod siyang lumapit sa altar. Doon niya nakita ang isang baril.
17. Dugo ang dinilig sa damo. Pulbura ang nagsilbing pataba rito. Pugot na ulo ang naging kabayaran. Nasakluban ng watawat ang kanilang kabaong.
18. Nagsalita si Heneral. Palakpakan ang naging pabuya. Isa ang dumura sa kanyang nilalakaran, habang ang isa nama’y dumura sa kanyang sapatos. Kapos ang tali’ng sa kanya’y gumagapos. Hustisya ay hindi magiging lubos. Hangga’t sa aircon sila nakababad.
19. Nasaksihan ng dilim ang nangyari sa dilim. Sigawan ang kanilang narinig. Isang babae ang pinatay ng isang lalaking may baril. Isang ngiti ang nakabakas sa kanyang mukha.
20. Busina ng mga sasakyan. Basang yapak sa aspalto. Abo ng sigarilyo. Sayaw ng mga anino. Tilaok ng mga insekto. Alingasaw ng talahib. Mapanghing kalsada. Mataong eskinita. Nakawan. Saksakan. Kahirapan.
21. Kasakiman.
22. Overpopulated ang bansa. Mas madami ang gumagawa ng buhay kaysa sa gumagawa ng ipalalamon sa mga ginawang buhay.
23. Lahat ng solusyong iminumungkahi, basta’t taliwas sa kanilang dalumat ng moralidad, kokontrahin nila. Hindi ume-epekto ang dayalektikong Hegelian. Sa sagupaan ng kanilang mga dalumat, walang napupulot ang mga mamamayan kundi ang sarili nilang iniluwal na dumi at dugo.
24. Lumabo ang katotohanan at tinanggap nilang naging kasinungalingan na ito. Nabasa ang mga tinta sa magaspang na papel. Natuyuan ng laway. Nawalan ng boses ang mga matatapang. Nadapa ang mga dating nakatayo. Ngunit makinang pa din ang kulay dilaw sa paligid, at nakatali sa kanya ang mga bangungot ng kahapon.
25. Nang ipinagbawal ng Metro Manila Development Authority ang paninigarilyo sa lungsod ng Maynila, lumaganap ang bentahan at merkado ng isang ipinagbabawal ng dahon sa bansa. Sabi nga nila, ibigay mo sa tao ang gusto nito, huwag ang kailangan nito. Hindi kasi naiintindihan ng ilan na ang kaligayahan ay hindi lang nakukuha sa mga “maliligayang” bagay na alam nila, o ipinakilala ng ideyolohiya nila sa buhay.
26. Pare, pakiusap lang, pwede ba kitang duraan?
27. Hindi pa rin tapos ang gabi, ngunit nag-umpisa na ang pagsisisi. Bukas na ang araw ng paghuhukom. Darating na ang mga anghel. Mumurahin na tayo ng Diyos. Lahat ng makasalanan, nagkaroon ng luha sa mata.
28. Kung ito’y luha ng kalungkutan o kasiyahan, walang nakaaalam.
29. Ingay ng kuliglig. Huni ng hangin. Walang taong kalsada. Natulog na ang kapaligiran, muling bumebwelo para sa paparating na bukas. Nakadungaw ka sa bintana, nakatitig sa buwan.
30. Sana, bukas ng umaga, may marinig ka pang mga batang nagtatawanan.