Malamlam ang paligid nang namulat ako. Hating-gabi na tantiya ko. Patay lahat ng ilaw mula sa kuwarto, sa salas, sa kusina hanggang sa banyo — bagay na ipinagtaka ko. Alam ko, sigurado ako, bukas ang mga ilaw na iyon nang matulog ako eh. Wala akong maaninag na kahit ano kundi ang mga kulay itim na hugis na mistulang naglalaro sa aking balintataw.
Nagsusungit na naman ang langit. Nabatid ko iyon dahil sa saliw ng ingay na nililikha ng bawat patak ng ulan sa bubong kasabay ng maya’t mayang pagkulog at pagkidlat. Marahil ay kung anu-ano na namang problema sa mga kawad ng kuryente ang idinulot ng may kalakasang bagyo. Masakit pala sa ulo ang tumitig sa wala. Mabuti’t kahit papaano’y may munting liwanag mula sa buwan na bahagya na ring natakpan ng ulap ang sumusuot sa bintana upang gumabay sa ganitong oras ng kadiliman.
Nakapang-nginginig ang gabi. Idagdag pa riyan ang malamig na hanging ibinubuga ng airconditioner.Airconditioner? Brown-out ulol! Isa pa’y dili naman airconditioned ang kahit anong bahagi ng bahay ko. Ang lamig ay dulot ng bagyo, ano pa ba?
Dagli kong hinila ang kumot sa ‘king paanan at walang pag-aatubiling nagsaklob roon. Grabe! Masarap din pala paminsan-minsan ang pakiramdam ng ganito. Iyon bang tipong nilalabanan mo ang ginaw at nakikipagtagisan ka sa hangin, niyayakap ang sarili at inaangkin ang lahat ng unan na mahawakan.
Mang-aangkin…Minsan ba, naitanong ko na sa aking sarili kung isa akong mang-aangkin? Ewan ko pero siguro ganun talaga. May mga mahahalagang bagay na kusang dumadating sa buhay natin na hindi natin matutulan, bagkus ay aariin na lang.
Tulad na lang ng anak kong si Nunoy. Nunoy? Nalimutan kong andito pala siya sa tabi ko. Lintik na ulan o! muntik ko pang masipa-sipa ang anak ko. Ang cute niya talaga, pakpak na lang ang kulang, magmumukha na siyang isang anghel. Sayang lang, hindi ko kamukha ni kahawig ang batang ito ngunit kahit ganoo’y anak ko siyang itinuring.
Kumawala ako sa pagkakakulong sa kumot. Tumiwalag ako sa ginaw dahil sa isang mahalagang bagay na kailangan kong gawin. Tumayo ako at nangapa sa dilim. Kailangan kong maghanap ng kandila o ng kahit anong bagay na maaaring pagmulan ng liwanag, baka kasi matakot si Nunoy ‘pag nagising siya sa dilim.
Hanggang sa may mahagilap ako na posporo at gasera na kaunti na lang ang laman na kerosene. Sinindihan ko at sa wakas ay may liwanag na.
Muli akong sumampa sa higaan na hindi ‘sing lambot ng kama ngunit isang kumportableng banig. Doon ko tinitigan ang mahimbing na tulog ni Nunoy. Ala’y mas cute pa ito kay Santino eh. Nagdalawang-isip na naman tuloy ako, paano ko nga ba isasauli ang batang ito? Oo, tama ang iniisip mo. Hindi nga ako ang totoong magulang nito, hindi ko siya anak ni kaanu-ano. Mahabang istorya ngunit isasalaysay ko:
Napunta lang sa ‘kin si Nunoy dahil sa pangit kong trabaho tatlong taon na ang nakararaan. Kabilang ako sa pangkat ng mga lalaking binabayaran para pumaslang, mangbugbog o ng kahit anong gustong ipagawa sa’min kapalit ng malaking halaga. May isang mayamang lalaki ang nag-utos sa’kin na dakpin ang tatlong taong gulang na bata mula sa mga magulang. Hindi na ko nang-usisa kung bakit, isang milyon ang offer, sayang kaya hindi ako nag-dalawang isip na tanggapin. Iyon na kasi ang iniisip ko noon na magagamit ko para magbagong-buhay. Ang utos niya sa’kin, kumitil. Sus, eh ang dali lang nun. Kayang kaya ko ‘yun dahil iyon naman ang trabaho ko simula’t sapul na mapadpad ako sa maynila. Kaso, hindi ko inakala na hindi pala ganun kadaling pumatay ng inosenteng bata. Nung aktong tutukan ko siya ng baril, ngumiti pa siya sakin. Akala niya siguro, laruan ‘yung hawak ko. Sinigawan ko pa nga eh, pero wala akong nasilayang takot na gumuhit sa kanyang mukha. Nakunsensiya ako. Hindi ko pala kaya.
Pinalabas ko na lang na napatay ko ‘yung bata para makuha ko ang pera. Dinala ko ‘yung bata dito sa’min sa probinsya, itinago at kinupkop. Wala akong mapagpilian, hindi ko naman pwedeng iwan lang ‘to sa kalsada kaya kahit hindi madali, nagpaka-tatay ako sa edad na beinte-uno. Pinakain ko siya, pinag-aral. Ni minsan hindi ko naman iyon pinagsisihan, mabait kasi siyang bata, minsan makulit rin, may pagka-pilyo pero cute talaga.
Dati nung mag-isa lang ako sa buhay, para akong bumibiyahe sa kalawakan pero nung dumating siya, ay sus! napapangiti na lang ako sa kakulitan niya, palagi nang maingay sa bahay. Ang maputla kong mundo, ala’y nagkaroon ng rainbow. Hindi ko noon pinangarap na maging ama ngunit nakakagiliw pala ang isang anak lalo na ng tulad ni Nunoy.
Dahil sa batang ‘to, nagkaroon ako ng silbi sa mundo. Akala ko kasi, wala akong kwentang tao pero ‘yung malaman ko na kahit papaano’y may anak na umaasa sa pasalubong na bitbit ko, sa tuwing sinasabi niya na idol niya ko, nawawala ang pagod ko sa trabaho. Dahil sa batang ‘to, nawala ang suklam ko sa sarili ko, tumigil na ko sa masamang gawi, naghanap ng bago at disenteng trabaho at nagbagong-buhay.
Hindi ko lang masabi sa kanya ng direkta kung gaano siya kahalaga sa buhay ko pero ipinagdadasal ko na lang na sana, maramdaman niya na lang, nahihiya kasi akong sabihin pa eh. Tulad ng maraming mag-ama, minsan ipinapasyal ko rin siya sa kung saan niya gustong pumunta, nagja-jollibee, panay bonding kaso sa assignment niya, hindi ko siya gaanong matulungan, plus at minus lang kasi ang alam ko eh. Hindi ko na yata na abutan ‘yung times at dibay-dibayd. Hindi kasi ako, nakapagtapos ng elementarya kaya gusto ko, matupad ni Nunoy ‘yung pangarap na hindi ko natupad sa sarili ko.
Siguro nga, isang kasalanan ang trabaho ko noon, pero nagpapasalamat pa rin ako, kundi naman kasi dahil sa salang iyon, hindi dadating si Nunoy sa buhay ko. Sayang lang…Sayang kasi, kundi dahil sa sakit ko, hindi na sasagi sa isip ko na ibalik si Nunoy sa totoo niyang mga magulang. Sino ba kasing hudas ang nag-imbento ng sakit na kanser?! Bahala na nga! Basta bukas, anuman ang mangyari, sasauli ko na siya.
“Tatay Jun?”
Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Gising na pala si Nunoy. Teka! Nasaan na ba ‘yung gasera? Kailangan kong pumunta sa lamesa, baka gutom? Baka uhaw?
“Tay, galit ka pa po ba sa ‘kin?” tanong niya. Napangiti na lang ako. Siguro hanggang sa panaginip nadala niya ‘yung sama ng loob nung pinagalitan ko siya kanina. , ala’y magpakopya ba naman sa kaklase.,.akala niya siguro, galit ako, pero sa totoo lang, natutuwa ako. Hindi lang pala matalino ang anak ko, aba’y matulungin pa sa kaklase.
“Hin—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Muli kasi siyang pumikit at natulog na ulit.
Dinoble ko ang kumot niya. Hindi na ako nakatulog kakaisip. Buong gabi ko na lang, pinagmasdan ang mukha niya. Baka ito na ang huling gabi na kasama kong matulog ang anak ko. Dapat sulitin ko na.
***
Maaga pa lang ay pinagbihis ko na si Nunoy ng binili kong bagong damit para sa kanya. Yung uso ngayon, yung may tatak na angry birds. Sumakay kami ng bus papuntang maynila. Mahaba pa ang biyahe, may oras pa ako para masabi sa anak ko kung gaano siya kahalaga sa ‘kin.
“Tatay, saan po ba tayo pupunta?” tanong niya na hindi ko agad nasagot.
“Sa ospital, anak. Ipapatuli na kita.” Kitang-kita ko ang pamumutla sa mukha niya. “O, bakit? Akala ko ba matapang ka?”
“Masakit po ba ‘yun?”
“Medyo pero kaya mo ‘yun. Ikaw pa?” Tumahimik siya. Minabuti ko na rin na huwag muna siyang kausapin para mas makapag-isip ako.
Hapon na nang makarating kami sa tapat ng mismong bahay ng mga magulang ni Nunoy. Noon pa, alam ko na mayaman ang mga magulang niya. ‘Yung bahay, siguro triple—hindi, mga sampung pinagsama-samang bahay ko. Na-guilty tuloy ako. Kung dati ko pa siguro sinauli si Nunoy sa mga magulang niya, sana hindi na siya nakakain ng matinik na tuyo, ng tutong at ng palagi naming almusal na kape.
Tinignan ko siya. May pagtatakang nagmarka sa mukha niya pero hindi siya nagsasalita. Siguro napapamilyaran siya sa bahay na iyon. Doon naman kasi dapat siya nakatira eh, hindi sa lumang bahay ko.
Nasa tapat na kami ng malaking tarangkahan. Teka, may nakalimutan ako. Ano nga ba yun? Naitanong ko na ba sa sarili ko kung pano na ko kapag nawala si Nunoy? Paano ko kakain? Paano ko matutulog? Pano ko lalaban sa sakit ko?
Ang mga tanong na iyon, nasagot ko rin kaagad ng isa ko pang mas mahalagang tanong. Paano naman si Nunoy kapag nawala ako?At least dito alam kong safe siya, magiging healthy siya at sasaya siya dahil makakasama niya na ang totoo niyang mga magulang.
Nakaharap ko ang mga magulang ni Nunoy. Alam kong nag-uumapaw sila sa tuwa habang ako, pilit kong ikinukubli ang lungkot lalo na nung kausapin ko si Nunoy at ipagtapat sa kanya ang totoo pero wala siyang naging reaksiyon. Buong akala ko, maglulupasay siya ‘pag iniwan ko siya pero hindi. Siguro, gusto niya na yata ditong tumira. Sa bagay, di ko naman masisisi ang bata. Tatlong taon ko ring ipinagdamot sa kanya ang karangyaan na dapat noon niya pa tinatamasa.
Nagpasya na kong umalis bitbit ang lungkot at sama ng loob. Di man lang ako kinausap ni Nunoy kahit saglit, ni hindi rin nagpaalam. Galit siguro siya sa’kin. Ang masakit pa roon, hanggang sa huli, hindi ko pa rin nasabi kay Nunoy ang halaga niya sakin. Wala kong kwenta!
Maya-maya nadinig kong muling bumukas ang gate kasabay niyon ng dagling paglabas ni Nunoy.
“Tatay!” tawag niya sakin.
Sabik akong lumingon. Baka gusto niya kong habulin? Baka may gusto siyang sabihin? Tatakbo na sana ko palapit sa kanya pero…
“Tatay, I hate you!” Malakas ang pagkakasambit ni Nunoy sa mga katagang iyon. Ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib ko, para kong babagsak. Nanlambot ang mga tuhod ko. Siguro akala niya na wala siyang halaga sa ‘kin. Ano ba yan? Hindi ako iiyak ha. Ayokong umiyak. Ano ba yan? Nasaan na ba yung panyo. O bakit? Sisinga lang ako eh. Nang bigla na lang naramdaman kong may mga kamay na dumampi sa baywang ko. Binalingan ko iyon at nakita ko si Nunoy na umiiyak habang nakayakap sakin.
“Tong batang ‘to. Kukutusan na kita riyan eh. Pumasok ka na roon.” sinigawan ko siya.
“Tatay, hintayin niyo ko. Paglaki ko, hahanapin ko kayo,” umiiyak siya nang sabihin niya iyon sa harap ko.
“Bahala ka. Oo sige na. Maghihintay ako. Pumasok ka na roon, hinihintay ka na din nila.” Tumalikod ako pero muli ko siyang sinulyapan at nanatili lang siyang nakatayo roon. “Sabi ko, pumasok ka na.”
Sandali akong nalito. May nakalimutan pa yata ako. Oo, eto na. Eto na talaga. Sasabihin ko na sa kanya. “Sandali, Nunoy, anak. I HATE YOU TOO!” Nang bitawan ko ang mga katagang iyon, nakangiti ako. Nakita ko, ngumiti rin siya. Siguro naintindihan niya ang gustong ipahiwatig sa sinabi ko.
Hay, di ko na alam kung paano ko mag-uumpisa. Buti na lang may direksiyon ang kalsada, kung wala. Naku, baka muli na naman akong maligaw. Pagod na kasi akong tumingala sa araw at sa langit para itanong kung saan ang tamang landas.
Lalaban ako sa sakit ko para tupdin ang pramis ko. Si Nunoy? Hihintayin ko siya.
Kahit mahirap, Masaya ring maging panandaliang ama lalo na kung si Nunoy ang anak.