Malamang kung nasaang dagok ka man sa Pilipinas ngayon ay nakasisiguro akong lugar niyo'y bihis na bihis na ng mga pambansang watawat. At kung anu-ano pang mga palatandaang naghahanda na ang mga Pilipino sa paggunita ng Araw ng Kalayaan. Masisilayan muli natin ang nakaugaliang pagsasagawa ng parada at pagtaas ng pangulo ng pambansang watawat sa Rizal Park, at samut sari pang mga seremonyang idinadaos sa iba't ibang bahagi ng bansa. Marami pang inihahandang magagarbong programa, konsiyerto, at kasiyahan sa pagdiriwang na ito.
Itong Philippine Independence Day ay isa sa pinakamahalagang okasyong ipinagdiriwang ng buong kapuluan, bukod sa idinedeklarang walang pasok sa mga paaralan at opisina, ito raw ang araw nang tayo'y makalaya mula sa pananakop ng mga Kastila at pagka-proklama ng kalayaan ng bayang Pilipinas. Ano pa nga ba ang nalalaman ng mga kabataang pilipino sa holiday na 'to? Sapat na ba ang mga nalaman natin sa Hekasi noong elementarya tayo?
Oo, hindi mo na siguro responsibilidad ang halukayin pa ang mga naganap noong naghimagsik sila Emilio Aguinaldo, dahil sa lifestile mo ngayon, nakatitiyak akong wala na sa panahon mo ang buklatin pa ang pinakamanipis na libro ng kasaysayan. 'Di mo naman ikagiginhawa kung isa-isahin mo pa ang mga Pilipinong nagpaunlad ng kultura sa panahon ng kalayaan. Anong pakialam mo kung ignorante sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Hindi ka naman nasaktan noong pinatay ng mga kastila ang maraming miyembro ng katipunan. Ang paulit-ulit na naririnig na pinaslang ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay pinagaaralan mo naman ngayon. Hindi na siguro natin pang kailangang lumayag patungong nakaraan. Ngunit ilan lamang iyang mga paalaala na pinagbuwisan ng ating mga bayani ang kalayaang tinatamasan mo ngayon.
Kung may dapat siguro akong paglalakbayan, ito ay ang lugar kung saan mayroong bistadong pinsala, lupaing hindi makawala-wala sa kung anung dayuhan, bayang tila nalulunod sa dusa, lupang pinagkaitan ng sipag at abilidad na makibaka para sa kalayaan at manirahang may dignidad. Sa kabuuan ng hindi makalaya-laya.
Tara't samahan mo 'ko roon.
TAYO'Y MAGLAYAG PATUNGO SA ATING MGA SARILI.
Itigil na muna natin ang pagtanaw sa nakaraan, sa halip ay sariwain ang lakas ng pagkakaisa bilang kasangkapan para sa hamong hinaharap at haharapin sa mga darating pang panahon. Sana tayo ay magkaroon ng adhikaing hindi lamang pansarili. Maniwala tayong kaya nating umpisahang lutasin ang ilang pinakamalalang problema mayroon ang bansa sa pamamagitan lamang ng ating munting pagganap bilang mga kabataan, mga kabataang may mahusay na pag-iisip, may wastong salita at gawa. Matitigas ang ulo. Ang tunay na kalayaan ay nakasalalay sa tumpak na paggamit nito. Kahit laspagin mo pa.
Sinasabi nilang huwag tayong makalimot sa dakilang sakripisyo na ibinuwis ng ating mga ninuno, dahil magsisilbi raw itong inspirasyon upang itayo muli ang bansa tungo sa kalayaan at kaunlaran. Subukan nating buksan ang ating limang karamdaman kalakip ang ating pangunawa at katalinuhan:
Matuto tayong tukuyin ang mga tama at mali ngayong panahon ng kasalukuyan, huwag tayong papalunod sa mga mapanlinlang, huwag lang ang mga aral ng kasaysayan ang magsilbing inspirasyon natin upang makibaka sa hinaharap. Tayo, ikaw, ang magtatayo ng sarili mong himagsikan. Hayaan natin ang mga halimbawa na nakikita sa lansangan ang maging inspirasyon natin. Hindi ako naniniwalang ang mga alaala noon ang magiging daan upang manumbalik sa atin ang lakas ng determinasyon upang magtagumpay at manguna sa mga hamon sa darating pang panahon. Huwag nating hayaang utang na loob lang ang nagpapakilos sa atin. Ang mga pangyayari ngayon ng dapat gunitain, at sa iyo ang simula. Sayo nakasalalay ang makabuluhang pagkilos upang makamit ang ganap na kalayaan.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa inyong lahat! :)

- Sense of Sight= Kahit ikaw ang inaasar na Boy Labo sa klase niyo ay kitang-kita mo ng may linaw ang kahit anong sumisimbolo sa rumaragasang kahirapan mayroon ang bansa kahit saan ka man lumingon. Mula sa mga batang nangaabot ng sobre sa mga jeep at bus (so far wala pa naman satricycle), mga nanay na nakaduster buhat-buhat si Junior habang nakikichismisan kay nanay nanakaduster #2, Overpass na tila tahanan na, tumatakbong snatcher, mahabang pila ng lotto at iba pa. Hindi ba't normal mo na lang nakikita ang mga 'yan. Sila ang mga kumukompleto ng araw mo, masilayan ang mga halimbawang ito na nagpapatunay na ang bansa ay umiiyak ng tulong sa aggulong ito. Kailan kaya sila makakalaya sa pagkalam ng tiyan? At kailan ka kaya tuluyang makakalaya sa mga tanawing ito?
- Sense of Hearing= Nariyan ang mga paulit-ulit na satsat na nakabibingi, ngunit kinakapos sa pagkayod. Mga talumpating nakakasawa mula sa mga bida ng mikropono. Mga nakaririnding diskusyong muli't muling naririnig buhat ng pagong na sistema. At mga makabuluhang pag-ingay ng mga kababayan nating may daing at gumagawa ng mga aksyon upang ilabas ang kanilang salungat na saloobin. Araw-araw tayo ay nakaririnig ng mga balita na may naidudulot sa atin. Bukod sa kaalaman, natututo kang maglahad ng sarili mong opinyon, at maaaring may mga pagkakataong magkasalungat tayo, kaya nagkakaroon ng mga diskusyon.
- Sense of Smell= Hanga ako sa mga katulad mong mayroong malakas na pang-amoy. Amuyin mo ang dungis at baho mayroon ang mga buwayang nagtatago sa likod ng puti at bango. Huwag kang pauuto o bastang mapaniwala sa kanilang mga katotohonang kasinungalingan dahil sila rin ang bibiktima sayo malingat ka lang. Nasa kapangyarihan nila ang pabanguhan ang mga sarili sa pamamagitan ng mga mapagkunwaring ikinikilos at binibigkas. Lumaya ka sa pagkakatali ng mabahong lubid.
- Sense of Touch= Hindi ba't masarap mamuhay nang walang nararamdamang sakit o pagkirot sa kahit anong parte sa 'yong katawan. Masarap maging malusog! At mas masarap mamuhay kung alam mong wala sa kamaganakan ninyo ang may malubhang karamdaman. Mahirap mamuhay at manirahan sa bayang may mataas na antas ng polusyon. At damang-dama natin ito! Tayo rin ang dahilan nito, sa simpleng paglabag mo lang sa pangangalaga sa kapaligiran ay para mo na ring inilagay ang sarili sa kapahamakan at panganib. Wala nang mas sasarap pang kumawala sa parusa ng kalikasan!
- Sense of Taste= Sa panahon ngayon, hindi na bago sayo malamang may mga kabataan sa kanilang murang edad ang nakatikim na ng kung anu-ano. Mga bisyong bumubuo sa kanilang mga sistema. At kung tikiman na rin lang, nakakalungkot malaman na may mga musmos sa pag-iisip na umaapurang magipon ng karanasang makamundo. Sana maunawaan nilang wala nang mas sasarap pang tikman ang mga bagay-bagay kapag ang lahat ay nakahanay na sa tama. At may mga bagay pang dapat tikman na hindi lang basta-bsta nakadudulot ng temporaryong kaligayahan, ito ang pagkain na dapat ihain at ipatikim sa kaluluwa. Mga bagay na tunay, kalugod-lugod at buhay. Kailan ba tayo makakalaya sa mga ilusyon, materyal, at temporaryo.
Matuto tayong tukuyin ang mga tama at mali ngayong panahon ng kasalukuyan, huwag tayong papalunod sa mga mapanlinlang, huwag lang ang mga aral ng kasaysayan ang magsilbing inspirasyon natin upang makibaka sa hinaharap. Tayo, ikaw, ang magtatayo ng sarili mong himagsikan. Hayaan natin ang mga halimbawa na nakikita sa lansangan ang maging inspirasyon natin. Hindi ako naniniwalang ang mga alaala noon ang magiging daan upang manumbalik sa atin ang lakas ng determinasyon upang magtagumpay at manguna sa mga hamon sa darating pang panahon. Huwag nating hayaang utang na loob lang ang nagpapakilos sa atin. Ang mga pangyayari ngayon ng dapat gunitain, at sa iyo ang simula. Sayo nakasalalay ang makabuluhang pagkilos upang makamit ang ganap na kalayaan.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa inyong lahat! :)
Click to set custom HTML