Huwag sana akong layuan ng dalaga
sa oras na malaman niyang ako'y humahanga sakanya
nang makita ko siyang nag-anyong diwata
ang puso ko'y nagtatalon sa ligaya!
huwag lang sana nilang masamain
ang aking lihim na pagtingin
sigaw ng aking puso'y sana'y dinggin
dumating ang araw na ikaw'y mapasakin.
hindi ko masabi kung kaya't idinaan sa tula
ang nararamdaman ng isang humahangang binata
sa tuwing nakikita ka'y umaatras aking dila
ako'y lumulutang at nawawala sa aking diwa.
o magandang binibini
ikaw ang aking prinsesa ngayong gabi
nais kong ikaw ay aking makatabi
at tikman ang matamis mong labi.