Bakit nung mga bata tayo mahilig tayong magsimula ng kwento sa "Isang araw?"
Anung meron sa isang araw? Di ba pwede mangyari ng gabi? Bakit kailangang araw?
Halos karamihan sa Pilipino ngayon ay mahilig sa gabi. Anung meron sa gabi?
Nagpupuyat sa gabi...
Nagtratrabaho pag gabi...
Lumalaklak pag gabi...
Kumakanta pag gabi...
Naliligo pag gabi...
Nag iingay pag gabi...
Lumalabas pag gabi...
At karamihan sa krimen ngayon ay hindi na sa gabi nagaganap, kundi pag may araw...
Anung mali?
Masarap mag puyat, halos karamihan ng crush natin sa facebook ay sa gabi naka online, madalas magpuyat kahit may pasok bukas.
Karamihan sa magagandang babae ng Pinas ay sa gabi lumalabas, at biglang nawawala pag sapit ng umaga.
Isa ba itong ebidensiya na usong uso na talaga ang vampire style sa pinas, simula sa Interview with the Vampire, Twilight at hanggang Vampire diaries. Ang mga pinoy gusto ring makisali, kaya nga may teleserye si Angel Locsin at John Loyd diba, ang Imortal, parang text di nag eexpired, immortal...
Pero sa tingin ko nagsimula ang vampire trend na yan dahil sa mga call center agent na nagsikalat sa pinas, mga di na natutulog na tao at lumalaklak ng alak sa araw...
Nagbago na nga mundo, dati pag sumapit ang gabi, ingay na lang ng insekto ang maririnig mo, ngayon tawanan at videokehan ang pupuyat sayo.
Isa ba itong senyales ng Global Warming o talagang gugunaw na ang mundo...
Hay naku, magulo na ang utak ng tao ngayon...
Basta ako, pag gabi,
"MASARAP ANG KAPE".
Paano kung bigyan natin ng saysay ang isang araw? Kahit isang araw lang?
Para kaya na nating sabihin sa mga kwento natin na, "Isang araw..."
Mga kalapis panuorin niyo ang bidyung ito..