Mayroong mga pagkakataon na nagkakaroon tayo ng mga pagkakamali sa buhay. Mga kasalanan na sa huli pinagsisishan. Mga bagay na kailangan may aral na kapulutan.
Ngunit ito’y hindi rason para tumigil sa kasadlakan, para magmukmok sa isang tabi at kamuhian ang sarili. Hindi para isiping wala ng magmamahal dahil sa karugitan na nadarama. Sa bawat pagkakataon mang nangyayari ang ganitong eksena mas kailangan nating tumingala hindi yumoko’t tumingin sa kababaan n gating pagkatao. Mas kailangan nating lumapit hindi magpakalayo dahil sa kahihiyan. Tingnan mo nga naman, sa mga oras na gumagawa tayo ng alam nating kamalian ni wala tayong katiting na kahihiyang nararamdaman pero pagdating na na-realize na natin ang lahat, halos magtago tayo sa ilalim na ating mga kilay (hindi ko rin alam kung bakit kilay)… Ngayon pa ba tayo mahihiya?? Kung kalian mas kailangan natin ang tulong ng higit pa sa ordinaryong tao, higit pa sa buong kalawakam, higit pa sa buong pagkato mo… Dito ko sasabihing wala kang dapat intindihin kundi ang SARILI mo, hindi ang iniisip ng iba, o ang mga mala-imbestigador na tingin kapag andyan ka ni ang mga usap- usapang ang tipic ay walang iba kundi ikaw (ayaw mo nun?? Sikat ka…)…
Walang ibang makakapagsabing may mali sa sistema mo, na may dapat baguhin, na may dapat solusyunan kundi ikaw lamang. Ikaw lang ang puwedeng umamin sa kamaliang nagawa. Mabigat isiping naligaw ka, na dati- rati’y kabisado mo ang landas na tinatahak… Mahirap tanggapin ngunit kailangan. Kailangan mong amining may problema. Amining kailangan mo ng agarang solusyon. Parang pasyenteng may kagustuhang gumaling sa oras na malaman niyang may hindi tama sa pangangatawan niya.
Kagaya nga ng pasyenteng may karamdaman, tumatakbo tayo sa pagamutan. Ang simbahan, ang pagtulong sa iba, ang pagbabasa ng bibliyaà hinid ito dapat ituring na isang rehab na paglabas libre na ang dugo sa droga. Maaring makatulong sila (pwedeng silang maging nurse, PT, anesthesiologist maski isang maintenance ng hospital)… Pero kagaya ng isang ooperahan kailangan ng Doktor ng permiso, permisong IKAW ang kailangang pumirma. Kabaligtaran ng OR na eksena, hindi pasyente ang nakitaan ng bahid ng paghihirap, para ngang sinaksakan pa tayo ng anesthesia, pero ang Doktor an gang duguan, Siya ang nahirapan.
Para ang buhay ay maligtas, buhay nag ginawang kabayaran. Successful ang operasyon kahit walang dumamping kutsilyo o karayo sa ating mga balat. Ganyan kagaling ang Manggagamoy na kakilala ko. Ang nakakabilib pa nito LIBRE ang Kanyang serbisyo, ginawa niya ito para sa lahat, walang pang pay/ charity ward. Masaya isisping may lubos na nagmamahal sa iyo, pero nakakalungkot na may handing magbuwis ng buhay para sa taong handa namang tumalikod sa Kanya. Humarap Siya na para bang Siya ang may pagkakasala ng sanlibutan, ngunit ang katotohanan wala ni isang guilty Siya sa anumang kamalian. Kailan masusuklian ng pagmamahal ang Amang nangungulila?? Kailan natin Siya pipiliin?? Kailan tayo kakampi sa Kanyang kampo??
Hindi makukumpleto ang pagbangon, ang pagbabago kung wala naman itong pagkakatandaan. Alam mo na ang dahilan kung bakit ka nalugmok, naway alam mo rin kung paano talikuran ang dahilang ito. Mahirap lalo na sa oras na hanap- hanapin ito na iyong sistema. Pero sa puso mo, sa pagkatao mo, sa spiritualidad mo, alam mong hindi na ikaw ang dating nasa pusali at ayaw mo ng bumalik dito. Alam mong hindi ka nababagay sa ligaw- ligaw na prinsipyo. Alam mo ang posibilidad, ang pwede mong kalagyan sa pagtalikod mo. Masaya, walang gulo… Unti- unting sasagi sa iyong isipan ang pagmamahal na inalay Niya, ang pagmamahal na hindi naghihintay ng naumang kapalit. Mpapangiti ka. At alam mo pagbalik mo sa piling Niya, mapapangiti rin Siya.

PAUNAWA: Pagpasensyahan ninyo na po ang mga sandaling naging tunog- sermon ang artikulong ito… Hindi ko po iyon sinasadya… Salamat sa panahong iginugol niyo…