Hindi ko alam kung paano ako nakakagawa ng sulatin kahit lango sa alak. Hindi ko alam kung paano ako nakakalikha ng mga imahinasyon sa isip ko lalo na nung naging tumadora na ako nitong lately. Ang galing galing!! Pero may isang lintek na magaling lang ang nangyari sakin ilang oras lang ang nakakalipas bago ko ito magawa. Bawal kiligin. Bawal rin ang mainis. Magbasa na lang kayo para lahat ay may isang malupet na apir! =)
Nasa bahay ako ng isang kaibigan kanina ng mapagpasiyahan naming uminom. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pakiramdam ko ay isa akong epidemya na may kinalat na sakit. Grabe lang e.. Sa pagkakaalam ko,ako ang nag iisa at pinaka latest na “single” saamin dito pero dahil sa sobrang pagmamahal nila ay sinuportahan nila ito at hindi lang yon,gumaya pa sila. Oha! Ganyan nila ako kamahal. Gayahan ng relationship status..
Habang nakatambay kami sa labas dahil nagbbreak ang magnobyo kong kaibigan,sumindi muna ako ng isang yosi at nagssoundtrip sa ipod. Wala akong ibang naririnig kungdi ang kanta ni Usher “coz baby tonight… DJ got us fallin’ inlove again” sabay ang pagyugyog ng ulo kong napapaindak sa sayaw dahil ayokong panoorin ang mala telenobelang away ng dalawa kong kasama. Natatawa na lang ako sa ginagawa nila dahil halos maghilahan na sila sa kalsada at muntanga lang pero hindi na ako natawa nang may nakita akong kakaiba. Ang isa sa mga naging nobyo ko nung araw (hyskul) na kinaiilangan ko hanggang nagyon. Napadaan siya sa harap namin dahil taga malapit lang naman siya at madami kaming common friend. Napapikit ako at bumulong sa aking sarili na sana hindi nya ako nakita at wag sana nya akong makita dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pero mukang huli na ang lahat dahil habang nakapikit ako ay nasa harapan ko na pala cya “Hi miss suplada” boses ng isang pamilyar na lalake. Para akong nanigas na yelo nun at hindi makagalaw. “ui!hi brix.kamusta?” nanginginig kong sagot sa kanya. Nagkamustahan kaming dalawa at nagkulitan ng konte pero sa maniwala kayo’t sa hindi,I felt so awkward man! Hayaan nyong ikwento ko sa inyo ang minsang naging pagibig ko kay brix para may idea kayo kung bakit ganun ang pakiramdam ko kanina.
Nasa 3rd Yr Highschool ako nang maging nobyo ko ang isang gwapo,tisoy at medyo singkit na lalake. Siya si Brix. 15yrs old ako nun at 22 naman siya. Hindi kase ako mahilig sa mas bata sakin o ka edad ko dahil mabilis nga magmature ang utak ko. Masaya naman kami ni brix kahit na seloso at matampuhin siya. Nung highschool kase ako,para akong nagpapalit ng damit sa pagbboyfriend. Hindi ako marunong humalik at hindi ko pa alam ang sex kaya oo! Late bloomer nga ako nun at kahit madami na akong naging nobyo nun,parang hindi pa ata sila nakipag frenchkiss sakin (hmmmm.. biglang napapaisip) oo tama! Waley pa nga.. So ayun nga,sa madaling salita ay naging matino na ako sa piling ni brix kahit wala naman kaming sexytime nung mga panahon namin pero may mas malupet pang nagagawa si brix sakin na talagang ikagugulat nyo..
Hindi naman kami nagtagal ng bongga ni brix pero minahal ko siya at alam kong minahal nya rin naman ako. Sa paglipas ng panahon,tila nagiiba na ang ugali at pakikitungo sakin ni Brix. Palibhasa ay masunurin at mabait akong girlfriend,hindi mahirap kay Brix ang masaktan nya ako ng pisikal. Kapag naiinis siya sakin,hinihigpitan nya ang hawak sa braso ko at kinakaladkad kung saan man. Minsan nga ay na-late akong lumabas ng skul namin at sinundo nya ako. napaghintay ko siya ng isang oras dahil may meeting pa kami sa loob pero laking gulat ko nung andun siya sa labas ng gate at masama ang tingin sakin. Paglapit ko sa kanya,kinuha nya mula sa likuran ang nakasabit sa kanyang back pack at sinadyang tumama ito sa muka ko. nagkasugat ang pisngi ko dahil matulis ata ang zipper ng bag nya. Dumugo at halatang halata ang sugat sa pisngi ko dahil maputi ako at mejo nagmarka saakin un. Paglabas ng mga kaklase ko,agad akong kumuha ng panyo sa bulsa at tinakpan ang sugat ko. sabi ko na lang,masakit ang ngipin ko kaya kailangan ko ng umuwi. Labis akong nasaktan sa ginagawa ni Brix sakin pero dahil sa wala akong alam at mahal ko siya,napapatawad ko naman siya agad kase sweet naman siya chaka bumabawi naman sa mga kasalanan at nagssorry rin cya (grabe yung katangahan ko nakakainis kapag naaalala ko). Maayos naman kaming dalawa at madami ang masaya para samin kase bagay daw kami kahit malayo ang agwat nya dahil muka naman syang bata pero kapag nag aaway,talagang minumura nya ako ng malutong at dinuduro. Siya lang ang tanging lalakeng nakapagpaganun sakin ng wagas. At ako? wala! Ako si iyak at awat para tumigil na siya. Maliit lang akong babe ngayon pano pa kaya nung hyskul ako? Kayang kaya nya akong hambalusin nun sa sobrang liit ko..
Pero dumating na ang araw na talagang nakapagpauntog sakin sa pader. Naginom sila brix sa bahay nila at sinama ako. Mababait naman ang mga kaibigan nya at kahit sino sa paligid namin ay walang nakakaalam ng mga nangyayaring pananakit saakin ni brix. Masaya naman kami nun at nagtatawanan pero mukang nakaramdam na naman ng selos si brix kaya tahimik lang ito habang nagkakasiyahan ang lahat. Ako naman ay nakikijam dahil may drumset sa bahay nila at pumapalo ako sa kung anuman trip nilang tugtugin. Maya-maya lang ay lasing na ako at gusto ko ng magpahatid kay brix kaya nilapitan ko siya at niyakap ng biglang may isang malakas na batok ang lumipad sa ulo ko “umuwi ka magisa mo tangina ka malandi kaaa!” ang sigaw ng galit na galit na brix. Napahiya ako at hindi ko alam ang isasagot sakanya. Inawat ito ng mga kaibigan nya at lahat ay nagalit sa ginawa nya dahil dun lang ata nila nakita ang totoong ugali ng kaibigan nila sa akin. Bago pa magkaron ng gulo,pinunasan ko ang luha ko,kinuha ko bag ko,at sinampal ko siya ng malakas na parang mas malakas pa ako sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi natanggal ang ulo nya sa lakas ng sampal ko. tumalikod na ako at naglakad ngunit hindi pa ako nakakalayo,bumalik ako sa pwesto nila at nilapitan ulit sya “arrraaaaayyyy!puchaaaa!” yan ang reaksyon nya nang binayagan ko siya ng malakas sabay hagalpak ng tawa ng mga kaibigan nya. Hindi ako natuwa pero grabe yung galit ko nung mga oras na yun. Hindi pa kase ako pinapayagang magboyfriend sa bahay kaya walang idea ang mga kuya ko sa mga nangyayari sakin pero kung alam lang nila,malamang ginulpi na nila si brix
dahil unica hija ako tapos ginaganun ako ng lalake sa edad kong yun.
Matapos ang isang buwan na walang komunikasyon ke brix,tumawag sakin ang kaibigan nya at sinabing nasa ospital daw ito. Nagalala naman ako kaya pumunta ako agad at kinamusta siya. Naaksidente si brix sa paglalaro nya ng skateboard kaya alam kong mahirap yun for him dahil isa sya sa pinaka magaling na skater na nakilala ko at biglang ganun ang nangyari. Nagusap kaming dalawa habang nakaratay sa higaan nya. Panay ang hingi nya saakin ng sorry at pagmamakaawa na wag ko naman daw siyang iwasan. Nagiiyakan na kaming dalawa at ayaw nyang bitawan ang kamay ko. Pinangako nyang magbabago na siya at hinding hindi na ako sasaktan. Nagsisisi na siya sa mga nagawa at kung pwede nga lang daw ay ligawan nya ulit ako basta wag ko lang daw syang iwan. Labis na nadurog ang puso ko dahil alam kong doble ang sakit na nararamdaman ni brix nung mga sandaling iyon. Sakit ng pagkaaksidente at sakit ng pagkawala ko. Mahal na mahal ko pa rin nun si brix at malungkot rin ako nun pero mas mahal ko ang sarili ko. Alam kong malayo pa ang mararating ko at hindi ako dapat pumapasok sa isang sitwasyon na alam kong pwde kong ikamatay. Napatawad ko na si brix pero tinanggal ko na ang pagkakahawak nya sa kamay ko at nagpaalam na ng maayos. Hinalikan ko siya sa noo at sa huling pagkakataon ay sinabi kong mahal ko pa rin siya at hindi ko siya makakalimutan. Umalis ako ng may dala-dalang sakit at aral sa buhay. Lalo akong nagmature at nagseryoso sa buhay. Lalo kong minahal ang sarili ko pati na ang mga tao sa paligid ko. Nagsisisi rin ako kung bakit ako pumayag na saktan ako ng ganun. Totoo nga ang sabi nilang “too much love will kill you”..
Lumipas ang panahon,nagkikita pa rin naman kami ni brix minsan at maayos na kami ngayon at nagkakausap kami sa facebook minsan dahil sa kabilang phase lang namin siya nakatira. Nabalitaan ko rin na nagloko siya sa pagaaral at puro inom ang inatupag nung naghiwalay kami. Hindi man kami magkaibigan sa personal ay alam kong napatawad ko na siya at ni isa sa mga nasa paligid namin ay hindi nalaman ang ginawa nyang pambbugbog sakin except dun sa nakita ng mga kaibigan nya nuon..
Samantala..
Kanina ay sobrang nanlamig ako dahil hindi ko alam ang irereact ko habang nagsisisgawan ang magnobyo sa harapan naming ni brix. Natawa siya at napatingin sakin “naaalala mo ba yan?” ang nakangiting tanong sakin. “parang ayoko ng alalahanin yun. Ang pangit e” awkward kong sagot. Pero biglang natahimik at bumilis ang nasa paligid namin ng sabihin nyang “alam mo,hindi na ko nananakit ng babae.. nadala na ko e!baka iwan rin ako gaya ng ginawa mo sakin. Kaya salamat ha! Dami kong natutunan sayo”.. magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko nung narinig ko yun sa kanya kase kahit ang tagal na naming hiwalay na natabunan na ng panahon,hindi pa rin nya ako nakalimutan. Mas natuwa ako dahil naging aral rin pala ako sa kanya. Pagkatapos ng usap na yun ay pumasok na ako sa bahay ng kaibigan ko at sinimulan na ang inuman namin at si brix naman ay umuwi na sa kanila. Kahit lahat ng kainuman ko ay may problema sa lovelife (kabilang na ako) ay sobrang masaya pa ako kase hindi ko makalimutan na ang dating pagibig ay ngayon isa ng matamis at hindi makakalimutang alaala..
Sana ay may kinapulutan kayo ng aral sa kwento ko. Wala tayong karapatang manakit o murahin ang taong mahal natin. Unwrittern rule yun! Mahalin at irespeto ang mga babae dahil sila ang magdadala ng mga sanggol na magiging bunga ng pagmamahalan nyo balang araw. May kaibigan at kapatid tayong mga babae. May mga nanay tayong lahat na siyang nagbibigay ng wagas na pagmamahal satin. Para naman sa mga kababaihan,hindi naman magiging sadista ang mga lalake kung hindi tayo papayag na saktan nila tayo kaya ipakita rin natin sa kanila na kaya nating ipagtanggol ang mga sarili natin. Wag natin hayaang manduhin at paikutin nila tayo. Mahalin ang sarili.
Lahat tayo sa mundo ay pantay-pantay lang. Walang labis,walang kulang. Walang babae “lang at lalake “naman”.. Maaaring lalake ang nasusunod sa isang relasyon yun ay dahil sila dapat ang magdala satin sa tamang landas at maging gabay natin upaang maging successful tayo sa kung anong pangarap natin hindi para bugbugin at abusuhin ang pagiging babae natin.=)