Nangarap ka na bang maging isang ibon sa kadahilanang ito ay nakakalipad ng malaya?
Nangyari na ba sa’yo na maging isang anino dahil sunud-sunuran ka sa iyong kapwa?
Kaya mo bang mabuhay bilang isang ibon na lumilipad ng malaya,
Kung isa ka lang namang malabong anino na hindi nakikita?
Sa paglipad ng isang kwago, mas lalo itong napapalapit sa liwanag ng araw,
Subalit ang anino nito ay nasa lapag lamang at sa paglipad hindi kailanman matatanglaw.
At ngayon ilalagay kita sa posisyon ng anino ng kwago.
Handa ka na bang lumipad para sa pagbabago?
"Hooot-hooo-hooot. Hooot-hoooooot" Maaga palang ay maririnig mo na ang himig ng kilalang kwago na si Noyr. Muli na naman itong lumipad sa himpapawid. Isang kwago na matipuno at walang kasing bilis sa paglipad. Sa kanyang pagbaba mula sa malawak na kalangitan, sinalubong siya ng palakpakan ng kapwa nito kwago.
"HOOOOT-HOO-HOOOT. HOOOT-HOOOOOOT"
Palubog na ang araw nang matapos ang kasiyahan ng mga ito. Nang nag-alisan na ang lahat, hindi inaasahan na mapansin ni Noyr ang kanyang anino. Nakatalikod ito sa araw kaya sa kanyang paglapit sa kanyang anino unti-unti itong lumiliit. Humarap ito sa araw at naglakad paabante kasabay ang ilang kataga.
"Sa tuwing lumalapit ako sayo ikaw ay nangliliit." Muli siyang humarap sa kanyang anino na lumaki dahil sa paglayo nito dito, at muling nagpatuloy.
"At sa aking paglayo ikaw naman ay lumalaki." Itinaas nito ang magkabilang pakpak at nagsalita muli na sinundan ng isang malakas na kulog at kidlat.
"Anino ko, isa kang traydor! Alam mo kung bakit?" Unti-unti ng nagdidilim ang kalangitan, at ang mga ulap nawawala na ang kaputian.
"Dahil lahat ng aking ginawa ay ginagawa mo rin. ngunit mananatili ka paring nandyan kahit ako ay patay na! Traydor ka sa sarili mong panginoon. Isa kang kadiliman sa liwanag. Isa kang kasinungalingan!" Kasabay ang huling kulog bago umulan ang pagpikit ng mga malalaking mata ni Noyr. Sa pagdilat nito nakita niya ang kanyang sarili.
"Teka! Paanong?"
Isang sumpa na mula sa liwanag at kadiliman ang pumukol sa nagtatakang kwago. Sumpa na hindi mo paniniwalaang mangyayari kahit sa isang kagaya mo. Sumpa na para sa mga mapangmataas, mapanghusga at walang paki-alam sa iba.
At isang bagong buhay ang natanggap ni Noyr. Bagong buhay bilang……
“Anino”
Maagang lumipad si Noyr ngunit bilang anino ng sarili nitong katawan. Malungkot niyang tinatanaw mula sa ibaba ang sarili niya. Dahil sa mataas na sikat ng araw, hindi na nito magawa pang makatingin. At dito magsisimula ang kanyang paglalakbay..
Isang batang babae ang nakita nitong buntis na agad niyang tinawanan. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip nito. “Ang mga tao talaga.” At tila huminto ang oras kasabay ang pagpasok ng kung anong bagay sa isipin ni Noyr. Tila panaginip ang nakita niyang pangyayari.
“WAG PO!!” Narinig niyang sumisigaw ang kanina’y buntis na bata, humihingi ng saklolo. Ginahasa ito sa harapan niya. Gustuhin man niyang tumulong ay wala ding magagawa dahil isa lang siyang anino. Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata at ang hindi inaasahang luha ay pumatak sa lupa. At sa pagdilat rumaragasang hangin na ang sumambulat.
Patuloy parin si Noyr sa paglipad ngunit nasa ibaba parin siya at bilang anino. Mabilis nawala sa isip niya ang batang babae at biglang napangiti dahil sa nakitang sobrang tabang lalake. At muli sa isip niya’y bumulong.
“Ang mga tao talaga!” At napalitan ang hangin ng puting liwanag na nakapagpabago ng kapaligiran. Nagmasid siya sa paligid. Ilang kakat’wang boses ang narinig niya. Pagpasok niya sa silid kung saan nagmumula ang hindi maunawaang tinig, nakita niyang nakaratay ang kaninang iika-ika maglakad na matabang lalake . Isang operasyon ang katatapos lang. Nalaman niyang kaya pala mataba ang lalaking nakita ay dahil sa “hormone imbalance” at dahil narin sa katabaan, binigyan ito ng taning ng mga doktor. Parang dinurog ang puso niya sa narinig. At muli, isang hindi inaasahang luha na naman ang kumawala mula sa kanyang mga mata.
“Kung may magagawa lang ako.. kung meron lang..”
Mabilis nagbago ang kapaligiran at tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Agad napansin ni Noyr ang nakasalubong at napatanong.
“Tao ba ‘yon?” At bigla na lang nagdilim ang paligid.
Sigawan at puro sigawan lang ang kanyang naririnig. Kaguluhan ang kanyang natutunghayan sa bawat dako ng lugar. Ang mga tao ay buong pusong pinaglalaban ang sariling bayan. Kitang kita niyang napakaraming namamatay sa bawat minutong lumipas.
“BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM” Isang pagsabog ang nakapagpatakbo sa lahat at nakita niya ang lalaking kanina’y nakasalubong na duguan at nasabugan sa mukha.
Ang lalaking pinag-isipan niya na hindi tao dahil sa itsura nito ay walang takot na lumaban para sa bayan at pagbabago.
“May dahilan pala ang lahat ng nakikita..” Napayuko na lang ito habang bumabanggit ng mga kataga.
"Puno ako ng diskriminasyon sa pag-aakalang ako ay perpekto pero hindi ko alam na sa pagyayabang ko ng mga bagay na meron ako mas lalo ko lang pinapaalam ang mga bagay na wala ako.”
Iyak at patuloy lang sa pag-iyak si Noyr hanggang magising ito sa mahimbing na pagkakatulog. Nagising ito dahil sa sigawan ng mga hayop at kapwa kwago. Nakita niyang lumilisan ang lahat dahil may naninira ng kagubatan na tinuturing nilang tahanan.
“Noyr, tara na! Andyan na ang mga taong mapanira!”
Bakas parin sa mukha ng ating bidang kwago ang kalungkutan gawa ng panaginip nito ngunit napalitan ito ng ngiti kasunod ang mga katagang maririnig mo lang sa mga “NAGISING” mula sa matagal na pagkakatulog.
“Hindi ako aalis! Lalaban ako! Ipagtatanggol ko ang tahanan natin! Hindi puwedeng laging ganito! Eto na ang simula ng pagbabago!”