AYON sa balita, si Jhenerson Cueva ang numero-unong palikero at babaero sa Baranggay Maginhawa. Sa tindig niyang mala-atleta at mukhang ala Christopher De leon, sinong lahi ni Eva ang hindi mabibighani sa kanya? Alamat na sa lugar nila kung gaano siya kabilis magpalit ng nobya. Para lang daw siyang nagpapalit ng karsun-silyo. Kinaiinggitan siya ng kapwa niya adan. Lahat ay gustong mapalapit sa kanya at maging kaututang-dila. Gaya ng ordinaryong binata, hilig niya ang maglaro ng basketbol. Nang minsang may paliga sa kanilang lugar ay buong -puso siyang sumali. Doon niya nakilala si Ivy. Ang napakagandang musa ng kanilang team. Si Ivy ang tipo nang babae na iuuwi ng sinumang lalake sa tahanan ng kanyang magulang at ipapakilala sa mga ito. Taglay nito ang " KKK" na katangian na hinahanap ng isang binata sa isang dalaga. Kagandahan, katalinuhan, at kabaitan.
Unang kita pa lang ni Jhenerson kay Ivy ay nabighani na siya. Nagpasya siyang bakuran na agad ang dalaga. " Nais kung magtungo sa inyong tahanan," ani ni Jhenerson kay Ivy nang minsang magkasama sila. Hindi niya maipaliwanag kung bakit dinadaga ang kanyang dibdib. Sanay siyang dumiga sa mga kababaihan. Alam niya kung paano ito mapapaamo. Paano at kay Ivy ay nababahag ang kanyang buntot? " Nais mong magtungo sa aming abang tahanan?" tanong ni Ivy na puno ng pagtataka ang buong katauhan. " Kung mamarapatin mo pagkat nais kong umakyat ng ligaw sa iyo at suyuin ka." buong tapang niyang sabi sa dalaga. Yumuko si Ivy, tila siya makahiya na nasagi at nahiya.
Kinagabihan, ang kalangitan ay puno ng mga tala na walang sawang magbigay ningning sa madilim na gabi. Ang buwan ay tila bolang kristal na nakasabit sa kalawakan. Gaya nang inaasahan, panauhin ni Ivy si Jhenerson. Buong giliw na sinuyo nang binata ang marikit na dalaga.
Isang buwan ang lumipas ay nasa harap ng altar ang magsing-irog at buong pusong nangako na mamahalin nang tapat ang bawat isa. Magsasama sa hirap at ginhawa." Walang pagsidlan ang aking kaligayahan, mahal ko. Ikaw at ako ay iisa sa mata ng tao at sa mata ng Diyos." ani Jhenerson sa kanyang kabiyak." Ako man, aking irog ay nagagalak.Ikaw lang ang aking mamahalin habang ako ay nabubuhay."
" Pangako?"
" Pangako." Isang halik ang ginawad ni Jhenerson sa kanyang napakagandang asawa. Halik na puno ng paggalang at pagmamahal.
Matuling lumipas ang araw, buwan at taon. Ang dating masayang pagsasama ng mag-asawa ay unti-unting gumuho. Ang dating mahinhin at malambing na si Ivy ay biglang nagbago. Lagi na itong busangot at madalas na nakasinghal sa asawa. Puno ito ng insekyuridad sa sarili, pagkat ang dating balingkinitang katawan ay lumapad.Tinatalakan niya si Jhenerson kung ito ay ginagabi sa pag-uwi mula sa trabaho. Hindi na lamang kumikibo ang pobreng lalaki sa tuwing siya ay sinisigawan at inuutusan ng kanyang may-bahay." Bukas ay Sabado, tambak ang ating labahan. Ikaw ang maglaba,pagkat ako ay magtutungo sa aking mga magulang upang bumisita." anito. Tumingin si Jhenerson sa asawa.
Gusto niyang magreklamo ngunit walang mga salitang namutawi sa kanyang mga labi."Oo mahal ko. Ako na ang maglalaba bukas." tugon ni Jhenerson
" Mabuti kung ganun. Dapat pag-uwi ko ay nakaluto ka na din."
Naging usap-usapan muli sa Baranggay Maginhawa si Jhenerson. Hindi na sa angking kakisigan, kundi sa pagiging " Andres" nito. Ang dating kalalakihan na nanibugho sa taglay niyang karisma, ngayon ay naaawa nasa kanya. Kabilang na si Ralph, ang matalik na kaibigan ni Jhenerson. Minsang araw ng Linggo ay nagkita ang magkaibigan sa tindahan ni Ka Nene.
" Kamusta ka na Pare ko?" bati ni Ralph kay Jhenerson na puno ng pag-aalala ang tinig. Ibang-iba na ang kanyang kaibigan. Ang dating guwapo at maamong mukha nito ay nahalinhan ng pagkabagot. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot.
" Ayos lang ako, pare." anito na hindi makatingin ng tuwid sa kanyang kaibigan. Tila ito may tinatago.Lumapit si Ralph kay Jhenerson. Bumulong.
"Pare, hindi sa nakikialam ako bakit hinahayaan mong manduhan at apihin ka ng iyong asawa?" Tila naman nagulat si Jhenerson sa tinuran ng kanyang kaibigan. Napakunot noo siya. Bumuntong-hininga siya. " Mahal ko ang aking asawa, kung ikaliligaya niya ako'y kanyang utus-utusan ay malugod kung susundin."
" Ngunit mali siya sa kanyang ginagawa sa iyo. Ikaw ang lalake, ang nakapantalon sa inyong tahanan. Ipakita mo na ikaw ang dapat masunod."
" Ano ang aking gagawin?" nalilitong tanong ni Jhenerson kay Ralph.
" Kailan ba siya nagkaganyan? Matagal ka na ba niyang minamanduhan?" Humugot siya ng malalim na hininga. Tila siya hapong-hapo.
" Noong unang taon naming pagsasama ay malambing at maunawain siya."
" Bakit bigla siyang nagbago?" Tiningnan ni Jhenerson ang kaibigan. " May kutob akong dahil sa...wala nang nangyayari sa amin sa kama."
" At bakit nagkaganoon, Pare?"
" Marahil sa kadahilanang ako ay nagdadalawang isip. Nawawalan na ako ng gana. Madalas siyang nakasigaw at nakasinghal sa akin."
"Ah! alam ko na kung ano ang sagot sa iyong dilema. Dapat ibalik mo ang pagiging romantiko, Pare ko. Ang mga babae ay patuloy na sinusuyo at minamahal. Sipagan mo ang paglalabing sa gabi. Lalo at wala pa kayong anak. Puyatin mo si mare."
" Sa tingin mo iyon ang solusyon?"
" Oo, kaibigan. Maniwala ka sa akin."
Magaan ang loob ni Jhenerson na umuwi sa kanilang tahanan. Tila siya nabunutan ng tinik. Tiningnan niya ang kanyang asawa na abala sa pagluluto sa kusina. Mahal niya ito ng higit sa kanyang buhay. Ito ang kabiyak ng kanyang puso. Ang babaeng magiging ina ng kanyang magiging mga anak. Ngumiti siya sa kanyang sarili. Tama nga ang kanyang kaibigan, pupuyatin niya ito. Ipapalasap niya muli sa asawa ang kanyang pagmamahal. Kagaya nang nakaugalian, pagkatapos nilang kumain ay dumulog sila sa harap ng telebisyon upang manood ng balita. Patay- malisyang inakbayan ni Jhenerson ang asawa. Hinalikan niya ito sa pisngi. Nang hindi kumibo si Ivy ay nagpatuloy siya sa kanyang paghalik. " Mahal ko," ani Jhenerson sa paanas na tinig.
" Hmm," ani Ivy sa tinig na tila kinikiliti.
" Tayo na sa ating silid."
Nang gabing iyon, muli nilang nilasap ang tamis ng kanilang pag-ibig. Tanging impit na daing ang maririnig sa kanilang silid. Dalawang kaluluwa na hinatid sa tuktuk ng kaligayahan.
Isang matamis na ngiti ang nabungaran ni Jhenerson. Sa kanyang paningin nagbalik sa dati ang babaeng buong puso niyang minahal. Ang babaeng pinag-alayan niya ng kanyang pangalan.
" Nais kong humingi ng paumanhin sa iyo. Ako ay naging pahirap at malupit sa iyo." anito na tila nahihiya. Tumulo ang mga luha ni Ivy.
" Hindi ka pa man humihingi ng paumanhin ay pinapatawad na kita. Ako man ay may mga pag-kukulang din." buong giliw niyang tugon dito.
" Tayo ay iisa. Itinadhanang magmahalan habang-buhay."
" Salamat, mahal ko." Muli ay naglapat ang kanilang mga labi.
Sa isip ni Jhenerson, ang buhay mag- asawa ay puno ng hamon at pagsubok. Marapat na sila ay maging matatag at mapagpatawad sa isa'tisa.