ISYU SA LIPUNAN: GALIT
Ang isyung ito ay di nangangailangan ng malawak na pag-iisip. Nais lamang nitong magbigay impormasyon sa ating kapwa tao (o hayop) batay sa sariling karanasan at base na din sa nakalap na impormasyon sa paraan ng pagtatanong at pagmamasid sa ating paligid. Kabilang na din sa paraan ang paggamit ng mga kapwa tao (o hayop). Basahin ng maigi. Hindi nangangailangan ng anumang komento o suhetiyon ang akdang ito, bagkus nais lamang linawin sa sariling pamamaraan ng sumulat ang isyung pang-emosyonal na pinagdadaanan ng lahat ng nilalang sa mundo. Malaya kayong ipahayag ang damdamin matapos mabasa ang akdang ito ngunit huwag po tayong umasang hindi kayo makakatanggap ng ilang pagpuna at pagsalungat sa inyong bibitawang mga salita.
“Ang tao ay sadyang may kanya-kanyang pananaw. Mas maiging tumahimik kung alam mo sa sariling mong walang magandang kalalabasan ang isang bagay na gagawin mo.”
____________________
Ang mundo ay maaring mula sa taong tinatawag nating Diyos at maaari ding mula sa isang pagsabog batay sa agham. Sa kabila ng bawat paniniwalang ito, hindi maiiwasang magkaroon ng pagtatalo ang bawat panig. Ang tiyak na dahilan ng pagtatalo ay ang hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.
Ang galit ay itinuturing na isa sa pitong nakamamatay na kasalanan (seven deadly sins). Ang galit ay isang emosyon kung saan ang isang tao ay nagpapakita ng pagsalungat sa isang bagay, paniniwala o maaaring sa isang tao na sa tingin niya ay mali o hindi nababatay sa kanyang pananaw. Isa sa pinaka gamit na emosyon ng isang tao kung saan marami ang naapektuhan. Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay nakakaramdam ng galit at ito ay ang mababasa ninyo sa akdang ito.
Una, kayabangan. Maraming tao lalo na sa panahon ngayon ang mayayabang. Ang kayabangan ay ang sobrang pagmamalaki o pagpuri sa sarili. Kung maaalala ninyo (hindi sa pinapaalala ko), ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking tension sa pagitan ko at ng isang grupong tao. Masyado kasi akong nayayabangan sa kanya. Ang bawat salitang kanyang binibitawan ay hindi na maganda sa aking pandinig. Masyado niyang tinatalakay ang sariling pag-unlad sa kabila ng tulong ng kanyang mga kasamahan. Kumbaga sa prutas, over ripe! Nasobrahan na siya sa tamis at hindi na siya maganda sa panlasa ng iba.
Ikalawa, di pagkakaintindihan. Sa aking pananaw, may mga tao na sadyang iba ang pagkakaintindi sa pagkakaintindi ng taong nagbigay ng mga pahayag. Walang kinalaman dito ang pagiging matalino o malawak na pag-iisip ng tao. Ang may malaking responsibilidad dito ay ang nagpapaintindi at umiintindi. Ang nagpapaintindi dapat ay detalyado o sapat ang impormasyong kanyang binibigay samantalang ang umiintindi dapat ay iniintindi ang mga binibigay na impormasyon sa kaniya. Dapat ay huwag padalos-dalos sa pananalita ang umiintindi at hinahayaan niyang magpaliwanag ang kabilang parte. Kung hindi maintindihan ng umiintindi ang nais mong ipaintindi kahit na sobra na sa sapat ang impormasyong naibigay mo, siya na ang may problema doon at hindi na ikaw.
Ikatlo, panggagaya. Panggagaya sa paraang panggagaya ng emosyon ng iba. Hindi ito yung literal na pagkopya o pagnakaw ng sariling gawa ng iba. May mga tao kasi na sadyang nakikisali sa usapan ng iba. Hindi sila yung usisero. Sila yung mga taong wala naman talagang kinalaman sa kung anong kaganapan ang nangyayari. Sila ay yung tinatawag na pakialamero at pakialamera. Sa totoo lang, hindi lalaki ang gulo kung walang makikialam. Marami kasi yung hindi nakukuntento sa simpleng palitan ng ideya ng dalawang panig. Ang gusto nila ay yung makakuha ng atensyon, malaking atensyon. Sa isang salita, papansin. Sila yung biglang lalabas sa “comment box” kahit hindi naman sila dapat naroon. Sila yung mga extra pero hindi naman talaga extra sa isang eksena sa pelikula. Sila yung maituturing kong low class. Low class dahil may pinag-aralan naman sila kaso di nila ginagamit iyon. Low class.
Ikaapat, sadya o di sadyang kasalanan. May mga taong parang makahiya. Matapik o masagi mo lang ay todo na kung makagawa ng eksena na hindi naman dapat sa isang pelikula kaya dapat tanggalin. Sila yung nagmamaganda, nagmamayaman, at nagmamagaling. Yung tipong akala nila sa sarili nila,sinasamba sila. May mga tao naman talagang sadyang malaki yung nagawang kasalanan. Kahit sino naman talaga ay makakaramdam ng matinding emosyon. Yung tipong sinaktan ka pisikal, mental at ang di pangkaraniwan – ispiritwal. Tulad ng nakaraang isyu na mababasa sa mga pahayagan at mapapanuod sa telebisyon, ang ispiritwal na bagay ay isang isyung hindi mamatay-matay. Simple lang yan, sundin mo yung mga suhetiyon ko sa una, ikalawa at ikatlong dahilan kung bakit may galit ang isang tao. Samahan mo pa ng salitang PAGGALANG SA OPINYON NG IBA at PAGPAPATAWAD NA KUNG SA IYONG PALAGAY AY NAGKASALA SILA SA IYO. :D
Ikalima, pangangalanan ko itong “hot blood”. Hot blood kasi may mga taong kapag nakita mo ay sadyang nakakainis o kumukulo na ang dugo mo kahit wala naman silang ginagawa sa iyo. Parang makita mo lang siya, sira na ang araw mo. Kapag nagsalita siya, maririndi ka. Kung minsan, tignan ka lang ay iniirapan mo na. Ang sagot dito, anger management. Ikaw na sa sarili mo ang may problema. Wala sa akin, wala sa kanya at wala sa aming lahat. Nasa sa iyo. Kumunsulta ka ng mga aklat o kahit mga tao kung paano mo kokontrolin ang sakit na iyan. Hahaha. Wala akong maibibigay na suhestiyon maliban diyan. Idagdag mo na lang ang panalanging hindi mo na siya makita kailan man. Biro lang! Haha.
Alam kong meron ka pang naiisip na ibang dahilan. Nariyan ang personal na dahilan. Pero huwag mo ng isipin pa iyon at simple lang ang sagot sa mga tanong natin na iyan. At hindi ko sasabihin ang sagot sapagkat alam kong alam mo ang sagot. Kailangan mo lang talagang mag-review.
Panalangin
Awitin
Sulatin
Pagpapatawad
Pagtanggap
Pakikipag-ayos
Pag-intindi
At marami pang iba.
-Mahinahong Kaisipan-