Authors Eklabu keme!
Paulit ulit kong sinasabi ang mga katagang to! Masarap ang pakiramdam ng pagod, masarap ang pakiramdam na maging kapakipakinabang ang mga bawat oras na ginugugol natin araw araw. Mas mainam pala ang ganito compared to lugaw diba? Well anyway gusto ko sanang magkuwento ng ilang pangyayari netong mga nakaraang araw sa akin. Mejo sablay malayo sa mga nailabas ko na. Tulad ng unang series kong ginawa na LOVE QUARREL, onting kilig muna tayo. Pambawi sa ilang linggong pagabsent ko eto na sisiwalat ko na ang isang kilig story ni Anti'Nyakis. Wasakan na ng pagkatao. :))
Isang pagod na hapon sa pagbabay sa kahabaan ng Ortigas. Lumong lumo nako sa layo sinabayan pa ng isang mainit na panahon na nagdudulot ng malagkit na pakiramdam. Isabay mo pa ang sobrang kapos na tulog. Isang weirdong pangyayari ng araw na iyon ang naganap at naglabo labo sa aking utak! Ang weirdo at napakakorning bagay pa ang pumapasok sa utak ko sa mga ganitong oras. Sa sobrang busy ko masasabi kong ako na ang babaeng walang konsepto ng pag-ibig!
30 minutes na pala akong nakatunganga sa harap ng elevator ng Summit building. Bahagya akong lumanghap ng mejo malamig na hangin mula sa lamig ng establisyimento. Unti unti ring napabuntong hininga. Kamusta kaya siya? Si Ron (hindit tunay na pangalan) ang tinutukoy ko. Ang isang lalaki mula sa nakalipas na dalawang taon. Isang its complicated na kaibigan. Dagli dagling sumagi at nangulit sa utak ko ang mga nakaraang alaala. Sa walang dahilan at hindi ko maipaliwanag na pangyayari. Pinilit kong iwaglit ang ganitong mga bagay, mahirap maantala ang aking trabaho ng mga ganitong kaisipan. Erase!
Sa wakas naman pauwi na! Makakapagpahinga na pala ako. Soundtrip ang masarap pag nagbyabyahe.I-on ang player. Bahagyang pumintig ang aking puso. Tulala at tanging saksi lamang ang dalawang earpiece na nakasalpak sa tenga ko.
Telephone
Socially scared and impaired
If the trees will bloom the wind can blow
Without the fruit falling out
Old incisions refusing to stay
Like the sun through the trees on a cloudy day
http://www.youtube.com/watch?v=YfZ1atulnIU
Bahagya akong natulala. Isang lumang kantang sabay naming pinapakinggan noon ni Ron! Ang tagal na rin pala. Ilang taon na rin kaming hindi naguusap. Wala na akong balita. Haaaay, sabi nga nila poeple do come and go! Muling sumiksik sa pagal kong utak ang memorya ng nakalipas.
..............
Text: Itigil na natin to. Tapusin na natin habang hindi lumalala!
Ako: Bakit?
Text: Mas mabuti pa sigurong wag na muna tayong magusap at magkita. Bye!
Mga huling katagang nagmula kay Ron.Paano mo tatapusin kaagad ang isang istorya kung kasalukayan palang itong naguumpisa. Durog ako sa mga salitang onti onti na lang makakapagpabigay na sa akin. Madalas kaming lumabas ni Ron noong mga panahong yon. Marami kaming mga bagay na napagkakasunduan na hindi masakyan na iba. Samahang umugat at panandaliaang pinagtibay ng marijuana! Tama marijuana! Normal na sa amin ang mga normal na kilos ng dalawang magkasintahan. No strings attach ang drama. Ngunit hindi nagtagal ang ganitong eksena. Kinalangan pa naming magiwasan dahil lang sa dahilang hindi niya nakuhang itayo ang sarili niya mula sa pangungutya ng barkada namin. Wala daw siyang mabuting maidudulot sa akin, at kung anu man ang namamagitan o ugnayan mas mabuti pang tumigil na lang. Dumadalo parin naman ako sa mga pagkikita ng barkada, pero wala siya. At kung dadalo man siya ako naman ang absent sa loob ng ilang taon ganito ang mga senaryo. Mas piniling magsawalang kibo ng barkada dahil alam nilang komplikado ang mga bagay.
Uso na ang facebook. Hanapan ng mga nawawalang tao! Nakita ko si Ron na nakatag sa isa sa mga post ng mga kaibigan ko! Sinubukan ko siyang i-add at sana kahit papaano eh ayusin ang nasirang pagkakaibigan ng wala ng kung anu mang kwentong sisira sa tansing naguugnay sa aming dalawa sa barkada. Hindi ako nabigo ina-accept niya naman. Nagusap, nagkamustahan. Muling nagkakuhaan ng number. Nagpasya kaming magkita ng kaming dalawa lang muna. Magusap man lang. Kaswal na usapan ang naganap, muka lang kaming gagu. Kasalukuyan akong nasa impluwensya ng isang lalake noong mga panahong iyon. In short may jowa. Isang matinding yakap lang noon at tuluyan na naman kaming hindi nagkita.
..............
Back to the ball game. Malapit na akong maglanding sa kama ko sa sobrang pagod. Saglit akong naupo sa terrace ng bahay. Sumindi ng isang stick ng yosi. Talaga namang pagod na. "BUZZ!" tunog ng cellphone ko! May nagtext, tsinek ko muna. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng mga oras na yon.Isang hindi familiar na number. Hindi nakasave sa phonebook!
Text: Ron to, san ka? (kasunod ang isang misscall)
Ako: Dito sa bahay nagpapahinga saktong text, may sasabihin ako sayo! Kaso wala akong extra load! (other network shit!)
11:30 na ng gabi. Nagpumilit pakong magload dahil sa sobrang weirdong mga bahay ngayong araw tungkol kay Ron.Pakiramdam ko nauulul nako. Paanong nangyari ang mga bagay na kanina ay naaalala ko lang siya ngayon ay bigla bigla nalang nagpaparamdam. Halo halong emosyon. Nang oras na makapagload nako talo talo na kahit extra load pa panreply.
Ako: Bakit mo ko hinahanap? Bat ka nagpaparamdam?
Text: Miss na kita eh. Anu yung sasabihin mo sa akin? (ikinuwento ko ang lahat ng mga weirdong bagay na naexpierience ko noong araw na yon)
Ako: Haha, miss mo ko? May kailangan ka no?
Text: Seryoso nga, when are you free? Lets meet please?
Ako: Busy ako sa trabaho eh!
Text: Hindi ka naniniwala sa akin eh. Anung gagawin ko para maniwala ka? Sige na magkita naman tayo? Magpapalit nako ng network para sayo bukas.
Ako: Ang gastos mo sa load, wala na akong pangreply. Sige magkikita tayo kung magpapalit ka na ng sim.
Text: Sige Sm nalang o kung gusto mo dito sa bahay miss kana din ni mama, magpahinga ka na. Alam ko namang pagod ka! goodnight!
Kinabukasan, galing ako sa isang cocktail party. Hindi para makipagsusyalan. Parte parin ng walang humpay na trabaho.Ilang shots ng wine at kung ano anong alak.Lasheeng nako pare. Kailangan ko ng umuwi. Sumakay nako sa isa sa mga F.X. (Ring ng cellphone, unfamilliar globe number) Sinagot ko,
SIYA: Hello? si Ron to?
AKO: Huh?
SIYA: Hello? Naririnig mo ba ako?
AKO: Ahhh. oo dito ko sa byahe mamaya kana tumawag.
SIYA: Eto na yung globe, hindi kita niloloko. Tuesday magkita tayo, off mo diba?
AKO: Text nalang kita mamaya. Lasing ako!
tooot tooot...
Tuesday June 07, 2011
Fresh from the baul. Nagkita kami. Tamang kuwentuhan tulad ng dating usapan. Ramdam kong masaya na si Ron di tulad nung huli naming pagkikita. Iba na ang pakiramdam namin. Matured na ata kami. Ang layo na namin sa dati. Nauwi ang usapan sa ilang seryosong usapin. Paulit ulit niyang sinasabi seryoso siya sa akin. Naguguluhan na ako. Papaanong nangyari ang mga ganitong bagay, 3 taon walang ibang ipinakilala si Ron sa mama niya na babae. Walang bahid ng girlfriend. Gusto ko magwala, pakiramdam ko parang maninigas ako sa mga kuwentong naririnig ko mula sa kanila. Ngayong hapon masaya kaming naghiwalay, umuwi nako. Magkatext parin kami. Muling binanalik ang mga bagay na katulad ng dati. Hindi ko alam, walang kasiguraduhan. Tikom ang aking mga labi. Isa kong ibon na lumilipad sa himpapawid. Tubig na dumadaloy sa batis. Ang tanging mahalaga ay isang lumang tao sa aking buhay ang nagbalik. Kung saan dalhin ng agos at ng simoy ng hangin ay hindi na mahalaga.
NOTE: Ang inyong nabasa ay isang orihinal na kuwento at nangyari sa totoong buhay. Para sa mga kumento, panlalait at healthy advices you can just message me on my facebook account! haha
(c) Anti'Nyakis http://www.facebook.com/ANTINYAKISngLAPISSAKALYE