Ako si Elsa. Ulila na ako at ako na lamang ang tanging bumubuhay at nagtataguyod sa mga kapatid ko.
Ako na lamang ang kanilang inaasahan sa buhay, sa kadahilanang hindi pa nila kayang magtrabaho at bata pa ang kambal na kapatid kong babae.Namatay ang aking mga magulang sa isang aksidente tatlong taon na ang nakakalipas.Masuwerte parin ako at natapos ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Nagtratrabaho ako sa isang Opisina sa Ortigas, hindi ganun kalaki ang sahod ngunit sapat na parang mabuhay kami at mapagaral ko ang kambal.Mahirap tumayong magulang at itaguyod ang kinabukasan nila, kumakayod ako sa umaga at nagoovertime kung maaari.
Sa opisinang aking pinapasukan ay nakilala ko si Luigi.Si Luigi ay naging kaibigan ko pa simula nung magkasabay kaming matanggap sa aming opisina.Mabait si LUigi at hindi ko maiwasang hindi mahulog ang loob ko sa kanya.Madali siyang mahalin at alam kong isang tunay na lalake siya.Masipag siya at laging pinupuri ng aming mga katrabaho, madalas din kaming tuksuhin ng mga ito sa kadahilanang madalas kaming magkasama.Hanggang sa kalaunan ay nanligaw siya sa akin, sinagot ko naman siya.Limang taon na kami magkasama at magkarelasyon.Kilala na din niya ang aking mga kapatid alam niya ang aming sitwasyon.Mapagpasensya ang aking nobyo,kahit na pa minsan minsan ay nawawalan na ako ng panahon para sa kanya.
Mahal na mahal ko si Luigi, mahal ko din ang mga kapatid ko.26 anyos na ako ngayong taon at nasa tamang edad na upang mag-asawa. Kasabay nito ay tutuntong na din sa kolehiyo ang kambal. Dobleng kayod, dahil mas mahal ang gagastusin ng kambal sa kanilang pag-aaral.Inalok na ako ng kasal ni Luigi ngunit wala akong magawa kung hindi tumanggi, hindi ko pa kasi kayang bumuo ng sariling pamilya.Hindi ko kayang iwan ang responsibilidad sa kambal sapagkat wala silang ibang aasahan kundi ako lamang.Tinatanggap naman niya ang aking paumanhin at nagwiwikang maghihintay siya.Pinangakuan ko siya ng kasal sa oras na makapagtapos ang kambal at ito narin ang naging pangako ko sa sarili ko.Sumang-ayon naman siya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.Wala akong magawa kundi ang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Lumipas ang isang taon, nakatapos na din ng First year ang kambal, 27 anyos na ako.Ang sarap ng pakiramdam na nairaos ko na ng isang taon ang kanilang edukasyon.Masaya din ako dahil si Luigi ay napromote sa aming kompanya.Hanggang sa isang araw ay kinausap niya ako.Madedestino daw siya sa ibang bansa at tatlong taon ang kontrata.Naguumpisa pa lamang kami ay ito na ang pangarap niya ang makatuntong sa Amerika.Pagkakataon niya na para tuparin ang pangarap niya.Malungkot para sa akin ang bagay na ito.Mamimiss ko kasi siya.Kinausap niya ako at muli ay nag-alok siya ng kasal,bago siya umalis.Alam kong pagod na pagod narin siya sa paghihintay.Tinanggihan ko ang alok niya, sa kadahilanang may responsibilidad at tungkulin pa akong dapat gampanan.Gayun din ang isang pangako na hindi ako magaasawa hanggat hindi ko napapatapos ang kambal.
Lumisan na si Luigi,baon niya muli ang pangako ng aking pagibig. Tamang tama pagkatapos ng 3 taon sa muli niyang pagbabalik at matatapos na ang kambal. Wala na akong iisipin maaari na kaming ikasal.Malungkot ang kanyang pag-alis ilang taon din siyang mawawalay sa amin. Ang tanging magiging dahilan lang upang magkausap kami ay sa pamamagitan ng tawag at internet.Mahirap ang ganito para sa akin.Simula naman nung umalis siya ay hindi siya nakakalimot.Palagi niya akong tinatawagan, pag day off ko naman ay nagchachat kami.Nasasanay na din ako kahit
papaanong malayo siya.
Isa't kalahating taon na ang lumipas mula ng umalis si Luigi, madalang na lang siyang tumawag.Madalang nalang din kaming magchat.Kapag naman tinatanong ko siya ay sinasabi niya lang na busy siya sa trabaho doon.Nararamdaman ko ang lamig,malamig na pakikitungo sa akin ni Luigi kahit na malayo siya.Hindi niya kasing sweet katulad ng dati.Hanggang tumagal ay hindi na kami naguusap,wala na akong narerecive na kahit anu mang email o text message mula sa kanya.Nawala siya ng tila ba parang bula.Nawalan na ako ng balita sa kanya.Wala na rin ang pamilya niya dito sa Pilipinas at nagmigrate sa Amerika.Kasabay ng pagmimigrate nila nuon at inalok nya din akong sumama ngunit muli ay aking tinanggihan.Mahal na mahal ko parin si Luigi at handa akong maghintay sa muli niyang pagbabalik, sa panahong handa ko na siyang pakasalan.Binubuksan ko na lamang ang isipan ko na baka busy lang siya kaya nawawalan na siya ng panahon upang ako'y kausapin.Ayaw kong isipin na tuluyan na siyang napagod sa paghihintay sa akin.
Dumating na ang pinakahihintay kong pagkakataon.Graduate na ang kambal sa wakas ay handa na ako para sa sarili kong pamilya. Handa na ako sa sumpang binitiwan ko noon kay Luigi.Ngayong linggo na rin ang balik niya ayon sa boss namin sa opisina.Dumating ang araw ng kanyang pagbabalik,naghanda ako nagayos ng sarili.Sabik na sabik na akong makita si Luigi ngayon siguro ay lalo siyang gumwapo.Dali dali na akong pumasok,sa katunayan ay medyo late na din ako, sa kadahilanang ginabi na kami ng pag-uwi dahil nag-asikaso ako ng welcome party.Mas maaga ang kanyang pagdating higit sa oras na aking inaasahan.Nandun na si Luigi.Ng buksan ko ang pintuan ng opisina ay tila ba natahimik ang lahat, nahinto sila sa ginagawa nilang kasiyahan. Natuon ang aking mga mata sa lalakeng nakatayo sa gitna, nginitian ko siya.Ngunit walang ngiting namutawi sa kanyang mga labi.Nang akmang yayakapin ko siya ay tumanggi siya kasabay nito ang pagpapakilala sa kanyang asawa.Tama nag-asawa siya.
Dali dali akong tumakbo palabas ng opisina habang umiiyak. Sinundan niya ako at duon ay kinausap.Humingi siya ng patawad sa akin.Tama ang aking hinala, napagod na siya sa paghihintay.Ang sabi niya ay hindi na daw niya nagawang sabihin sa akin dahil alam niyang makakaapekto ito sa pagtratrabaho ko at pagbuhay sa kambal.Nag-usap kami sa huling pagkakataon.Ito na ang huling paalam, may pamilya na si Luigi.Tapos na ang lahat para sa aming dalawa.Wala na ang aming pangakong sinumpaan.Gumuho ang mga pangarap na binuo namin nuon sa aming isipan.Masaya na si Luigi sa piling ng iba.Natupad ko ang pangako ko napatapos ko ang kambal.Ngunit ngayon ako nalang mag-isa wala na si Luigi.Wala na siya.