REST COMES AFTER WHEN YOUR DEAD.
Walang karapatang magpahinga. Trabaho, mga letse. -my bossMatagal tagal din pala ng huling nakapagbahagi ako ng sulatin sa ating pinakamamahal na pahina. Masyadong nakakamiss ang mga bagay na ganito. Sa dalawang pagkawala ng inyong lingkod ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga bagay na aking natutunan sa buhay. Maraming nawala at maraming nabago sa sistema ng takbo ng buhay ko. Masasabi nating medyo seryosong bagay ang naranasan ko, sa sobrang seryoso kaya nagdulot ito ng maagang pag-alis sa aking pinapasukang trabaho. Isang matinding aral ang idinulot nito sa akin at sana kapulutan nyo din ng aral ang aking kwento.
Ako ay namasukan bilang isang assistant sa isang fashion designer sa paniniwalang ito ang magliligtas sa akin sa pagiging tambay. Totoong noong una ay maayos at maganda ang nagiging takbo ng mga pangyayari. Ngunit di kalaunan, ay parang may punyal ng dating nakatutok sa aking puso at unti unting ibinabaon. Isang malupit na tao pala ang aking nakasalamuha. Madali akong nagtiwala sa taong hindi ko naman lubusang kilala. Masyado akong nasilaw sa kapangyarihan at kasikatan sa pagaakalang ito na ang sasagot sa aking mga hinaing sa buhay. Totoong maraming bagay akong natutunan at hinding hindi ko iyon ipagkakaila. Ngunit para sa isang malupit na amo, kahit pa gano kalaki ng sweldo eh hindi na talaga ako tumagal.
Nais kong ibahagi sa inyo ang hirap na dinanas ko. Nais kong ako'y pakinggan nyo. Sa loob ng dalawang buwan na trabaho, wala akong tinatawag na R.D o pahinga. Walang bakanteng araw, buong linggo sa ginawa ng diyos ay araw araw na apart na oras na tulog. Tuliro at hindi na maganda sa pakiramdam ang ganoong gawain, madalas kong nararamdaman ang panlalata. Dahil sa ganitong sistema , ay minsan hindi na ako nakakapagtrabaho ng maaayos. Isang dahilan para magalit ang boss ko. Nauunawaan ng bawat isa sa atin ang galit kung alam naman nating mali ang ating ginawa. Pero sa lagay ko, malabo kaibigan. Madalas akong murahin ng amo ko. Wala akong karapatang magpahinga. Hindi ako maaaring kumain hanggat hindi natatapos ang aking gawain. Naranasan kong mag-hand stich ng damit hanggang 2pm at straight na walang tulog. Tumakbo sa ulan at sagupain si Falcon para lang masunod ang mga gawain.Ako na ang secretary, assistant , accountant at minsan katulong.At ang pinakamasaklap, sa huling buwan ng pagpasok ko limang libong piso na lang ang ipinasahod sa akin. Napaupo ako sa banyo pagkatanggap ng sahod ko. Dahan dahang pumatak ang butil ng luha mula sa aking mga mata. Lahat ng pagod ko, puyat at pagtitiis ay yoon lang ang naging kabayaran.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Umalis ako sa pinapasukang trabaho. Hindi ko kayang patayin ang sarili sa pamamagitan ng ganoong paraan. Masyadong maraming taong naniniwala sa kakayanan ko para bulukin ko lang sa 4 na sulok ng lugar at tao na yon. Masyado akong nasayang, pinilit ko ang sarili ko sa trabahong hindi ko naman gusto at yuon ang nangyari. Totoo palang kung hindi ka masaya sa bagay na ginagawa mo ay hindi ka magiging progresibo.Kailangan pala talagang tiyakin mong mamahalin mo ang trabahong papasukin mo upang hindi masayang ang panahon at oras mo. Dalawang buwan na nawala sa akin ang buhay ko. Ngayon ay nararapat ko ng bawiin. Akin to, at walang kahit na sino mang pwedeng magmay-ari. Lalong lalo na sa isang P**@** I*@** abusadong among kagaya ng nakasalamuha ko. Natututo na ako, at hindi hindi na babalik. At ngayong nakabalik na ako pagkakataon na para makabawi. Pagkakataon ko ng muling magbahagi ng aking mga sulatin. Maaaring hindi ako makilala ng ilan, at para sa mga hindi pa nakakakilala sa akin. Hindi po ako bago. Ako si Anti'Nyakis, ang makulit , astig , madrama , masaya , masalimot at adik na admin ng Lapis sa Kalye. Nais kong muling magpakilala.