PAUNAWA: Ang lahat ng inyong mababasa ay pawang kathang isip at kalokohan ng may akda. Anti'Nyakis Guidance is highly recomended.
1. SUPPLIER NG WEED SA KANTO.
- Ang isang normal na babae ay hindi mangangarap ng isang boyfriend na Weedman.Oo nga naman anung magiging pakinabang nila dito.Mas gugustuhin ng isang normal na babae na suplayan siya ng load kesa sa berdeng gulay.Sa isang astig na babae ay importante ito.Libre sindi na hindi pa nauubusan.Higit sa lahat makasisigurado kang organiko lang ang tinitira ng boylet mo.
- Bakit nga naman maghahangad ang isang normal na babae ng ganitong uri ng itsura.Kung meron namang ala koreanong lalakeng parang bading na pinapangarap nila.Hindi sila magtyatyaga sa lalakeng makati ang buhok habang niyayakap pag natutulog.Wirdo sa paningin ng normal, malupit sa mata ng astig.Wag ka na ring magtaka kung hindi siya nagsusuklay, ayaw nya lang malate sa date nyo.
- Sino bang astig na babae ang naghangad ng dancer at rapper? Haliparot ang mga dancer,malilikot ang katawan.Ang mga rakers steady fredi palagi lumilikot lang sila pag slaman.Ang mga rapper hindi marurunong kumanta,kaya nga sila nagrap eh kasi wala silang ginintuang boses? Meron na bang napabalita ngayong nangharana sa pamamagitan ng rap? Kung meron man sino yun? Kakatayin ko! Pag nasa banda ang nanliligaw sayo partikular na tutugtugan ka niya sa pinakamagandang tugtugpak na gusto mo.
- Lalakeng pwede kang dalin sa kay manong fishball.Hindi magyaya sa starbucks,instead inuman. (Mas masaya kaya yun!) Hindi mahilig tumingin sa salamin. Baka pag konyo nakapareha mo mas madalas pang magretouch kesa sayo dba? Hindi maarte, at hindi nagpapacute sa ibang chicks. Hindi ka rin kamumuhian ng mga bading sa kanto kapag astig at gusgusin ang syota mo.Handa ring makipagsiksikan sa maraming tao sa MRT at LRT kung kinakailangan.
- Hindi takot sa tusok ng karayom.Handa niyang labanan ang sakit at dulot na dugo na pagpapatattoo.Kung karayom palang kinakatakutan na ng isang lalake,aba magisip isip kana. Hindi kaya paminta yang nanliligaw sayo? Paano ka nyan ipagtatanggol kung sa karayom palang eh takot na siya.Baka magtago pa sa saya mo yan kung sakasakali.
- Gagawa siya ng paraan para sa date nyo.Kahit hindi malaki ang gastos basta maging masaya kayo.Hindi yan kakapit sa patalim tulad ng isang maarteng lalakeng gustong tumambay sa starbucks para lang makalibre ng wi-fi.Madiskarte,uutang siya sa mga kaibigan kasi mapagpakumbaba siya sa kanyang sarili,hindi siya magaastang mayaman at isisikretong may finanser na bading.Gugustuhin mo bang may kahating bading sa pagibig? HINDI!
- Kung ganitong uri ang mapapangasawa mo aba maswerte ka.Mabilis kayong makakaipon.Wag ka nang magtaka kung sa date nyo palang eh hindi na siya nakaligo.Ibig sabihin nagtitipid siya ng tubig.Wag kang maghangad ng bagong ligo at amoy safeguard mahal ang waterbill nila,at nagtaas na rin ang presyo ng sabon sa kasalukuyang panahon.Oorder ng extra rice kahit gravy na lang ang ulam, busog na nakatipid pa diba?
- Hindi magsusuot na malalaking damit ang isang malupit na lalake.Swak na sa kanila ang sakto sa kanila.Basta dark color pasok na.Hindi din sila naggigym,at nagsisite seeing sa mga lalakeng maskulado duon.Mas skinny type mas patok, yan yung mga uri ng hindi malalakas kumain.Nangangahulugang batak sila sa pagpupuyat, pwedeng gig o di naman kaya graveyard shift na call center agent.
- Huwag kumuha ng kaparehang sa amoy pa lang ng takip ng bote ng alak eh lasing na.Siguraduhing hindi mo siya kayang patumbahin sa inuman.Nakakahiya naman siguro kung ikaw pa magbibitbit sa kanya pauwi pag lasing na diba?Ang tunay na manginginom didiskarte kahit walang pangalak. Kung talagang mamahalin ka nya pag nagrekwes ka eh paniguradong lista na naman kay aling puring ang drama.
- May panindigang bayaran lahat ng kanyang inutang para sa date nyo at ang mahabang lista sa tindahan ni Aling Puring.Totoong madiskarte sa buhay ang mga ganitong lalake.Siguraduhing hindi niya sayo pababayaran.Kahit pa tumagal kayo ng pagkatagal tagal hindi siya mababaon sa utang. Iwasan ang mga lista sa tubig, hindi ito makakatulong. Baka pati pag-ibig niya sayo ilista niya pa sa tubig. Wag ganun bad yun.
- Bawal magutom, yan ang pakatatandaan. Kailangan palaging package na ulam at kanin ang kukunin nyong kapareha.Check measurements before anything else! :))