Ito po ay Part II na. Ito ang sequel sa kwento ng taong kinasisiraan ng bait ni Anti'Nyakis.Upang higit na maintindihan ang aking sulatin aking inererekumendang bisitahin nyo ang Part I sa buhay ng inyong lingkod.
link ng Part I: http://lapissakalye.weebly.com/3/post/2011/06/wala-tulog-umalis-si-keso-wierdo.html
(Hingang malalim! Haaaay, game!)

Siguro nga talagang mahiwaga ang pag-ibig. Maraming tanong sa utak mong hindi mo maipaliwanag kung bakit.Patuloy na umiikot ang napalaking mundo,pero para sa mga taong nakakaranas ng ganitong hiwaga umiikot lang talaga ang mundo nila sa iisang tao.Masarap sa pakiramdam, nakakalungkot minsan kasi may tinatawag na paalam.Ganito talaga siguro pag tinamaan ka ng lintik na kamalasan. Talaga naman!
Bakit merong mga bagay na pinipilit na sayo, pero ayaw mong maniwala.Pilit mong pinipigilan ang sarili mo kasi ito ang alam mong tama.Teka anu nga bang tama? O hindi naman kaya takot ka lang na maaring maging panibagong unos na naman sa buhay mo kung susubukan mong makipagsapalaran kay tadhana.Tadhana, ikaw na po ang bahala.Pano mo masasabing tama ang gagawin mong desisyong iwan ang taong yon kung may nagtutulak na di mawaring elemento na dapat ka palang bumalik.Bakit ka takot masaktan? Bakit ka takot makipagsapalaran? Anu bang kulang?
Kapag ba pumasok ka sa isang relasyon alam mo na ba kagad kung anung kahihinatnan? Hindi naman diba? Pero bakit gusto mong iwan, gayung maari ka namang manatili? Gusto mong umiyak pero walang kahit na isang patak ng luha ang nanggagaling sa iyong mga mata, kahit pa sobrang bigat na sa pakiramdam.May tinik na tila ba ayaw mabunot.Gusto mong lumabas sa ulan at mabasa, gayong maari ka namang manatili sa loob ng bahay at magkulong sa bisig ng taong yun!
Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Minsan sa isang napakahabang tanong maaring oo at hindi lang sagot! Alam mo namang oo ang sagot pero bakit niloloko mo ang sarili at sinasaksak sa kukote mo na hindi.Hero na naman si puso at si utak,nagtatalo na naman sila. Hindi nila alam sa kanilang dalawang kung sino ang masusunod.Nakakabaliw, nakakaulul ang hirap gumawa ng hakbang lalong lalo na pag nakikita mong bukas ang pintuan sa isang maliwanag na patutunguhan.
Magkaalaman na kung sino ang tunay na baliw.Araw arawin mo ang paglunod sa sarili sa isang basong kumukulong tubig. Ipilit mo ang gusto mo, lokohin mo ang sarili mo.Hindi mo mahal ang taong yon pero bakit sa araw araw eh patuloy parin syang sumasagi sa iyong memorya.Kung araw araw pinapangarap mo sana siya ang makasama mo tuwing umaga.Bakit hindi mo kayang pagbigyan ang sarili mo.Wala ang kasaganaan sa kaligayahan, kung kaya't mas pipiliin mong maging masagana at tuluyan mo ng ibabaon sa limot si kasiyahan.Eh pano kung malungkot na si kasiyahan? Malamang mabalitaan mo na lang isang araw na may lisensya na pala ang nagmamayari sa kanya.Saka ka magsisisi kung kelan huli!Ang labo mo!
Olats pare tanggapin mo ng talo ka. Tanggapin mo ng mahal mo siya.Kung talagang desidido kang lumayo,bakit hindi mo siya subukang yayain.Malay mo naman gusto nya rin palang sumama.Baka hindi mo nakikitang sabay din pala kayong nangangarap para sa isa't isa.Baka naman gusto mong maging parte din sya ng buhay mo,pinipilit mo lang hindi.Bakit mo pinipilit putulin ang pisi gayung alam mo namang matibay ang pagkakakonekta nito?
Pinipilit mong sabihing magisa ka at walang katuwang sa buhay.Dahil ba sa konseptong masarap pag magisa, magagawa mo lahat ng gusto mo.Walang kokontra kung anu mang gawin mong desisyon sa buhay mo.Totoong kalayaan kung tatawagin kung pananatilihin mo ang sarili mong magisa. Pero hindi bat nakakulong ka rin.Nagkukulong ka sa salitang kalayaan.Gusto mong kumawala pero pinipilit mong magmatigas na manatili sa iisang sulok.Bakit kaya hindi mo subukang lumabas,may naghihintay sayo sa pintuan. Wag mo na sanang hintaying mainip at mapagod sya sa kakahintay.Gumawa ka ng aksyon,gumawa ka ng bagay na alam mong kahit na kailan hindi mo pagsisisihan o kung hindi naman mas mabuti pang maglasing ka na lang.