Dear Lapis Sa Kalye,
Two weeks nako sa trabaho ngayon. Sana mapatawad mo ko kung absent ako sa page mo. Babawi ako wag kang magalala.Ang totoo nyan eh miss na miss na kita.Araw araw kitang iniisip.Hindi nako makakain ng maayos. Siguradong malulungkot ang kaibigan kong si Jamiro dahil nangangayayat nako.Sana makilala mo pa ako pag bumalik nako.
Lapis ganito pala ang pakiramdam ng may trabaho.Ngayon di ko na makuhang pumetiks.Hindi ko na magawa ngayong titigan kita maghapon at magdamag sa harap ng monitor ng pc.Kailangan ko kasing makisama sa bago kong amo. Mahirap na baka masisante ako, kahit hindi ko naman talaga gusto ang trabahong pinasok ko.
Ang laking challenge neto sa akin Lapis. Isipin mo naman wala naman akong paki sa fashion world.Ikaw na magkaamo ng fashion designer.Nakakagagung makipagusap sa mga mayayaman at mga artista, makipagtransaksyon at plastic na pakikipagsusyalan.Wala naman akong paki sa kanila eh tutal pareho pareho lang naman kaming kumakain ng bigas. Isinasaksak ko na lang sa utak ko na kailangan ko ng trabaho.Akala ko nga nung una mataray yung amo kong bading pero di kalaunan nakasundo ko rin sya.Maraming salamat sa gabi gabi naming baklaan ni seksing patatas at malaking tulong to sakin.
Badtrip talaga lapis, kailangan ko ring maging fashionable. Kung dati nakukutento nako sa tshirt sneakers at shorts, ngayon kailangan ko ng ayusin ang sarili ko. In short kailangan ko magpakababae.Dahil sa bawat bihis na sinusuot ko sa tuwing may lakad eh nakasalalay ang pangalan ng boss ko. Wag ka ng maghangad ng picture dahil wala. Parang gusto ko na ngang magresign dahil balak nya akong ipakulot. Pero sakto lang naman ako parin naman ang masusunod para sa sarili ko.
Ang malupet pa dun lapis, alam mo ba napagkamalan na naman akong tomboy as always. Walanjo, bakit ganun? Naisip ko tuloy yung mga iniisip ng mga kaibigan ng amo ko nung nasa backstage ako nung nakaraang fashion show. Baka iniisip nila na gustong gusto ko dun, dahil naghuhubad yung mga modelo. WTF! anung gagawin ko sa babae. Nakakaloka! Isa pa nung binihisan ko si Alodia Gosiengfiao. Oh yung mga fan dyan ah. Ganda ng katawan nya sorry na lang kayo. haha
Kailangan kong magtiis Lapis, kaya kahit ayaw ko kailangan kong manatili sa ganito mundo.Kailangan kong matutong makisabay sa mga taong nakakasalamuha ko. Kailangan kong lumaban sa agos ng ganitong buhay.Pero sa kabilang banda ayos din kasi marami naman akong natututunan.Gayun pa man nanatili parin akong normal na anti'nyakis pagtapos ng trabaho. Bagong skill para sa akin. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ko para sa mga matataray naming kliyente. Hindi ka pwedeng magtaray kasi mawawalan ka ng pera. Goodluck sa akin sana makatiis ako sa ganitong uri ng kalakaran.
Lapis gusto ko mang manatili pero kailangan ko na namang lumayas. Miss na miss na kita Lapis, sana palagi kang nasa mabuting kalagayan. Wag kang magalala sa akin kaya ko to. Kita kits sa susunod na mga araw lapis.Nasasabik nako sa muli kong pagbabalik upang masilayan ka. Oh, sya hanggang dito na lang. Astalabista.
Nagmamahal,
Anti'Nyakis