Kelan mo masasabing sakto ka na? Kapag meron kanaba ng mga bagay na hinihiling mo sa buhay? Bakit kahit nabili mo na lahat ng gusto mo eh may kulang parin? Kelan mo masasabing sapat na ang lahat? Bakit hindi mo kayang makuntento sa kung anu mang meron ka? Mistulang paglalakad sa isang malawak na daanan pero hindi mo alam kung saan ka patungo. Sa landas ng buhay san mo mas pipiliing dumaan, sa kalyeng wala liko pero madaming lubak o sa kalyeng ubod ng patag pero walang kahit na isang silaw ng liwanag kang maaninag.
Kadalasan pag lugmok ka sa putik, wala ibang taong tutulong sayo at yan ay isang reyalidad. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang din. Wag mong hayaan ang sarili mong kumapit sa patalim, sa totoo lang ang pinakamagandang gawin ay umusal ng panalangin.Tangin siya lamang ang hindi nagsasawang makinig sa ating mga hinaiing. Siya ang may alam ng lahat ng math mo sa buhay. Siya ang pinakaastig sa lahat at wala ng iba pang mas lulupet pa sa Kanya.
Ang tao likas na mareklamo. Walang hinto ang mga bunganga sa mga bagay na hindi nagugustuhan ng ating paningin. Wala tayong ibang hinangad kundi ang mga bagay na bubusog sa ating mga tiyan at bulsa. Magagarang kasuotan ng ubod ng ginto. Ngunit sa katagalan at pinaglumaan na ng panahon eh tinatapon din natin. Nasisilaw sa karangyaan, sinag at kinang. Ganyan kaba kadalasan? Kung nagpapadala ka sa agos ng panahon, marahil ay hindi mo narin maiisip ang ganitong mga bagay. Masasabi mo bang kumpleto ka na pag meron ka ng pinakahigh-tech na gamit na wala ang sinumang katauhan? Mas maige pa ang taong mababaw ang kaligayahan at nakukuntento na lamang sa kakarampot na gamit na binibigay sa kanila at lubos itong pinahahalagahan. Bakit ka nagbabanat ng buto para sa mga ganitong luho? Bakit mo ginagastos ang tuition fee mo para sa walang kwentang bagay? Tamaan, sapul! Nilulunod mo lamang ang sarili mo sa isang baso ng kumukulong tubig.
Walang hinto sa pagpuna sa kamalian ng lahat ng nasa paligid. Samantalang nagkukumahog ka naman sa pagtakas mo sa tunay na mundo, pagtakbo sa mga taong inagrabyado mo.Malimit nating sabihin ang "wag mong gawin ang ayaw mong gawin sayo ng iba". Pero paulit ulit tayo sa mga bagay na hindi naman natin dapat ginagawa. Kung sa bagay nga naman, sabi ng iba masarap daw ang bawal. Ang bagay na ito, para sa akin ay panandalian lang. Papasok ka sa isang pagkakataon na ubod ng saya. Makakatapak ka ng pagkatao sa dahilang hindi mo makita. Tama parin bang sabihing masarap ang bawal kung kalaunan eh pagdudusahan mo rin ito. Nasa huli ang pagsisisi, ganito tayong mga tao alam nating mali pero pinipilit parin nating ipilit ang ating mga gusto. Hindi bat mas magandang itama na lang ang mali. Ituwid ang baluktot.
Kahit ilang libong maskara pa ang suotin ng bawat isa sa atin ay hindi natin kayang ikubli ang ating mga sarili. Nililinlang tayo ng ating paligid. Kahit pilitin pa nating balutin ang ating mga sarili sa makakapal na balabal ay darating at darating parin ang panahon na giginawin ang ating mga puso. Uhaw tayo sa mga bagay na hindi pa natin nalalaman. Maraming marami pa tayong kakaining bigas mga kaibigan. Kulang ang isang habangbuhay para masabing sapat na sa atin at kuntento na tayo sa lahat ng bagay na meron tayo. Marahil kadalasan marami na tayong nakakalimutan. Mga bagay mula sa ating nakaraan, maging sa kalasukuyan. Nakakalimutan nadin natin ang mga taong minsan ay naging parte ng ating mga buhay. At masakit mang isipin ay nakakalimutan na natin ang nag-iisang dahilan kung bakit tayo ay humihinga. Ang natatanging dahilan , na nagpupumilit parin sa atin sa hubad na katotohanan.
Hindi natin pwedeng sabihin sapat na sa bawat araw ng ating buhay na sapat na tayo lamang ay humihinga. Nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw. Naninirahan at natutulog sa isang malambot na kama. Nakakanuod ng t.v at nakakapunta sa mga lugar na gusto nating puntahan. Sa kadahilanang hindi mo alam at sa likod ng lahat ay mayroon paring kulang.Isang pagkukulang na hindi makita ng ating mga nanlalabong mata. Isang napalaking espasyo na hindi natin napupunan.Magkahiwalay na linya na nararapat nating pagdugtungin. Isang nawawasak na tulay na dapat nating isalba. Ito ang ating hangin na nilalanghap. Ang dugo na patuloy na umaagos sa ating mga puso. Naisip mo na ba ang isang katanungan na parang wala ka ng maisip na kasagutan? Anu nga ba ang kulang? Ang ating pagkukulang na nararapat na nating tugunan at wag kalimutan.