Lauro's Death
Naliwanagan ang buong kwarto mula sa nagiisang bintana nito nang suminag na ang araw...
(2 hours and 32 minutes before Lauro's death)
Isang umaga nanaman ang gumising kay Lauro. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para mag-muni muni pa, dahil kailangan pa nitong pumasok sa kanyang trabaho sa isang talyer 'di kalayuan sa maliit na kwartong inuupahan niya. Tumayo siya't humarap sa salamin habang pinapahid ang isang kamay sa nagmamantikang mukha nito, nagpakawala ng mahabang hikab, sabay kamot sa balbuning dibdib na tila nayayamot na kahit hindi pa niya nauumpisahan ang araw. Tulad ng mga umaga niya, mainit nanaman ang ulo kahit hindi pa napapahiran ng grasa ang mga kamay.
Pawisan si Lauro gumising, at naglalagkit pa ang ubaning buhok ng cincueta y quatrong lalaking ito. tatlong gabi na niya tinitiis ang matulog ng maalinsangan nang bumigay ang mala-iskeletal system na electricfan niya. Inumpisahan na niyang iligpit ang nagusot na kutson at tiklupin ang kulambong ginawa niyang kumot, at sinalakay na ang banyo para maligo.
SI CORNELLA AT ANG MEKANIKO
Isa si Lauro sa mga gumigising ng walang dinadatnang nakahain na almusal sa hapag kainan, at kahit hapag kainan ay wala siya nito dahil mag-isa lang siya sa lahat at wala na siyang iba pang itinataguyod kung 'di ang sarili. Ngunit kahanga-hanga sa matanda ay kahit na lalaki siya't matanda na, ay hindi siya nagkakaroon ng koleksyon ng agiw sa kisame't sulok-sulok, hindi niya hinahayaang maghabulan ang mga alikabok sa sahig at sa mga kagamitan, at maging ang mga tiles sa kusina't banyo mayroon ang kwarto niya'y hindi naliligo sa kadilawan. Mainam ang pangangalaga niya sa munting silid na tinutuluyan. Nakasanayan na kasi niyang malinis ang paligid noong nabubuhay pa si Cornella, ang asawa nito, ang paligid ng simple't masayang bahay nila maraming taon nang nakalilipas kahit na silang dalawa lang sa buhay. Punung-puno sila ng pagmamahal sa isa't isa at tunay na masaya. Kahit pa'y pinagkaitan sila ng biyayang magkaroon ng anak, hindi nila sinisi ang Diyos kahit na minsan.
Tulad ng tipikal na na-byudo, hindi rin naging madali kay Lauro tanggapin ang pagkawala ng asawa, lalo pa'y iyon lamang ang mayroon siya at tinuturing na yaman sa kabila ng pagiging salat. Nagmula man si Cornella sa maginhawang pamumuhay ay hindi siya nagdalawang isip na pakasalan si Lauro kahit na mekaniko lamang ito. Ano pa't makailang beses na silang hinadlangan ng pamilya ng dalaga noong sila'y nagliligawan pa. Ngunit tadhana na nga siguro ang nagsulong ng kanilang pagiibigan at napatunayan na kaya nilang mabuhay sa marangal na trabaho ng napangasawa.
Sa pagkamatay ni Cornella, dala-dala niya ang pagasa ni Lauro kung kaya't mistulang namatay na din ito. Hindi maitatangging tumanda siyang bugnutin, mainitin ang ulo't mistulang may galit sa mundo't mga taong nakapaligid sa kanya.
( 1 hour and 21 minutes before Lauro's death)
Lumabas na si Mang Lauro sa tinutuluyang silid sa ikaapat na palapag ng lumang apartment na madalas pag-shootingan ng mga local horror movie films.
"Mang Lauro, oh heto, sopas! Mainit pa yan magalmusal ka muna" Alok ni Aling Susan, ang tanging pumapansin at nagtiya-tiyaga sa kasungitan ng matanda sa kanilang lugar.
" 'Ge!" Sagot niya sa kapitbahay na hindi man lang pinansin ang dala nito. At dali-dali nang nagtungo sa hagdanan para bumaba.
Hindi siya agaran sumakay ng tricycle para pumasok, linakad muna niya ang pinakamalapit na karindryang madalas niyang pagalmusalan.
"Ahh, Mang Lauro, kape! nilagang itlog, kanin, sige maupo ka na!" Bati ng tindero na alam na ang gusto ni Lauro.
Napangiti ang matanda habang hinihintay ang mainit at matapang na kapeng palaging request.
"Yan gusto ko sayo" Hirit nito.
(1 hour before Lauro's death)
Pumasok na si Lauro sa gate ng pinagtatrabahuang talyer. Alas siyete pa lamang ay abala na ang ilang kasamahan sa pag kumpuni ng mga panlupang sasakyan. Maya-maya'y inumpisahan niya nang tukuyin ang naging anomalya ng isang sasakyang kadadala lamang sa talyer kahapon. Tinititigan lamang siya ng isang kasamahang binatilyo na salat pa sa kaalaman sa pagmemekaniko.
"Hindi ka dapat nandito" Batid ni Lauro sa na tila nakikialam sa buhay ng binatilyo.
"Mainam na 'to, kaysa naman sa magnakaw ako, naks concern sken!" Ang sagot ng pilyo.
"Ang hindi ko lang kasi maintindihan, bukod sa mga palpak ang gawa mo, bakit sila kukuha ng empleyado nang dahil lang sa awa." Himutok ni Lauro.
Hindi na naimik ang binata at lumisan na lamang ito. Natawa lang si Lauro dahil naasar yata niya ang binata.
Makaraan ang halos isang oras, nagpahinga muna si Lauro matpos maligo sa pawis. Naupo habang tinignan ang kamay na nanglilimahid sa grasa. Naisipan nito lumabas para umabot ng softdrinks sa pinakamalapit na tindahan.
Tumawid...
Naging puti ang paligid...
...
"Hindi na umabot pa sa Hospital ang 54-anyos na lalaki na nakitang bumulagta na lamang sa kalsada sa Brgy. Bugbog Buhay, Quezon City. Ito'y sa kadahilanang inatake sa puso ang lalaking nakilalang si Lauro Encronto na nasabing namamasukan sa talyer na tapat ng mangyari ang insidente. Dahil dito, nagulantang ang mga nakasaksi at mga kasamahan nito sa trabaho.
Agad na dinala sa Hospital ang nasabing mekaniko ngunit ito’y tuluyan nang nalagutan ng hininga."

Isang umaga nanaman ang gumising kay Lauro. Nagkaroon siya ng pagkakataong damhin ang gaan sa pakiramdam ng isang umaga, ang pag-ulit ng isa pang umaga, sa parehong araw. Ngunit hindi tulad ng mga umaga niya, wala siyang maramdamang iba kung 'di kaginhawaan at kapayapaan sa isip. Maaliwalas ang atmospera, ang alinsangan sa kwarto'y tila napalitan ng katamtamang lamig. Mabango, malinis at maliwanag na paligid.
"Ano to!"
Tanong sa isip ni Lauro.
"Nasaan ang galit! Ang pagkayamot. Ano 'tong nararamdaman ko, Ang gaan! Ano na nangyayari? Bakit hindi ko maramdamang magalala."
Tandang tanda pa niya ang nangyari. Ang pag-bulagta niya sa gitna ng kalsada buhat ng pag-suko ng tanging kalamnang tumitibok. Alam niyang nalagutan na siya ng hininga, alam niyang patay na siya.
Bumangon siya sa kinahihigaang kutsong kasing lambot at puti ng mga alapaap, hindi niya maramdaman ang mga kirot at bigat mayroon ang isang matanda sa pagbangon. Lahat ay magaan. Hindi mapaliwanag na ngiti ang nakapinta sa kanyang mga labi. Hanggang makita niya ang isang hapag kainan, hain-hain ang masasarap na pagkain na tila mayroong okasyon. Mayroon ding ilang uri ng prutas sa hapag at naroon naghihintay na rin ang mainit, matapang at maaromang kape na kinahihiligan ng matanda.
"Kumain na ko pero kakain ako ulit! Hindi na mahalaga kung saan 'to galing!"
At dali-daling inabot ni Lauro ang biyayang nasa hapag. Sinimulang higupin ang kape, nalalasap niya ang sarap nito nang hindi lang man nainitan o napaso. laking gulat niya dahil hindi man lang siya nakaramdam ng hapdi mula sa hinigop na bagong kulo.
"Langit! Ito na ba ang tinatawag nilang langit! Nasa langit ako! Pero, bakit!"
Batid ni Lauro, sabay tulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata buhat ng labis na kaligayahan at kaginhawaang nararamdaman mula nang magising.
"Walang duda! Langit!"
Ito ang konsepto niya sa langit. Bukod sa mga anghel na nagkakantahan habang magiliw kang sinasalubong sa ginituang tarangkahan, ang pagkakaalam niya sa kalangitang sinasabi ay walang yamot, bagot o sigalot, walang pait at pighati, kapayapaan, kasaganaan, walang sakit. Eternal na kaligayahan! Ngunit naroon pa rin ang pagkalito sa isip niya. Ang 'di maiwasang mga katanungan sa kalooban. At ang pagalala sa naging kapalaran.
Matapos kumain ay kinuha ang isang kaha ng yosi. Kumuha ng isa. Sinindihan. Hithit, buga!
"Heben! Akalain mong makakapag-yosi ka pa sa langit! Ha!"
Lumabas si Lauro sa kwarto niya. Ang lumang apartment ay tila sinariwa ng mga bagong kagamitan. Nakabuntot pa rin sa kanya ang maliwanag na paligid. Pagkalabas niya sa pinauupahang gusali ay bumungad sa kanya ang isang bahay. Isang bahay na hindi naman karaniwang nandoon. Isang maliit na tahanah na pamilyar sa pakiramdam ni Lauro. Tahanan ng magasawang noon ay masaya. Tahanan nila Cornella at ang mekaniko.
"Cornella!"
Sigaw nito ng may mangiyak-ngiyak na tono.
"Aray ko! Nasasaktan ako! Tama na! Bitawan mo 'ko! Hyup ka AAAaaaaah!"
Ang narinig na boses ng isang pinahihirapang babae mula sa bahay.
Dali-daling sinugod ni Lauro ang pintuan at pilit buksan ito, ngunit tila nakakandado. Agad namang pinuntahan ang bintana at pinagtangkaang basagin gamit ang kamao upang makapasok, ngunit nabigo pa rin ito.
Doon, nasilip niya ang isang babaeng naghihinagpis at nagpapahinga mula sa pagkakasigaw. Tila lantang gulay dahil sa matamlay nitong katawan at ilang matatagpuang mga pasa sa muka't hita. Putok ang labi nito at may mga ilang gasgas. Hindi maitatangging dumadanas siya sa matinding pagmamaltrato.
"Cornella!" Iyak ni Lauro habang hinahampas ang mga bintana, Ang asawa na nga niya ang babaeng nakitang naghihinakit.
'Di nagtagal ay kumaripas ng takbo si Cornella dahil sinundan na siya ng umaalipusta sa kanya, hawak hawak ang isang yarda ng lubid at isang bote ng Gin.
"Diyos ko! Diyos ko!"
Sigaw ni Lauro habang kinalibutan nang makita ang sariling muka sa hangal na lalaking sumasalanta sa walang laban na asawa, hawak ang lubid at alak!
Tinapos niyang panoorin ang tila palabas na nagaganap sa loob ng tahanan kung saan siya ang bida, kung paano niya ipinalibot ang hawak na lubid sa leeg ng asawa habang sinasakal gamit 'to.
Ito ang mga naging eksena bago namatay si Cornella. Ito rin ang unang pagkakataong napagbuhatan ni Lauro ang asawa dahil sa matinding pagselos buhat na rin ng sapi ng alak, kung kaya't lumayas siya at nakasagupa ng isang aksidente dahilan ng kanyang kamatayan.
Lahat ay naglaho. Ang bahay, ang asawa. Ang mabango't malinis na paligid. Ang hitsura ng langit.
Ang kalangitang dama ni Lauro ay napalitan ng matinding pagkasuklam sa sarili! Ang liwanag na nakabuntot sa kanya'y napalitan ng libingan at tambakan ng basura laman ay kakilabutan, kahihiyan kadiliman, poot at kapinsalaan! Nalulunod na siya sa sariling apoy likha ng kanyang mga kasuklaman kaakibat ay pagdusa.
Sa mahigit cincuentang taon niyang nabuhay, dinanas na niyang mamatay. What happens on earth is simply not the end of everything. Sometimes it's only the beginning.
Nagdilim ang paligid...