Sadyang salita'y madaling bitawan,
Kaakibat nito'y agad na paninindigan
Kaya sa pagbatid ay dumahan-dahan
Sa simpleng salita baka ika'y asahan
Ang salitang bibitawan ay dapat isipin
Maging mapalagay bago sambitin
'Pag pumalya'y sakit mahirap tiisin
Kaya mas mainam na lamang kung gawin
May mga salitang nagpapangako
Kapag hinayaa'y mauuwing napako
Matibay na tiwala maaaring gumuho
Muli man mabuo, mahirap nang itayo
Ito namang mga kasinungalingang mga salita
Walang hatid kung hindi pagkatuwa
Sa oras na mabisto'y kapalit ay luha
Sa taong mahal ka't handang umunawa
Kaakibat nito'y agad na paninindigan
Kaya sa pagbatid ay dumahan-dahan
Sa simpleng salita baka ika'y asahan
Ang salitang bibitawan ay dapat isipin
Maging mapalagay bago sambitin
'Pag pumalya'y sakit mahirap tiisin
Kaya mas mainam na lamang kung gawin
May mga salitang nagpapangako
Kapag hinayaa'y mauuwing napako
Matibay na tiwala maaaring gumuho
Muli man mabuo, mahirap nang itayo
Ito namang mga kasinungalingang mga salita
Walang hatid kung hindi pagkatuwa
Sa oras na mabisto'y kapalit ay luha
Sa taong mahal ka't handang umunawa