Anong ligaya ang inaalok
Ng gusaling sa lahat ay patok
Bitaw salapi bago pumasok
Sa siilid na may apat na sulok
Kumot, twalya, at gamunggong sabon
Mesa at kay labong telebisyon
Isang pagsasaluhang kutson
Ilang mga bagay na naroon
Lahat ng kwarto'y magkakahawig
Kisame, dingding, banyo at sahig
Makinang nagkakalat ng lamig
Tapat sa mainit na pagibig
Mayroong hiwagang nababalot
Ang nadarama bukod sa takot
Alam ng magkasintahang harot
Itong nakapangtutuksong sagot
Sari-sari ang kadahilanan
May masayang pinagsasaluhan
Dahil 'sing tahimik ng kawalan
May komunikasyong masinsinan
Sa tuwa'y nakalimot sa oras
At panahon na upang lumabas
Bagot bumaba mula sa taas
Ngunit kailangan nang bigyang wakas
Ng gusaling sa lahat ay patok
Bitaw salapi bago pumasok
Sa siilid na may apat na sulok
Kumot, twalya, at gamunggong sabon
Mesa at kay labong telebisyon
Isang pagsasaluhang kutson
Ilang mga bagay na naroon
Lahat ng kwarto'y magkakahawig
Kisame, dingding, banyo at sahig
Makinang nagkakalat ng lamig
Tapat sa mainit na pagibig
Mayroong hiwagang nababalot
Ang nadarama bukod sa takot
Alam ng magkasintahang harot
Itong nakapangtutuksong sagot
Sari-sari ang kadahilanan
May masayang pinagsasaluhan
Dahil 'sing tahimik ng kawalan
May komunikasyong masinsinan
Sa tuwa'y nakalimot sa oras
At panahon na upang lumabas
Bagot bumaba mula sa taas
Ngunit kailangan nang bigyang wakas
Bunga nitong matinding pagkahibang,
Muling pagpasok at muling maglibang
Mapawi ang sandaling pagkatigang
Nang nagkita'y natawa pa't nailang
Dali-daling nagbalat kayumanggi
Tinding pananabik 'di na maitanggi
Nang sa isip ni Boyet ay may sumagi
Na baka sa tahana'y maging haligi
Pagkalalaki niya ay sumaludo
Mula bahagya hanggang todo-todo
Suot ang produktong rekomendado
Upang t'yaking ligtas at protektado
Maging sa palikuran ay sumawsaw
At tubig pa'y nahayaang umapaw
Gamunggong sabon ubos na't natunaw
Itong si Girlie pa ay pasigaw-sigaw
Antas ng nalalaman niya'y malupit
Trabaho niya'y hagod at walang sabit
Kapag nilooban ay nang-iipit,
Laban ay garantisadong mainit
Lumalim na ang malamig na gabi
Tahimik na't tulalang magkatabi
Magkayakap at tila mayroong sinasabi,
Tatlong salitang mula sa puso, binigkas ng labi.
-- Pasintabi sa mga banal at dalisay. :) Oo, bastos ako, Bakit? :) Sana magustuhan ninyo ang munting ambag ko mga Kalapis :)
Muling pagpasok at muling maglibang
Mapawi ang sandaling pagkatigang
Nang nagkita'y natawa pa't nailang
Dali-daling nagbalat kayumanggi
Tinding pananabik 'di na maitanggi
Nang sa isip ni Boyet ay may sumagi
Na baka sa tahana'y maging haligi
Pagkalalaki niya ay sumaludo
Mula bahagya hanggang todo-todo
Suot ang produktong rekomendado
Upang t'yaking ligtas at protektado
Maging sa palikuran ay sumawsaw
At tubig pa'y nahayaang umapaw
Gamunggong sabon ubos na't natunaw
Itong si Girlie pa ay pasigaw-sigaw
Antas ng nalalaman niya'y malupit
Trabaho niya'y hagod at walang sabit
Kapag nilooban ay nang-iipit,
Laban ay garantisadong mainit
Lumalim na ang malamig na gabi
Tahimik na't tulalang magkatabi
Magkayakap at tila mayroong sinasabi,
Tatlong salitang mula sa puso, binigkas ng labi.
-- Pasintabi sa mga banal at dalisay. :) Oo, bastos ako, Bakit? :) Sana magustuhan ninyo ang munting ambag ko mga Kalapis :)