Umihip ang malamig na hangin
At langit pa'y tadtad ng bituin
Eksenang magaan sa damdamin
Lugar na 'to'y 'wag nang lisanin
Buhay nga naman ay nasa labas
Kuta ng mga naburyong tumakas
Sana'y wala ng tumatakbong oras
Kaginhawaan 'wag nang iwakas
Ngunit tunay nga bang maginhawa?
Kung katabing inaasam ay wala
Sa 'di kalayuan natulala
Sinundan pa ng biglang pagkaluha
Dumalaw na nga 'tong si kalungkutan
Ngiti kanina'y naglahong tuluyan
Dala'y ala-ala noong masaktan
At sa dibdib na tila nanirahan
Hatid pa nitong malamig na gabi
Labis na pangungulila sa kanyang labi
Umaasang balat niya'y muling madampi
At masilayang may ngiti sa 'king tabi
Sayo pa rin, ako'y natutunaw
Sa pagmamahal mistulang uhaw
Iyak sa gabi ay tila umaapaw
Sintomas ng may pusong bughaw
At langit pa'y tadtad ng bituin
Eksenang magaan sa damdamin
Lugar na 'to'y 'wag nang lisanin
Buhay nga naman ay nasa labas
Kuta ng mga naburyong tumakas
Sana'y wala ng tumatakbong oras
Kaginhawaan 'wag nang iwakas
Ngunit tunay nga bang maginhawa?
Kung katabing inaasam ay wala
Sa 'di kalayuan natulala
Sinundan pa ng biglang pagkaluha
Dumalaw na nga 'tong si kalungkutan
Ngiti kanina'y naglahong tuluyan
Dala'y ala-ala noong masaktan
At sa dibdib na tila nanirahan
Hatid pa nitong malamig na gabi
Labis na pangungulila sa kanyang labi
Umaasang balat niya'y muling madampi
At masilayang may ngiti sa 'king tabi
Sayo pa rin, ako'y natutunaw
Sa pagmamahal mistulang uhaw
Iyak sa gabi ay tila umaapaw
Sintomas ng may pusong bughaw