Madalas akong maburyo at minsan naisipan kong gawin ang isang bagay na matagal ko nang hindi nagagawa. At ito ay ang mag-drawing. Nasaan na ang lapis!
Buhat ng pagkayamot sa araw-araw na lang na ganito at ganyan, papatol akong muli sa Mongol Pencil #2 na hinagilap ko pa para lang makaguhit at maibsan si Boredom. Excited na ko!
Habang tinatasahan ko si Mongol na mapurol, naalala ko bigla noong mga pencil years kung papaano ko lang ikalat sa bag ang duming pinagtasahan. Natawa ako na parang first time gumamit ng sharpener habang hinipo ang tulis ng pangguhit. Ayun na, nalilibang na ako. :)
Dali-dali akong nagnakaw ng short bond paper na amoy National Bookstore pa mula sa kwarto ng pinsan ko. At sa lahat ng magnanakaw, ako ang naupo muna at tumambay. Talaga nga naman kasing mapapahinto ka para pakialaman ang mga art materials na nakabungad sa study table niya. Sakto, magdo-drawing ako!
Halata kung gaano kaingat sa gamit si pinsan. Naroon at kumpleto pa ang mga branded na color pencils na may trienta y sais na uri ng kulay, oil pastel, mga krayolang amoy elementary at kung anu-ano pang pangkulay at pangguhit. Inisip ko kung matutuwa ba siya kung gagamitin ko ang mga 'yon nang walang pahintulot sa kanya. Bahala na.
Inilapag ko na ang ninakaw na papel sa nakaw na study table, hawak ang nakaw din na si Mongol. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang drawing, at kung ano ang iguguhit. Kaya magnanakaw na lang din ako ng ideya mula sa kabataan ko. Noon, madalas kong idrawing ang sunset. Nang ibabanat ko na ang kaliwa kong kamay para maumpisahan na ang mga linya at kurba, naisip ko bigla kung bakit ang palubog na araw ang lagi kong guhit. Hindi na ko sumubok ng iba pang drawing mula nang matutunan ko 'yon. Lumulubog na araw sa karagatan. Sinisimbolo siguro nito ang pagiging lubog ko sa utang...
Ayoko na sa drawing na yun! Ayun at naghihintay na ang malinis na papel para madumihan. Wala naman akong madrawing! At 'di pala talaga ako marunong. Wala na, bored na ko. Bigla rin akong naghangad magkaroon ng talento sa pagguhit. Nakakainis! Ninais ko lang naman malibang pero mukang naistress pa 'ko. Badtrip...
Habang tinutusok ng paulit-ulit ang lapis sa papel kasama ang pag-asang makaguhit pa, bigla kong nasulyapan ang isang bagay na nakatambay sa mesang katabi ng kama ni pinsan. Kulay niya'y itim, mahabang payat at 'di na kailangan ng tasa. At ako'y naakit papalapit sa kanya. Siya si Pilot. Kung 'di namin kaya ni Mongol magtrabaho, nariyan naman pala si Pilot.
I really don't draw, I write...
Naligayahan ang buong pagkatao ko dahil sa wakas mayroon na din pala akong gagawin at inuumpisahan na kong kilitiin ni Imahinasyon para magsulat. Papalapit na ko para kunin si Pilot... May nakapintang ngiti sa mga labi... At nang mahawakan ang pluma tila nakatagpo ng ginto... Nang biglang...
"Hoy! Anong ginagawa mo sa kwarto ko!?"
WASAK
este.. WAKAS.