Tutusok ang karayom ng ilang daang ulit
Hindi maitatangging saksakan ng sakit
Maiperpekto lamang bawat hugis at bingit
Nang mairaos na ang guhit na mapang-akit
Mistulang dungis lamang sa mata ng ilan
Tintang nakabahid sa balat ng katawan
Maaaring mga larawang may kahulugan
O mga letrang hango sa pinaniniwalaan
Suot ay kasaysayan sa 'pagbuburda' nilang bansag
'Di maburang sining, makulay ang isinasagisag
Permanenteng disenyo upang sarili'y ipahayag
Sa kabuuhan ng isang mabagsik na 'di mahabag
Mga imaheng 'di na maitago ng saplot
Aksesoryang 'di lang basta hangal na abubot
Kung husgahan ng iba'y puno raw ng sigalot
Subukang hukayin ang hiwagang nakabalot
Mantsa sa balat na magtatagal ng habang buhay
Dekorasyong 'di maglalaho kahit hanggang hukay
Kaluluwa man ay pahinga na ng matiwasay
Naiwang marka patuloy pa rin sa pag-iingay
Mga ilustrasyong may pananampalataya,
Mga kwentong di ginagamitan ng salita
Kumakatawan sa kulturang sinaunang likha
Sa batikos at hatol tuluyang gawing malaya!