"Sometimes the very thing you're looking for is the one thing you can't see"
-Vanessa Williams
Katulad ng karaniwang magkapatid sina abby at jo, may ingitan at madalas
may alitan.Panganay si abby at palagi siyang nakakaramdam ng tampo sa
tuwing pinapaboran ng magulang nila si jo kahit ito ang may mali. Pakiramdam
niya mas paborito nila ang bunsong kapatid niya.
Isang hapon habang pauwi sila galing ng paaralan, aksidenteng nahagip sila
ng sasakyan habang patawid. Malubha ang tinamo ng dalawa, nabalian ng
buto sa paa si abby, habang walang malay na dinala sa ospital si jo.
Kinaumagahan nagising si abby sa ospital at laking gulat at tuwa matapos
makitang nakatayo na si jo at binabantayan siya. May benda lamang si
jo sa ulo habang si abby ay nabalian ng buto sa paa at kailangan ng
mahabang proseso at therapy para makalakad muli. Walang nagawa si
abby kundi umiyak ng umiyak at mag tanong kung bakit palagi na lamang
siya ang malas sa kanilang magkapatid. Dahil dito hindi niya pinansin si jo
kahit hindi ito umalis sa tabi niya, tanging magulang lamang niyang iyak ng
iyak ang kanyan kinakausap at binibigyan ng atensyon.
Isang umaga ginising ni jo si abby at hindi makapag hintay sabihin na
sa bintana ay kitang kita ang pag angat ng araw mula sa karagatan
kasabay ng mga nagliliparang ibon na napakadami. Alam kasi ni jo na
gustong gusto ng ate niya ang sunrise. Kahit na gustong gusto ni abby
makita ang tinutukoy ng kapatid ay nag masungit ito dahil akala niya
iniinsulto siya ng kapatid dahil nga sa hindi siya maaring tumayo at makita ito.
Nasundan ito ng nasundan, tuwing umaga ginigising siya ni jo para
i paalam sa kanya at ilarawan sa kanya ang ganda ng kalikasan. Subalit
wala paring ginawa si abby kundi sigawan at sungitan ito.
Makalipas ng isang lingong pangungulit ng kapatid, nagising si abby
isang umaga at wala doon si jo para ilarawan sa kanya ang tanawin
sa bintana. Umiyak si abby ng umiyak, wala na siya sa sarili, pilit niyang tumayo
at unti unting naka hakbang. Hirap na hirap niyang narating ang bintana.
Laking gulat niya ng makitang puro bubong at establisyemento ang
matatanaw mula sa bintana. Galit na galit siya at sumigaw. Agad dumating
ang mga nurse at doktor na manghang manghang nakitang nakatayo na si abby.
Hinanap niya sa mga ito ang kapatid. Walang makapagsalita.
Walang makapagsabing dead on arrival si jo.
-Istoryang nabasa ko maraming taon na ang nakaraan. Gusto ko lang
ibahagi sa inyo at malalaman lamang natin ang halaga ng isang bagay
o tao kapag ito ay wala na sa atin.