- Pakbet
- adobong cute
- sisig
- kaldereta
- *unknown*
- Pork steak
- mungo
- liempo
Kahit naka pikit kayang kaya ko i turo ang pagkakaka sunod-sunod
ng mga ulam nina tita eko. Masarap kumain kina tita eko kasi talagang
quality service ang ibinibigay nila. Pag dating mo, makikipag sikuhan
ka muna bago ka ma pansin ni tita eko. Minsan kelangan mo pang
mag cramping para mapansin niya. Sa oras na maka order ka na
required na tumayo ka muna ng mga ilang minuto at maghintay
ng matatapos kumain para may maupuan, at habang nag hihintay
kailangan mong maki sing along sa mga tugtugin ng asawa ni
tita eko, tugtuging nagdadagdag gana sa mga kumakain
sa kanila, halimbawa dito ang isang lingong pag-ibig, usahay, inday inday,
pasumpa sumpa kapa, my toes my knees, itsi bitsi spider, at habang
F na F mo ang pag kanta dapat alam mong tiisin ang init na gawa ng
yerong bubong. Sa oras na makaupo ka na huwag na huwag mo
iiwan ang upuan mo para kumuha ng sabaw, tissue, tyane, o patis.
Dahil sobrang matampuhin ang mga upuan dun, bigla na lang nag
wo-walk out.
Accessibility and Satisfaction
Sa tapat ng establisyemento namin ang kainan ni tita eko. Mejo malayo
layo din kung limang taong gulang ka pa lamang. Mula sa exit ng aming
establisyemento limang minuto ang gugugulin sa paglalakad bago makarating
sa tamang tawiran ng mga jejemon. Kung saan mababasa mong
"PUWEDE TUMAWID ANG COOL DITO, NAKAMAMATAY"
At syempre ako yun, cool. Kaya bago makatawid, mga limang beses muna
ako muntik mamatay sa pag iwas sa dyip, motor, van, truck, airplane, submarine,
battle tanks, bullet train, at kung ano ano pang sasakyan. Oh diba very
accessible ang dali lang puntahan, at kung may sasakyan ka naman may
available na isang parking space kung saan mga tatlong araw ang layo
sa kainan.
Mabuti na lang at hindi nawawala ang pang #6 sa listahan. Ang pork
steak ni tita eko. Puno ng sili, kalamansi, sibuyas at bawang. Ito talaga
ang pinupunta ko dito araw-araw. Lunes hangang sabado hindi ako
kumakain ng ibang putahe. Pakiramdam ko kasal na kami ng pork steak.
Lagi ko na siya iniisip at ipinagdadasal. Hindi ko rin mapigilan makipagtitigan
sa kanya at mag blush. Kaya hindi nila ako masisi sa tuwing may oorder ng
pork steak gigil na gigil ako at kahol ng kahol . Talagang na hook ako ng
pork steak na yun, hindi lang siya hot, masabaw na malambot pa, kahit
hindi siya maputi gustong gusto ko yung amoy niya.
Credibility and Social Responsibility
Taong 1995 ng binuksan ng magasawang delos Reyes ang Tita Eko Canteen. -Google
Sa mahigit sampung taon na paglilingkod sa sambayanan subok na subok na ng panahon
ang kredibilidad ng kainan ni tita eko. Economic crisis, political crisis, gender crisis, dino crisis,
at super duper crisis. Lahat yan pinagdaanan na ng kainan subalit dahil sa
dedication at consistency ni tita eko nanatiling matibay, masikip at mainit ang kainan
ni tita eko. Mula ng itinatag ito wala pang na ulat na reklamo kaugnay sa mga
putaheng ino-offer nila o maling pag trato ng mga in house staff ni tita eko sa mga
parokyano. Idagdag mo pa dito ang BLUE BOOK ni tita eko kung saan madalas
mag lista ang mga mahihirap at gipit katulad ko, katulad ko na pilit pinagkakasya ang
kakarampot sa kita para sa pamilya.