"Sometimes the world is all over us,
But we can get through this with some love." -MARK A.
Araw-araw pilit akong gumigising ng maaga para hindi mahuli
sa oras ng trabaho, araw-araw sinusumpa ko ang mga
traffic enforcer dahil panggu-gulo nila sa daan, araw-araw kong
iniilagan ang dumi ng aso ng kapitbahay, araw-araw pinapasakit
ng numero ang ulo ko. Pero higit sa lahat, sa araw-araw na
pakikipag-sapalaran ko sa mundong pilit kong minamahal, ay
ang mga bagay na nakikita ko at sadyang kumukurot sa aking
damdamin, at lumilikha ng tanong sa aking murang kaisipan.
Marami sa atin ang naghahanap buhay upang maging Good provider
sa ating pamilya at makatulong sa magulang. [WEHHHH?]
Madalas akong napapadaan sa squater area at ayoko ng makakita
ng mga batang nagsisiksikan sa bintana ng ibang bahay makanuod
lang ng sutla, tikim at iba pang pambatang programa. Pagod na pagod
na rin akong makiusap sa mga drayber ng dyip na bagalan ang
takbo sa tuwing may nakikisabit na palaboys. Ayoko na ring
makakita ng mamang nagbebenta ng assorted colored chicks
na nagtya-tyaga sa tig pipisong ice tubig at muncher. Ayoko na
makakita ng pink na sintas!!! Ayoko na masalubong ang lalaking
may malaking bukol sa pagitan ng mata at nag bebenta ng yosi na
nakatapak sa init ng araw. Hirap na hirap na akong makita ang
mga bata na natutulog sa kalye at tulay na kinukumutan ng sariling
gutom. Isang parusa ang makakita ng mga batang nasa dalawang
taong gulang pa lamang na naka kalat sa kalsada at patawid tawid,
mga matatandang nakukuba na sa pag tutulak ng kariton para sa
kakapirangot ng barya, ayoko na ring maalala ang kumalat na edited
picture ni Manny Villar na naliligo sa dagat ng basura.
Lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang biyaya at grasya na
tinatangap sa araw-araw. Marami din sa atin ang hindi matapos
tapos ang paghahangad sa mga bagay na hindi naman natin kailangan
sa buhay. Masyado ng nilalamon at pinapatay ng teknolohiya ang
mga taong nasa ilalim ng sistema.
Wala lang.