Madalas tayong dumadaan sa isang kalye na hindi natin
naisip na maari nating daanan, isang kalsada na puno ng
takot, kalungkutan at kabiguan. Sa ayaw at sa gusto natin
babalik balikan natin ang daanang ito na kahit naka pikit tayo
ay kitang kita ng ating diwa ang dilim at takot sa kalyeng ito.
Sa tuwing may pinagdadaanan ako may mga bagay akong
naiisip gawin para malampasan ito kahit pansamantala.
Nandiyan ang pag punta sa mga kaibigan kong maluluwag ang
turnilyo sa ulo. Mga kaibigan kong espesyal sakin kahit na
wala silang naitulong sa buhay ko kundi patawanin ako
at turuan ng ka gaguhan na hindi ginagawa ng normal na
tao. Sila ang kumot ko sa malamig na simoy ng kalungkutan.
Kahit hindi namin na paguusapan ang dapat pagusapan
binabalot ng ingay ng tawanan ang lahat mabibigat na bagay
na nagdudulot ng luha sa aking mga mata.
Pero madalas na alak... oo alak, nakakagulat man, pero alak!
Alam ko marami nagulat sa inyo kasi wala sa itsura ko ang umiinom
ng alkohol. Isang cartwheel ko lang nandoon na ako sa tindahan
para umutang ng alak. Madalas mag isa kong nilalaklak ang
500ml 54% alkohol na full flavored taste and extra satisfying
strength of a world class premium strong beer. Habang nakasalpak
sa ulo ko ang tugz tugz tugz, at nagpapainit sa baga ng munti
kong kaibigan. Sa tuwing dumadaloy sa dugo ko ang alkohol
nagkakaroon ako ng pagkakataon mag muni-muni at magisip
ng bagay na kailangan kong sulusyunan. Minsan hinahawi ko din
ang aking buhok sa isang banda lang tapos naglalagay ng eye liner
para mas uso tignan. Pero sa totoo lang, dalawang bagay lang naman
ang dahilan bakit ako natutulungan ng alak makalimot sa aking mga
problema, una. Sa tuwing nakakainom ako matinding antok ang
dumadalaw sakin at hindi na ako nag kakaroon ng pagkakataon
maisip ang mga problema dahil hindi pa ako nakaka higa tulog na ako.
Pangalawa, sa tuwing may alak ako maraming lumalapit at nakikisalo
sa akin mag paikot ng baso, nagkakaroon ako ng kakulitan at
kausap at inililihis nito ang atensyon ko sa mas positibo at masayang
mga bagay tulad ng kuwentuhan tungkol sa paglalakbay ni prinsipe ceddie.
Hangang sa dumating ang isang lumang kaibigan sa buhay ko.
ipinakilala siya akin bata pa lang ako. Madalas ko siyang kausapin
noon pero nung nag dalaga na ako at nakadiskubre ng napakaraming
bagay hindi ko na siya naalala dalawin at kausapin. Mabuti nalang
ipinaalala siya sa akin ng isang espesyal na tao. Tumutula ang luha
ko habang binabasa ang mensahe niya na sa kahit ano mang
hirap, problema at kabiguan ang dumating sa akin, wala paring
papantay sa lalim ng pag mamahal ni lumang kaibigan. Napayuko
ako, umiling at hinanap siya sa aking puso. Kinausap ko siya,
ibinahagi ko sa kanya ang mga bagay na nagpapahirap sa akin
at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng ka ginhawaan.
Pakiramdam ko isa akong papel na tinatangay ng hangin patungo
sa lugar na maraming makikinabang sakin at matutulungan ko.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko lahat ng bagay
ay magiging maayos din dahil mayroon akong isang lumang kaibigan
na handang gabayan ako at mag laan ng liwanag sa aking hakbang
patungo sa kalye kung saan hindi ako nag iisa. Na kahit anong mangyare
may mga ngiti at akap na hahawi ng mga aking luha.