Engay: Ano pangarap mo?
Tutay: Ako? Simple lang, umasenso at magkaroon ng masayang pamilya.
...
Tutay: Ikaw?
Engay: Simple lang din, sumakay ng dyip kasama ka...
Tutay: Baduy mo!
Engay: At magbayad... "dalawa yan, Sr. Citezen."
BABALA HINDI ITO LOVE STORY
Mga umagang ngiti mo ang gumigising sa akin, mga almusal
kong inaagaw mo, mga polo kong gusot sa dahil ikaw ang
nagplantsa, mga alas nuwebeng galit ka dahil isang oras na
akong hindi nag tetext, mga alas nuwebe y medyang puno na
ng mura ang inbox ko. Mga paguwing pagod at mataas mong
kilay ang sumusurpresa sa akin, mga hapunang ako na ang naghahanda,
mga ulam kong frozen fresh from the freezer, mga gabing
likod mo ang tanaw ko sa pagtulog.
Mga oras na tayo lang ang tao sa daigdig, mga maling tinatama natin,
oras na kailangan natin ang isat-isa, mga luhang napapawi ng
simpleng hawak mo, mga lakas na ibinigay mo sa akin para
kayanin ang lahat, mga bulong mong "i need you, TSEH!". Mga oras na
itinuro mo ang daan, mga ngiting dinudulot mo sa tuwing tinutupi
mo ang mga damit ko, ang pagmamahalan na pinagsaluhan natin
na sinubok ng panahon at oras.
Mga oras na ayaw mong okay ako, mga oras na maga ang mata
ko, mga maliliit na problemang malalaki ang parusa ko, mga katangian kong
hindi mo minahal, mga sigaw mong abot kabilang village, mga panahong
magisa kong kinakaya ang lahat, mga hiling mo para sa sarili mo,
mga gabing wala ka para ipikit ang mga mata ko, ang mga panahong
kailangan kita, kailangan kita, kailangan kita at naiwan mong amoy sa
unan ko ang nagpapa alala sa akin kung gaano mo ako kamahal.
Ang araw-araw na mahal kita, ang araw na una kitang nakita, ang unang
araw na nakausap kita, ang unang araw na nahawakan kita, unang araw
na hinatid kita pauwi, unang tawa mo sa joke ko, unang kantang inalay ko sayo,
unang yakap ko sayo, unang gabing iniisip kita, unang pagkaing pinagsaluhan natin,
unang araw na hindi ako makapaghintay makita ka, unang pangalan mong
sinulat ko sa desk ko, unang horror film na tatlong beses natin inulit, unang picture natin
sa cellphone ko, unang araw na pinangarap kong makasama kang mamatay.
Ikaw ang baon ko sa araw-araw, ikaw ang puno ng kagubatan ko,
ikaw ang queen ng chessboard ko, ikaw ang keypad ng cellphone ko,
at ikaw elesi ng bintilador ko, ikaw ang buhok ng kili kili ko, ikaw ang
string ng gitara ko, ikaw ang nanay ko, tatay ko, kaibigan ko, kainuman ko,
katrabaho ko, kaklase ko, kaaway ko...
Kaw ang buhay ko. RIP!