***BUZZZZZ!!!***
6:45am
Sabay unlock sa cellphone ko at pindot ng STOP.
Maliwanag na, amoy na amoy ko na rin ang usok ng
sigarilyo ni tatay habang nagdidilig ng orchids.
Bumangon na ako at nag suot na pang ibaba,
nakalikha yata ako ng kaluskos kaya nalaman ni mama
na gisng na ako.
"Luto na! Kilos na at anong oras na naman oh!"
Paglabas ko ng aking kwarto nagtungo ako sa sala
at tumambad sa akin ang isang patay na aso, punong
puno ng bulate ang kanyang tyan.
Dali dali akong pumunta sa kusina para itanong kay
mama kung ano ang ginagawa ng patay na aso sa loob
ng bahay. Pag dating ko sa kusina, mayroong tulog
na aso sa ibabaw ng hapag kainan. Mayroong ding isang
babaeng nakatalikod. Hindi pantay ang mga balikat niya,
naka tagilid din ang leeg niya. Napaatras ako sa takot.

Bigkas ng asong naka higa sa hapag kainan. Dito na ako
napatalon sa takot at nagtatakbo. Naka labas ako ng bahay
at dumaan sa sala subalit wala na ang asong patay doon.
Napaisip ako at nag muni muni, baka imahinasyon ko lang iyon
at dala ng gutom. Nakita ko si tatay bumibili ng sigarilyo,
si kuya bert na nag aayos ng motor, si gia na nagsasampay,
at isang kaibigan na naglalako ng pandesal. Normal naman ang
lahat ng biglang nagtinginan sila ng sabay-sabay sa akin.
Takot na takot ako mabuti nalang at lumapit sa akin ang
pinaka matalik kong kaibigan at inakbayan ako nito.
"hehehe"
Bigla nalang ako tumumba at napahiga sa kalsada makalipas ang
ilang sandaling inakbayan niya ako. Hindi ko maigalaw ang
buong katawan ko, sumisigaw ako subalit walang lumalabas na
ingay sa aking bunganga, hirap na hirap na ako.
~

Parang tambol ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ramdam ko pa ang nerbyos sa bangungot ko.
takot na takot akong nag suot ng pang ibaba,
Luto na! Kilos na at anong oras na naman oh!"
Hindi ko napigilang sumigaw. Sigaw ako ng sigaw habang
naka upo sa aking kama. Kumakaripas na tumakbo si
mama sa kwarto at tinanong anong nangyare. Hindi
ako nag sasalita, lumabas siya at kumuha ng tubig.
"PSSSSTT!"
Isang anino ang mabilis na dumaan sa aking harapan.
Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto at pumunta
sa kusina, pagdating sa kusina nandoon ang tulog na
aso sa ibabaw ng lamesa at ang babaeng hindi pantay ang
balikat at tagilid ang leeg. Hindi na naman ako makagalaw.
Pilit kong binubuka ang bunganga ko nanginginig na ang panga
ko at lumuluha ang mga mata. Dumidilim ang paligid...