“Ang taong walang problema ay hindi isang tao.”
Lahat ng taong kilala mo ay may problema. Kahit ikaw sa sarili mo ay may problema. Problema sa bahay, paaralan, trabaho, kapaligiran at kung saan-saan pang lugar. Problema sa pera, pag-ibig, negosyo, pamilya at kung anu-ano pa. Problema kay nanay, tatay, ate, kuya, kapatid, tiyuhin at tiyahin, lolo at lola, girlfriend, boyfriend, bestfriend, employee, employer, bossing at kung kani-kaninu pa. Pero ano nga ba ang sagot sa problema?
Lunes, alas siyete ng umaga, nagising ang binatang si Rich sa tunog ng kanyang alarm clock. Hudyat para siya ay gumising at iayos ang sarili para sa kanyang pagpasok sa paaralan. Hinuli niya ng kanyang kanang kamay ang alarm clock sa ibabaw ng lamesita sa tabi ng kanyang higaang nasisinagan ng araw. Matapos pigilin ang maingay na tunog ay muli niyang ibinalik ang kanyang pag-iisip sa higaan. Itinaklob niya ang malambot na unan sa kanyang ulunan at naghintay pa ng ilang sandali upang bumangon na. Agad siyang lumuhod sa gilid ng kama na nakaharap sa bintana upang magpasalamat sa Itaas sa panibagong buhay niyang natanggap. Maya-maya lang ay tumayo na siya at ibinuka ang mga kamay sa ere at bumati ng “Magandang Umaga Pilipinas!”.
Agad niyang tinungo ang sariling paliguan at inumpisahan ang pang-araw-araw na ritwal. Naligo siya sa kanyang de-shower na banyo at matapos ay pumasok sa isang silid kung saan naka-helera ang kanyang mga unipormeng pamasok at iba’t ibang sapatos. Nang siya ay makapagbihis ay bumaba na siya hapag-kainan para kumain ng almusal. Pritong itlog, hotdog, bacon, ham, Gardenia Tasty at sinangag ang nakahain sa buong mag-anak sabayan pa ng mainit na tsokolate a.
Matapos mabusog at hindi maubos ang nakahain ay nagsipilyo na siya at humingi ng baon sa kanyang mga magulang.
“Dad, allowance ko po?” sabay lahad ng kanyang malalambot at makikinis na kamay.
“Ma, allowance daw ni Rich.” Paalala ng kanyang ama sa kanyang ina habang nagbabasa ng Manila bulletin.
“Rich, here’s your allowance for this week.” Sabay abot ng limang libong piso para sa kolehiyong anak.
“Thanks Ma!” nag-iwan siya ng isang halik sa pisngi at tuluyan ng nagpaalam sa kanyang mga magulang.
Pumunta siya sa garahe na naglalaman ng tig-iisang kotse para sa kanilang tatlo sa pamilya. Isang Pajero, Starex at Picanto. Inilabas niya ang kanyang susi at sumakay sa Picanto. Matapos pagbuksan ng gate ng isa sa kanilang limang katulong ay agad na humarurot na palabas patungong eskwelahan.
Makalipas ang ilang oras na pag-aaral sa eskwelahan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. Sinagot niya ang Blackberry Bold.
“Anak, naaksidente ang Mommy mo. Dali pumunta ka dito ngayon sa Makati Med.” Utos ng kanyang ama sa kabilang linya.
Mabilis siyang pumunta sa nasabing ospital. Nakita niya ang kanyang ama na nakaupo at salo-salo ng kanyang dalawang palad ang noo.
“Dad, what happened?” kabado niyang tanong sa kanyang ama.
“Your Mom, she was hit by a pick-up truck when she was crossing the street. She’s critical!” pasigaw niyang sabi sa anak at sabay na niyakap ito.
“Don’t worry Dad. God will help us.” Pagpapakalma niya sa kanyang ama.
Ilang sandali pa ay may tumawag sa kanyang ama. Lihim niya itong pinakinggan at nagulat sa narinig.
“Ah sir, hinuli po yung trak na nirentahan natin dito sa Marcos highway. Carnap daw po yun.” Sabi ng lalake sa kabilang linya.
“A, kung okey lang sana –“
“Sir, yun din palang mga idedeliver natin, ilegal daw. Peke yung resibo at papeles na ibinigay sa atin ng producer, paano na yan sir, naiipit na kami dito.” Nangangatal na ang boses ng lalake sa kabilang linya.
“Sige, sige, God will help us.” Sabay baba ng kanyang telepono.
Ilang sandali pa ay nag-ring muli ang telepono ng kanyang ama at muli niyang pinakinggan ito.
“Sir, nagsara po yung bangkong kinalalagyan ninyo ng lahat ng savings. Hindi na po mahagilap yung manager.” Paliwanag ng sekretarya sa kabilang linya.
“HA! Paano na daw?”
“Sige, Sir, magtatanong tanong ako. God will help us.” Sabay baba ng telepono.
Muling naupo ang kanyang ama sa kanyang tabi. Inakbayan niya ito.
“Dad, kaya natin ito. God will help us di ba?” pagbibigay niya ng lakas ng loob sa kanyang ama.
Lumabas ang doktor upang ibalita ang kalagayan ng kanyang ina.
“Doc, how’s mom?” madali niyang tanong sa doktor.
“Sorry.” Ang salitang tanging nasabi ng doktor.
Biglang tumakbo ang kanyang ama at iniwan siya. Nahulog nito ang cellphone sa pagtakbo sa mga problema. Hindi na niya nagawang habulin pa ang ama at sa halip ay muling naupo sa kanyang kinauupuan at nag-isip.
Maya-maya pa ay tumunog muli ang telepono ng kanyang ama. Sinagot niya ito at pinakinggan ang boses sa kabilang linya.
“Sir, magsasampa daw po ng kaso yung kausap ninyong kompanya dahil tumalbog yung milyong halaga ng tseke nyo kanina-nina lang. Nagsara na daw po yung bangko niyo ---“ at nagkagulo ang buong ospital. Isang lalake ang tumalon mula sa pinaka tuktok nitong palapag. Madaling pinasok ng mga nars ang nasabing lalake. Laking gulat naman ni Rich ng makitang ang ama niya ang nakahiga sa stretcher at wala ng buhay. Naibagsak niya ang telepono, ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin.
Mahirap para sa isang tulad ni Rich ang mga pangyayaring ganito sa kanyang buhay. Nawalan ng parehong mga magulang at pati na din ang yamang nakalaan para sa kanilang kinabukasan. Kinailangan niyang ibenta ang kanilang ari-arian at ang sarili niyang pag-aari upang makabayad ngunit hindi ito sapat. Matapos mailibing ang kanyang mga magulang ay huminto siya sa pag-aaral. Ang perang napagbentahan ng kanyang sasakyan ay ginamit niya upang mag-umpisang muli.
Naisip niyang magpakamatay pero hindi niyia ito ginawa. Sa halip ay tumawag sa Itaas at nagdasal.
“God will help us?” sa kanyang sarili ay itinanong. Minsan naisip niya na tanungin ang kakayahan ng nasa Itaas. Naisip niya na lamang na “God has bigger plans for you.”
__________
Hindi pagpapakamatay ang solusyon sa problema. Ibinigay sa atin ang mga problema upang ating solusyonan ng tama. Hindi maitututwid ng isang baliko ang isa pang baliko. Kahit gaano ito kahirap na kahit ikawala ng lahat sa iyo, masosolusyonan mo pa din ito. Sabi nga di ba, walang problema ang walang solusyon.