Ako nga pala si Matalabong Kwago. Tulad ng nababasa ninyo, isa akong kwago sa kagubatan na nagpasiyang tahakin ang aking kapalaran dito sa siyudad. Mata man ay nanlalabo, malinaw ko namang nakikita ang pagkakaiba ng dati sa ngayon, ang ngayon sa hinaharap, at pati na din ng kinalakihan ko sa pook na kinalalagyan ko ngayon. Tulad ng nakararami, nangarap akong maging isang manunulat. Manunulat na tipong hindi lang makikilala kundi hahangaan pa sa buong mundo. Gusto kong maging pinakamagaling sa kanilang lahat. Pinangarap kong magkaroon ng sariling libro at sariling pangalan na maisusulat sa kasaysayan ng bansang ito. Pero nagkamali ako.
Maraming tao ang naghahangad maging manunulat. At isa ako sa nabiyayaan nito. Kaya sa ngayon ay nagpapasalamat ako at nabigyan ako ng pagkakataong makapagsulat sa pahinang ito. Maibahagi ang aking talento sa bawat Pilipino, ang aking imahinasyong walang pigil at ang aking saloobin ng walang tinatapakang tao.
Hangaan man tayo at makilala, mas maganda pa din ang pagiging mabigat ng ating mga paa. Matuto tayong magpakumbaba sa lahat ng magagandang kumento at patuloy na pag-agos ng biyaya sa ating buhay. Hindi man tayo maging pinaka magaling, maging isa tayo sa mga magagaling.
Pwede tayong magkaroon ng lahat ng bagay na ating naisin pero hindi pwedeng lahat ay sabay-sabay. Ang paggawa ng libro ay isang pangarap na dapat paghandaan at paghirapan. Mas masarap sa pakiramdam na ang bawat isinusulat mo ay nababasa ng mga taong naging inspirasyon mo, ang mga mambabasa mo. Hindi kailangan na ito ay madaliin at sa halip ay iyo itong gustuhin.
Sa simula pa lang ay nasusulat na ang pangalan mo sa ating kasaysayan. Ang tanging gagawin mo na lang ay ang pangalagaan ito.
Muli akong nagpapasalamat. At sa aming mambabasa, inaalay ko ang aking akda sa inyo. Itaguyod natin ang SINING ng ating Lahing Pilipino!
“TIMES UP! PASS YOUR PAPER!”