Ang babasahing ito ay nangangailangan ng patnubay ng nakatatanda para sa mga bata. Ang babasahing ding ito ay nangangailangan ng patnubay ng nakababata para sa malabong mga mata ng nakatatanda.
Ang Anino ng Hinaharap (ni Matalabong Kwago)
Sa isang mapulang lansangan sa Manila makikita ang iba’t ibang antas ng mga tao. May mayaman, may kaya at mahirap. Dito sila nagtutungo upang takasan ang kanilang mga problema. Sa panandaliang aliw na kanilang nakukuha o naibibigay, pareho nilang nabibigyan ng kasagutan at kaligayahan ang bawat isa.
Isang bayarang lalake si Ron. Pagpatak ng alas onse ng gabi ay makikita mo siyang nakatambay sa isang madilim na parke sa Manila. Ito ang kanyang opisina, at dito siya tumatanggap ng kanyang mga customer. Sa edad na dalawampu, mas nanaisin niya ang ganitong trabaho kaysa mamasukan sa ibang bansa. Dito niya naitatak sa sarili na hindi niya kailangan mangamuhan dahil dito, siya ang amo.
Habang nakaupo siya sa isang upuan para sa mga namamasyal, muling nagbalik sa isip niya ang isang pangyayari na nagtulak sa kanya sa ganitong kalakaran.
Kamamatay lamang ng kanyang mga magulang sa edad niyang disiotso. Dahil walang ibang kamag-anak, naisipan niyang magtrabaho bilang boy sa isang kaibigan ng kanyang mga magulang sa isang magandang subdibisyon. Iniwan niya ang mga alaala sa dating tirahan at doon na namalagi.
“Tao po! Tao po!” sigaw ni Ron sa harapan ng malaking bahay na nakasulat ang address sa kapirasong papel na ibinigay sa kanya ng kanyang ama bago pa ito mamatay sa sakit na TB. Puntahan niya daw ito sakaling mawala na ang kanyang mga magulang upang hingan ng tulong.
Makaraan ang ilang pagtawag ay may isang katulong ang lumabas.
“Sino po sila?” tanong nito sa kanya habang sinusuri mula ulo hanggang paa.
“Dito po ba nakatira si Adan Teryo?” tanong niya habang binabasa ang nakasulat na pangalan sa papel.
“Sandali lang at tatawagin ko si mam.” Sabay alis ng katulong.
Nagulo ang isip ni Ron ng marinig ang sinabi ng katulong.
“Mam?” bulong niya sa sarili.
“Mam, siya po yung naghahanap sayo.” Sabay turo ng katulong kasama ang isang bading na may katangkaran.
“Kayo po ba si Adan Teryo?” tanong ni Ron habang nakakunot-noo.
“Sino ka boy?” sambit ng bading na tulad ng katulong ay sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
“Si Ron po. Anak ni Ka Esteban at –“ hindi na nakapagpatuloy si Ron sa pagsasalita ng biglang nagsalita ang bading.
“Ah si Steve!” biglang sigaw ng bading sa totoong pangalan ng kanyang ama.
“Oho, siya nga ho!” pagpapatotoo naman ni Ron.
“Halika pasok ka.” Yaya ng bading at agad namang binuksan ng katulong ang pintuan sa gate.
Pinatuloy siya sa tatlong palapag na bahay na ang ding-ding ay gawa sa mga salamin. Ang hagdan na paikot ay napapalamutian ng makikinang na burloloy. Ang sala ay may malambot na itim na sofa. Ang lamesita sa gitna ay gawa din sa salamin. Fully-airconditioned ang buong bahay. At ang ilaw ay nagmumula sa naglalakihang chandelier.
“Ako nga pala si Eva, Eva Teryo.” Pagpapakilala ng bading.
“Ms. Teryo?” taas kilay ng binata.
“Mystery. Yan ang itawag mo sa akin. Mystery.” Paliwanag ni Mystery.
“Nandito po ako upang magtrabaho. Yumao na po kasi ang aking mga magulang at wala na po akong kilalang kamag-anak.” Saad ni Ron.
“Yumao na pala si Steve. Sabi ko naman kasi sa kanya e. Anyway, tayo ka nga.” Panghihinayang ni Mystery sa pagkawala ng ama ni Ron. Pinatayo niya ang binata at maiging pinagmasdan.
Si Ron ay isang binatilyo na sanay magbanat ng buto. Sa isang palaisdaan kasi siya nagsimulang magtrabaho. Nagbubuhat siya ng kung anu-anong mabibigat na lalagyan na puno ng mga nalambat na isda. Dito niya nakuha ang magandang hugis ng katawan at matitigas na kalamnan. Nakadagdag pa sa kanyang pagkalalaki ang pagkakamana niya ng kutis at itsura ng kanyang mga magulang. Hindi nga lang siya marunong pumorma kaya hindi ganoon kapansin ang kanyang pagiging magandang lalaki.
“Gusto mo bang maging modelo ko?” tanong ni Mystery.
“Modelo? Sabi po kasi sa akin na boy lang daw po ang trabaho niyong kayang ibigay sa akin.” Pagtataka ni Ron sa inaalok sa kanyang trabaho.
“Gawin na lang kitang modelo. Masyado na akong maraming boy at katulong kaya di ko na kailangan ng isa pa.” pagpapaliwanag sa kanya ni Mystery.
“Ano po bang imomodelo ko?” pag-uusisa ni Ron.
“Mga damit lang naman na dinedesenyo ko. Huwag kang mag-alala, malaki ang ibabayad ko sa iyo.” Pang-eenganyo ng bading sa binata.
“Talaga ho? Kaso po ..” biglang lungkot ng tinig ni Ron.
“Sagot ko na tirahan at damit mo. Dito ka na titira sa bahay basta’t susundin mo lang ang mga gusto ko, nagkakaintindihan ba tayo?”
“Sige po. Sige po!” masayang tugon ni Ron.
“O siya, maligo ka na muna at medyo nangangamoy ka pa e.” utos nito sa binata.
Habang naliligo si Ron ay inihahanda naman ng katulong ang kwartong tutulugan nito. Matapos maligo ay agad na nagbihis ang binata upang di lamigin. Isang binatilyo ang pumasok sa kwarto ni Ron ng dahan-dahan. Habang nagbibhis si Ron ng kanyang salawal ay bigla nitong hinatak ang salawal dahilan para mawalan siya ng saplot.
“Hahaha!” tawa lang ng tawa ang binata sa nakitang reaksyon ni Ron matapos ipantakip nito ang kanyang kamay sa sarili.
“Sino ka!?” tanong ni Ron habang kinukuha ang tuwalya na nakasukbit sa sabitan.
“Hahaha! Ako nga pala si Rye. Alaga ni Mystery.” Sabay hagis nito sa salawal ni Ron.
“Alaga? Modelo ka din ba dito?” pagtatanong ni Ron habang isinusuot ang salawal ng nakakubli sa paningin ni Rye.
“Tol, bakit ka ba nagtatago pa? Bading ka ba? Hahaha!” binibiro ni Rye si Ron. “Modelo? Oo, modelo ako! Hahaha! Kung yan ang tawag mo sa trabaho ko.”
“Hindi lang ako sanay na nagbibihis sa harap ng ibang tao.” Dahilan ni Ron.
“Naku, hindi ka tatagal dito kung gaganyan-ganyan ka. Walang hiya-hiya dito tol kaya mabuti pa masanay ka na.” pag-leleksyon ni Rye kay Ron.
Nilapitan ni Rye si Ron at nakipagkamay. “Sige, tol! Welcome to the family!” sabay yakap nito kay Ron.
Si Ron naman ay naiilang sa pinagkikilos ni Rye. Hindi kasi siya sanay na makipagyakapan sa isang lalaki tulad ng ginagawa ng iba. “Salamat!”
Umalis na si Rye sa silid ni Ron. Ngayong nag-iisa na si Ron, maraming tanong ang umiikot sa kanyang isipan. Gusto niyang sagutin ang lahat pero hindi niya alam ang isasagot. Puro oo, hindi at pwede lang ang naisasagot niya sa mga ito.
Iniayos na niya ang kanyang mga damit sa kabinet at agad na lumabas ng silid. Ang silid niya ay nasa ikalawang palapag. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong palapag at napansin niyang may walong silid ang palapag. Naisip niya tuloy na maraming modelo ang nakatira sa bahay na iyon.
Agad siyang bumaba upang hanapin si Mystery ngunti di niya makita ito. Pumunta siya sa likod ng bahay ay nakita niya ang isang malaking swimming pool. Namangha siya sa ganda nito. Para bang nais niyang maligo muli at lumangoy-langoy dito.
Huminga muna ng malalim at nilasap ang hangin sa Maynila. Lumapit si Ron sa gilid ng swimming pool at umupo dito. Isinayad niya ang kanyang mga binti at paa sa tubig. Nakaramdam siya ng panlalamig ngunit hindi siya napatayo. Nilasap niyang maigi ang lamig ng tubig. Ginamit niyang tabo ang kanyang mga kamay upang basain ang kanyang mga tuhod na hindi nakalubog sa tubig.
“One! Two! Three! Go!” mahinang bilang ni Rye at ng makakuha ng tiyempo ay dahan-dahang lumapit sa likod ni Ron at sabay tinulak ito.
“Hahaha!” hagalpak naman ng tawa si Rye sa ginawang pagtulak kay Ron.
Hindi umimik si Ron sa ginawa ni Rye. Sa katunayan ay sinabayan pa niya ng tawa ang pagtawa ni Ron. Sandali pa lang si Ron sa tubig ay bigla naman dumating si Mystery.
“Ron, umahon ka na diyan at malamig ang tubig. Kailangan ko kayo bukas at ayaw ko ang sisinghot-singhot kapag nag-shu-shoot na tayo.” Sabay lingon kay Rye. “At ikaw naman Rye, ituro mo sa kanya ang mga rules dito hindi yung puro katarantaduhan ang pinaggagagawa mo.”
Matapos sitahin at pagsabihan ang dalawa, agad na umalis si Mystery upang kamustahin ang iba pang modelo sa itaas. Iniabot ni Rye ang kanyang kamay kay Ron upang tulungan itong umakyat. Sa halip na bumwelo si Ron, hinatak niya si Rye sa swimming pool.
“Bawal maligo ng naka-short at t-shirt sa pool. Trunks kung trunks.” Bilin ni Rye kay Ron matapos niyang hawiin ng kanyang kamay ang tubig sa mukha. Muling nagtawanan ang dalawa at matapos ay umahon na sa pool.
Bumalik na sa silid niya si Ron upang magbihis ng panibago. Kinuha niya ang lumang short at ang long sleeve na tulad ng damit ng mga magsasaka. Isinuot niya ito at muling lumabas ng silid. Nakita siya ni Mystery kaya napasigaw ang bading.
“OMG ka Ron! What kind of fashion is that?” sabay lapit ni Mystery. Isa-isa nitong tinuro ang mga suot. “Magbihis ka dali!” utos nito.
“Puro ganito lang po ang mga damit ko.” Paliwanag ni Ron.
“WTF (what the fashion)!” bitaw na salita ni Mystery.
Kinuha ni Mystery ang cellphone sa bulsa at nag-dial ng numero.
“Hello Rye! Kunin mo nga dito si Ron at bihisan mo. Ipahiram mo muna ang iba mong damit kung maaari lang dahil bukas pa dadating ang ibang mga damit na pinatahi ko. Ok. Bye.” Sabay tago ulit ng cellphone.
“Kung may kailangan ka, please ask Rye. Matagal na siya dito kaya marami siyang maitutulong sayo. Aalis muna ako at kailangan ko ng ayusin ang event bukas. Pagbalik ko, magpra-practice tayo.” Sabay tungo ni Mystery sa labas ng bahay at sumakay ng kotse.
Ilang sandali pa ay dumating na si Rye. Pigil ang tawa nito na halatang-halata.
“Tol, probinsiyang probinsiya ang dating mo a?” hindi na napigil ni Rye ang pagtawa. “Hahaha! Tara sa kwarto ko at bibihisan kita.”
Sumunod naman si Ron kay Rye. Ang kwarto ni Rye ay sa pinakadulo kaliwa samantalang ang sa kanya ay sa kabilang dulo kaliwa. Dalawang kwarto lang ang pagitan nilang dalawa. Binuksan ni Rye ang kanyang kwarto. Tulad din ito ng ibang kwarto. Ayaw kasi ni Mystery na magkakaiba ang disenyo at laman ng mga kwarto upang walang inggitan ang mangyari sa pagitan ng mga modelo.
“Hubad!” utos ni Rye matapos makapasok ang dalawa sa kanyang kwarto.
“Ha?” pag-aalinlangan naman ni Ron na gawin nito ang utos ni Rye.
“Hubad sabi ko! Tulad nito.” Sabay hubad ni Rye ang kanyang t-shirt at shorts na suot. Tanging underwear na lamang ang suot nito.
Si Rye ang isa sa apat na modelo ni Mystery kasama na si Ron. Nakita siya ni Mystery sa isang gay bar kung saan ay nagtitinda ito ng yosi at mga kendi. Yun ang trabaho niya kapag Sabado at Linggo. Dahil na din sa kanyang pagiging moreno, naging tampulan siya ng tukso ng mga bading na dumadayo doon. Hinaharot siya ng mga ito dahil na din sa pagkakaroon ng magandang porma ng katawan. Kilala niya ang mga nagtra-trabaho sa loob ng gay bar. Isinasama siya ng mga ito kapag nag-dyi-gym kapalit ng buong araw na kita niya. Isa pang dahilan ay ang pag-iigib ng tubig na kanyang ipinantutulong sa pamilya kung bakit hulmado ang kanyang katawan. Maganda daw kasing i-front si Rye lalo na kapag may mga kabadingan na umaaligid-ligid sa gym na nakakadagdag kita sa kanila. Binibigyan na lang siya ng porsyento ng mga ito kinabukasan.
“Hindi ba pwedeng tumalikod ka?” pakiusap ni Ron dahil di siya sanay na maghubad sa harapan ng iba.
Ngumiti lamang si Rye sa sinabing iyon ni Ron. Lumapit siya dito dahan-dahan. Napapaatras naman si Ron sa bawat hakbang na ginagawa ni Rye hanggang sa mapasandal ito sa dingding. Idinantay ni Rye ang kanyang kamay sa dingding upang gawing pang-harang ang kanyang braso at bisig. Pakunwari nitong hinawakan ang baba ni Ron at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng binata.
“Huwag kang kabahan, sandali lang ito.” Bulong ni Rye kay Ron.
“Walang ganyanan!” pinagpapawisan na si Ron ng butil-butil.
Itinanggal ni Rye ang kamay sa pader upang hawakan ang suot na damit ni Ron. Mahigpit niya itong kinapitan at malakas na hinatak. Punit ang damit nito dahilan para tumambad ang kanyang katawan.
Inalis ni Rye ang tingin nito sa mukha ni Ron at ibinaling sa short ni Ron.
“Ako pa ba magtatanggal ng short mo?” sabay tawa ng malakas ni Rye. “Dali! Bawal ang matagal kumilos kapag isa kang modelo kaya tanggalin mo na yan.”
Nakahinga si Ron ng maluwag ng umalis na sa harapan niya si Rye. Tinanggal na niya ang damit na pinunit at short. Pareho na silang naka-underwear na lang. Si Ron ay brief samantalang si Rye ay boxerbrief.
Agad na binuksan ni Rye ang kanyang cabinet at naglabas ng ilang damit na pagpipilian ni Ron. Inilabas din niya ang ilang mga shorts at pants para kay Ron. Inilatag ito sa kama at inumpisahan ng magsukat ni Ron.
“Marami tayong pwedeng pagpiliang isusuot. Pwedeng round neck shirt, v-neck shirt, muscle shirt, sando, polo, polo shirt, at kung anu-ano pa. ganoon din sa pang-ibaba. Sa pagsusuot, wala yan sa ganda ng tela, disenyo o presyo ng isusuot ang batayan ng pagiging bagay nito sa atin. Ang kailangan lang ay confidence. Dapat ay ipakita mo na Masaya ka na suot mo ito. Ipakita mong komportable ka.” Pahayag ni Rye kay Ron habang nagsusukat pa ito.
Pinukaw ng sinabi ni Rye si Ron. Mabilis siyang kumuha ng isang cargo pants at round neck shirt. Binihisan niya ang kanyang sarili.
“Sa pagsuot mo niyan, damhin mo ito. Itatak mo sa sarili mo na bagay sayo ito.” Dagdag pa ni Rye.
Nagbihis na din si Rye tulad ni Ron. Matapos ang ilang oras sa pamimili at pagsusukat, marami na agad na natutunan si Ron sa binata. Ang mga luma niyang damit ay pinatapon na ni Rye sa katulong. Kapalit ng mga pinatapong damit ay pinalitan naman ito ni Rye.
“Tara, doon na tayo sa taas.” Yaya ni Rye kay Ron.
Magkasunod na umakyat ang dalawa sa third floor. Nagulat si Ron sa kanyang nakita. Sobrang lawak ng third floor. Wala ni isang kwarto dito at sa halip ay ang isang mini-stage kung saan ang mga modelo ay nagpra-practice.
“Guys, si Ron nga pala. Bago nating pagtri-tripan.” Sabay tawa na naman si Rye.
Nagtawanan naman ang dalawang lalake na nasa stage. Ang isa ay nakaupo dito at ang isa ay nakatayo.
“Ron, si Edken, yung nakaupo, at si Dan, yung nakatayo.” Pagpapakilala ni Rye kay Ron sa dalawang modelo.
Lumapit silang dalawa sa stage upang makipagkamayan si Ron sa dalawa.
“Edken nga pala.” Sabay abot ng kamay.
Si Edken ay pangalawa sa modelo ni Mystery. Hindi tulad ni Ron at Rye na galling sa mahirap na pamilya, siya ay isang taga-pagmana ng negosyo ng kanilang pamilya. Producer sila ng mga gym equipments at dahil sa pag-uuwi ng kanyang daddy ng bawat produkto nila, natuto si Edken na mag-weights. Hindi siya tulad ni Ron at Rye na mala-adonis ang pangangatawan. Slim siya kung maituturing pero nandoon pa din yung pagkakaroon ng mga muscles na siyang kailngan sa pagpapalabas ng porma ng kanilang mga minomodelong mga damit.
“Ako naman si Dan. Nice meeting you, bro!” sabay suntok sa braso ni Ron.
Isa namang call boy si Dan. Isang baguhang callboy siya ng makita siya ni Mystery sa kahabaan ng EDSA. Iniwan na siya ng kanyang pamilya mula sa isang sunog na naganap sa kanilang bahay. Nasa school siya noon at naglalaro sa championship ng basketball sa kanilang campus ng mangyayari ang insidente. Walang naisalba ni isang kusing sa sunog na iyon. Ang naiwang savings ay naubos dahil ipinambabayad niya sa kanyang tuition fee. Dahil walang malapit na kamag-anak na makatutulong sa kanya, huminto siya sa pag-aaral at ang natitirang pera ay ipinambayad ng isang maliit na apartment na kanyang tinitirhan. Nahirapang maghanap ng trabaho dahil undergraduate at dahil sa udyok ng dating mga kaklase, naisipan niyang maging call boy at doon siya nadiskubre ni Mystery.
“Bro, akyat sa stage!” utos ni Dan kay Ron kahit na nananakit pa din ang braso nito.
“Naka depende sayo ang pagkakagusto ng mga mamimili sa damit na iyong isinusuot. Marunong ka dapat na i-project ito.” Sabi ni Edken.
“At naka depende sa isususot mo ang gagawin mong paglalakad sa stage. Ready ka na tol?” dagdag ni Rye.
“Sample! Sample! Sample!” sabay sabay na panunukso ng tatlo kay Ron.
Sa panunuksong ginawa nila Rye, Edken at Dan sa pagpanhik ni Ron sa stage, pumwesto siya sa dulo upang simulan ang paglalakad. Kinakabahan man, patuloy pa din siyang naglakad papalapit sa tatlo habang pinapanuod siya ng mga ito.
“Kaya ko ‘to!” bulong ni Ron sa sarili matapos ay isang buntong-hininga.
Dahan-dahan niyang iniyapak ang kanang paa kasunod ng kaliwa. Salit-salit na nagduduyan ang kanyang mga kamay. Taas noo siyang naglalakad kahit nahihirapan siya dahil hindi malingon ang dinadaanan.
“Hindi ka naman pala mahirap turuan e!” papuri ni Rye sa kanya.
“At kahit paano ay may alam siya sa pagmomodelo!” dagdag naman ni Edken.
“At siyempre, gwapo siya! Hahaha!” biro naman ni Dan na totoo naman talagang may taglay na kagwapuhan si Ron.
Matapos ang ilang rounds, pinagpahinga na nila si Ron dahil mukhang nahihilo na ito kakaikot at kakalakad sa stage. Bumaba sila sa kusina upang kumain ng meryenda. Nagtimpla ng isang pitsel na orange juice si Rye at kinuha naman ni Dan ang isang balot ng tinapay sa tukador. Nauna na puwesto sina Edken at Ron sa round table sa labas sa tabi ng swimming pool.
“O mga senyor!” panlolokong tawag ni Dan.
“Kanya-kanyang salin na lang sa baso ng juice ha.” Parinig naman ni Rye.
Habang kumakain at nagpapahinga, dumating mula sa pag-alis niya kanina si Mystery. Narinig ng apat ang pagbukas ng gate kaya madali nilang sinalubong ang bading na amo. Dala nito ang ilang plastic bags at boxes na naglalaman ng mga damit na kailangan nilang imodelo.
“Kami ng bahala diyan aming reyna!” pabiro ni Dan.
“Oo nga at kami ng magbubuhat niyan.” Dagdag ni Rye.
Nakatingin lang si Ron kaya siniko siya ni Edken para tumulong. Mabilis naman itong nakuha ni Ron kaya agad na lumapit sa sasakyan at kinuha ang mga damit.
“Salamat at nandiyan kayo. Dalhin ninyo iyan sa practice area upang masukat at para na din makapag-practice na tayo.” Utos ni Mystery sabay punas ng pawis nito sa noo at leeg.
Wala pang limang minute ay nasa taas na lahat ng mga kagamitan. Nag-umpisa na silang magbihis at magsukat ng mga damit na dala ni Mystery.
“Ang unang part ng show ay ang formal wear. Sandali, naturuan ninyo na ba itong si Ron?” biglang alala ni Mystery.
“HINDI PA!!!” sabay-sabay na kantiyaw ng tatlo.
“Huh!?” nagulat naman si Ron sa sinagaot ng tatlo. “ Di ba kanina lang –“
“HINDI PA DI BA!!!” sabay-sabay ulit ng tatlo. Halata sa mga ngiti nila na pinagkakaisahan nila si Ron at na may plano silang tiyak na kalokohan.
“O siya, simulan na natin ito.” Pauna ni Mystery. “Hubad Ron. At isuot mo na ang formal wear. Kayo ding tatlo.”
“Sa harap ninyo!?” gulat ni Ron.
“Malamang! San mo pa gusto magbihis?” papilosopong tanong ni Mystery.
Wala ng nagawa si Ron kundi sundin ang utos nito. Natatandaan niya pa ang sinabi sa kanya ni Rye ng una silang magkita. “ Walang hiya-hiya sa ganitong trabaho “. Pansin niyang walang kagatol-gatol na naghubad ang tatlo sa harap ni Mystery. Pero alam niya kahit di niya tignan na sa kanya nakasentro ang tingin ng bading.
“Okay na. Akyat na sa stage.” Sabi ni Mystery sa kalalakihan.
“Ang pagsusuot ng formal wear ay tanda ng pagrespeto. Sa pagsusuot nito, kailangang kumilos ka ng pormal. Tamang tindig, paglalakad at pag-upo. Ang dibdib ay nakalabas at ang tiyan ay nakapasok. Ipahayag mo sa kanila na ikaw ay kagalang-galang sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na ito.
Hindi iwinawaglit ni Ron ang atensyon niya sa sinasabi ni Mystery. Napapangiti siya sa tuwing sinusubukan ang chest out stomach in. Masaya siyang may natututunang bago. Nagsimula na siyang rumampa sa entablado. Nakakakaba man, mahusay na ginampanan ni Ron ang kanyang parte sa pag-eensayong iyon.
“Isipin ninyong may isang babae kayong lalapitan. Akitin ninyo ito gamit ang inyong mga ngiti at tindig. Ganyan nga Rye! Sige Edken, ngiti pa! Dan, wag plastic ang ngiti! Ron –“
Natahimik si Ron, nawala ang konsentrasyon niya sa paglalakad ng marinig ang pangalan niya ng sambitin ni Mystery. Biglang nag-ekis ang kanyang mga binti. Buti na lang at nasalo siya ni Edken na kaniyang kasunod.
“SHOCKS!!!” sigaw ni Mystery.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Edken kay Ron habang kapit-kapit niya ito sa bewang sa pagkakasalo niya dito. Ang kanyang mga mukha ay halos magkadikit na. Sa bilis siguro ng pangyayari ay hindi na ito napansin ni Edken at mabilis na kinamusta na lang si Ron.
“Focus Ron, focus ang dapat mong pag-aralan.” Payo naman ni Mystery matapos ang insidente.
“Okay ako Edken!” sabi ni Ron.
“Buti naman!” sabay alalay kay Ron dahan-dahan para makatayong muli.
Matapos ang formal ay ang casual. Mas maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-eensayo sa parteng ito ng show. Masaya na sana ang lahat ng biglang …
“Next! Underwear!”
“PO!?” nanlaki ang mukha ni Ron sa narinig. Halos lumuwa ang mga mata nito at ang nguso ay nagkanda haba.
“Game na!” sigaw naman ni Rye.
“Yeah boy! Binyagan time!” pang-aasar ni Dan.
Tahimik naman na pinanunuod ni Edken ang dalawa sa pangtri-trip nila kay Ron. Simpleng tawa ang ginagawa ito para makaiwas kung sakaling gaganti si Ron sa mga kalokohang ginagawa sa kanya.
“Oo Ron. Gusto mo ba ako pang maghubad sayo?” sabay ngiti ni Mystery.
“Hala! Ano ba itong napasukan ko!” bulong ni Ron sa sarili.
Ayaw ni Ron maghubad sa harap ng iba. Lalong-lalo na kung hubad talaga. At ngayon, maghuhubad siya sa harap ng isang bading.
Napaatras si Ron. Gusto na niyang tallkuran ang ginagawa. Mas lalo siyang walang nagawa ng bigla siyang hawakan ni Dan at Rye sa magkabilang braso.
“Umpisahan mo na aming reyna! Hahaha!” hudyat ni Dan kay Mystery.
“Go Go Go!” dagdag pa ni Rye.
Lumapit na si Mystery kay Ron upang simulan na siyang hubaran ng pambaba. Pumikit na lamang si Ron sa pag-aakalang mas mainam na hindi niya makita ang gagawin sa kanya. Mabilis na tinanggal ni Mystery ang butones ng pantalon. Hindi maiiwasang masagi ng daliri ni Mystery ang pagkalalaki niya. Para sa isang designer tulad ni Mystery, normal na lang ito sa kanya lalong-lalo na’t bading siya. Mabilis na umepekto ito kay Ron. Namuo ang pawis niya na para bang tumakbo ng pagkatulin-tulin. Tumatakbo sa isip niya na siya ay pinagsasamantalahan na naging dahilan na din upang mag-init ang kanyang katawan. Hinatak na ni Mystery ang kanyang pantalon pababa. Tanging saplot na lamang niya ngayon ay brief. Kitang-kita ni Rye at Dan ng malapitan ang pagkakabakat. Ang kaninang ngumingiti lang ay hindi na mapigil ang pagtawa sa kakapanuod ni Edken sa nangyayari. Buong lakas na nagpumiglas na si Ron dahilan para mabitiwan siya ng dalawa.
“SANDALI!!!” sigaw ni Ron na para bang nagwawala.
Lumayo ng kaunti si Mystery sa takot na masaktan habang sina Rye at Dan naman ay lumapit kay Ron kung sakali ay para pigilan ito. Lumapit na din si Edken upang tumulong sakaling magkagulo nga.
“Ako na maghuhubad sa sarili ko.” Mas kalmadong pahayag ni Ron.
Hinubad ni Ron ang kanyang brief sa harap mismo ng apat. Bumulusok ang tawa ng tatlong lalaki samantalang tulala namang nakatitig si Mystery kay Ron. Kinuha ni Ron ang isang leather brief sa kahon at isinuot.
“Badtrip!” sigaw ni Ron sa sarili ng hindi sapat ang sukat ng brief dahil sa galit pa din niyang pagkatao.
Hinubad muli ni Ron ang brief na para bang walang tao sa paligid. Ang kaninang tawanan ay napalitan ng katahimikan. Pinagmamasdan ng lahat ang kinikilos ni Ron. Kumuha muli si Ron ng underwear, tiniyak niyang kakasya na ito. Isang boxerbrief.
“Ready na ako!” hudyat ni Ron.
“Teka, bihis muna kami.” Sabay diretso ng tatlo sa isang cubicle na hanggang bewang ang taas. Doon kasi sila nagbibihis lalo na kapag nag-eensayo na sila sa parteng underwear show na.
“Teka, teka teka teka!” pagpipigil ni Ron sa tatlo. “Anong gagawin ninyo diyan?”
“Magbibihis.” Sagot ni Edken na may halong ngiti.
“Di mo na kailangan magbihis dito. Tapos ka na e.” dagdag naman ni Rye.
“Ayos bro ha! Malaki! Malaki ang future mo! Hahaha!” sabay tawa naman ni Dan.
Isang kahihiyan ang nangyaring iyon kay Ron. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Parang iginisa niya ang sarili sa sarili niyang mantika. Parang gusto niyang gumanti sa tatlo ngunit hindi niya alam kung paano.
Habang nagbibihis ang tatlo ay kumuha siya ng malamig na tubig at ibinuhos sa mga ito. Todo ginaw ang tatlo dahil fully airconditioned ang bahay. Dahil basa na ang cubicle, ipinalinis ito sa yaya. Pinalagyan ng takip ang cubicle ni Mystery upang hindi nito makita ang kanilang ginagawa. At dahil no choice ang tatlo, nakatalikod silang nagbihis kay Mystery. Dahil dito, nakaganti na si Ron. Siya naman ngayon ang tawa ng tawa.
“PLAN B.” ani ni Rye kay Ron. Kinabukasan ay naghanda ang lahat para sa nalalapit na oras ng fashion show. Inihanda agad nila ang mga kanilang susuotin na tiniyak na wala silang nakalimutang bitbitin. Kanya-kanya sila ng maletang bitbit kung saan nakalagay ang kaniya-kaniyang mga susuotin.
“Guys, are you ready for this big show?” tanong ni Mystery sa apat matapos ang maikling pagpapayo sa mga ito ng magkita-kita sila sa sala.
“Ayos ng lahat Mystery!” pangunguna ni Edken.
“Ayos na din ang sa amin!” singit naman ni Dan at Rye habang nakatingin kay Ron.
“Ikaw Ron?” tanong ni Mystery habang nakataas ang kilay.
“A e okay na din po ang sa akin.” Sabay tingin kina Dan at Rye na para bang binabasa nito ang mga ikinikilos at kung may gagawing kalokohan.
“Sige, Lets GO!!!” sabay talikod ni Mystery at kumpas ng kamay.
Mabilis silang sumakay sa van at nagdasal habang tinatahak ang daan patungong SMX sa MOA. Matapos magdasal ay puro pantri-trip na ang ginawa nila kay Ron. Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig ng lihim at napapangiti si Mystery sa ginagawa nilang iyon sa binata.
“Ron, daming magkakagusto sa iyo doon!” masayang sabi ni Dan na may halong ngiting nakakaloko.
“Tama! Sa bilis mo ba namang magbihis e maimomodelo mong lahat ng underwears!!!” sabay apir ni Rye kay Edken at Dan.
“Pwede ba, kung wala kayong magandang sasabihin e manahimik na lang kayo.” Seryosong tugon ni Ron sa tatlo.
“AHAHAHA!!! Wag pikon!” saad naman ni Edken.
“Nagkakatuwaan lang naman tayo bro!” dagdag pa ni Dan na himalang sumeryoso.
“Oo nga naman. Mas gusto lang namin na makapalagay ka namin ng loob. Iisa na tayo tol! Pareho tayo ng tinitirhan at trabaho. Mas magandang maging okay tayo sa isa’t isa.” Paliwanag naman ni Rye.
Napangiti naman sa sinabing iyon ni Rye si Ron. Nabunutan na siya ng tinik at muling nabuhayan ng loob.
“Okay! Group hug!” sigaw ni Dan sabay turo kay Mystery na kunwari ay natutulog.
“GROUP HUG!!!” sabay sabay nilang niyakap si Mystery.
“SHOCKS!!!” kunwaring sigaw ni Mystery na sa totoo ay natutuwa sa mga nangyayari.
Nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Makikita ang malaking tarpaulin kung saan nakalagay ang paanyaya sa mga tao para manuod ng nasabing palabas. Mabisa naman ang paraang iyon dahil wala pa man sila sa lugar ay marami ng naghihintay sa kanilang palabas.
“I-park mo yung van sa likod, doon tayo dadaan.” Utos ni Mystery sa manong drayber.
Mabilis silang nakapasok sa likod dahil walang nakakaalam ng daan na iyon. Mabilis nilang ipinasok ang mga damit na gagamitin.
“Guys, bihis na! This is our chance kaya GO GO GO GO!!!” full of energy na utos ni Mystery.
“AGOGO!!” sabat naman ni Dan dahilan para magtawanan ang lahat.
Nagbihis na sila para sa unang parte ng show, ang formal wear. Nakapila na ang apat na natatanging modelo ni Mystery at handa na silang rumampa sa stage.
“Good day! Gals, guys ang gays! May I now present you my prestigious collection of formal wear!” hudyat para lumabas pa-isa-isa ang apat sa tabing.
Unang rumampa si Rye, na dati pa man ay favorite of the crowd na. Suot niya ang isang black tuxedo na mismong siya ang nagsuhestiyon kay Mystery para sa fashion show na iyon. Malakas ang dating ni Rye sa suot niyang iyon. Tipong ang mga babae at kabadingan ay nanaisin siya magkano man ang ibayad nila.
Sumunod na rumampa si Edken. Sa suot na all-white ay kitang kita ang pagiging simple pero astig na disenyo ng damit. Ito yung tipo ng mga lalake na gustong isuot para maipakita ang pagiging malinis sa kabila ng isang engrandeng salo-salo.
Si Dan ang kengkoy ng grupo. Sa kabila ng pagkakengkoy ay magaling niyang naididisplay ang damit sa harapan ng nakakarami. Bawat kilos at post ay ikinatutuwa ng nakararami lalo na ang ngiti nito. Light blue na long sleeve with matching black pants and correct type of shoes. Ang isang empleyado, para nang president ng kumpanyang pinagtra-trabahuhan.
At ang huli, si Ron. Nang siya na ang susunod. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa sa kaba. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Naglalagkit ang kanyang mga leeg.
“Ron, ikaw na!” sigaw ni Mystery sa kanya.
“Kaya mo yan Ron!” singit naman ni Edken.
“Maraming bading dyan, este babaeng magkakagusto sayo!” sabat ni Dan.
“Go Tol! Dito lang kami!” pagbibigay lakas loob ni Rye.
Sa puntong iyon, parang tumigil ang oras para kay Ron. Nakakakaba naman talaga kapag first time. Ramdam niya ang mga tao na naghihiyawan sa bawat pagrampa ng ilan sa mga kasama niya. Natatakot siyang mapahiya at ipahiya ang grupo dahil sa kanya.
“Ron, kaya kita pinili, tulad nila dahil alam kong hindi mo ako bibiguin tulad ng ginawa ng ama mo sa akin. Nandito kami para suportahan ka! Go!” banggit ni Mystery upang pakalmahin at palakasin ang loob ni Ron.
Naalala ni Ron ang tungkol sa kanyang ama. Ni minsan ay hindi nito alam ang ibang ginagawa ng ama para buhayin lang silang mag-ina. Ngayon niya naisip mula kay Mystery na isa pa lang dating modelo ang ama. Ang tanong na naglalaro sa kanya ngayon ay kung bakit iniwan nito ang pagmomodelo kapalit ng pagiging mahirap.
“Kaya ko ‘to!” sigaw ni Ron sa sarili.
“GO! RON!” sigaw nila Mystery, Rye, Dan at Edken.
Inumpisahan na niyang ilakad ang kanyang mga paa at tumungo sa harapan ng stage. Biglang tumahimik ang nakararami sa kanyang paglabas. Ang mga ilaw mula sa kamera ay nawalang parang bula. Maririnig ang ilang mga bulungan sa paligid habang siya ay papalapit na ng papalapit sa dulo sa harapan.
“Siya ba ang bagong modelo?”
“Siya nga!”
“Ang kutis naman!”
“Ang katawan…”
“Modelo ba talaga siya?”
“San kaya siya nakuha ni Mystery?”
“Ang itsura o”
Mga salitang naririnig na mas lalong nagpapakaba sa binata. Pilit niyang iwinawaglit ang mga ito upang hindi siya mapahiya at mawalan ng konsentrasyon ng biglang may isang boses mula sa speaker ang narinig ng lahat.
“Please welcome! The new discovery of Mystery, RON!!!” at sunod-sunod na hiyawan at tama ng lente ng ilaw ng kamera ang pumupuno sa paligid. Nasundan pa ang mga pahayag na kanina ay inakala niyang masakit sa tainga kung maririnig.
“Ang gwapo ha!”
“Kutis Moreno!”
“Yummy!”
Nabuhayan ng loob si Ron. Ngayon ay masaya na niyang naigagalaw ang katawan. Malaya na niyang nailalakad ang paa sa entablado. Ngayon na nag-umpisa ang kanyang laban bilang isa sa mga modelo.
Sa likod ng stage habang rumarampa si Ron ay nag-uusap-usap ang tatlo patungkol sa naiwang salita kahapon, ang “PLAN B”.
“Edken, nakahanda na ba ang susuotin ni Ron?” tanong ng mala-mastermind na si Rye.
“Check!”
“Dan, nakahanda na ba tayo?” tanong ni Rye kay Dan.
“Syempre naman!” sabay suntok sa sariling dibdib.
“GAME!!!” sigaw ng tatlo.
Bumaba na si Ron sa stage upang makapag palit na. Agad siyang sinalubong ni Edken.
“Ron, inihanda ko na ang isusuot mo, isuot mo na din ang underwear para sa susunod na show after ng casual wear.” Sabay abot nito kay Ron ng polo at cargo pants.
“Salamat!”
“CASUAL WEAR, HERE IT COMES!!!” boses mula sa speaker.
Hindi tulad ng formal wear, sabay-sabay silang lumabas ng stage. Ang tema nila ay para bang nagpapasikatan ang apat sa kanilang mga suot sa pamamagitan ng pagrampa. Kakaiba ito kumpara sa mga normal na fashion shows. Masarap sa mata na ang mga modelo ay nagyayabangan at nag-aangasan sa bawat isa.
Unang rumampa papunta sa harap si Ron. Nagkatinginan si Dan at Rye na hudyat ng kanilang plano. Walang kaalam-alam si Ron sa kalokohan o kung ano man itong parte ng fashion show na ito. Pumwesto sa kanan ni Ron si Rye sabay hawak sa kwelyo ng polo na para bang naghahamon ng away. Ganoon din ang ginawa ni Dan pero sa kaliwa naman. Biglang sumulpot si Edken sa likod na kunwari’y baril ang hintuturo na itinutok kay Ron.
“Huwag kang gagalaw!” bulong ni Edken dito.
Nakaramdam si Ron ng paghigpit ng kanyang pants. Kapit kapit ni Edken ang pants nito dahilan para humigpit ito. Sabay-sabay na hinatak ng tatlo ang bawat kapit na parte ng damit at tumambad ang katawang kinagigiliwan ng mga bading. Walang alam si Ron sa planong ito.
“PLAN B SUCCESS!” sigaw ng tatlo.
Nahihiya man, nakatayo pa din ito sa harapan na tanging brief lang ang suot. Malamig ang paligid dahilan para umumbok ang kanyang pagkalalaki. Sabay-sabay ding naghubad ang tatlo para sa mga manunuod nila.
“UNDERWEAR, COME AND GRAB IT!!!” boses mula sa speaker.Halos mag-iisang oras na silang apat sa kanya-kanyang kahong kinalalagyan. Ang mga paa’t kamay pare-parehong ngalay. Kadiliman pa din ang kanilang natatanaw. Nagising na din sina Dan at Edken sa pagkakatulog. At ngayon, lahat sila ay pawang nagdarasal na sana matapos na ang bangungot na kanilang kinalalagyan.
“Ayos pa ba kayo diyan mga Bro? Marahil nilalaro ninyo ang mga junior nyo!” kahit sa sarili ay nawawalan na ng pag-asa si Dan pero nakukuha pa din niyang magbiro. Nais nyang maging malaya, masaya at mabuhay silang magkakasama.
“Paano kaya namin gagawin yon e nakatali ang mga kamay namin sa likod.” Pagdadahilan naman ni Edken.
“Haha. Ibig sabihin kung hindi nakatali ang kamay mo ay gagawin mo nga iyon?” pagpatol ni Dan kay Edken. Maririnig ang mga tawanan sa buong paligid. Yun na lang kasi ang kaya nilang gawin sa mga oras na iyon. Ang magtawanan na para bang wala ng araw pang masisilayan.
Nakapagbibiro man sila, maririnig mo pa din sa kanilang mga boses ang pagkabasag nito. Pilit na pinapasaya ang kanilang mga damdamin upang ang mga kasamahan ay magkaroon ng lakas ng loob at pag-asa na makalalabas pa sila ng buhay. Ilang sandali pa, nakarinig sila ng mga yapak. Palakas ito ng palakas hudyat na palapit ito ng palapit. Natahimik sila at nakiramdam sa susunod pang mangyayari.
Wala silang narinig na salita. Isang “kablag” lang ang kanilang narinig. Pagbagsak ng isang katawan sa sahig matapos buksan ang isang kahon o mas magandang sabihing kulungan.
“Rye!? Edken!? Dan!?” tarantang sigaw ni Ron. Dalawang kasunod pang pagbagsak ang kanyang narinig. Mas lalo na siyang naturete ng ni isa sa kanyang mga tinawag ay walang sumagot. “RYE! EDKEN! DAN! San ninyo sila dadalhin? Anong ginawa ninyo sa kanila!”
Yapak ulit ang kanyang narinig. Pahina ng pahina hanggang sa tuluyang nawala. Maraming naglalaro sa kanyang isipan. Pilit niyang winawaglit ang mga ito. Idinadalangin na hindi ang mga masasamang iniisip ang mga nangyayari. Dahil sa walang magawa, ang kadiliman ay kanyang ginawang karamay sa kanyang pagkalumbay. Nababasa ang kanyang mga piring ng mga luhang hindi na kayang pigilan. Ang mga kamay at paa ay tuluyan ng nawalan ng pakiramdam. At tanging ang naging sambit ay “Diyos ko, ikaw ng bahala.”
Lumipas ang ilang minuto. Hindi na masabi kung ilan ito. Kahit kasi sa sandali ay parang kay tagal niyang nananatili pa sa kulungan na kinalalagyan. Ang katahimikan ay nabasag. Hindi dahil sa kanyang hinagpis at hagulgol kundi sa mga yapak sa kapaligiran. Ramdam niyang may mga tao sa paligid. Naririnig niya ang mga mapang-insultong bungisngisan at tawanan. Maririnig ang mga pagkiskis ng mga bagay sa sahig. Ang bawat kaluskos ay nakakapangilabot. Makakarinig ka pa ng tunog ng mga kadenang hinahayaang sumayad sa sahig. Ayaw niyang manahimik. Gusto niyang sumigaw. Nais niyang ilabas ang galit na kanina pa pumupuno sa kanyang dibdib.
“ILABAS NINYO AKO DITO! ILABAS NINYO AKO!”
Habang sumisigaw, rinig niya mula sa loob ang yapak na papalapit. Kinatok siya nito at kinausap.
“Tahimik lang Ron.” Sa mahinahon nitong boses. Kilala niya ang tinig na iyon. Hindi siya nagkakamali. Ang unang kaibigan na nakilala niya simula ng magmodelo siya.
“Rye? Rye, tulungan mo ako.” Mahina niyang sabi dito. Natatakot siyang mahuli si Rye kaya kahit pasigaw man siyang nagmamakaawa ay pinilit niyang mapababa ang boses.
“Malapit na Ron, malapit na.” sabay mabilis at pahina ng pahinang yapak. Wala na si Rye sa tabi niya. Umalis na ito. Lumisan.
Sa pagod ay di na niya kinaya pa. Pilitin man niyang gumising ngunit hindi na niya magawa. Ang mga matang nakapiring ay tuluyan ng bumigay sa pagod at antok. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Wala ng kamalayan sa oras. Nang makaramdam ng kaginhawaan ay iminulat ni Ron ang kanyang mga mata. Malabo man sa una, maigi niyang nakita ang puting kisame at ang naggagandahan ilaw nito. “Nasan ako?” tanong niya sa sarili. Dahan-dahan niyang itinukod ang kanang braso upang makatayo sa kinahihigaan. Isang malambot na higaan na pakiwari niya ay nasa langit na siya.
“Langit? Ganito ba ang langit?” tanong niya sa sarili.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Lahat ay puti. Simula sa kisame, dingding, higaan at sahig. Isang bagay ang nakita niya ang mas kumuha ng atensyon. Kitang kita niya ang kanyang repleksyon dito. Ang kanyang katawang hubad na ipinagtataka niya ay kitang kita dito. Wala na siyang ibang nabanggit kundi “Ako ba ‘yan? Ang gwapo ko ha?” kasabay ng kindat ay turo sa sariling repleksiyon.
Hindi na siya nagtagal pa sa pagkakatitig sa sarili sa salamin. Agad niyang hinanap ang lagusan palabas ng silid na iyon. Bakit niya ba naisip na may lagusan palabas sa lugar na iyon kung tingin niya ay isa itong langit. Nakita niya sa kaliwang parte ng higaan ang unang damit niyang iminodelo. Simula pangloob at panglabas ay nakalatag ito ng maayos. Muling namuo ang kanyang mga luha sa pagkakaalala nito. Walang makapagsasabi kung gaano siya kasaya ng makita niya iyon muli. At kung gaano siya kalungkot ng maalala ang nakaraang masaya at kumpleto silang magkakasama.
“Nasaan na kayo mga kaibigan ko?” tanong ulit sa sarili.
Isinuot niya ang mga damit na ito habang nakaharap sa salamin.Kitang kita ang ibayong saya na gumuhit sa kanyang mukha. Matapos makapag-ayos. Pumorma muli ito sa harapan ng salamin tulad ng isang modelo. Ipinasok ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalong suot. Isang bagay ang kanyang nakapa mula sa loob nito. Kinuha niya ito. Isang puting papel. Binuksan niya ang pagkakatupi nito at isang sulat ang nasa loob nito.
“Ron, maligayang kaarawan sayo!” paunang linya nito. Kaarawan pala niya ngayon. Hindi na niya naalala pa. Dahil na din siguro sa kaiisip kung paaano makakalikom ng sapat na halaga upang matubos ang bahay. Ito rin ang araw na pagkamatay ni Mystery. Hindi na niya namalayan pang tumulo ang kanyang mga luha sa pagkakaalala sa petsang ito.
Ipinagpatuloy niya muli ang pagbabasa.
“Ron, maligayang kaarawan sayo! Hindi mo na siguro naalala pa ang araw na ito. Alam kong nahihirapan ka na sa takbo ng buhay ninyong magkakaibigan. Mahirap para sa akin ang malamang nag-iipon kayo ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng inyong mga katawan. Kung maagap sana akong kumilos, sana ay hindi na ninyo pa iginayak ang sarili sa ganyang uri ng pamumuhay. Nagpapasalamat akong natagpuan ko kayong magkakaibigan na sama-sama sa kabila ng mga kalamidad sa inyong buhay. Ikinagagalak kong sabihin sa iyo na nasa mabuti silang kalagayan tulad mo. Halina at lumabas ka na at buksan ang munti kong regalo para sa iyo.
Ang inyong pangalawang magulang, Mr. Yoso.”
May kung anong kaba at kasiyahan ang naramdaman ni Ron sa nabasang sulat. Hindi niya alam kung anong sunod na ikikilos. Nais na niyang makita muli ang kanyang mga kaibigan. Muli niyang tinanggal sa pag-iisip na narating na niya ang langit. Mabilis niyang hinanap ang daan palabas sa silid na kaniyang kinalalagyan.
“Hindi puti ang dingding!” sabi niya sa sarili ng umpisahang hawiin ang puting kurtina nito. Mas lalo siyang namangha ng makita ang totoong kulay ng dingding. Mabilis niyang pinagtatatanggal ang mga kurtina at bumungad sa kanya ang sariling silid. Tulad ng dati ay ganoon pa din ito maliban sa nadagdag na mga dekorasyon pang kaarawan.
Hinawakan niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang pinihit ito. Masarap sa pakiramdam ang muling makita ang sarili niya sa lugar na nagbigay buhay sa kanya. Ang lugar kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Ang lugar kung saan binuo nila ang kanilang mga pangarap. Sa pagbukas ng pinto ay nakita niya ang isang pamilyar na lalake na nakatalikod. Nang narinig ang pagbukas ng pinto ay humarap ito sa kanya.
“Tagal mo namang magising Bro!” bungad nito. Maaninag sa mukha nito ang kasiyahan ng muli niyang makita si Ron. Tulad ni Ron ay suot din nito ang damit kasabay ng suot ng binata.
“Dan! Amp ka!” sabay yakap ni Ron dito. Sa sobrang saya ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kaibigan.
“O, nababading ka na! Hindi ka naman pala-yakap ha?” sabay ngisi ni Dan.
“Hayaan mo na Bro! Minsan lang ito!” abot taingang ngiti naman ni Ron.
“Bro, naalala mo pa ba yung sinabi sa atin ni Mystery? Wala sa tatak o itsura ng suot natin ang ganda nito. Nasa pagdadala ito.” Sabay abot nito ng isang bag na naglalaman ng regalo.
Binuksan ito ni Ron. Napatawa naman si Dan ng makita ang reaksyon ng kaibigan. Namumula ito. Parang umakyat ang dugo sa ulo. Ang regalo kasi ni Dan ay isang leather brief tulad ng una niyang isinuot nung nagpa-practice sila. Mas malaki nga lang ang size.
“Tara na! Hinihintay na tayo sa itaas!” sabay turo ni Dan sa itaas. Mabilis nilang pinanhik ang hagdan. Ang mga mata ni Ron ay sobrang saya. Namimilog ito sa pagkakagulat ng makita ang maraming manunuod na naghihintay sa kanila upang rumampa. Nakita niya sina Edken at Rye sa itaas ng stage na sumisenyas na amakyat na siya upang simulan na ang pagrampa.
Hindi pa man pumapanhik, mabilis na kinuha ang kanyang atensyon ng isang lalake na nakaupo sa pinaka unahan ng mga nakahelerang upuan na nakaharap sa stage. Nilapitan niya ito at napagtantong kamukhang kamukha nito si Mystery.
“Mystery?” sabay kapit nito sa dalawa nitong mga kamay.
“Mr. Yoso!” sagot naman nito. Inilapit ni Ron ang kamay nito sa kanyang mukha at hinalikan.
“Para saan iyon?” tanong ni Mr. Yoso.
“Para sa kabutihan ng inyong loob sa aming magkakaibigan.” Paliwanag niya.
“Tungkulin ko iyon. Nagpapasalamat ako dahil inaruga at minahal ninyo ang aking kakambal.” Tugon naman nito. “At humihingi ako ng paumanhin kung kailangan ko kayong kidnap-in. Wala kasi akong maisip na paraan kung paano kayo kakausapin. Ayaw ko kasing matakot kayo kapag nakita ako lalong lalo na at kakambal ko si Mystery. Baka magtatatakbo kayong bigla sa takot.”
“Tsaka na po natin pag-usapan iyon.” Pigil naman ni Ron sa kausap.
“Tama ka! Sige na, akyat ka na at hinihintay ka na ng iyong mga kaibigan. Nandito tayo upang ipagdiwang ang iyong kaarawan at hindi magdramahan. Maligayang kaarawan ulit Ron!” say yakap nito sa binata. Kahit may konting tsansing ay hinayaan lang ni Ron. Masaya siya at muling naibalik sila sa bahay na iyon.
“Ron, tara na!” sigaw nilang tatlo kay Ron.
“Rampahan na!”
__________
Sa lahat ng nakikita natin sa paligid, hindi maiiwasan na tayo ay mag-isip ng masama. Minulat kasi tayo na maging mapanghusga sa ating kapwa. Hindi natin pwedeng itanggi na kahit minsan ay hindi natin ito ginawa. Sa halip, matuto tayong kilalanin ang bawat isa sa atin. Masasabi kong hindi lahat ng masama ay masama at hindi lahat ng mabuti ay mabuti. Kung tingin ninyo sa akin ay masama, wala akong magagawa. Ang importante ay mabuhay tayo ng malaya. Libre ang mangarap ika nga. Hinahangaan ko yung mga taong tulad nila Ron, Rye, Edken at Dan dahil sila yung mga taong masasabi kong may pagkakaisa at nagtutulungan. Sa hirap at ginhawa ay magkakasama. Mali man sa paningin ng iba ang trabaho nila, para sa kanila ay tama ito sapagkat sa sarili nila, ang bawat alaala ay hindi matutumbasan ng kahit anong pera sa mundo at maari pang ikamatay ng tao. Maging mapanuri po tayo. Ilagay sa tama ang pagiging mapanuri. Hanggang dito na lamang po.