Lahat tayo ay mahilig magbasa.
Mahilig ka bang magbasa?
Bago mo sagutin ang tanong na iyan, nais ko munang ipaalam sa iyo kung ano ang pagbabasa.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa pinaka matandang puno sa gubat, ang pagbasa ay ang pagtingin at pag-intindi sa mga salitang nakasulat sa papel, kahoy, bato, dahon, tela, plastic, metal, tubig, hangin o kahit sa katiting na butil ng palay. Kung inabot mo ang pangungusap na ito, nagbabasa ka, pero hilig mo ba?
Bago mo sagutin ang pangalawang tanong na iyan, ipapaalam ko muna sa iyo kung ano bang ibig sabihin ng salitang hilig.
Nagtanong-tanong ako sa gubat at nakita ko ang sinasabing pinakamatapang sa lahat ng hayop na nandoon at ang sabi niya na ang hilig ay paggawa ng isang bagay o gawaing ikinasisiya mo.
Sa madaling salita, kung hilig mo ang pagbabasa, ang pagbabasa ay isang gawaing nagpapasaya sa iyo.
Siguro naman na masasagot mo na ang tanong ko. Kung hindi pa din, sige pagbibigyan pa kita.
Paggising mo sa umaga, hanap mo agad ay ang “cellphone” mo. Bakit? Kasi gusto mong magbasa ng mga mensaheng hindi mo nabasa o tulog ka na ng dumating. Karamihan sa mga ganito ay yung mga binata at dalaga na kasali sa grupo ng mga “texters” na tinatawag nilang “clan”. Nakilala ang Pilipinas dahil sa taglay na kalikutan ng mga daliri sa pagpindot sa “keypad” ng mga Pilipino para lang magsabi ng Hi!, Elow!, Txm8?, Good morning/afternoon/evening/night/day!, Swtdrmz!, Hu u?, Eat ka na po?, Miss you!, Lab u!, Jejeje at mwah! :-* .
Matapos magbasa ng mga “text messages” ay bubuksan agad ang telebisyon para manuod ng kung anu-anong palabas. Babasahin ang Top10 Songs/MTV, resulta ng karera, lotto, mga chatTV na sandamakmak ang mga “poser”(awts!) at masasamang loob, balita, palabas na pelikula sa ibang “channel” at ang awayan ng mga artista. Ewan!
Kapag nagsawa na sa panunuod ay pupunta sa harap ng computer at bubuksan ito. Dyan na mag-uumpisa ang FB at Twitter! Sabihin mong wala ka niyan, surutin ka sana sa bahay ninyo! Hahaha! Babasahin kung may mensahe sa kanila, “notifications”, “friend requests”, “wall posts”, “ wall posts ng iba”, “wall post ni crush/bf/gf at ni PGT, Talentadong Pinoy, etc. , “Fan Page” ng “Itanong mo sa *tutut* ni/ng *tutut* at siyempre ang sa “Lapis sa kalye”.
Kapag nagsawa na sa kung anu-anong “networking sites” at “browsing sites”, ang iba ay makikipag-chat pa! at ang iba ay nakikibasa pa ng usapan ng iba(ang mga tsismosa, hightetch na!).
Kung sa pakiramdam mo ay hindi ka pa isa sa mga yan, siguro isa ka sa mga tumatarget ng dyaryo ni tatay. Tapul ba? Yung iba diyan e komiks lang naman ang babasahin at yung iba eh, EHEM!, mga eskandalosong mga babasahin sa diyaryo ang pakay, mapa-babae man, lalake at kahit mga bading!
Naging suki ka na din siguro sa pagupitan kung saan pwede mong halungkatin ang mga “5-years-ago issues ng mga “magazines”. Glamour, Cosmopolitan, Yes!, Chalk!, Men’s Health, at baka pati ang “Resipi ng sinaing na tutong at malata ni Ka Bo!”.
Yung iba nga e ang trip basahin ay ang mga “Street signs”, “plate numbers”, “advertisements” na pinako o dinikit lang sa mga poste ng Merlaco at “urinals” ng MMDA, at sandamakmak na “billboards” sa EDSA.
Nasubukan mo na din siguro ang magbasa ng mga “love letters”,” alphabet letters” at “solicitation letters”. Yung mga “love letters” ni ex na hanggang ngayon ay hindi ka pa din nakaka-move on habang siya ay nakalimutan ka na pati pangalan mo.
Isa pang tambayan ng karamihan para sa libre at preskong pagbabasa ang “National Bookstore”. Suki din kasi ako diyan. Halos diyan ko na nabasa ang mga librong gusto kong bilhin. At dahil nabasa ko na, hindi ko na bibilhin. Mabentang-mabenta diyan ang mga Horror, Astrology, Jokes (na kinokopya at ipo-forward), Quotes( forward ulit) at “How to lose weight in natural way?”.
Siguro naman sapat na ang mga iyan para masabi mong hilig mo magbasa. Magbasa ng mga isinulat ng iba, sulat ng iba at kahit isip ng iba. Ganyan talaga ang mga tulad nating mga Pilipino. Walang palalampasin makapagbasa lang. Kahit mga “Chinese/japanese newspapers” na pinambalot na sa tuyo at tinapa binabasa pa din. Kaya ipagmalaki mo ang lahi mo!
Boy: (Nagsulat sa papel) Basahin mo nga.
Girl: I love the view.
Boy: Tanggalin mo yung “the”.
Girl: I love you.
Boy: I love you too! :)
“Isang tanong, isang sagot”
ni Matalabong Kwago