You are the one who makes me happy
When everything else turns to gray
Yours is the voice that wakes me mornings
And sends me out into the day
You are the crowd that sits quiet listening to me
And all the mad sense that I make
You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you?
Naalala ko nung una mong sabihin na mahal mo na ako. kinanta mo pa yan sakin habang nanggigilid na ang mga luha ko sa sobrang kilig. Hindi ko lubos maisip na may isa pa palang taong magbibigay ng importansya saakin. nagkaroon tayo nuon ng mga kanya-kanyang problema,naghiwalay kayo ng nobya mo habang ako naman ay binabaliwala ng nobyo ko. hindi mo alam kung paano sisimulan ang buhay mo dahil sa sobrang pagkakadapa mo,nahihirapan kang bumangon at maging matibay. Ako naman,pilit na isiniksik ang sarili sa nobyo ko at kahit nasasaktan na,iniintindi ko na lang siya dahil pakiramdam ko ay hindi ko makakaya na mawala siya sa buhay ko. pareho siguro tayo noon umiiyak sa gabi at hindi alam ang gagawin dahil minsan ng umikot ang mundo natin sa kanila. Hanggang sa isang araw,biglang nagkrus ang landas natin at sa muling pagkakataon ay naramdaman natin ang pagpapahalaga ng bawat isa..
Parati mo akong pinapasaya,pinapagaan mo ang loob ko at kahit anong pressure ang nararamdaman ko ay nawawala nang dahil sayo. Madami tayong bagay na pinagsasaluhan na alam kong nagpapagaan ng pakiramdam natin. Minsan,nagiiyakan tayong dalawa dahil sa mga pangit na nangyari satin nuon pero naging kaagapay natin ang isat isa para hindi tayo malugmok sa kalungkutan. Naghihilahan tayo pataas para hindi mawalan ng pagasang bumangon muli sa pagkakadapa. Sabi mo ako ang “mentor” at “adviser” mo simula’t sapul pero hindi mo alam kung anong epekto ang idinudulot mo saakin sa tuwing nagpapasalamat ka. pakiramdam ko ay pwede na akong mamatay dahil nakikita na kitang nakangiti,inaayos ang sarili para sa magandang bukas na naghihintay,sumasaya sa bawat pagsubok na nalalagpasan. Masaya ako nung sinabi mong “salamat sayo.kung wala ka,pano na ako?”,bagay na lalong nagpatibay sakin para tuluyang lumalim ang pagtingin ko sayo at unti-unti,nahuhulog na ang loob ko sa taong malapit sa puso ko at umaalalay saakin kapag ako ay kinakain ng lungkot. Nagdaan ang oras,lumipas ang araw at dumating ang panahon na ikaw na ang iniisip ko bago matulog,pagkagising,habang kumakain at kapag nagde-daydreaming. Palagi kitang ipinagdadasal at hinihiling na sana,dumating ang araw na pareho ng mahilom ang sugat sa puso natin para makapag step forward na tayo sa next level (slowly but surely). Mahal kita. Mahal na mahal. At nagpapasalamat ako sa walang katumbas na pagmamahal na binigay mo saakin.
Pero ngayon,hindi mo alam kung anong sakit ang dinulot mo saakin. hindi ko maintindihan kung epekto to ng alak na nainom ko bago ko mabasa ang mensahe mo sa cp ko at buong linggo kang hindi nagparamdam. Sabi mo saakin,naguguluhan ka dahil masyadong mabilis ang pangyayari at ayaw mong magkasakitan tayo. Pakiramdam mo hindi ka pa handa at bigyan kita ng time para makapagisip-isip. Hindi ko rin alam kung tama ang pagkakabasa ko kase inulit ko lang to ng dalawang beses at binura ko na agad dahil tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay ng pagsampal ko sarili ko dahil baka nananaginip lang ako. sinubukan kitang tanungin kung ano ang problema at baka nagkaayos na kayo ng dati mong nobya. Muli ka namang nagreply at sinabing kalianman ay hindi na kayo maaayos at pakiramdam mo ay mahal mo na ako kaso hindi mo pa alam kung kaya mo na. napaisip ako at naguluhan sa sinabi mo dahil parang hindi nagtugma ang mga yun pero hindi ko na pina-elaborate at ayaw ko ng malaman ang iba pa dahil hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Para akong binagsakan ng bubong ng bahay namin na hindi alam kung paano makakalabas mula sa pagkakabagsak. Napakabilis nga naman ng pangyayari. Kelan lang,sinabi mo sakin ay hindi mo ko iiwan at walang dapat magbago satin bagkus,ay dapat pa natin itong palalimin. Masyado ata akong naniwala at dumepende sa mala-bulaklak mong mga salita. Ikaw ang nagbigay sakin ng rason upang muling magbigay ng tiwala. Pinaramdam mo sakin ang unconditional love na hindi ko naman hiniling sayo. Napakabuti mo sakin at pinahahalagahan mo ako ng sobra. Nang unang dumampi ang labi mo sa labi ko,ibang klase ang naramdaman ko dahil pagpikit pa lang ng mata ko ay ang bilis agad ng tibok ng puso ko sayo. Ngunit lahat ng yan ay isa palang kalokohan at malaking kasinungalingan. Sa muling pagkakataon,nasaktan na naman ako at ngayon ay magisa ko ng iisipin kung paano ako babangon at magsisimula dahil wala ka na sa piling ko. hindi ko alam kung ano ang nakagulo sayo at kung bakit kailangang mangyari ang mga bagay na ito. Gusto sana kitang bigyan ng isang pagkakataon para maging matalik na lang tayong magkaibigan (kahit masakit sakin) pero wag na lang dahil baka lalo ka lang mailto. Wag mo sanang isipin na hindi kita naiintindihan dahil kaya nga ibinibigay ko na sayo ang buong kalayaan at ilalayo ko na ang sarili ko para makahinga ka na ng maluwag at hindi na talaga maguluhan. Nasayo na lahat ng oras mo kaibigan at hangad ko ang iyong kaligayahan..
I will not make
The same mistakes that you did
I will not let myself
'Cause my heart so much misery
I will not break
The way you did,you fell so hard
I've learned the hard way
To never let it get that far
Because of you
I never stray too far from the sidewalk
Because of you
I learned to play on the safe side,
so I don't get hurt
Because of you
I find it hard to trust not only me,
but everyone around me
Because of you.. I am afraid.
Salamat sa isang magandang samahan. Salamat sa mga kamay na iniabot mo sakin nung nadapa ako. salamat sa braso mong hinihigaan ko para makatulog ako ng mahimbing. Salamat sa mga oras na inilalaan mo para saakin. salamat at pinaramdam mo saakin na hindi pala ako dapat nawalan ng pagasa upang muling magmahal. Higit sa lahat,salamat at dumating ka sa buhay ko. Sana balang araw ay muling magkrus ang landas natin at makikita kong kasama mo ang taong magpapabago ng buhay mo at magmamahal ng higit pa sa binigay ko sayo dahil ayaw na kitang makitang umiiyak at nahihirapan. Ayoko ng masaktan ka pa mahal ko. Di bale ng ako,wag lang ikaw. Wag mong kalilimutang magdasal at manalig kagaya ng sinabi ko sayo. Magpapasalamat na ako sayo ngayon kung isasama mo ako sa mga prayers mo.
Girl you are to me, all that a woman should be,
And I dedicate my life to you always
The love like yours is rare,
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way, for always
And we both know, that our love will grow
And forever it will be you and me
Ooh your like the sun,
Chasing all the rain away,
When you come around you bring a brighter day
You're the perfect one
For me and you forever we'll be
And I will love you so for always..
(eto ang awiting kinanta namin nung kami ay nagsisimula pa lamang sa malalim na pagtitinginan)
Maraming Salamat sayo Arnel Dela Cuesta. Maraming Salamat sa pagsagip mo sa buhay ko.
Nagmamahal,
Irene Kassandra Perez