“Hoi punyeta ka!ano?masaya ka na? masaya ka na dahil napapasarap ka ng asawa ko? Para sabihin ko sayo pag nakita ko kayong dalawa,babarilin ko yang bayag nya at pati yang puke mo tatahiin ko para wala ng makatira sayo hayup ka!”
Kung ganito ba naman kalala ang maririnig mo e gaganahan ka pa bang gumising??! Parang ang sarap na lang matulog forever!Aynako.. ayan na naman ang mga tsismosa at tsismoso nakikinig. Kase naman si Aling Nena,pwede naman makipagusap sa telepono ng hindi malakas ang boses e ayan tuloy pati yung maitim nyang plano para sa mister at kabit e alam na sa street namin. Si Aling Nena ay ilan lamang sa mga tinatawag kong “mother bee” sa aming subdivision. Opo! Sa isang maayus na subdivision ako nakatira pero kung mamatyagan mong mabuti e asal iskwater ang ilang nakatira dun.. haaayy.. 80% ng mga kananayan samin ay mga tsismosa. 67% naman ang tsismoso. O diba ang galing kong mag estima? Araw-araw ba naman akong makarinig ng mga kwentong bubuyog e. Pero imbento power ko lang yan. Hindi naman kase ako intersadong i-survey yan e. Si Aling Nena ay myembro ng isang samahan na kung tawagin ay Campo de Bubuyog. Sa sobrang asar ko sa kanila ayan tuloy nakagawa ako ng mga pangalan para sa kanila. Sila rin ang nagtsismis sakin na buntis ako dahil hindi ako lumalabas ng bahay. Nung nakita nila ako,nagpalaglag naman daw ako dahil ang payat ko nga at ang laki ng eye bags ko. Minsan na rin akong naitanong ng isang mother bee “iha!nag asawa ka na raw?”.. Sa sobrang inis ko ay napasagot ako ng “ay opo!sa katunayan nga po nyan,si Dingdong Dantes ang pinakasalan ko e”. Hindi ko alam kung naniwala siya pero mukang nanigas siya sa kinatatayuan nya nun.. hindi ko alam kung kumakain ba ng bubog ang mga tsismosa saamin at nakakapagsalita sila ng mga kwentong nakakasira ng reputasyon,dignidad at buhay ng iba.. Isa sa pinakamalalang eksena na ginawa ng mga taga Campo de Bubuyog ay ang pagtsismisan ang patay. Minsan akong pumunta sa lamay ng Ama ng aking kababata (sumalangit nawa ang iyong kaluluwa) at ang mga taga Campo ay kumpletong nakaupo habang nginangata ang captain seed. Umupo ako sa unahan nila at taimtim na nagdadasal ng biglang umariba na naman ang mala-tambutso nilang bunganga“alam mo yan si Buboy apat pa pala ang anak nyan sa labas kaya eto si Elena feeling ko nahihirapan dahil hindi alam kung pano hahatiin ang mana. Kawawa siguro yung nagiisa nilang anak na si Anica may mga kaagaw pa”.. napatahimik lang ako habang nakikinig sa kanilang pinaguusapan kahit pati ang pagkrak nila ng butong pakwan sa kanilang ngipin ay naririnig ko. Pero napakagat labi ako at napapikit ng bongga ng marinig ko ito sa isa sakanila “alam mo ba kinwento sakin ng kapatid ng asawa ng pinsan ni Elena na bago pa pala yan mamatay si Buboy e nahuli nya yang asawa nya na may ibang lalake!may nakita kase syang brip na hindi naman kanya at ayun!sinapak nya si Elena kaya tignan mo ang gaga,nakukuha pang tumawa ngayon ng malakas at magsugal samantalang ang anak e halos hindi na makausap sa sobrang lungkot”.. wala na akong nagawa kungdi ang umalis sa harap nila at damayan na lamang ang kaibigan kong si Anica pagkatapos kong marinig ang mga yun. Nagmistulang parang mga bubuyog talaga sila sa paningin ko nung mga oras nay un at lahat ng dumadaan sa harap nila ay pinagbubulungan nila. Ang layo na ng pinanggalingan ng kwento pero mas malinaw pa sa tubig ang usapan nila.Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit nabubuhay pa sila sa mundong ibabaw. Kung bakit ang talento nila sa kadaldalan ay nagagamit sa hindi mabuting paraan. Pano kung sila ang pagtsismisan? Pano kung sila ang gawan ng istorya? Pano kung ang anak nila ang masiraan ng reputasyon dahil sa tsismis? Ano kaya ang mararamdaman nila?
Kaya siguro madami ang napapagalitan na Pinoy sa ibang bansa e.. Hindi rin ako magtataka kung bakit maliit ang tingin satin ng mga dayuhan. Dahil sa pagiging usisero at tsismoso natin.. Hindi ko alam kung pinoy lang ang may ganoong ugali pero sa pagkakaalam ko,bukod sa pagiging masayahin natin ay isa tayo sa pinaka tsismoso sa mundo. Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari yun basta batay lamang yun sa aking obserbasyon. Bato-bato sa langit ang tamaan,PANGIT! Hahahah.. Tandaan rin natin na magkaiba ang balita at tsismis. Kapag nagbalita ka,yun ay may pinagkuhanan ng impormasyon at talagang patas ang sinasabi ng nagbabalita. Kapag tsismis,dagdag-bawas pa yun at sasabihin pa ng tsismosa ang kanyang opinyon na hindi naman kailangan.. Sa tingin ko kung mawawala ang mga tsismosa,hindi aasenso si Boy Abunda. Wala rin sigurong Cristy Fermin na makakaaway ang mga artista. Hindi rin natin sigurado kung makakapagyabang pa si Lolit Solis sa mga kaaway nya sa industriya ng showbiz. Sa totoo lang hindi naman tayu maaasar sa mga artista kung wala ang tsismosa. Uunlad ba ang pilipinas kung malalaman natin ang regalo ni Marian Rivera sa nobyo nyang si Dingdong? Makakapaghanap ba ng trabaho ang mga unemployed kung paguusapan sa tv ang pagtawag ni Shaina Magdayao kay Ruffa Gutierrez ng 2am dahil hinahanap nya si John Lloyd? At ang malala pa dun,tataas ba ang ekonomiya ng bansa kung malaman natin na ang isang Starlet ay napabalitang maitim ang kuyukot?! Hindi ko alam kung anong trip nila sa buhay. Buti na lang pala hindi ako nag artista.
At sa pagtatapos nito,nais ko lamang po munang humingi ng tawad sa mga kinaiinisan kong mother bee.. alam ko pong mas matanda kayu sakin. Pero gustuhin ko man pong magbigay ng respeto sa inyo,sana gumawa rin kayu ng paraan para irespeto kayo. Matanda na po kayu at alam nyo na ang tama at mali. At para naman sa mga saling pusa at nakikisawsaw sa kwento,cge ka! Ikaw rin baka mamaya umiksi dila mo o kaya pigaan ka ng katas ng sili sa mata. Pwede rin namang magkaron ka ng pigsa sa noo. Kadiri yun diba? Wag na nating kunsintihin ang mga tsismosa sa kwento nila. Wag natin hayaang pumasok sa isip natin ang mga kwento nila para naman tuluyan na silang mawalan ng gana sa pagkakalat ng mga kwentong bubuyog. Wag nating gawing hobby ang “atin-atin lang to ha” sabay alam na pala ng buong bayan na may std ka. Hayaan nating ayusin ni Aling Nena at ng asawa niya ang problema nila. Wag na nating gatungan kase baka mabaril din nila tayo. Ipagdasal na lang natin ng maayos ang kaluluwa ni Mang buboy para hindi niya tayo multuhin.Lahat tayo ay may pamilya at pangalan na inaalagaan kaya sana,magtulungan na lamang po tayo wag na maghilahan pababa. Kumprontahin at bigyan ng comfort ang mga malalapit satin kung may problema o mali sa kanila wag ng gawan at pagpiyestahan ng kwento. Walang perpekto sa mundong ibabaw pero mas mainan kung sabay sabay tayung gagawa ng mabuti sa kapwa. Magmahalan at magbigayan ang bawat isa.
Kung ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw,ang tsismosa naman ay kapatid ng traydor! Puksain ang samahan ng mga mother bee. Pasabugin ang Campo de Bubuyog!!
(salamat po sa pagbasa.pinalitan ko na lang ang mga pangalan ng mga karakter dito para hindi naman msyadong nakakahiya.pasensya na rin po sa ibang salita.hihihi)