Alam ko sa buhay ng bawat tao ay may kanya-kanyang matalik na kaibigan o ang tinatawag na Best Friends Forever (bff). Isang kaibigan na maaasahan mo sa oras ng pangangailangan,matatakbuhan kapag wala ka ng malapitan,masasandalan kapag ikaw ay unti-unti ng tutumba,at kapag may sinabi ka sakanyang sikretong malupet ay siguradong sa inyong dalawa lang ang sikreto na yun. Ang sarap magkaroon ng isang bff! Ang sarap sa pakiramdam ng galit na sayo lahat ng tao pero siya,ngingitian ka pa rin at aakayin ka. Kahit anong kasalanan mo ay mapapatawad ka pa rin nya. Siya ang first priority ng buhay ko at sa Kanya rin umiikot ang mundo ko.
Hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang matalik kong kaibigan. Madami rin ang nagmamahal at humihingi ng tulong sa kanya dahil talaga namang napakabuti nya at dahil dun ay walang sawa ang pagpapasalamat ng tao sa kanya. Wala ng mas dadaig pa sakanya dahil isang tawag mo lang sa pangalan nya ay andyan na siya agad sa tabi mo at mararamdaman mo na ang pagmamahal nya. Ang BFF ko ay walang iba kundi si – Papa God. Oo! Siya nga! Wala sa itsura ko ang pagiging madasalin at kung makikita mo ako sa personal ay aasarin mo talaga ako kase parang malabo sa pagkatao ko ang magdasal. Yan ang bagay na lalo kong minahal kay Papa God. Hindi nya pinipili ang magiging kaibigan Niya at kahit sino ay handa Niyang tulungan sa kahit anong paraan. Ipikit mo lang ang iyong mga mata at sabihin mo na ang mga gusto mong iparating. Maaari kang lumuhod,maaaring nakahiga o kahit parang ordinaryong nakatulala ka lang sa isang tabi at kinakausap mo siya sa isip mo ay okay lang. Wala namang required na posisyon o password para maiparating mo ang mensaheng gusto mong ipabatid sa Kanya basta ba bukal sa puso mo ang pakikipagusap sa Kanya. Pagkatapos mo siyang kausapin,mag alay ka ng kaunting minuto para sa taimtim na katahimikan at doon mo mararamdaman na kinakausap ka rin Niya,sinasagot Niya ang mga katanungang gumugulo sa isip mo at mararamdaman mo talaga ang Kanyang yakap. Napakasimple lang ang paraan para mapalapit kay Papa God. Manalangin,wag mag alinlangang gumawa ng tama para sa sarili ganun din sa kapwa at mahalin ang bagay na kung anong meron tayo at ipagpasalamat natin ito sa Kanya. Sa ganung paraan,sigurado akong abot tenga na ang ngiti ni Papa God at baka magpa-party pa yun sa mga Anghel na nasa langit.
Ngunit alam naman nating lahat na kahit gaano pa tayo kamahal ni Papa God,kahit anong tulong ang gawin Niya satin ay may mga nilalang pa rin na pilit Siyang hinihila pababa. Sabi nga sa simbahan,makasalanan ang mga tao sa mundo. Binabaliwala ang Diyos at hindi natin ito pinahahalagahan. Guilty ako sa bagay na yan dahil ako mismo sa sarili ko,madami pa rin akong pagkukulang at naging kasalanan. Sadya nga talagang makasalanan ang mundong ginagalawan natin dahil lahat tayo ay makasarili,mapanghusga,mataas ang temptasyon at kadalasan at nahihilig tayong gumawa ng bagay na ikasasakit ng kapwa natin. Lalong nananaig ang kasamaan at nababalot ang kadiliman dahil sa kasalanan ng tao. Lahat tayo ay humihiling ng marangyang kabuhayan,nasisilaw tayo sa mataas na tagumpay na nakakamtan natin,nabubulag tayo sa pagiging makasarili natin ng hindi man lang lumilingon sa Panginoon upang makapagpasalamat at humingi ng tawad. Hindi man lang natin naisip ang paghihirap at pagsakripisyo ni Papa God para sa sanlibutan. Minsan akong nag confess sa simbahan (hindi ito bukal sa loob ko.required kase yun kaya I have no choice) at madami akong nalaman na magagandang bagay. God is good talaga dahil ang dami dami kong narealize. Ang gaan sa loob ko lalo na sa sinabi sakin ng pari “anak,alam mo,ang Panginoon ay hindi nagbibilang kung ilan ang kasalanang idinadasal mo bagkus,binibilang Niya kung ilang beses mo siyang kinausap at kinamusta. At sa ganung paraan,hindi mo lang alam kung gaano mo Siya napapasaya dahil inilalapit mo ang loob mo sa Kanya upang gumawa ng mabuti at magsisi sa iyong mga kasalanan”.. kumirot bigla ang puso ko at naramdaman ko talaga ang higpit ng Kanyang yakap na nakapagpagaan ng loob ko. Sabi ng mama ko,kapag ang isang tao daw ay humagulgol sa iyak ng hindi nya namamalayan habang nagdadasal ay pumapasok daw talaga sa taong yun ang Holy Spirit at tinutulungan ka ng Panginoon na mahilom ang sugat na meron ka. Pero wala rin naman yun pinagkaiba sa mga hindi napapaiyak basta kapag taimtim ka namang nagdadasal,pakikinggan at tutulungan ka pa rin ni Papa God. Ganun na nga ang nangyari sakin. Humagulgol ako ng walang tigil at pagkatapos nun ay sobrang gaan na ng pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga taong kinekwestyon ang ang kapangyarihan ng Diyos dahil para sakin,napakasagrado nya at hindi na dapat ito kutyain. Marahil ay nasaniban sila ng espirito ni satanas na pilit pinupuksa ang mabubuting bagay na nananaig sa mundong ito. Minsan akong nakipagdebate sa kaklase ko nung college sa Religious Education subject habang kinekwento ng Theologist Professor ko ang kabutihan ng Panginoon. Palibhasa ay Philosophy student siya kaya madami siyang naiisipang itanong tungkol sa Diyos. Sabit lang naman ako sa klase nila (special class) kaya tahimik lang ako pero para akong bombing sumabog dahil sa mga tanong nya…
Siya: E sir,pano mo pupuriin ang Diyos kung ikaw mismo hindi mo naman siya nakikita? Bakit ba tayo nananampalataya sa nilalang na kahit kuko e hindi naman natin alam kung ano itsura? Bakit ba taun-taon na lang natin sineselebreyt ang holyweek e alam na naman natin kng bakit siya namatay at kung kalian siya nabuhay? Parang paulit-ulit na lang kasi e nakakasawa na. chaka pano nga pala natin nalaman na dec25 siya pinanganak? Nabo-bother kase ako sa ganun. Katoliko ako,nagdadasal ako at nagpapasalamat pero exag naman kase ung mga taong lumuluhod pa sa simbahan mula entrance hanggang sa altar parang hindi ba nila kayang solusyunan ang problma nila? Meron pang humahalik sa mga santo as if namang tutulungan sila ng santo na yun e tao lang rin naman ang gumawa nun.Kelangan iasa sa diyos lahat? Pano kung tuluyan na siyang tumalikod at iwan na tayo dahil puro na lang problema ang naririnig nya satin? Pano na?
Nakita ko sa aming propesor na nadudurog ang puso nya dahil sa tanang buhay nya,dun na lang ata nya nakilala si satanas. Bago pa man siya sumagot ay tumayo na ako at nagpaalam ako kay sir na kung pwede ay magkaron ako ng partisipasyon sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa mga makasalanang tanong nya..
Ako: ahh classmate sorry kung epal ako ha pero hayaan mo munang marinig mo tong paliwanag ko bago ka sagutin ni sir. Nagsisimba ka ba?
Siya:oo naman! Every Sunday yun walang palya. Kasama ko pa family ko.
Ako:naitanong mo ba sa parents mo yang tinatanong mo kay sir?
Siya: hindi. Hindi naman sila theologist e.
Ako:nagbabasa ka ba ng bible?
Siya:minsan..
Ako:naiintindihan mo naman kung anong mensahe ang ang laman nun?
Siya:minsan lang.ang lalim kase e.
Ako: ah okay (habang hinihimas ko ang pisngi ko dahil mukang matapang tong kaklase kong lalake at di papatalo,nagdasal muna ako kay God at hiniling na bigyan ako ng lakas ng loob para ipagtanggol Siya).. una sa lahat,mahiwaga ang Diyos. Hindi mo Siya matatawag na Diyos kung nakikita mo lang siya sa kalye o sa tv. May mga bagay na sadyang mahiwaga talaga at kung paniniwalaan mo naman to e hindi ka na mahihirapan na sagutin yang taong mo sa sarili mo.Bago mo tanungin kung bakit tayo nananampalataya sa Kanya kahit di naman natin siya nakikita,itanong mo muna sa sarili mo kung bakit ka nabubuhay sa mundong to. Kung bakit ka ipinanganak. .Alam mo bang ikaw ang binigay na “regalo” ng Diyos sa magulang mo? ni minsan hindi Niya kinwestyon kung bakit ka nabubuhay sa mundong ‘to kahit ganyan ang paniniwala mo. Uulitin ko,mahiwaga ang Diyos. Siya lang ang nakakagawa ng bagay na kahit minsan e hindi kayang gawin ng lahat. Hindi ko na ieelaborate yung nangyari sa movie na Passion of Christ pero I believe na napanood nyo ng lahat yun right? (sabay tango ng iba kong kaklase) grabe yung nangyari kay God nun. Isipin mo ikaw,papayag ka bang mamatay dahil sa kasalanan ng taongbayan? Mabait ka naman,gumagawa ka naman ng mabuti tapos biglang ipapako ka sa krus at papahirapan pero wala ka talagang ginagawang masama ha. Papayag kang mamatay dahil dun?? Diba hindi?! (medyo tumataas na ang boses ko) pero ginawa Niya yun dahil sa pagmamahal nya sating lahat at hindi lang yun,nabuhay Siya ulet at simula nun e hindi na Niya tayo pinabayaan. Dun pa lang sa pagkabuhay Niya mahihiwagaan ka na e diba?Hanggang ngayon,hindi nagsasawang magpasalamat ang tao sa Kanya. Yan ang dahilan kung bat hindi natin dapat kaligtaan ang Holyweek. isang linggo lang naman sa isang taon anu bang masama dun? Tungkol naman sa pagkasilang ni God,bat kelangang pati yun e usisahin mo pa? May balak ka bang baguhin ang date? Sabihin mo lang para gawan natin ng paraan yan. Bago mo rin itanong ang birthdate ni Papa Jesus,magbasa ka muna ng bible at intindihin ang bawat salitang andun bago ka magmaktol sa kakatanong. Andun lang lahat ang sagot. At isa pa klasmeyt,nabanggit mo na nagdadasal at nagsisimba ka with your family right? Sorry ha pero ang kapal kase ng muka mong sabihin yan. Bakit ka pa nagsisimba at nagdadasal kung yung ipinupunta mo sa simbahan e hindi mo naman pinaniniwalaan? Dba?!Anong karapatan mong pakialaman ang mga taong may mas mabigat na problema kesa sayo? Kung sasabihin ba nila sayo problema nila at humingi ng tulong sayo matutulungan mo ba? Kaya mo bang pagaanin loob ng mga taong di mo naman kilala kagaya ng ginagawa ng Papa Jesus?katoliko ka pa man din,hindi mo naiintindihan ang tradisyon at paniniwala natin.. siguro kung may makakarinig sayong Iglesia,Muslim at iba pang relihiyon e hindi ka rin nila papanigan kahit magkakaiba ang paniniwala natin sakanila. Maaawa sila sayo kase ganyan ka. ano ba ang dinadasal at pinagpapasalamat mo? niloloko mo lang naman ang sarili mo nyan e. Lalong wala kang karapatang batikusin ang mga mahiwagang santo dahil kahit ginawa yun ng tao,binasbasan naman yun ng simbahang Katolika at may partisipasyon ang mga santo na yun nung panahon ni Jesus Christ so if I wer you,magbabasa ako ng bible para makilala ko ang mga santo na yun. May kanya-kanyang dahilan at istilo ang tao sa pananampalataya na hindi na natin kailangan kwestyunin dahil hindi naman yun makakaapekto o makakatulong satin kung babatikusin lang natin sila. Hindi lang theologist ang makasasagot sa mga tanong mo kase ako,management student ako pero bakit alam ko lahat to? Logic lang! subukan mong itanong yan sa parents mo ewan ko lang kung di ka nila pagalitan. Basta advice ko lang sayo,wag kang masyadong makasarili at magmarunong. Palawakin mo isip mo at maniwala ka lang sa Kanya,buksan mo ang puso mo para kay God.. malalaman mong hindi lang pala Siya basta-basta at mararamdaman mo talaga Siya kung gagawin mo lang tong mga sinabi ko sayo. Hindi napapagod ang Diyos makinig sa mga problema at kasalanan natin. Walang kapaguran ang pagmamahal Niya satin kaya nga isa Siyang sagrado sa buhay natin e ewan ko lang sayo. Malalaman mo tong sinasabi ko sayo kapag dumating na ang araw na wala ka ng ibang tatakbuhan kungdi Siya na lang.. Thank you sir..
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaklase kong usisero. Basta sinabi ko lang ang saloobin ko at ipinaintindi ko sa kanya ang mga basic na sagot habang nakatingin sa mata nya.. naiyak siya at nagsorry sa prof namin. Buti na lang at naiparating ko sa kanya ang tamang mensahe ng Panginoon im sure,matutuwa Siya.. Praise be to God..
Bago ko tapusin ang sulatin na ito,hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang karanasan ko sa aking bff. Baby pa lang ako ay inaagawan na ako ng buhay. Pagkapanganak pa lang sakin,blue baby na ako at one month ako sa incubator. Pagkatapos nun ay nagkaron naman ako ng meningitis (lumulobo ang ulo) na nagpaguho ng mundo ng parents ko. Samu’t saring operasyon,at malalaking injection ang ibinibigay sakin. Halos mapanghinaan na ng loob ang pamilya ko dahil hindi nila malaman kung ano ang gagawin sakin. Nagdaan ang ilang taon (di ko sure kung 1 o 2 years yun),hindi pa rin ako nakakapgsalita at nakakapaglakad. Nagbigay na ng senyales ang pinakamagaling na doctor na kinuha nila mama para saakin at sinabing “misis,kung anuman po ang mangyari sa baby nyo ay sana paghandaan na lang natin kase ginawa na namin ang lahat. Baka lumaking hindi normal si baby patatas”. Bagay na hindi matanggap ng mama ko kaya napagpasiyahan nyang dalhin ako sa isang miracle church (trivia:ang simbahang ito ay matatagpuan sa Eastern Samar.hindi maganda ang tekstura ng simabahan na yun dahil sa kakulangan sa budget nung panahong yun pero ngayon ay maganda na siya at dinadayo pa ng mga taong galing sa malalayong lugar.madalas dito makikita ang mga nagdadasal para makapasa sa board exam, bar exam,para gumaling sa mga sakit,para manalo sa eleksyon,maaprubahan ang petisyon sa ibang bansa at napakarami pang ibang kahilingan.ngunit kapag ito raw ay natupad,kailangan mong bumalik dun at magpasalamat).. inuwi ako sa samar at nagsimba kami,napakatamlay ko nuon at karga lang ako ni Mama hanggang sa may napansin sila sa kaliwang braso ko. Dumadanak ang dugo na parang may kumurot daw saakin. Pinilit nila akong tanungin kahit na alam nilang hindi ako nagsasalita at laking gulat nila ng ituro ko ang nakatayong santo na Mama Mary at bigla daw akong ngumiti. Inuwi na ako sa bahay namin sa samar at tinanong daw ako ulit ng mga tao dun kung sino ang kumurot sakin. Nakapg describe daw ako ng mahaba ang buhok,kulot,maputi at nakasuot ng kulay puti.. nagiyakan daw sila at natuwa dahil siguro,may himala ng nangyari sakin. Napagtanto rin nila na marahil,nakyutan daw sakin si Mama Mary dahil sobrang puti ko nun.. makalipas ang ilang araw ay hindi pa rin ako nagsasalita ng maayos at di pa ako nkakalakad pero kailangan na naming bumalik ng manila. Lumapag na ang eroplanong sinsakyan namin at nasa airport na kami ng manila. Itinabi muna ako ni mama para kunin ang mga bagahe habang ang mga kuya ko ay nagtatakbuhan at nagpapasaway hanggang sa nakita ko daw si Papa sa labas na naghihintay. Bigla daw akong bumaba sa upuan at nakangiting mabagal na tumatakbo sa aking ama at sumigaw ng“Papaaaaaaa”.. Lumuha ng bahagya si Papa at niyakap ako ng mahigpit. Si Mama naman ay walang tigil ang pagiyak sa tuwa.. Nagpa check up ulit ako sa doctor ko at maging siya ang napaiyak nung makita nya akong malusog at maliksi “naku misis!hindi ko ineexpect na magiging ganito tong baby girl nyo.nakakatuwa naman yung kwento nyo tungkol sa milagro. Naniniwala ako na etong si baby patatas ay isang milagro sa pamilya nyo at dapat siyang alagaan at pakaingatan. Hindi lang kase kaming mga doctor ang may kakayahang magpagaling sa mga may sakit at bumuhay sa mga nag aagaw buhay. Humihingi rin kami ng lakas sa Panginoon para maging successful kami”.. Salamat po Mama Mary. Maraming Salamat po Papa God dahil nakapaglakad at nakapagsalita na ako sa wakas.. Kahit kalian ay hindi Niyo ako binigo. Utang ko po sa Inyo ang buhay ko!!!!
Lumipas ang panahon.. eto ako ngayon,normal na normal at masaya sa buhay na kung anong meron ako. bumalik ako sa simbahan na iyon bago ako mag debut. Labis labis ang pagpapasalamat ko sa ginawa sakin ni Papa Jesus. Malamang ay kungdi dahil sa Kanya,hindi ako si patatas na sumusulat ngayon at nagbabahagi ng kwento. Kung tutuusin,hindi na ako dapat isisilang dahil namatay ang ikatlong kapatid naming nung baby pa lang siya at sabi ng dok ay hindi na pwede magbuntis si mama. Pero di nagtagal ay nabuo ako at wala silang idea na magkakaroon sila ng pang apat na anak at nagiisang babae pa. Salamat rin sa kuya ko na ngayon ay isang anghel ko na sa pag give way para mabuhay ako. Dun pa lang,isa na akong himala at matinding biyaya ng Panginoon. Kalian ko lang rin nalaman na hindi biro ang naging karamdaman ko noon. Ang sakit na meningitis ay sadyang malubha at 2% lang sa buong mundo ang nkaka survive at nagiging normal sa sakit na ito kaya Salamat sa Diyos at binigyan Niya ako ng pagkakataong mabuhay..
Wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako sa buhay ko at kahit papaano ay nakakapagserve ako kay God. Alam kong madami pa akong tatahaking landas at mabibigat na pagsubok pero hindi ako nawawalan ng pagasa as long as I have my bff. Sa tuwing may problema ako,kapag sobrang saya ko at humihiling ako sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay ay sinasabi ko lang sa Kanya. Malakas ako kay bff e kase hindi nya ako kalianman binigo. Kadalasan ay madami rin hindi magandang nangyayari saakin at minsan,hindi natutupad ang mga hiling ko kahit na mabuti naman ang intensyon ko pero hindi ito naging hadlang sa pagkakaibigan namin ni bff. Naniniwala ako na everything happens for a reason. Alam kong may ibang plano si God for me at gusto Niyang mas maging matibay ako sa bawat pagsubok na tinatahak ko. Sa bawat pagkadapa ko,sa bawat pagkabagsak sa mataas na tinatahak ko,sa bawat luha ko gabi-gabi,sa bawat problemang lumalamon sakin,alam kong hindi ito ang makakapagputol ng magandang samahan namin ni bff dahil ito pa nga ang makakapgpatibay sakin para ako ay maging isang matibay at matatag na tao. Kahit na minsan na akong naglaslas at muntik ng sumama sa masamang espiritu,inagaw Niya pa rin ako at niyakap ng mahigpit. Ganyan si Papa God. Yan ang bff ko!
Dear Bff..
Salamat po sa blessings na binigay Nyo sakin,salamat po sa talentong ipinamalas Nyo saakin. Salamat po sa kaligtasan na ibinibigay Nyo sa pamilya ko at sana,wag Nyo po kaming pabayaan lahat ng mahal ko sa buhay. Hinihiling ko po sana na magkaron na ako ng magandang trabaho para makatulong na ako hindi lang sa pamilya ko kundi para sa sarili ko. Salamat po sa mga kaibigang andyan lagi para sakin. Ang SFC Family na nagpapagaan ng loob ko,ang mga kaibigan kong lubos na nagmamahal sakin,ang mga ka-lapis ko na patuloy na sumusuporta sa mga simpleng sulatin ko, ang lahat ng taong patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ko. Inaalay ko po ang buong buhay ko sa Inyo Panginoon ko. Gamitin po Ninyo ako upang makagawa ng kabutihan sa kapwa. Patawarin po Ninyo sana ako sa mga kasalanan ko at gagawin ko po ang lahat para ilagay sa tamang landas ang buhay ko sa pamamagitan ang pag-gabay Niyo sakin. Salamat po Panginoon ko at wag Niyo po sanang pababayaan ang mga mahal ko sa buhay para mailigtas sila sa kanilang mga kasalanan.. Salamat po Lord. Mahal na mahal kita bff..
Sabay sabay tayong lahat..
In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit.. AMEN.
(Atin lamang tatandaan na ang Panginoon ay nagsakripisyo at naghirap para satin. Walang hanggang ang Kaniyang pagmamahal at kailanman ay hindi Niya tayo tatalikuran. Ikaw kapatid? May nagawa ka na ba para sa Kanya?)
ang awiting ito ay nagpapahatid ng mensahe ng Panginoon para sating lahat. kinakausap Niya tayo sa kantang yan kaya sana,pagkatapos Niyong basahin ang sulat ko ay pakinggan niyo muna to at sundan ng taimtim na pagdadasal. Salamat po!
http://www.youtube.com/watch?v=7HDnsVn_wCg