Kakaresign ko lang sa trabaho pre...
Ako gagaradweyt na ako, lapit na mag bakasyon..
Ako wala na rin ako trabaho mag business kaya tayo?
Isang txt ng isang kaibigan...
"Pre may kilala yung kaibigan ko, trabaho, ito tamang tama kailangan lang natin maglabas ng pera, ok ito business magiging businessman na tayo..."
(Itatago namin ang pangalan ng mga karakter sa mga artistang medyo kahawig nila, para sa ikasasaya ng kwentuhan)
Isang umaga habang nasa biyahe...
Koko Martin sigurado ka ba sa business na tinutukoy mo na yan?
Oo Aljur ok ito, yung isang kakilala ko nag simula na, ilang buwan na may kotse na siya...
Pagdating namin sa lugar...
Kayo ba yung mga mag aaply? Hintayin lang po natin si Sir. Baktolino para masimulan na natin ang session...
Pagkatapos kami kausapin ng isang lalakeng naka business attire, nakaramdam ako na parang may gustong lumabas sa katawan ko, oooops!!! Naiihi na ata ako kailangan kong bumanyo...
Koko Martin kailangan ko munang umihi, san kaya ang banyo dito?
Duon oh, magtanung ka sa guard...
Tumakbo ako ng mabilis kay Manong Guard dahil malapit ng lumabas ang water falls..
Manong Guard san ho ba rito ang Cr?
Ah, iho sa may taas, kaliwa ka diyan may hagdan, sabay kanan ka makikita mo yung Cr...
Salamat ho...
Habang paakyat sa hagdanan may narinig ako mga taong nagpapalakpakan, sa pagiging tsismoso ko nawala ang pakiramdam ko ng pag kaihi at sumilip sa isang pintuan na malapit sa Cr. Nakita ko ang isang lalakeng nagsasalita, at maraming taong nakikinig na tuwang tuwa habang pinapakinggan siyang nagpapaliwanag tungkol sa business nila.
Ayos pala ang pinasok namin ni Koko Martin, mga franchiser pala ang mga ito ng isang food product, mukhang magandang trabaho ito...
Nakanang!!! Nakalimutan ko naiihi na nga pala ako, muntikan ng sumabog ang pantog ko dito..
Pagkatapos maglabas ng tubig ng kalikasan, bumalik na agad ako, baka nag aalala na si Koko Martin at magtaka bat ang tagal ko. Habang pabalik, nakita ko si Koko Martin na sumisenyas na mag double time daw ako sa paglalakad, siguro andun na yung kakausap sa amin kaya dali dali akong tumakbo..
Aljur nandiyan na yung lalakeng kailangan nating kausapin, mag ayos ka...
Sa isang pintuan lumabas ang isang lalakeng naka long sleeve na pink at nakakurbatang kulay brown, kagalang galang ang lalaking papunta sa amin, mukhang bigatin ang pinuntahan namin... Mukhang this is it...
Good Moning guys, my name is Mr. Baktolino, I'm an agent of this Company so have a seat...
Nagkatinginan kami ni Koko Martin, mata sa mata mukhang nababasa niya ang iniisip ko, nakakaramdam na ako ng kaba sa dibdib ko..
"Sa buhay ng isang tao akala nila yun na yun, di nila alam wala pa sila sa simula... At sa pag kakataong yun, ni sa pintuan di kami nakatapak, kungbaga nasa kabilang street palang kami..."
At tama nga kami di kami nagkamali sa aming iniisiip...
"Willing ba kayo magbenta ng aming products? Kung hindi naman pwede kayong bimili sa amin sa murang halaga"
Naglabas ang lalake ng isang black folder na maraming litrato at example check, hindi pala business ang napuntahan namin isa pala itong Netwoking Company. At kailangan naming ibenta ang produkto nila at magluwal ng pera... Kala namin magiging manager na kami o ahente sa isang kampanya nagkamali kami ng akala...
Wala na kaming magagawa sa oras na iyon, kundi makinig kay Mr. Baktolino na walang bukang bibig kundi pera na lalago at mga taong kailangang irecruite para maka limang milyon ka sa isang linggo at daang milyon sa buong buwan, at mag kabilyon naman sa buong taon na kung abnormal ka eh, malamang seseryosohin mo...
Pasintabi sa mga kaibigan natin diyan na nag networking kagaya nito, kaso di ko lang talaga makuha ang point na sinsabi nilang madali lang daw yumaman pag lumuwal o bimili ka ng produkto nila na presyo lamang ng isang phone na may camera... Sa isip ko kung ganito lang naman pala kadaling yumaman wala na sanang pinoy na nagugutom at wala na rin sanang pinoy na nasa lansangan. Para sa akin at itinuro ng magulang ko, ang isang maunlad na buhay ay pinaghihrapan at pinag tutuluan ng pawis. Hirap at tiyaga ika nga nila, at yan ang kailangan...
Pati facebook ay pinupurga nila ng mga tag nila ng easy money, easy income...
Ayaw namin magkaplastic pero maniwala ka at sa hindi, kinagat namin siya dahil sa idolohiyang subukan natin walang mawawala, pero sa isip ko may nawala, kinain ko ang sinabi ko sa sarili ko. I eat my own pride at it doesn't taste good.. Ewww...
Trivia: Baka isa rin kami sa mga nagtag sainyo ng easy money, easy income....
Magbalik tayo sa kwento, habang nag lalakad pauwi at tumitingin-tingin ng karinderyang pwedeng pag kaininan nararamdaman na namin ang init at pag papawis ng aming mga likiliki, langya! Nag longsleeve kasi ako at si Koko naka polo. Pero infairness ang gwapo namin tignan...
Tamang tama nakakita na kami ng tindahan, murang mura lang kasya sa bulsa namin 40 pesos isang order may kasama ng kanin at ulam. Gulay lang ang pinili ko para mura at makatipid, laing na may sabaw ata yun kung di ako nagkakamali at kay Koko naman ay tortang talong at repolyo. (Mas mapera siya sa akin sumoftdrinks pa nga)
Pare anu kakagatin ba natin, wala naman tayong trabaho pero sayang yun ha, makapag recruite lang tayo may 2000 na tayo at pag nakaipon tayo pwede na tayo gumawa ng business...
Pwede din naman kaso kailangan natin ng strategy, hindi basta basta ang mga ganyan kailangan may puhunan tayo, san tayo kukuha ng puhunan... Pwede naman wag na muna tayong magrecruite, umutang tayo ng pera sa bangko babayaran din naman natin agad. Napag aralan ko yan sa course ko kaya nating i manage yan. Sabay ngiti ni Koko..
Sa bangko? Wag dun, eh kung makulong tayo pag di natin binayaran, sa bumbay na lang mas maganda, madali pa natin takbuhan.. hehehehe... (Sabay Apir naming dalawa)
Sa pag kakataong yun may pumasok sa isip ko, parang may lumabas na bombilya sa ibabaw ng ulunan ko, umilaw kasabay ng tunog na TING!!!
Pero teka pare, naisip ko, hindi natin kailangan ng pera, sa kanila tayo kukuha ng pera, may mga internet tayo sa bahay, dun tayo mag recruite. Itatag natin yung mga kakilala natin sa litrato ng produkto natin. Makikita rin ng mga kaibigan nila kaya maraming makakakita. Ilagay natin ang presyo sa litrato, pati mga benefits na makukuha nila para maengganyo silang bumili. Isang buyer lang kailangan natin at may instant 2000 na tayo, mas ligal ito kesa manloko ng bumbay.
Tama ka gawan natin ng strategy pwede rin tayo pumunta sa SM para magbigay ng flyers may papel at printer naman tayo sa mga bahay natin, tama subukan natin ito, malay mo may kumagat.
Pag uwi natin gagawa na ako ng page natin at website para mas maganda at tatawagin natin itong....
"AFFORDABLE FOOD STAND"
Buo na ang tiwala namin sa mga sarili namin kaya namin ito...
Pag uwi sa bahay dali dali kaming nagbukas ng facebook at gumawa ng page, tuwang tuwa kaming ginawa ang page na parang naamoy na namin ang pera... Sinuggest namin ang pahina sa mga kaibigan namin at tinag sila... Wala kaming ginawa nung araw na yun... Kundi kausapin ang mga nanay, kaibigan, tropa, at mga di namin kakilala na ka Fb namin...
"Maganda ang binibenta namin kaibigan, murang mura lang pwede pang family business, pag bumili kayo nito sisikat kayo kasi kami ang nagbebebenta"
Lumipas ang ilang araw at linggo, wala paring nagyari, mukhang malabo ata...
Dumating na din kami sa puntong, parang gusto na namin lapitan ang mga pamilya namin at umutang ng konting halaga...
Alam ni Mama may pera pa ako galing sa huling trabaho ko, di niya alam naubos na, panu ko kaya sasabihin ito... Wala din si Koko, akala din ng magulang niya may pera siya dahil kakaresign lang niya at nakuha na niya ang backpay.
Bakit ang tao kung kailan walang pera saka nag iisip mag business, nagsisi tuloy ako nung panahon na may pera ako, malaking pera ang hinahawakan ko dahil sa trabaho ko. Nakakapgod siya pero ok lang dahil sa sweldong natatanggap mo. Pero ang kalaban mo ay sarili mo, di ka masaya kasi may hinahanap ka pang iba....
Habang nag iinum kaming dalawa ni Koko napag kwentuhan ulit namin ang tungkol sa pwede naming gawin...
Pare mukhang malabo na yung business natin, mukhang di na kita matatawag na kumpanyero...
Oo nga Aljur eh, malabo na nga, kailangan natin mag isip ng trabahong mababa lang ang puhunan pero kakaiba...
Ito ang mga trabahong naisip namin na baka gusto niyong subukan...
1. Ihaw-ihaw na nilalako (Tingin namin papatok yun kasi wala pang ihaw-ihaw na nilalako na parang balot at fishball at kami ang kauna unahang taong sisisgaw ng "IHEEEEEEEEWWWWWW!!!!")
2. Shot ng Beer, Tequila at Vodka na nilalako (Isa na namang kakaibang ideya na tingin namin maganda kasi kami na naman ang kauna unahang maglalako ng mga susyal na drinks sa kanto at kami ang kauna unahang taong sisisgaw ng "ALEKKKKKKKKKK!!!!")
3. Naisip din namin ang Jeepney bar, na kakaiba naman talaga, pupunta kami sa ibat iba lugar sa manila habang sakay ang mga taong nag iinuman sa loob ng jeepney kaso ang problema, baka mahuli kami ng MMDA at baka pag nalasing ang mga customer namin bigla na lang tumalon sa sasakyan habang naandar.
4. Fishball at kwekwek, (lahat naman siguro na isip na itong gawing business simple pero easy money, ang kalaban lang namin ay oras..)
5. Clothing Line (Aba dito medyo sumususyal na kami, mahilig kasi kaming gumuhit ng mga stickman at bilog bilog, kaya naisip naming magtayo ng isang damitan na kami ang gagawa ng design)
6. Katawan namin na ilalako namin in street, ito na yung pinakamatinding naisip namin, inisip namin mga gwapo namin kami at may katawan bakit hindi na lang katawan ang ibenta namin, tiyak na may bibili pa. Oh! Wala ng kokontra diyan...
Kaso ang tanung may bibili ba talaga? May susuporta ba? At lahat ng naisip namin ay usapang lasing lang, kinabukasan hindi din namin siniseryoso...
Dumaan ang oras, araw at buwan hindi na kami nakakapag kita ni Koko Martin, naging busy din kami ng matagal na panahon, naging busy kami sa trabaho at trip sa buhay... Si Koko Martin naging busy dahil sa trabaho. Ako busy dahil sa arts... Bumalik ulit ako sa tahanan ko. Nakita ko ang isang kasiyahan..
Sabi nila kahit anung gawin mo kung sining ang gusto mo kahit san ka pa, hindi ka makakawala... Pumasok ulit ako sa mundong matagal ko ng iniwanan, pag tungtong ko sa lugaring yun. May kasiyahan na naman akong di maintindihan. Bumalik na naman ako sa buhay ko, ang buhay ng tiyatro, sining at musika....
Habang pinapakinggan ang isang kaibigan na ginagalang ko dahil sa galing niyang umarte sa larangan ng Indie Film at Theater Act... Nag tanung siya sa aming lahat. Anu ba ang nawawala ngayon sa kabataan? Madaming sumagot, may sumagot ng Paninindigan, Salita, Sining, Musika, at Literatura.
Sumagot siya sa amin ng may ngiti, tama kayo diyan, pero may isa pang nawawala na importante sa lahat na kung wala ito, wala rin ang mga sinagot niyo... Ang mahalagang nawawala ay ang Kultura... Pasalamat kayo at nandito kayo ngayon, binubuhay niyo ang kulturang ipinamana sa inyo...
Hindi ko sinasabing wag na kayong maging teki, sige mag facebook kayo, twitter, at tumbler. Sumabay tayo sa agos ng panahon, pero wag natin kalimutan ang kultura natin. Ang pagbabago sa teknolohiya ngayon ay isang sandata na pwede nating gamitin, isang sandatang doubleblade, may negatibo at positibo. Ang iba ginagawang negosyo ang internet, sige post ng diet pills, products at kung anu anu pa. Panu na ang matutunan ng kabataan? Buhayin niyo ang kultura natin sa pamamagitan ng teknolohiya.
Habang patapos na siyang magsalita, sumulpot sa gilid ang isang manunulat na di ko na babanggitin ang pangalan at sinabing. Magsulat kayo, yan ang nawawala ngayon, kung kaya ko at kaya ng ibang magsulat aba'y kayo niyo din. Dati marami tayong manunulat, ngayon kakonti na lang dahil sa takot na malugi ang librong ilalabas nila. Wag kayong matakot, hindi mahalaga ang pera, ang mahalaga ang hilig mo na ipabatid ang nararamdan mo. Kung pera ang nasa isip mo hindi ka yayaman at mag susucess, dahil isa lang ang ingredients ng buhay, ang magsaya. Kung masaya ka sa ginagawa mo, wala kang pag sisihan.... Kaya kung ako sa inyo pag kauwi niyo mag sulat kayo...
Nahulog ako sa mga sinabi niya, di ko makakalimutan ang pangyayaring yun... Daladala ko ang bawat salita hanggang ngayon..
Madaling araw ng bagong taon nakatanggap ako ng mensahe kay Koko Martin, niyaya ako mag inum sa kanila para icelebrate ang bagong taon at kasabay din nito ang kaarawan ng isang kaibigan na si Dennis Trillo. Tamang tama at tulog na rin ang mga tao sa bahay at tahimik na rin ang lugar dahil wala ng nag papaputok. Dali dali akong tumungo sa kanila at nag inum..
Nagkwnetuhan ulit kami tungkol sa page na ginawa namin, nagtanung siya kung may nag txt na ba? O nag post ng mensahe sa pahina. Sumagot ako ng wala kasabay ng iling ng ulo ko.
Habang nag kakasiyahan tulad ng dati, mahilig kaming mag isip ng kung anu anu...
Nagtanung si Koko Martin ng anu bang magandang gawin na pwedeng kaabalahan yung magagamit natin ang talento natin..
Sumagot si Dennis Trillo ng, eh di magpatawa diyan tayo magaling eh...
Sabay tawanan ang lahat...
Sumagot ako ng, masyado ng common yun madami ng gumagawa ng ganun ngayon, san ba talaga tayo magaling? Anu ba ginagawa natin dati nung hayskul tayo?
Nagflashback samin ni Koko Martin ang ginawa naming "Funny Diyaryo" nung mga hayskul kami, tawang tawa kami sa mga sinulat namin nun, kung makikita lang sana namin ulit yun, magandang remembrance yun ng kabataan namin...
Kaya naisip namin na ang magandang gawing pampalipas oras ay mag-sulat, akala ko nung una di nila seseryosohin pero nag kamali ako kaibigan, tama ka nabuo ang "Lapis sa kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa) dahil sa pag mamahal sa sining at literatura, nung una usapang lasing lang, ngayon realidad na. Maraming nagtatanung kung paano nag simula ang pahinang ito, ang totoo nito kaibigan maraming nangyari bago ito nabuo. Nagsimula kami sa katanungang. "Anu ba dapat ang magandang gawin?". Kung aking aalahanin lahat lahat, malayo ang plano namin at nauwi lang kami sa isang ideyang, siguro kailangan nating mgasulat. Misyon ng pahinang ito ay isabuhay muli ang tradisyon ng Pilipinong magsulat, buksan ang isipan ng mga kabataan na kaya din nilang gumawa ng obra. Masaya kami sa naging resulta ng pahina, nakaka tatlong buwan at kalahati na kami pero parang matagal na naming kakilala ang mga taga subaybay namin... Nagkaroon din kami ng mga kaibigan dahil sa pahinang ito, kahit hindi nila kami gaanong kakilala, sa kadahilanang di kami nag papakita ng mukha sa mga mambabasa namin, salamat at tuloy parin ang suporta. Di namin ginagaya si Bob Ong o kung sino pa man, ang gusto namin, basahin ang mga sulatin namin hindi dahil sa kung sino kami kundi dahil sa akdang ginawa namin... Nakakatuwa din ang mga sulating ipinapasa niyo sa amin, maraming salamat at naging inspirasyon niyo kami sa pagsusulat. Kabataan pa nga nila tayong ituring pero kaya na nating makipag sabayan sa kanila. Ipakita natin kaya natin. Sulat lang ng sulat at basa lang ng basa... Gawin nating inspirasyon ang mga sarili natin para sa iba... Ito ang Lapis Sa Kalye salamat sa pagbabasa...
Trivia: Ang pahinang AFFORDABLE FOOD STAND ay ang LAPIS SA KALYE pinalitan lang namin ang pangalan dahil sa kadahilanang tamad na kaming gumawa ng isa pang pahina...