Lahat ng tao may pinag dadaanang problema, ang iba'y tinatago at ang iba nama'y lahad na lahad sa publiko. Sabi nila normal lang daw ang pagsubok ng buhay. Pero sa isang musmos na batang edad kinse anyos. Ang problema ng buhay ay isang bangungot na dadalhin niya habang siya ay humihinga.
Isang batang mapusok sa mundo ng buhay at maligalig sa pag ibig. Ang akala niyang una'y masaya, di niya alam yun pala ang tetanong kakain sa kanya....
Normal na siguro ang kwentong ito para sa iba, pero ang hirap ng pinag daanan ng taong ito ay hindi simple gaya ng pananaw mo...
Si Klaro isang estudyanteng nabulag at napagod sa bilis ng oras ng eskwelahang pinapasukan niya. First year pa lang siya ng simula siyang umibig. Akala niya madali lang ang lahat at ang buhay ay parang cotton candy na matamis at madaling tunawin sa bibig.
Umibig siya sa isang babaeng nag paikot ng mundo niya, lahat ng bagay ay madali sa kanilang dalawa. Ang pag aaral ay madali lang para sa kanila, inspirasyon nila ang isa't isa. Ngunit dumating ang oras ng bangungot at akala nilang tama ay bumuo ng mali.
Si Klaro isa ng tatay sa edad na Kinse, walang trabaho at nasa 4th year hayskul pa lamang. Anung ipapakain niya sa pamilyang bubuuin niya. Ang tanging sandalan lang niya ay ang mga magulang na naghihirap magtrabaho para ipagtapos sila ng pag aaral ng kapatid niyang babae.
Ang sweldong kinikita ng pamilya niya ay kulang pa para sa kanila. Panu na ang pamilyang dapat itaguyod niya. Walang kaalam alam si Klaro sa mundong papasukan niya. Ang pag ibig na nag papangiti sa kanya ay napalitan ng pait.
Ang bumuo ng pamilya ay wala pa sa pangarap niya, pero anung magagawa niya isang buwan na lang at ipapanganak na ang anak niya. Ni isang pangarap ay wala ng natitira sa kanya at ang tanging pagluha na lamang ang pumapawi sa pag katao niya.
Nilulon na niya ang pride at wala ng natitira. Minaliit si Klaro ng pamilyang iniibig niya. Kesyo mahirap lang ang pamilya ni Klaro at walang ni isang pinag mamalaki. Langit at lupa ang agwat nilang dalawa kaya wala siyang magawa kundi maging utusan ng pamilyang kailangan niyang pakisamahan..
Isang masayahing bata si Klaro, at ang sumimangot sa harapan ng mga kaibigan niya ang hindi niya kayang gawin. Kahit malaki na ang problemang dala dala, para sa kanya ang pagtawa at pag ngiti sa kanila ang isang maskarang kayang kayang iregalo ni Klaro sa kanila.
Ang pag ibig minsa'y kumukupas, dumudugo ang puso ni Klaro ng malaman niyang ang babaeng minamahal niya ay may mahal ng iba. Ang matagal na pagiging bulag at bingi ni Klaro tungkol sa pagiging salawahan ng kasintahan ay kinimkim niya ng mahabang panahon, ngunit isang araw nakita niya mismo ng dalawa niyang mata na ang pag ibig ng nanay ng anak niya ay nasa kanlungan na ng iba...
Gumuho ang mundo ni Klaro, at araw araw itong naglasing, ibinuhos ang oras sa ibang bagay. Pinatay ang sarili sa pagkukulong sa kwarto at pag higa sa kama... Naisip niyang kitilin ang buhay, at pinaplano na rin niya paano ito gagawin. Sa oras na gulong gulo na ang mundo ni Klaro, saka naman siya nakarinig ng boses ng isang batang babae, kasabay ng liwanag na sumisilaw sa mata niya at tumutunaw sa puso niyang balisa.
Boses ng anak niya na lumalambing sa kanya, ang boses na sasagip sa buhay niya. Sa oras na yun nagbago ang pananaw ni Klaro, niyakap niya ang kanyang anak at nagpasalamat.
"Salamat anak, sinagip mo ako, salamat sa Diyos at ikaw ang binigay niya sa akin"
Bawat isa sa atin ay may regalong galing sa Diyos. Ang regalong ito ang aalaga at sasagip sa atin sa pagkakalunod, at sa buhay ni Klaro, sinagip siya ng isang regalong ipinag kaloob sa kanya. Nag pursige si Klaro at itinuwid ang lahat ng mali niya sa papamagitan ng anak niya, ginawa niyang inspirasyon ang lahat ng bagay na sa tingin niya ay makakabuti. Si Klaro ngayon ay masaya na sa buhay niya, at patuloy paring lumalaban sa pagsubok ng buhay, ngunit katuwang na ang Diyos. Kahit di sila nagkatuluyan ng dati niyang kasintahan naging masaya naman siya, dahil hindi ito naging hadlang para umibig siyang muli at magsimula....
Ang buhay para sa isang kinse anyos ay hindi mahirap at hindi rin masarap. Ngunit naging karamay niya ang hirap para hubugin ang pag katao niya at hubugin din ang paniniwala at tiwala na meron nga, meron ngang bukas at meron ngang Diyos...