Sa madilim na apat na sulok ng kwarto ako'y nag nilaynilay, inaalala ang mga karanasan ng aking nilakbay, iba't-ibang tao aking nakasalamuha, nasaksihan ang kamatayan ng kaibigan at pagsilang ng sanggol ng kinabukasan. Nilalathala ko ang awitin ng aking puso, ginamit ko ang pamana ng aking mga ninuno. Bawat letra'y katumbas ng alikabok ng aking nadaanan. Malayo na ako at ang sarap ng halimuyak ng hangin sa palayan. Isa akong manunulat na tapat sa aking kinagisnan, yakapin mo ako ina ikaw ang nagturo sa aking magbasa. Pag ibig ng nakalipas animo'y hanging lumalagpas, salamat kaibigan sa paniniwalang ako'y malakas. Hindi pera ang kasagutan, maniwala ka kaibigan marami pang mahalagang bagay sa buhay ng tao kesa kayamanan at kapangyarihan. Marami akong natutunan, salamat sa iyo Diyos, sa paglalakbay ko di mo ako pinabayaan. Isa akong manunulat at ikaw ang nagbigay sa akin ng inspirasyon, ipapasa ko sa iyo ang pluma, kabataan kayo ang tumugon...
|
Dudong DagaIsang manunulat ng Lapis sa Kalye, na mahilig sa keso, at magtago. Medyo may hawig siya kay Dingdong at yan ang totoo. Lumulungga siya ngayon sa Makati. Archives
July 2011
Categories |