Kung may new years resolution dapat meron ding Independence day resolution...
Ito ang sampung listahang naiisip ko at pwede nating gawin para maging buong Pilipino.
Una
Tumawid sa tamang daanan... Dapat matuto na tayong gumamit ng flyover at tumawid sa tamang pedestrian lane. Para wala ng bitukang tumatapon sa kalsada at utak na kailangang linisin ng MMDA.
Pangalawa
Galangin ang watawat ng Pilipinas at kantahin ng tama ang Lupang Hinirang, kaya wag ng magpasikat sila Martin Nievera at Arnel Pineda. Bawas hiya din yun sa mga hindi saulado ang kanta tulad ni Christian Bautista. Bawas piyok momment din ito katulad ni? Sino nga ba ulit yun?
Pangatlo
Wag ng humilig sa mga kanta ni Lady Gaga at Justine Bieber suportahan na lang natin ang mga OPM Artist na kumakayod para bigyan tayo ng magagandang awitin.
Pangapat
Galangin ang sariling wika natin at ating mahalin. Pakiusap wag na nating babuyin at malaking pakiusap, pag aralan natin ng maigi ang sarili nating wika dahil kapansin pansin sa mga kabataan na ang akala nilang tamang tagalog ay hindi pala. Okiew phowz vha yun? Ajejejeje..
Panglima
Iwasan nating magshortcut ng mga salita para hindi tayo mahirapan kumpletuhin ito. Isang problema ng mga kabataan ngayon ay ang pag ikli ng mga salita kaya ang iba ay nahihirapan na itong basahin. Iilan sa mga nagpapasa ng gawa sa pahina ay mahirap basahin kaya kailngan pa namin itong ayusin. Kaya pakiusap iwasan na natin ito.
Panganim
Wag manloko ng kapwa. Ang pangloloko sa kapwa ay simula ng korapsiyon at ang korapsiyon ay nagsisimula sa pamilya. Alam ko mahirap ang buhay ngayon mga kabataan kaya kailangan nating gumimik every sat at sun, pero sana wag natin itong gawing rason para kumickback sa mga magulang natin. Imbes na 500 lang ang tuition mo tatagain mo si Ina'y at Papang ng 1500. Meron ka ng isanglibo sa bulsa pwede mo ng yayain uminom si Jane at may sukli ka pang pangmotel.
Pangpito
Mahalin ang gawang Pinoy. Maraming gawang Pinoy na matitibay ang pagkakagawa at mukhang galing pa sa ibang bansa. Anung masasabi ng ibang brand ng sapatos sa mga sapatos sa Marikinia? Made Pinoy galing Pinoy. Kung gusto mo umangat ang bansa suportahan mo ang ang sarili mong bansa. Simula sa pakikinig ng musika nito hanggang sa pagsuot ng mga gawa nito at hanggang pagbasa ng mga likha nito basta't gawang Pinoy wag kang magdalawang isip gastusan.
Pangwalo
Maging sagot ka sa problema ng bansa, wag kang maging problema nito. Kabataang pinoy, wag na tayo magtigas tigasan ng ulo ang alam nating bawal ay wag ng gawin. Wag munang pahirapan ang Inang Bayan...
Pangsiyam
Mag aral ng mabuti. Kung isa kang tunay na Pinoy, mag aral ka ng mabuti, sundin ang sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag asa ng bayan, panu tayo magiging pag asa kung lagi kang nakatambay sa tindahan ni Aling Nena. Wag mapagod mag isip at mag aral, kailangan ng bansa ng mga matatalinong kabataan at may pagpapahahalaga sa bayan.. Namnamin natin ang kalayaan na binuwis ng maraming Pilipino. Namnamin natin ang kalayaang inasam ng mga ninuno natin. Tikman ang malayang bansang may paninindigan at disiplina sa sarili. Hindi purke't malaya ka eh pwede ka ng umiihi sa kung saan saan, isipin naman natin ang disiplinang pinoy. Masarap tumira sa bansang malaya at may disiplina at para matamo ito edukasyon ang susi sa katanungang, "PAANO?"
Pangsampu
Magbasa't sumulat. Isa ito sa mga kalayaang pinaglaban ng lahat ng Pilipino. Isulat mo lahat ng saloobin mo. Isulat mo ang gusto mong pagbabago. Wag kang matakot dahil isa ito sa mga kalayaang masarap gawin. Namatay si Rizal dahil sa pagsusulat, lahat ng bayani ay nagsusulat. Isa itong susi sa kalayaan ng bansa. Sumulat ka ng matibay at may konkretong pagpapahayag ng sarili. Ang kalayaan ng bansa ay isaisip at isapuso.
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN AT MALIGAYANG ARAW NG MALAYANG PAGSUSULAT!!!
Mabuhay tayong lahat...