Bakit ba ang daming hadlang sa mga pangarap ko?
Dahil ba sa isa ‘kong mahirap?
Ewan ko, pero parang ang laki ng tampo sa ‘kin ng Diyos?
Ang malas ko talaga!
Simple lang naman ang pangarap ko eh pero tila pinagkakait pa sa ‘kin.
Pangarap kong gumaling sa sakit ang tatay ko, magkaroon ng magandang trabaho sina ate at kuya, makapagtapos lahat ng pamangkin ko at mabigyan sila ng magandang buhay. Sila kasi ang priority ko ngayon saka na ang para sa sarili ko, bata pa naman ako kaya mangangarap na lang muna ko.
Pangarap kong tumira sa palasyo, ‘yung sampung palapag bukod sa basement; may elevator sa loob pero pwede na rin ang escalator; may mall para makukuha ko lahat ng gusto ko. May swimming pool, ‘di kaya aquarium o ‘yung Jacuzzi kaya?
Sampung bodyguard para palagi akong safe; limang alalay, ‘yung magsusubo sa ‘kin tuwing tinatamad akong kumain, mag-aabot ng remote control, kakamot ng likod ko at magsisintas ng sapatos ko.
Gusto ko rin ng limousine, yung sa sobrang haba, hindi na mailiko.
Mahilig akong manood ng TV, gusto ko ‘yung ‘singlaki ng screen ng sine.
Sa pagkain, medyo health conscious ako kaya mas gusto ko ang gulay at prutas. Mahilig din ako sa fudgee bar, cream O, Milo, brownies at lahat ng pagkaing chocolate flavor. Gusto ko ng daily supply ng mga iyon.
Tungkol naman sa lovelife, pangarap kong maging GF si Heart Evanghelista for two months, si Sheena Halili ang kasunod, kasi ang pakakasalan ko si Ms. Shalani Soledad. Pakakasal kami sa Rome na may bendisyon ng santo papa (?)
Gusto kong magtravel around the world, bibisitahin ang eight wonder kasama siyempre ng pamilya ko.
Gusto ko rin palang ma-meet si Cindy Chen ng fated to love you, maka-shake hands si P-noy, asarin ng live si Willie Revillame at maupakan si Manny Pacquiao.
Gusto kong grumadyet sa lahat ng kursong napupusuan ko: Journalism, Fine arts, at Culinary, basta ayoko ng Law kasi masakit ‘yun sa ulo at Medicine o Nursing kasi takot akong humawak ng karayom.
Gusto kong pumunta sa Hollywood, malagay ang pangalan sa Walk of Fame, iki-kiss ko si Angelina Jolie, Iha-hug si Mariah Carrey at smile kay Cameron Diaz.
Gusto kong makilala ng lahat bilang isang guwapo, mayaman, mabait at lahat ng magandang katangian ng isang tao; Mailathala ang pangalan ko sa mga diyaryo, koleksiyon ng mga tropeo at magazine na puro litrato ko. Gusto ko kasing maging proud sa ‘kin ang pamilya ko, lalo na ng tatay ko.
Nung bata nga ko, gusto kong magka-powers, nakakalipad, invisible, at lumilikha ng apoy para ipagtanggol ko lahat ng naaapi.
Pangarap ko ring magkaroon ng monumento, lugar na kapangalan ko, at museum ng mga lumang gamit ko.
Balang-araw, duduraan ko ang lahat ng umaway sa ‘kin, tatapakan lahat ng nambuli sa ‘kin nung highschool at paluluhurin lahat ng babaeng naging dahilan kung ba’t ‘no GF since birth’ pa rin ako.
Gusto ko rin palang i-enhance ang abs ko, naliliitan kasi ako. May solusyon ba doon si Vicki Belo?
Eh pa’no naman kayo? H’wag kayong mag-alala, dahil lahat ng bumabasa nito, ang bubuo sa fans club ko. Pangarap ko rin kasi ‘yun eh.
Pero lahat ng ‘yan, pangarap lang.
Pangarap na parang imposible pero totoo sa mga panaginip ko,
pangarap na pinagsisikapan kong buuin at inspirasyon kung ba’t ako nabubuhay at nagtitiis,
kasi pangarap kong magkatotoo lahat ng pangarap ko.
Sige, pa’no aalis na ‘ko. Kailangan ko pa kasing kumayod para tup’din ang mga pangarap ko.
Paalam, ipagdasal niyo ko ha.