May isang oras na ‘kong naglalakad. Hubad ang aking paa at mistulang manhid sa nakakasugat na daan. Pilit ko mang magtaas-noo’y sadyang ipinanganak akong dapat na yumuko. Ang aking mata’y pilit kong itinutuon sa direksiyong hindi ko matanaw ang kaduluhan. Wala akong pakialam sa nagraragasang tren na paparating o sa batas ng tao na aking lalabagin. Masaya akong maglalakbay sa riles ng aking buhay.
Hindi ako ang normal mong makikita. Isa lang akong hamak na tau-tauhan sa mundu-munduhang aking kinagagalawan. Dahil sa kulang kong isa’y kinahahabagan ng ilan at kinukutsa ng marami. Hindi pantay ang tindig, ang lakad ay hindi matuwid at palaging umaasa sa piraso ng kahoy na nagsisilbi kong gabay, alalay at nag-iisang kaibigan.
Ako ay pilay, may kapansanang maituturing at madalas ding sentro ng mga mapanghusgang tingin, malaya ngunit bilanggo sa rehas ng kahirapan.
Ano bang sala ang aking nagawa? Ano bang batas pang-tao ang aking sinuway? Bakit sa parusa kong natanggap, dinaig ko pa ang nahatulan?
May luhang sumungaw sa aking mga mata. May ilang bahagi ng aking ala-ala ang tila nagpabigat sa aking dibdib.
Ako si Marcos Sanggalang Jr. ngunit mas kilala sa pangalang ‘tungkod’ na palaging ikinakabit sa aking katauhan. Labing-tatlong taong gulang at lumaki sa isang mahirap na lugar sa maynila kapit-bahay ang riles.
Diretso lang ang pilay-pilay kong lakad. Lumayo ako sa riles at nagtangkang lapitan ang aming bahay na halos punuin ng tao ang loob. Naalala ko, ngayong araw ang mismong kaarawan ko. Ngayon lamang ako nakakita ng kayraming bisita sa ispesyal na araw na ito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naglalaro ngayon sa puso ko.
Naroon si Aling Cora, ang may-ari ng tindahan na madalas utangan ng lasenggo kong ama. May yamot akong nasilayan sa kanyang mukha. Hula ko’y inaabangan nito ang aking pagdating upang ako’y singilin. Kinapa ko ang aking bulsa, wala maski isang sentimo ang tumunog doon. Wala nga pala ‘kong kinita sa araw na ito.
Nanlilimos ako sa umaga gamit ang aking kapansanan upang mapansin ng iba., nagbibenta ng kendi’t sigarilyo sa hapon at isang butihing anak sa aking ama na siyang tangi kong pamilya.
Minabuti kong muling taguan si Aling Cora. Pagod na kong makarinig ng kanyang nangangalit na salita tungkol sa ‘kin at sa aking ama.
Pumasok ako sa loob ng aming bahay. Ang maliit at madilim naming bahay ay tila naging maaliwalas pagkat ngayo’y nalagyan na ito ng ilaw. Pinunas ko ang luhang bumahid sa aking mukha at muling nag-arko ang aking labi na nagguhit ng ngiti. Nasorpresa ako ng lubos. Kahit anong pagkain pa ang nakahanda’y taos pusong tinatanggap ng aking kalooban.
Naroon din aking mga kamag-anakan na sa malalayong probinsya pa nanggaling. Ang aking ama’y nakaupo sa isang silya hawak-hawak ang aking litrato noong ako’y sampung taon pa lamang kausap ang aking tiyahin na may katandaan na din ang edad. Lihim at tahimik kong pinanood ang usapan nila.
“Kung nasa’n man siya ngayon, siguradong masaya siya…” saad ni tiya.
“Sana, may isa pang pagkakataon…” nadinig kong mula iyon sa tinig ng aking ama kasabay ng panlalabo ng mata nito buhat ng luhang namuo.
Ngayon ko pa lang nasilayan ang aking ama na umiiyak. Ano kaya ang dahilan?
Mula pagkabata ko’y nakilala ko ang aking ama na isang malupit at walang pusong tao. Madalas akong pagbuhatan ng kamay at kung minsan pa’y ikinahihiya sa marami. Ako nama’y nagtatago lang sa sulok, walang panyong kusang lumalapit upang damayan ako. Lumaki akong kausap ang sarili, walang ibang kakampi, walang nagmamahal. Ngunit kahit ganoo’y hindi ako nagtanim ng kahit anong sama ng loob sa kanya.
Siya na lang ang aking pamilya. Ang sabi’y namatay aking ina pagkapanganak pa lang sa akin kaya ganoon na lang ang galit sa akin ng aking ama.
“Ngayo’y mag-isa na lang ako…” anang ama.
Nanumbalik muli sa akin ang kalungkutan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala ako tanggap ng aking ama. Sarili lang niya ang itinuturing niyang pamilya. Hanggang kailan ko ba dapat ipanglimos ang pagmamahal at atensiyon niya?
Nanlulumo akong napaluhod sa harap ng salamin. Laking-gulat kong nasaksihan ang ilang dugong bumahid sa aking mukha, at kasuotan. Maigi kong pinag-isipan kung saan at paano ko nakuha ang mga sugat na iyon.
Isang-araw, habang ako’y papauwi galing sa pagtitinda ng sigarilyo sa kalye, nakita ko ang aking ama na patumba-tumbang tumatawid ng riles buhat ng kalasingan. Nang matunugan ko ang tren na paparating ay dagli kong tinakbo ang aking ama. Naitulak ko siya at nailigtas matapos noo’y wala na kong maalala.
Tumayo ako mula sa kinaluluhuran gamit ang aking tungkod. Sinilip ko ang maraming tao. May ilang pumapasok sa bahay hawak ang ilang piraso ng pera na inaalay sa aking ama. Ang ilan nama’y ka-iingay sa labas habang naglalaro ng baraha.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa pinto. Paglingon ko’y hindi ko naiwasang makita ang isang maliwanag na bagay na napapalibutan ng bulaklak. Nagsisigaw ako. Ibig kong ilabas ang aking nararamdaman ng oras na iyon ngunit mistulan silang mga bingi. Nagsunod-sunod ang mga luhang pumatak mula sa magkabila kong mata.
May ilang katanungan ako sa aking sarili upang maliwanagan kung bakit may luha ang aking mga mata. Ano nga ba ang pakiramdam na masilayan ang sariling katawan sa loob ng parihabang kahon na kung tawagin ay ataol?