Isang hawi sa kurtina
sabay silip sa bintana.
Hayan na siya lalabas na,
ang kapit-bahay kong maganda.
Si Lenlen ay dalaga na,
isang dilag na kaaya-aya.
Ang mata ay tsinita,
ang labi ay mapula.
Iniibig ko siya noon pa,
kahit nung kami’y musmos pa.
Ngayong ako’y may bigote na,
handa na ‘kong magtapat sa kanya.
Pinagmasdan ko siya mula sa bintana
hanggang ako’y maaninag niya.
Ako’y biglang nataranta,
Nagtatakbo sa kusina.
Tuwing umaga, si Lenlen
nagwawalis sa harap nila.
Umaarko ang katawan
na sing-hubog ng kay Katrina.
Lumabas akong nakangiti,
patay malisya kunwari.
Biglang hindi niya ‘ko pinansin
sa dahilang hindi ko mawari.
Tinitigan ko ang kanyang mukha.
Tinignan niya ko ng masama.
Maya-maya pa’y nagtanong,
“May dumi ba ‘ko sa mukha?”
Lubha akong nahiya,
walang nanulas na salita.
Nag-init ang tainga,
ang pisngi ay nagpula
Nang siya’y papasok na,
hinila ko ang kamay niya.
Natitigan ko ang kanyang mata,
sabay kindat sa harap niya.
Akala ko siya’y natuwa,
hayun at inulit ko pa!
ngunit ako’y inirapan niya
sabay sabing “Akala mo pogi ka?”
Lubha akong nasaktan
“O Lenlen, bakit ka ganyan?
Sa nararamdaman ko’y
wala ka bang pakialam?”
Hindi na makatulog,
hindi pa makakain.
Nagkukulong sa kuwartong
masama ang damdamin.
Kinausap ko ang aking ina.
“Inay, gusto ko siya
ngunit dahil sa sinabi niya,
tingin ko, ako’y ayaw niya.”
“Anak ko, ganyan talaga,”
ang sabi ng aking ina.
“Pagkat si Lenlen ay dalaga na’t
masungit ‘pag basa ang palda.”
Nang makalawang-araw,
ako’y muling nagtangka.
Kinausap ko siya ng diretsa,
walang nerbiyos, walang kaba.
“Lenlen, mahal kita,
Sana nama’y maniwala ka.
Hindi ko kakayanin pang mabuhay
kung ikaw sa’kin ay mawawalay.”
Nginitian ako ni Lenlen,
sabay yakap pa sa akin.
Hudyat na kaya iyon
na siya din ay may pagtingin?
“Binata ka, ako’y dalaga.
Sa pag-ibig nati’y walang masama.
Kung nasungitan kita, pasensiya ka na,
iyon ay dahil sa torpe ka.”
Humiling akong ligawan siya,
natuwa ako’t pumayag siya
mula noo’y palagi ko siyang sinusuyo
hanggang sabihin niya ang salitang ‘oo’.
Minahal niya ako,
at ganoon din ako
hanggang sa dumating sa punto
ng ika-lima naming anibersaryo.
Nagpakasal kami at nagparami.
Ang dating dalagang si Lenlen,
ngayo’y butihing asawa't responsableng ina
sa anak naming si Lena.
sabay silip sa bintana.
Hayan na siya lalabas na,
ang kapit-bahay kong maganda.
Si Lenlen ay dalaga na,
isang dilag na kaaya-aya.
Ang mata ay tsinita,
ang labi ay mapula.
Iniibig ko siya noon pa,
kahit nung kami’y musmos pa.
Ngayong ako’y may bigote na,
handa na ‘kong magtapat sa kanya.
Pinagmasdan ko siya mula sa bintana
hanggang ako’y maaninag niya.
Ako’y biglang nataranta,
Nagtatakbo sa kusina.
Tuwing umaga, si Lenlen
nagwawalis sa harap nila.
Umaarko ang katawan
na sing-hubog ng kay Katrina.
Lumabas akong nakangiti,
patay malisya kunwari.
Biglang hindi niya ‘ko pinansin
sa dahilang hindi ko mawari.
Tinitigan ko ang kanyang mukha.
Tinignan niya ko ng masama.
Maya-maya pa’y nagtanong,
“May dumi ba ‘ko sa mukha?”
Lubha akong nahiya,
walang nanulas na salita.
Nag-init ang tainga,
ang pisngi ay nagpula
Nang siya’y papasok na,
hinila ko ang kamay niya.
Natitigan ko ang kanyang mata,
sabay kindat sa harap niya.
Akala ko siya’y natuwa,
hayun at inulit ko pa!
ngunit ako’y inirapan niya
sabay sabing “Akala mo pogi ka?”
Lubha akong nasaktan
“O Lenlen, bakit ka ganyan?
Sa nararamdaman ko’y
wala ka bang pakialam?”
Hindi na makatulog,
hindi pa makakain.
Nagkukulong sa kuwartong
masama ang damdamin.
Kinausap ko ang aking ina.
“Inay, gusto ko siya
ngunit dahil sa sinabi niya,
tingin ko, ako’y ayaw niya.”
“Anak ko, ganyan talaga,”
ang sabi ng aking ina.
“Pagkat si Lenlen ay dalaga na’t
masungit ‘pag basa ang palda.”
Nang makalawang-araw,
ako’y muling nagtangka.
Kinausap ko siya ng diretsa,
walang nerbiyos, walang kaba.
“Lenlen, mahal kita,
Sana nama’y maniwala ka.
Hindi ko kakayanin pang mabuhay
kung ikaw sa’kin ay mawawalay.”
Nginitian ako ni Lenlen,
sabay yakap pa sa akin.
Hudyat na kaya iyon
na siya din ay may pagtingin?
“Binata ka, ako’y dalaga.
Sa pag-ibig nati’y walang masama.
Kung nasungitan kita, pasensiya ka na,
iyon ay dahil sa torpe ka.”
Humiling akong ligawan siya,
natuwa ako’t pumayag siya
mula noo’y palagi ko siyang sinusuyo
hanggang sabihin niya ang salitang ‘oo’.
Minahal niya ako,
at ganoon din ako
hanggang sa dumating sa punto
ng ika-lima naming anibersaryo.
Nagpakasal kami at nagparami.
Ang dating dalagang si Lenlen,
ngayo’y butihing asawa't responsableng ina
sa anak naming si Lena.