Gaano kalaki ang kaya mong isakripisyo para lang sa pagibig? Gaano kalayo o kataas ang kaya mong liparin para lang makasama ang minamahal? Gaano kalalim ang iyong susuungin? Kaya mo bang mag take ng risk sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Sinu sino ang kaya mong labanan para lang mapatunayan na tama ang pinili mong desisyon? Kaya mo bang labanan ang buong mundo? Kaya mo ba itong panindigan?
Sangkaterbang katanungan ang naglalaro sa isip ko habang nakasakay ako sa eroplanong Cebu Pacific flight 5J 143 mula Hong Kong papuntang Manila. Nanlalamig ang bawat kalamnan ko, samu't samong emosyon ang naglalaro sa dibdib ko. Excited na akong muli siyang makita matapos ang halos limang buwan naming pagkakalayo. Ako nga pala si Catherine, eighteen years old, half Chinese, half Filipino, at kahit alam kong magagalit ang buong mundo sa gagawin ko ay wala akong pakialam kung hindi masunod ang aking gusto. Eto lang naman ang tangi kong gusto sa buhay, ang makasama ang nagiisang lalake na minahal ko ng buong puso, si Jake.
Matagal na kaming magkaibigan ni Jake, mula nang mga grade school pa lang ata ay magkakilala na kami, pero kailan lang naman kami nagka develop- an. Or should I say, kailan ko lang siya sinagot. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin noon pa, ako lang itong hindi available. LOL. Pero dumating ang pagkakataon namin. Dumating ang time na na- realize ko na inlove na pala ako sa kanya. Hindi naman pala lahat ng tao nai- inlove sa unang beses niyong pagkikita, naisip ko na ang love pala ay pwedeng ma realize after five years or more. Maayos ang aming relasyon dahil meron kaming matatag na foundation (oha quotation yan), ang aming pagkakaibigan. Nakakakilig isipin ang mga panahong simple pa lang ang aming relasyon. Maglalandian sa isa sa mga bakanteng classrooms pag walang prof, o di naman kaya ay pupunta ako sa bahay nila para doon ituloy ang naudlot na paghahalikan at... uhm, alam niyo na yun for sure. Siya din ang ka partner ko noong nag debut ako and months after that, kinailangan kong pumunta sa Hong Kong para mag trabaho dahil hindi na biro ang gastusin ngayon lalo pa at panganay ako sa tatlong magkakapatid. Ang Mommy ko din kasi ay may sakit at baon na din naman kami sa utang kaya naman wala akong choice kung hindi gampanan ang responsibilidad ko bilang Ate, kailangan kong kumayod para makapag aral pa ang mga kapatid ko. Akala ko nga magiging madali ang long distance pero isang araw pa lang ata ako sa Hong Kong ay miss na miss ko na siya. Pakiramdam ko napakalayo niya. Araw araw naman kaming nagtatawagan, nagcha chat, we were trying to fill the long distance we have. And believe me, it's not easy. Minsan pa nga ay natatagpuan ko ang sarili ko na umiiyak hanggang sa makatulog.
Naniniwala ako na sa buhay ng isang tao ay magkakaroon siya ng isang soulmate, isang tao at ang tanging tao na makakapagpasaya sayo, he may either bring the best or the worse out of you, ang una at huling taong naiisip mo sa buong araw. Nakita ko yun sa katauhan lang ni Jake, kung kaya naman sa dami ng pinagdaanan namin ay nananatili kaming matatag.
Sa wakas naman ay nakahanap ako ng trabaho sa isang travel agency. Hindi ko akalain na kahit pala hindi ako nakapag tapos ng pagaaral ay may tatanggap sa akin dito, ibang iba sa Pilipinas na kailangan college graduate ka pa para lang maging janitor. Nag trabaho ako nang maigi, ayos naman ang sahod, pwede nang mabuhay muli ang pamilya ko. Hanggang sa hindi na ako makatiis, nag file ako ng leave for 3 days at ng ticket pauwi ng Pilipinas tutal kaya ko naman itong gastusan. Matagal na namin itong plano, ang magpakasal. Sinabi ko na iyon sa Daddy ko pero hindi naman siya pumayag, sino ba naman ang papayagang magpakasal sa edad kong ito? Kahit sinong kakilala ko ay sinubukan akong pigilan pero wala na silang magagawa pa dahil buo na ang pagiisip ko. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang pag iyak ng mga magulang ko sa aming paguusap. "Ma, eto talaga ang gusto kong gawin."
"Magkakamatayan tayo Catherine, hindi mangyayari ang gusto mo!" mahigpit niyang sabi habang ang Daddy ko ay tahimik lamang sa isang tabi. Hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon, I was actually thinking kung masama ba talagang ipaglaban ang pagiging masaya? Paano kong ito lang ang nakakapag pasaya sa akin? Sayang lang ang buhay ko kung mamamatay akong walang pinaglalaban. Kaya kung hindi ko man naidala ito sa santong dasalan, idadaan ko na lang ito sa santong paspasan. Pero papaano?
Wala ni isa man sa pamilya ko ang sinabihan ko na uuwi ako, this is it. Wala ng atrasan ito. Akala ko nga ay makakarating ako sa Pilipinas nang hindi nalalaman nina Mommy. Pero nangyari ang hindi ko inaasahan. Nalaman niya. Galit na galit siya nang mga oras na iyon, pero being the parents that they are, ihinatid pa nila ako sa airport. At eto na nga ako ngayon, nakaupo sa eroplanong ito na nilalamig. Nakalimutan ko na din kasing magdala ng jacket. Makalipas ang isang oras ay lumapag na din ang eroplano at dahil madaling araw ang dating ng flight na ito ay madali na lang ang pagdaan ko sa immigration at sa customs na mukha din namang antok na antok, it's one in the morning. Pagkalabas ko ng arrival hall ay hinanap ko sa mga taong naghihintay si Jake. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ang mga mata ko sa dulo at doon ay may nakita akong kumakaway. Muntikan nang tumalon ang puso ko at malaglag ang panty ko, si JAKE! Tumakbo ako papunta sa kanya, galak na galak na sa awa ng Diyos ay mayayakap na din kita. Naglapat kaagad ang aming mga labi ng ilang segundo, ang kanyang kanang kamay ay nasa likod ko, ang kaliwa naman ay nasa batok. Nararandaman ko na sana ang kanyang dila, pero nagsalita na ako kaagad. "Baka naman bukas ay nasa TV na tayo nito dahil sa eksenang ito."
"Tama ka, sa bahay na lang." aniya na pabiro. "Ang daming istorbo dito." Sumakay kami sa van na inarkila niya at kahit nasa van na kami ay pinigil pa din namin ang aming mga sarili.
Pagdating namin sa bahay nila ay hindi na kami nagaksaya pa ng panahon. Sabay kaming naligo at pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang kama na mukhang inayos niya para sa pagdating ko. Bago ang comforter, bago ang punda, bago ang lahat. Pinatay agad ang ilaw and then we made love.
Nang sumunod na araw ay tinanghali kaming nagising. Nauna akong naligo at saka siya sumunod. Eto na ang araw na ikakasal kami. Nilakad na kasi niya ang lahat, binayaran ang dapat bayaran kung kaya naman ay hindi na namin kinailangang dumaan ng seminar, hindi pa din nagbabago dito, nadadaan pa din ang lahat sa bayaran. Inaayos ko ang bag na dadalhin namin nang may napansin ako sa loob ng bag niya. Isang maliit na asul na kahon. Hindi ko akalaing nakabili na siya ng singsing. Wala naman kasi siyang sinabi tungkol dito. Dumating ang van na inarkila niya at kami na nga ay papunta na sa munisipyo ng Maynila. Hindi tulad ng mga normal na ikakasal, si Jake ay naka puting polo at maong na pantalon lang, isabay mo pa ang converse niyang rubber shoes. Habang ako ay naka itim na blouse na may bulaklak sa kaliwang dibdib at itim na skirt, sa paa ko naman ay nakasandal na 3 inches ang takong. At dahil nga late na kami ay mabilis ang patakbo ng van, nahuli pa kami ng isang traffic enforcer pero muli namin itong binayaran at kami ay nakadaan. Ang tanging witness namin sa araw na ito ay si Manong driver ng van. Pagdating namin sa Munisipyo ay naalala ko ang mga horror stories na napapanood ko sa TV tungkol sa lugar na ito, tama nga sila, it's a bit spooky here. "At dahil late kayo, kailangan niyong magdagdag dito." sabi ng matandang mukhang pera na reverend sa amin. Pero wala kaming choice, buti na lang at may perang dala itong si Jake at binayaran agad ang madaldal na reverend. Sabi niya tatlong oras na kaming late. Okay, kami lang siguro ang tanging taong ikakasal na late ng ganoon katagal. Nagsimula na nga ang seremonyas at nagtapos ang lahat sa mga katagang "you may kiss the bride".
Masaya kami nang araw na iyon, sa wakas at naikasal na din kami. Ilang gabi na lang ako dito. Balak namin, matapos ang ilang buwan pag nakaipon, ay kukunin ko siya sa Hong Kong at doon kami magsasama. Mas okay ang future doon. Alam kong magagalit ang mga magulang ko sa akin, pati na din siguro mga kaibigan ko, but who cares? Alam kong dadating ang panahon na matatanggap din nila kami, matatanggap din kami ng mundo. Ang importante lang sa ngayon ay masaya ako, eto ang kasiyahang hindi nababayaran ng kahit na ano o magkano.
Papalubog na ang araw at papauwi na kami sa bahay nila, magkahawak ang kamay at kitang kita ang pagkislap ng silver na singsing na suot namin na nagko konekta sa aming dalawa. Nakasandal ako sa lalakeng ngayon ay asawa ko na at sa ngayon ay wala na akong maihihiling pa. Baon namin ang isang pangarap na balang araw ay kakampihan din kami ng mundo...
(Eto po ay hango sa tunay na istorya)