Madaling araw na namang nakauwi si Isabella sa kanyang up and down na pamamahay na siya, dalawang katulong at isang driver lamang ang nakatira. Malakas ang ulan sa labas, pero dahil napayungan siya agad ng mga naghihintay na yaya, ni isang patak ay hindi siya nabasa. Isa iyon sa mga batas niya sa bahay na ito, malaki naman ang pinapasahod niya sa katulong kung kaya naman ay handang handa ang mga ito na gawin ang anumang gusto niya.
Magisa lang siyang nakatira sa bahay na iyon na sa Paranaque na may apat na kwarto at isang maid's quarter, pamana pa ito sa kanya ng kanyang mga magulang, na nasa high school pa lang siya nang mamatay ang mga ito sa isang plane crash sa ibang bansa. Nag warm shower si Isabella sa isang bath tub na may scented candles pa sa paligid niya, pati tubig ay may mga fresh na rosas pa, syempre hinanda din iyon ng kanyang mga mahal na katulong, pagkatapos niyang maligo ay pinunasan siya ng tuwalya at inalalayan sa kwarto nito. "Iwan niyo na po ako." utos niya kay Yaya Marie.
"Sige po Ma'am."
At muli siya ay magisa na naman.
Umupo siya sa harap ng kanyang salamin, kasabay noon ay isang kidlat na may kasamang malakas na kulog. "Akala mo ba natatakot ako sayo? Tumigil ka nga diyan!" aniya sa panahon sa labas na para bang may kaaway. "Kung akala mo nasisindak na ako sa pakidlat kidlat mo ay nagkakamali ka, hindi ako takot sayo!"
Walang sakit sa pagiisip si Isabella, kung yan ang inaakala niyo.
Galit lang talaga siya sa Diyos, sa poong maykapal. Sa kataas taasan. Matinding matindi ang galit niya dito.
Unang una hindi mo siya pwedeng husgahan sa mga oras na ito, iyon ay dahil, hindi mo pa alam ang istorya ng buhay niya, at malamang kung negatibo man ang magiging pananaw mo sa kanya ay eto ay dahil sa hindi mo pa napagdadaanan ang mga napagdaanan niya sa buhay.
Walong taon na ang nakararaan...
Malayong malayo ang Isabella noon sa ngayon. Ang Isabella noon ay isang mahinhing babae, masayahin, palangiti, positibo ang tingin sa mga bagay at laging iniisip ang kalagayan ng mga tao sa paligid niya. Gabi gabi pa siyang nagdadasal at linggo linggo kung mag simba, kasali pa nga siya sa isang youth group na tumutulong sa mga ibang taong nangangailangan. Dahil may kaya naman ang kanyang pamilya, wala silang problema sa pera, nakapag aral siya sa isang sikat na unibersidad, nakakabili ng kung anu anong magagarang damit. Sa mga panahon na iyon ay meron na din siyang nobyo na pitong taon, si Martin. Madalas silang magkasama ni Martin kahit saan sila magpunta, bata pa lang din ay magkaibigan na sila. At nang magsimula sila magaral ay magkaklase pa sila, hindi na nga surpresa kung isang araw ay ikakasal ang dalawa.
Nagbago lamang ang takbo ng buhay niya nang matanggap niya ang isang phone call mula sa kanyang Auntie, "P- Patay na ang Mama at Papa mo Bella..."
"Po?" Nagsimulang humagulhol ang auntie niya na nasa kabilang linya.
"S- sorry iha, nag crash ang eroplanong sinasakyan nila na papuntang Mexico." Nasa kalagitnaan ng honeymoon ang kanyang mga magulang nang panahon na iyon, hindi niya inaakala na makakatanggap siya ng ganoong klaseng balita.
"Hindi po Auntie, hindi po totoo yan..."
Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na din ang mga labi ng kanyang mga magulang. Walang ginawa si Isabella kung hindi umiyak ng umiyak, kung nakamamatay lang siguro ang pag iyak ay malamang nauna pa siyang nilibing. Pero hindi, ang sakit sakit na ng dibdib niya, at ng ulo niya sa kakaisip kung paano na ang magiging buhay niya. "Bella, kumain ka na naman." Buti na lamang at nasa tabi niya si Martin. Umiling si Isabella.
"Ayoko Martin, hindi ako kakain hangga't hindi sila tumatayo at nagsasalita at... at buhay. Gusto ko silang mabuhay Martin..." Patuloy pa rin sa paghihinagpis ang batang dalagita na para nang baliw sa pinagsasasabi.
"Bella, kailangan mo ng tanggapin na wala na sila."
"Bakit sila pa ang kailangang mamatay? Marami namang masasamang tao sa mundo ah, bakit sila pa?"
"Oras na nila Bella, kailangan na nilang pumunta sa lugar kung saan sila mas magiging masaya."
"No Martin, madamot siya. Hindi naman niya kailangan ng Mama at Papa ko ah, aanhin niya ba sila? Ano ang magiging silbi nila sa langit? Hindi ko maintindihan. Mabait naman akong bata, tumutulong ako sa lahat ng tao na pwedeng tulungan, I was willing to do everything good, but what did I do to deserve this?!!" Humarap si Isabella sa altar na nasa di kalayuan at sabay na inusal, "I hate you."
Lumipas ang ilang araw ay nilibing na din ang kanyang mga magulang. Mataas ang sikat ng araw, asul ang kalangitan, maririnig mo pa ang mga huni ng ibon, masayang masaya ang kapaligiran pwera lamang sa mga nagluluksa sa pagkamatay ng Mama at Papa ni Isabella.
Lumipas naman ang dalawang taon ay mayroong isang binalita si Martin kay Isabella na lalong nagpausbong ng galit nito sa nasa itaas. "Isabella," kinabahan siya nang marinig ang buong pangalan, hindi ito natural kay Martin dahil ang tawag nito sa kanya ay Bella lamang. Si Martin ang tanging karamay niya sa mga panahong hindi pa niya matanggap na patay na ang kanyang mga magulang. Si Martin lang din ang tanging tao na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, eto na din siguro ang huling dahilan kung bakit pa siya nabubuhay. "May pagtatapat sana ako sayo."
"Ano yun Martin?"
"Kailangan na nating maghiwalay."
"H- ha? Bakit?" Napalunok ang lalake na naka puting polo at itim na slocks, kasalukuyan silang nakaupo sa madalas nilang tambayan, ang swing sa isang lumang playground na mga bata pa ata sila ay naroroon na.
"M- magpapari ako." Lalong gumuho ang mundo ni Isabella nang marinig niya ang mga katagang iyon, para siyang nilunod ng tanging tao na inaasahan niya, yung tipong nalulunod ka na nga, nilulunod ka pa lalo, at ang masama doon ay hindi ka pa mamatay matay sa sobrang sakit na nararamdaman mo.
"K- kailan pa?" tanong niya kahit pa hirap na hirap na siyang magsalita.
"Matagal na, Isabella. Hindi ko lang masabi sayo dahil alam kong malaki ang galit mo sa kanya, sinubukan kong maibalik ang pagtitiwala mo sa kanya sa lahat ng paraan na alam ko, at alam ko etong pagsabi ko sayo ay hindi isa sa mga paraan, pero ang pitong taon ng buhay ko ay ginawa kong sayung sayo. Hindi naman siguro ako makasarili kung iisipin ko din ang buhay ko. Matagal ko na itong naiisip, pero hindi kita maiwan." Saka pumasok sa isip ni Isabella ang mga senyales na hindi niya pinansin matagal na. Kaya pala sa pisngi at noo lang siya nito hinahalikan, kaya pala hindi niya madalas hawakan ang kamay ko, kaya pala hanggang ngayon ay birhen pa din ako, kaya pala mabait siya sa lahat, at kaya pala panay ang pagtatanggol sa kanyang nagiisang kaaway. "Wag ka sanang magalit sa kanya, wag mo ibuhos sa kanya, sa akin ka magalit Isabella, nagsinungaling ako sayo." Pero hindi na siya nakapagsalita, tumalikod na lamang siya at umalis. Sinubukan niyang umahon mula sa pagkakalunod.
Lumipas ang ilang taon, nakagraduate na siya sa kolehiyo, at dahil siya naman talaga ang nagiisang tagapagmana ng kumpanya na tinaguyod ng mga magulang niya ay hindi na siya nahirapan, at dahil din sa kanyang pagkakadalubhasa sa real estate ay mas lalo niyang napalago ang naipundar ng kanyang mga magulang. Hindi siya naghirap pagdating sa pera. Lahat ng pwede niyang bilhin ay binili na niya, isa na dito ang pagibig. Hindi na siya nagkanobyo pang muli mula nang nakipaghiwalay sa kanya si Martin na balita niya ay nasa malayong probinsya na. Bagamat marami pa ring nanliligaw, hindi niya pinapansin ang mga ito. Mahirap na, baka masaktan na naman siyang muli. Natutunan niya na kaya nga palang bilhin ng pera ang lahat ng bagay sa mundo.
Katatapos lang ng party ng isang kaibigan niya na may ari ng fashion line, naghihintay na siya sa kanyang driver nang biglang bumuhos ang kanina pang nagbabadya na malakas na ulan. Alas onse na ng gabi at iilan na lamang ang tao sa establisyementong iyon. "Hilo mam, bad news po, nasiraan po ang sasakyan natin. Malabo na po na masundo pa namin kayo."
"Anong sabi niyo? Paano ako ngayon makakauwi niyan?"
"Mam pasinsya na po, grabe po talaga ang lagay ngayon, hahanap pa po ako ng magaayos nito tapos tatawagan ko po kayo."
D%mn it. Napaupo si Isabella sa isang bench sa lobby, sabay napapikit. Kanina pa siyang umaga dito at pagod na pagod na siya, bigla niyang na miss na naman ang kanyang malambot na kama. Pagdilat niya ay nabigla siya sa nakita. Hindi niya akalain na isang maliit na chapel pala ang kaharap ng malahiganteng building kung saan siya nakaupo.
"Hi miss." bati ng isang lalake, nakaputi ito, clean cut, pati sapatos ay puti. Hindi ito pinansin ni Isabella at nagpatuloy na lang ito sa paglalaro ng kanyang telepono. "Miss yohooo! Pwede mo naman po i pause yan." Yun nga ang ginawa niya at sabay na tiningnan ang lalake, dimples ang unang napansin ni Isabella, mapungay ang mga mata nito, mapula ang manipis nitong labi. "Kamusta ka?"
"Sigurado ka ba na ako ang kausap mo?" Tumango ang lalake.
"Oo ikaw nga."
"Anong kailangan mo? Pera ba? Hindi ka naman mukhang pulubi ah."
"Haha, miss naman, sa gwapo kong ito mukha ba akong pulubi?"
"Hindi naman, mukha kang... nagsosolisit. Anyway wag mo na ako pagaksayahan ng panahon, pwede?"
"Uhm pwede kitang ihatid sa bahay niyo kung gusto mo."
"Ha? Talaga? Paano?"
"Naniniwala ka ba sa hiwaga ng Diyos?"
"Ha?"
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong pinadala niya ako sayo para tulungan? Isabella ang pangalan mo, tama?" Nabigla siya sa narinig. Ano ang pinagsasasabi ng lalakeng ito? "Alam kong malaki ang galit mo sa kanya pero sana 'tol wag naman ganoon."
"Wow, hindi ka pala solicitor, manghuhula ka pala."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala, napagutusan lang talaga ako." anito nang nakangiti kahit pa puro pagtataray lang ang ginagawa ni Isabella.
"Anong sindikato ka ba? Papatayin mo din ba ako at kukunin ang mga laman loob? O baka naman engkanto ka?"
"Alam mo, hanga na ako sayo, lakas ng loob mo. Mukhang wala kang kinatatakutan. Tama nga si Manong God."
"Whatever." anito, Sugo nga ba siya ng Diyos? Kung makapagsalita ang lalakeng ito parang hindi siya pangkaraniwang tao. Lalong lumakas ang ulan at nawalan na din siya ng signal sa hindi malamang dahilan.
"Sa ganitong ulan, sa tingin ko kailangan mo na talaga ng tulong ko."
"Paano mo naman ako matutulungan? May sasakyan ka ba? Ite teleport mo ba ako?"
"Hmm, malapit doon sa sagot mo." anito. "Ano, payag ka ba?" tanong ng lalake. Nagdadalawang isip pa sana siya nang bigla na lang siyang halbutin ng lalake ito at niyakap siya bigla, nabigla man si Isabella, sa hindi na namang malaman na dahilan ay hinayaan niya lang ito. Para bang meron itong kapangyarihan, dahil sa tigas ng loob ng Isabella, nakayanan siyang pasunurin ng lalake. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang samut samong emosyon, mga emosyong hindi niya naramdaman sa matagal na panahon. Nakaramdam siya ng saya, ng pagmamahal. Napapikit siya, at maya maya ay idinilat niya ang kanyang mga mata, tanaw tanaw niya ang chapel. Yakap pa din siya ng lalakeng nakaputi na tila magaan ang mga kamay, para siyang nakalutang sa hangin, muntikan pa siyang maluha dahil unti unting gumagaan ang loob niya, para siyang nasa... langit. And for the first time in many years, she found peace on that single embrace of a stranger
"Uhm, a- ano nga pala ang pangalan mo?" Naramdaman ni Isabella ang paghigpit ng yakap nito, nakaramdam siya ng pagyanig. Lumilindol ba?
"Ako si Gabriel..."
Napabalikwas si Isabella mula sa kanyang hinihigaan, nasa kanyang kwarto na siya. Napatingin siya sa bintana, malakas pa din ang ulan. Nasapo niya ang ulo, "Panaginip lang ba iyon?" aniya. Tumayo siya sa kanyang higaan at isinuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok, para siyang may nasapo sa ulo, nang tingnan niya iyon, nakita niya ang isang piraso ng puting pakpak. "Saan ito galing?" Saka lang naisip ni Isabella na suot niya pa din pala ang suot niya kanina sa party ng kaibigan. "Nalasing ba ako kanina? Wala naman akong ininom? Bakit hindi ko maalala kung paano ako nakauwi?"
Lumabas siya ng kwarto at bumaba patungo sa kusina. "Yaya, yaya?? Pakuha nga po ng tubig." Parang nakakita ng multo si Yaya Marie nang makita siya. "Anong problema?"
"Eh kasi po Ma'am, katatawag lang po nung driver, sabi niya nasa talyer daw po siya, pinapaayos yung sasakyan, sabi niya po sa akin, hindi niya daw po kayo ma contact. Eh hindi naman po kayo nagta taxi di ba Ma'am? At sa alam ko po kahit anong mangyari, hihintayin niyo talaga ang driver, paano po kayo nakauwi?"