Nawala ako pansamantala sa mundo ng pagsusulat at eto ay dahil sa napakaraming dahilan. Ilan sa inyo paniguradong kilala ako, pero may iba na nagtatanong kung sino ba talaga si Princess Cindz? Sino ba itong babaeng ito at bigla na lang sumulpot sa page na ito? Sino ang babaeng ito na puro tungkol sa pakikipagtalik o puro makukulit na kwento ang isinusulat?
Sa beinte unong taon ko dito sa mundo, pakiramdam ko matanda na ako ng isa pang dekada. Dami ko ng naranasan. Masasakit, masasaya, minsan parang baliw na mixed pa. Isa akong tipo ng tao na "spontaneous" kung sa Ingles, yung tipong ayokong umupo lang sa isang tabi at manood ng TV, isa akong klase ng tao na gusto kong palaging may ginagawa. Isa po akong workaholic. Kung hindi ako nagtratrabaho, nasa bahay ako at nagluluto (tulad ng pangkaraniwang mga tao), naiirita ako pag may isang pirasong alikabok sa pamamahay ko, naiinis din ako pag madumi ang bedsheet. Ako ang tipo ng tao na dapat palaging may ginagawa, gusto ko palaging may tubig sa ref, gusto ko warm water ang pinapaligo ko, gusto ko, gusto ko, gusto ko. Marami din akong gusto. At dapat kung anuman ang gusto ko, yun dapat ay makukuha ko sa lalong madaling panahon.
Ang hirap isipin. Napaka over crowded ng utak ko, ng isipan ko, no wonder kung kaya siya nag shut down na lang bigla at all of a sudden, ayaw ko munang magsulat, ayaw ko munang kumilos, gusto ko lang manood, mag relax. Mga ganoong bagay. Napalitan ng pritong hotdog at itlog ang mga especialty ko tulad ng Bicol express o Sisig. Naka online nga sa facebook at sa kung anu ano pang social networks, pero nakatulala lang, nakikibasa sa mga kung anu anong status ng ilang kaibigan o mga kakilala lang.
Napansin ko sa aking sarili na hindi ako natatawa sa mga simpleng jokes lang, hindi na ako basta basta namo move sa mga nababasa kong sangkaterbang libro ko dito sa bahay, narealize ko ang hirap pala talagang i please ang sarili ko. Hindi na ako basta basta nakakapag react, dahil sa totoo lang wala akong pakialam sa sinasabi o ginagawa ng ibang tao. Ang naiisip ko lang ay ang sarili ko, bumabangon ako sa umaga, I do my work and sleep at night.
I just need something so real, something bigger and powerful, parang langit, yung magpapagising sa aking dugo na dumadaloy pa din sa buong katawan ko.
Kaya pala puro tungkol sa $ex ang mga sinusulat ko, iyon lang kasi ang nakakapagpaligaya sa akin, yun lang ang nagpaparamdam sa akin na buhay pa ako, sa sandali lang kasi na yun ko nararamdaman ang tunay na sarap, ang tunay na ligaya. Pagdating sa ibang bagay, I feel so numb, manhid na kung manhid na para bang may nakabalot na makapal na ozone layer sa aking pagkatao.
Sa aking hubad na pagkatao.
Chubby na katawan.
Kailangan ko nga palang mag diet no? Paano naman ako makakapag diet kung kada isang oras bumabalik ang gutom ko.
Mage exercise na ako next month. Hmm, yan din ata ang sinabi ko last month, last last month, last year, last week. Pero ano, hanggang pagplaplano ko na lang ba ang pagda diet?
Teka yan na lang muna sa ngayon, pahinga muna ako. Kung anu ano na naman ang sinasabi ko. May villa pa akong palalaguin sa smurfs' village.
Babush!