Isang umaga.
Tulad ng araw araw na nangyayari, nag alarm ang cellphone ni Mario kasabay ng pag tilaok ng mga manok, dahan dahan naman siyang babangon habang ang kanyang may bahay na si Belinda ay agad agad na bumangon at tumungo sa kusina para ipaghanda na ng almusal ang asawa at ang dalawang anak na ilang sandali na lang ay papasok na ng trabaho at eskwelahan.
Habang si Belinda naman ay abalang abala na sa kusina ay papasok sa banyo si Mario at doon ay magsisimulang maligo. Malayo pa ang pinapasukang opisina nito, halos dalawang oras ang biyahe kung kaya naman ay kailangan na niyang kumilos. Paglabas niya ay nasa mesa na ang dalawa niyang anak, sina Jan Jan na pitong taong gulang na siyang bunso at panganay na si Chin Chin na nasa first year high school na. Nakahain na agad si Belinda na parang si Darna lang kung kumilos, sa sandaling panahon na naliligo si Mario sa banyo ay nakasaing na si Belinda at nakaprito na din ng ilang itlog at hotdog.
Pagkatapos niyang magalmusal ay magmamadali itong si Mario sa pagalis dahil kung hindi pa siya lalarga ay male late na naman siya. Bago siya umalis ay hinagkan niya sa pisngi ang asawa at ang dalawang anak na bagal na bagal pa din sa pagkain. "Dalian niyo na mga anak at baka ma late pa kayo." pagpapaalala pa ni Mario habang paalis ng gate.
Buti na lamang at pagdating niya sa tricycle station ay naabutan niya ang isang van na siyang didiretso sa Makati. Nagbayad muna siya ng Php 70 para sa kanyang pamasahe at saka siya umupo sa may pinakalikod ng sasakyan dahil ito na lang ang natitirang pwesto.
Isang accountant si Mario sa pinapasukang opisina, treinta siete na ito, bagamat magandang lalake ito ay dahil sa edad ay nagmumukha na din itong manong dahil sa balbas at ilang kulubot sa mukha nito. Naka blue siya na long sleeves at naka slocks sa pambaba. Halos labing limang taon na din sila nagsasama ni Belinda, at tulad niya ay lumipas na din ang dati nitong alinbog, mula kasi nang nanganak ito ay hindi na bumalik ang dati nitong figure. At dahil nasa bahay na lang, kung kaya naman ay medyo nalo losyang na din ito.
Nakaidlip pa si Mario nang kaunti nang makarating siya sa mismo sa building na pinapasukan, pumara siya at bumaba. Nag time in at saka umupo sa kanyang upuan at binuksan ang PC. Dahil high budgeted ang may ari ng kumpanya ay meron siyang sariling opisina. Ilang oras niyang trinabaho ang ilang files na kinailangan niyang tapusin. Pero nang wala na siyang gagawin ay nag surf muna siya sa net. Tulad ng ilang nagoopisina ay meron ding bisyo itong si Mario sa computer, para naman kasi ma relax relax kahit papaano ay nagbro browse siya ng facebook kahit pa 20 friends lang ang naka add sa kanya. O di naman kaya ng mga forum sa kung anu anong mga sites. Sa di akalaing pagkakataon ay meron siyang natanggap na mail sa hindi kilalang nilalang. Ang subject pa ay "F*bu" 'Anong F*bu?' natanong pa ni Mario sa sarili habang kamot kamot ang kanyang ulo. 'Sent by Jillian'. Sino naman itong Jillian na ito? In-open niya ang email at saka ito binasa.
Pwede ba tayong maging friends? Add mo ko shy_gurlsz0112. Nabasa ko kasi yung post mo doon sa F*bu na forum, maybe you're interested.
Biglang kinabahan si Mario, sa tanda niyang iyon at kinabahan talaga siya na para bang kinilig na hindi niya maintindihan. Agad agad siyang nag sign in sa yahoo at ini add nga yung kung sinong tao ang nagpapa add sa kanya. Para siyang teenager na mixed emotions, "Parang true love na ito." aniya sa sarili kahit pa meron na siyang asawa at dalawang anak. Ganito siya kabagot sa buhay niya na kahit simpleng mensahe lamang, nagiiba na ang pakiramdam niya.
Naghintay siya ng ilang sandali, maya maya lang ay biglang may nag buzz sa kanya at ganito ang kanilang napagusapan.
Mario143: hi!
shy_gurlsz0112: asl mo po.
Mario143: ha? ano phong asl?
shy_gurlsz0112: age, sex, location?
Mario143: Ahh, um, 37 Male Makati, ikaw?
shy_gurlsz0112: 25 F Quezon
Mario143: Ahhh layo pala.
shy_gurlsz0112: Nabasa ko yung post mo doon sa thread, nakakatawa ka, ang sabi mo doon tigang na tigang ka na?
Mario143: Oo, :))
shy_gurlsz0112: Bakit naman? Wala ka bang gf o asawa?
Mario143: Married ako, kaya lang yung asawa ko wala ng kagana gana sa s*x.
shy_gurlsz0112: Aww, why naman?
Mario143: Hindi ko alam eh, feeling ko lagi niya akong nire reject. Ilang buwan na.
shy_gurlsz0112: That's a very sad story, maybe we can do something about it.
Mario143: Ano? What you mean?
shy_gurlsz0112: Maybe we can DO something about it!
Mario143: Ahh, hehe paano naman mangyayari iyon?
shy_gurlsz0112:Do you have a webcam?
(Nagisip sandali si Mario, wala siyang webcam pero pwede niyang hiraman yung IT nila. Kaya ang ginawa niya ay pumunta siya sa opisina ng IT at nanghiram ng webcam.)
shy_gurlsz0112: Asan ka na?
Mario143: Nanghiram ng webcam, hehehe.
shy_gurlsz0112: Oh that's good. We trust each other naman di ba? Wala naman sigurong manloloko sa atin? Baka kasi pag pinakita ko hitsura ko, baka ipakita mo sa iba. Gusto ko sana secret lang natin ito.
Mario143: Hindi naman ako ganoong lalake, mabait ako at pwede mong pagkatiwalaan.
shy_gurlsz0112: Well if you say so... :) Actually didiretsuhin na kita, tulad mo tigang din ako, kailangan ko din ng someone. Kung papayag ka, pwede tayong mag cyber dito.
Mario143: Talaga??? :D
shy_gurlsz0112: Oh yes my dear.
Binuksan ng dalawa ang webcam at saka lang nakita ni Mario ang hitsura ng babaeng ito. Hindi ito tulad ng inaasahan niya, akala niya kasi mga pangit lang o rejected ang mga gumagawa ng ganitong desperate moves. He's wrong, Jillian is a sure beauty. Maikli ang buhok, pulang pula ang mga labi, magandang mga mata, makinis ang balat, lahat ng katangian ay maganda. Ang background nito ay sarili nitong kama na color maroon pa ang bedsheet.
Mario143: Ang sexy mo pala... sure ka ba na gusto mo itong gawin?
shy_gurlsz0112: Tatanggihan mo pa ba ako?
Mario143: Hindi syempre :)
shy_gurlsz0112:Basta secret lang natin ito ha.. :)
----------------------------------------------------------------------------------------
Matapos ang ilang minuto ng paglalandian, sa wakas at nagawa na din nila ang kailangan nilang gawin. Napasandal si Mario sa kanyang upuan at napapikit at napasandal sa kama naman sa kabilang banda si Jillian.
Mario143: Okay ka lang ba?
shy_gurlsz0112:Oo naman, thanks ha! Pinawi mo ang pagkatigang ko.
Mario143: Okay lang, ikaw din naman eh. Sana maulit pa ito.
shy_gurlsz0112:Sana nga. Uhm, I better go.
Mario143: Teka kailan kita ulit makaka chat?
shy_gurlsz0112: Makikita mo naman ako kung kailan ako online di ba? hehe, cge na bbye!
Punung puno ng katuwaan sa puso si Mario, sa wakas ay magkakaroon na siya ng bagong karomansa. Bagong adventure sa buhay niya. Para siyang nagka amnesia dahil nawala sa isip niya na meron na nga siyang mga anak at asawa na kaninang umaga lang ay kasama niya. Dumating lang si Jillian, nagiba na ang mundo niya. Kailan lang ba ito dumating? Kaninang umaga lang naman, dalawang oras na ang nakakalipas, pero feeling niya kilala na niya ito buong buhay niya. Alam niya bukas sila ay magcha chat ulit. At sisiguraduhin niya na sa pagkakataong ito ay magsasabi siya na magkita na sila at pag nagkita na sila napagdesisyunan niyang magtanan na sila, magkakalayu layo, patungo sa isang lugar na hindi sila nakikilala at doon sa lugar na yun ay magsasama sila ng masaya.
Buong araw ay naging masayahin si Mario, hindi tulad dati na para bang walang kaekspresyon ekspresyon ang mukha. "Tol, ginagamit mo pa ba yung webcam mo? Pwede bang pahiram na muna." tanong niya kay Lando na siyang IT ng kumpanya.
"Hindi na naman, bumili na naman ako ng bago. Sayo na lang yan."
"Talaga? Salamat Tol!" anito na may matching yakap pa. "Halika treat kita sa may carinderia sa labas." pagyayaya pa nito. Nagtataka man si Lando ay pumayag na lang ito sa gusto nitong mangyari.
Paguwi ni Mario sa bahay ay dire diretso siya sa banyo, hindi na niya pinansin ang asawang nagtatanong kung ano ang gusto nitong ulam o ang kanyang anak na si Jan Jan na nagpapakita ng drawing nito sa isang bond paper. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang magandang mukha ni Jillian at kung paano siya inakit nito kanina.
Pagkalabas niya ng banyo ay tahimik siyang kumain at uminom ng tubig. Tumutungo lang o umiiling. At hindi tulad ng nakagawian niya, ay dumiretso na siya sa kama para matulog, nagdahilan na lamang siya na masakit ang ulo para wala ng umistorbo sa kanyang pagiimagine ng mangyayari bukas.
Sa wakas at kinaumagahan na, kahit hindi pa nagaalarm ang kanyang phone ay gumising na si Mario. Nagmadali siya sa pagligo at kahit hindi pa kumakain ay umalis na siya sa kanilang bahay at sa pagkakataong ito ay hindi man lang niya pinansin ang kanyang asawa at dalawang anak. Asar na asar pa siya sa traffic, kung pwede nga lang ay takbuhin niya na lang papuntang opisina.
Pagdating sa opisina, hinanda niya ang webcam at nag sign in sa yahoo. Ilang sandali siyang naghintay, at ilang sandali pa, hanggang sa mag dalawang oras at hanggang sa mag lunch break ay hindi pa din lumilitaw si Jillian. ''Nasaan na kaya siya? Hindi niya ba ako na miss? Miss ko pa naman siya..."
Ang hindi niya alam, kahapon pa lang, matapos pa lang ng pagcha chat nila ni Jillian ay na block na siya nito at kailanman ay hindi na ito makikipag chat sa kanya. Yun kasi ang madalas nitong gawin, maghahanap ng lalake sa net sa tuwing natitigang ito, makikipag chat at makikipag cyber. Ayaw niya kasing mainlove sa kahit na sino, ayaw niya din ng actual boyfriend talaga, gusto niya lang ng ganitong gimik. Sa ganitong paraan kasi, walang hassle.
Habang si Mario naman ay inlove na inlove sa babae, kinahapunan ay feeling heartbroken ito dahil ni anino ni Jillian ay hindi niya nasilayan. Late na nga siya umuwi dahil hanggang alas nwebe ay hinintay niya pa din ang pag sign in ni Jillian, nag message na siya dito ng ilang beses, pero wala man lang reply. Napaluha pa na lamang siya ng pasakay na siya sa elevator...